Home PEx Lifestyle Home and Garden
Join our PEx Olympics Quiz Night and win GCash prizes! 🏅

Selera Homes Santa Maria Bulacan

Any feedbacks about this subdivision?
«1

Comments

  • pre-selling pa lang po sya. galing kami sa site last week, batch 1-3 pa lang po ang nagagawa. actually i ended up reserving 1 unit here :) sabi sakin ng borland staff 2nd quarter next year ang expecting turn over nila ng unit sa mga kumuha nito.
  • hi madam, alam nyo po ba ang sukat ng bawat lapad at haba ng floor ng selera?? nag pareserve na kase ako last week, nasa block 21 ako at pina ka last na itatayo at mga 2 and half yrs pa daw bago matirhan. . . masaya akong makakasama ko po kayo dun. . . thanks po sa reply. .
  • ang alam ko po,floor area standard 28sqm, yung lot area depende po sa sukat ng lupa..from front to back..anong batch po yung nakuha mo?if you don't mind, sino pong agent nakausap mo dun sa selera?
  • hindi ko po alam eh, pero ang alam ko po, yung aken po ang pinakahuli, kase po reopen lang yung nakuha ko. . . si ms. dahlia po ang nakausap ko. . ang gusto ko sana malaman yung lapad at haba ng ground floor. ..
  • same po tayo, ako waiting for reopen ng unit kasi corner unit yung open last sunday..di ko kaya monthly equity ng corner.so waiting ako..nakapag sign ka na po ba ng contract sa selera?hindi ka po ba nila binigyan ng location map?
  • meron na po akong location map, tapos pumirma na po ako at nakasaad po sa pinirmahan ko yung exact location ng nakuha ko. . .
  • marame na din po bang mga bahay na nakatayo??? mga ilan po ang tantya nyo maam??
  • more or less nasa 30-50 na yung nakatayong houses dun..sir san mo po nameet yung agent mo?ako po kasi dun lang sa site..yung nag pay ako for reservation dun kami pumunta sa office nila sa tungko pero sabi po sa akin kapag may open slot na at gusto ko yung location dun daw po ako mag sign ng contract sa selera office..nag start ka na po ba ng monthly amortization mo?or monthly equity?magkano po ba exact amount ng monthly equity saka monthly amortization?
  • AnneleiaAnneleia PEx Veteran ⭐⭐
    hi lovelymitch, does it mean ba na nagpay ka na ng reservation fee kahit wala pang slot na available?
  • yes po, every week kasi may inventory sila..meron kasing iba na nagpupull-out..2 weeks ago po kasi may available unit kaso la naman akong dalang money for reservation nun..nung sunday pumunta ko 2 corner unit ang available kaso po di kaya ng budget ko monthly equity nun kaya waiting ako ng inner unit. yun din naman sabi sakin ng selera. hanggang di pa ko nakakakuha officially ng unit hindi muna ko mag start ng monthly equity ko.
  • AnneleiaAnneleia PEx Veteran ⭐⭐
    how much is the RF ba? Ilang buwan ang validity ng RF? Kasi ang alam ko, magbabayad ka lang ng RF once yung gusto mo na property/slot is available and irereserve mo for a certain period, say a month. Within this month period, dapat macomply mo na requirements mo for the loan. Kung nagbayad ka na, tapos walang available slot, hindi ba mapoforfeit yung binayad mo?
  • Anneleia wrote: »
    how much is the RF ba? Ilang buwan ang validity ng RF? Kasi ang alam ko, magbabayad ka lang ng RF once yung gusto mo na property/slot is available and irereserve mo for a certain period, say a month. Within this month period, dapat macomply mo na requirements mo for the loan. Kung nagbayad ka na, tapos walang available slot, hindi ba mapoforfeit yung binayad mo?

    5k po RF.hindi pa po official yung RF ko kaya po wala pa xang expiry. Sa location/slot wala naman pong problem kasi kahit saang block okey lang..if ever naman may mag open na mas magandang slot madali lang po mag transfer. After equity pa po ako magpapasa ng req. Kasi maexpired lang yun.dahil ang totoo po kadalasan after mafull pay ang equity dun pa lang inaasikaso ng broker sa pag ibig yung housing loan application.yun din po sabi sakin sa pag ibig nung nag inquire ** sa kanila.
  • Once po pala na official na *** reservation after 1 month need na magbayad ng monthly equity kapag hindi nakabayad that the time na mapoforfeit na yung RF.
  • Magandang madaling araw po sa inyo. .nameet ko po si agent sa olx.ph . . Then nagkita kame, sa fairview, at nag tour kame sa site. . Eh isa lang available, kaya hindi muna ako nagpa reserve, then tinext nya na ako at nagsabeng my mga available na na units, kase my mga nag back out. . At yun, pumunta na po ako sa office nila sa nova at nag sign ng mga papeles. .Kinuha ko yung sa pinaka huling block, kase malapit sa entrada ng subd. .inner lang kinuha ko, Dis nov. 15 na ako mag start ng equity, 6k plus ang monthly ko for 15months madam. . Kase tinaas ko ng 105k ang equity including na yung 5k na RF. . Tapos sa 30yrs ko, 1.8k ang monthlt ko. . Bumaba gawa ng binomba ko sa equity. . 30 monts from now ko pa pwedeng matirhan gawa ng ang pwesto ko yung pinaka huling block na gagawin. . So my 15 months akong pahinga sa pagbabayad, after ng 15months na equity. .pero kung may pera ako, maghuhulog pa ako ng equity para bumaba ng bumaba ang monthly ko sa pag ibig. . Pero maam mitch, pwede naman po yung ginawa nyo na nagpareserve kayo, dapat lang po lage nyong kulitin yung ahente nyo para ma update po kayo sa reopen na pwesto. .Guys, i-up lang natin tong thread na to para updated tayo kung ano ang nangyayare sa bahay natin. . Para masiguro natin ang pangarap na magkaron ng sariling bahay. .
  • hi sir, same po pala tayo..ang target ko din po kasi yung huling block pero po for a mean time kapag may nag open na unit na kahit anong block igagrab ko na po kasi pwede naman po mag transfer if ever may maopen dun sa last block..kelangan lang makapag start na ko sa equity.ikaw po pala yung nakakuha nung sa last block hehe..kasi yung nag open po yun nagtxt sakin yung agent ko kaso po wala naman akong pera pang reserve naghintay pa ko ng sahod hehe..btw sir sang site kayo pumunta?sa northfairway po ba?kasi nung pumunta kami sa selera hindi open yung model unit nila kaya dun kami tinuro ng guard sa northfairway para makita namin yung model unit..pero pumasok kami sa gate ng selera tiningnan namin yung loob nila yun nga lang hindi pwede dun sa house.dun ko po nameet yung agent ko.dapat po ba magkano lang ang monthly equity mo kung hindi mo pina adjust?naka line up pa din ako sabi ng agent ko..weekly ko nga sya kinukulit hehe..
  • opo, bali sumabay lang ako sa ibang kukuha ng bahay sa northfairway, at meron pang isa eh, nalimutan ko na eh, tapos nung huli, yun, selera na , . . ako lang mag isa . . pinapasok naman yung sasakyan namin pero, tinanaw lang namin yung mgabahay kase my mga hukay pa po. .. kung hindi ako nagkakamali october 3. yun. . . tapos nung oct. 14, sinabihan ako na may re open na . . . kaya sobrang aga ko nung oct. 15 para makapilil ako, yung my 11 unit na reopen , napili ko yung huling block dahil, maganda kac malapit sa entrada. . . . kahit huling gagawin, ok lang, kase binata panaman po ako, at para makapghanda pa kung my maicp na nrgosyo, . . . pero maam, gusto ko din sana magpalipat sa corner or end, basta ang lot is hindi lalampas sa 40sqm. para kayanin ko yung monthly ng pagibig. . . kaya lang nainform ako na my bayad na 1.5k kung papalipat. . . willing naman ako magbayad. . . kung hindi ka pa po nakakapili,dapat po pili na kayo, para iwas bayad ng 1.5k . . . hehehe. . .
  • tama po oct 14 din nag txt sakin yung agent ko nun..may bayad nga po 1.5k kapag nagpalit ng unit..sana po may mag open ulit dun sa area mo para iwas bayad ako ng 1.5k hehe..inform mo ako sir kapag lilipat ka sa corner/end unit..baka sakali ako kumuha ng unit mo :)
  • hehe, bute nalang naunahan kita. .hehe . .sige sige, . . balitaan na lang tayo dito ma'am, . sana makakuha ka ng magandang pwesto. . .GODbless
  • God bless din po sir..tnx
Sign In or Register to comment.