Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
COMMUNITY NOTICE: PinoyExchange will be under maintenance from February 13, 2023 to February 19, 2023. We will be on read-only mode. Please note that during this time, you can still access the forum and content, but user activities like new threads and comments, etc. will temporarily be unavailable. We apologize for any inconvenience.

Subtle messages from a girl

Hi guys. Ask lang ako ng insights niyo regarding my situation.

Inintroduce ako ng isa kong kaibigan dito kay girl some time 2010. Dahil nga malakas ang sense of humor ko plus mahilig din ako sa music at sa mga outdoor adventures tulad niya, nag-click kami. Sa tinagal-tagal ng panahon wala talaga akong naramdaman sa kanya kundi hanggang kaibigan lang talaga. Just last year naghiwalay kami ng girlfriend ko. Single din siya that time. As usual, nagkayayaan kaming mag-out of town. OK lang naman ang trip like before.

Nagkabalikan kami ng girlfriend ko kaya lang mula noon, pinagseselosan nya na si girl. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya na wala talaga (at alam ko naman talaga na wala), pero parang hindi nya tanggap na nagkasama kami ni girl sa isang trip na kaka-break lang namin. Eventually dala na din sa selos nya, doon ko tuloy naramdaman na meron nga'ng something.

At di ko alam pero lalong nagka-close na kami ni girl ngayon. Yaya dito, yaya doon (ngayon nga lang nagtext na mag-iinuman daw kami. As in now na! Haha!). Nung talagang na-feel ko na mahuhulog na talaga ang loob ko sa kanya, medyo nagdistance ko. Ayaw ko rin naman na masaktan ang girlfriend ko. Baka kasi infatuation lang yun kaya di ko sinagad.

Now ang situation ko ngayon is ganito: palaging nagyayaya itong si girl na mag-out of town ulit. Or mag-lasing talaga yung totoong lasingan. Or mag-lunch out ng sabay (siyempre with friends). Is she still just being friendly like before? Parang x100 yung pagiging makulit nya kasi lately. The thing is, ayaw ko rin sabihin sa kanya na nagseselos ang girlfriend ko kasi baka mag-iba pa pakikitungo nya sa girlfriend ko. Sayang rin ang friendship namin. Sa tingin ko kasi napaparanoid lang ako. Hehe.
«1

Comments

  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pumayag ka na bro. Tapos kan-too-tin mo na! Dinadamay mo pa kami sa dilemma mo e. Gawin mo ang dapat!!! Tapos post FR with pics please. :glee:
  • lol joby..hahahaha!!pag nagkataon eh di jackpot!!hahahaha!!
  • RaffeiRaffei PEx Veteran ⭐⭐
    Pag may alak may balak..
  • The_trutherThe_truther PEx Veteran ⭐⭐
    As you already have a girlfriend you should not be spending time with this other girl anymore. If you are into out-of-town activities and drinking sessions, you should be doing these with your girlfriend!

    ~The_truther
  • DaugGreenDaugGreen PEx Veteran ⭐⭐
    Eh sino ba talaga priority mo yung gf mo o etong drinking buddy/out of town buddy mo? Kung nasagot mo yan, alam mo na.

    Baka sa ibang buddy mapunta yan.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yan ang hirap sa mga TS ngayon hindi marunong mag FR!
  • @Truther, forgot to mention. Di nga pala kami masyadong nagkakasama ng GF ko kasi busy siya sa work. Pero syempre pag nandyan siya kami magkasama. Niyayaya ko rin naman girlfreind ko sa mga out of town trips ko pero siya mismo ang nagde-decline kasi 1 day *** yung day off nya every week. Tapos yung pagspend ko ng time kay girl is purely out of friendship lang naman. Sa lahat nga mga kaibigan ko kasing babae siya *** pinagseselosan ng girlfriend ko. Di ko alam kung bakit di siya nagseselos sa iba. :|

    @DaugGreen, Siyempre priority ko si GF. Naparanoid lang naman ako kasi nga parang dahil sa pagseselos nya kay girl, baka nami-misinterpret ko na yung pagiging friendly nya.

    @balbolski, ano yung FR? Hehe.
  • DaugGreenDaugGreen PEx Veteran ⭐⭐
    Nagseselos siya dahil baka naiinsecure siya at mas madalas mo pang kasama tong girl bud mo kesa sa kanya. Read between the lines. Kung ayaw mo ng issue or complications in the future, bawas bawasan mo na pag dikit dyan sa girl bud mo.

    Like what you said first priority mo gf mo, so kung ano man ang nafefeel niya or gusto niya yun ang susundin mo. Tama?
  • jourdsjourds PEx Rookie ⭐
    baliktarin kaya natin sitwasyon
    may lalaking dikit ng dikit sa gf mo
    pero kaibigan nya lang daw
    lagi silang magkasama
    mga out of town
    inuman session ng hindi ka kasama
    ano mararamdaman mo
  • @daug, Actually mula noong last year na outing namin na pinagselosa na ng GF ko si girl, di na ako nakasama sa mga outing na magkasama kami. Di ko rin kasi gusto magpaalam na mag-a-outing sa tropa tapos pag tinanong ako sino ang kasama, magsisinungaling ako. Yun nga lang ayaw ko naman tanggihan sa lahat na lang ng oras. Tsaka nandyan din naman iba naming kaibigan pag nag-iinuman so wala lang siguro yun. Hehe.

    Di rin ako sasang-ayon na susundin ko agad si GF. Compromise lang siguro. Hindi naman lahat ng oras siya na lang masusunod. :)


    @jourds, Actually marami siyang nakakasamang lalaki na di ko kilala pero kasama nya sa inuman at out of towns na wala ako. OK lang sa akin kasi sinasabi nya naman na wala naman daw anything. Pero nangyari na minsan na parang niligawan na siya ng isa niyang nakasama rin. Doon na ako nagbawal sa kanya na wag na sumama sa lalaking yun. Ibang usapan na rin yun eh. Tiwala naman ako sa kanya.



    Ang wino-worry ko lang talaga is paano kung si girl is iba na yung intention. Baka nale-lead on siya ng di ko namamalayan. Sana feelingero lang ako at mali yung kutob ko. Hehehe. :D
  • jourdsjourds PEx Rookie ⭐
    yun na nga eh
    kaya iwasan mo na
    pag natikman mo yan hahanap hanapin mo na

    or tikman mo na tapos kung sino mas masarap sa kanila ni gf yun ang piliin mo
  • hermeowninihermeownini PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sayang ang friendship? :lol: If I was ya momma I'd say you're better than that, son. :*)
  • RaffeiRaffei PEx Veteran ⭐⭐
    Iwasan mo na yan...tukso na nga lalapitan pa.
  • sentrysentry PEx Rookie ⭐
    palay na ang nambabakod at naglalasing sa manok ngayon...
  • haha ! .. basta wag mo buntisin TS.. kundi yari ! :)
  • DaugGreenDaugGreen PEx Veteran ⭐⭐
    @daug, Actually mula noong last year na outing namin na pinagselosa na ng GF ko si girl, di na ako nakasama sa mga outing na magkasama kami. Di ko rin kasi gusto magpaalam na mag-a-outing sa tropa tapos pag tinanong ako sino ang kasama, magsisinungaling ako. Yun nga lang ayaw ko naman tanggihan sa lahat na lang ng oras. Tsaka nandyan din naman iba naming kaibigan pag nag-iinuman so wala lang siguro yun. Hehe.

    Di rin ako sasang-ayon na susundin ko agad si GF. Compromise lang siguro. Hindi naman lahat ng oras siya na lang masusunod. :)

    Tama you're the boss ikaw dapat masunod. #DaFck :lol:

    On a serious note. Kaya nagseselos gf mo kasi for sure meron siyang nakikitang something sa inyo. She find your girl bud as a threat. So kung gusto mong happy kayo sundin mo siya, kung gusto mo ng pagtatalo di sige inuman lang kayo ng inuman, tapos tirahin mo yung tropa mo. hehe

    Or better yet, introduce mo siya sa tropa mo. Sama mo gf mo sa inuman nyo. Pakita mo sa kanya na wala siyang dapat ipagselos. Confirmation and assurance lang naman kailangan niyan eh.

    #TryMoLang
  • tSikiKaytSikiKay PEx Rookie ⭐
    Pagsamahin mo sila sa isang get together. Make your gf and friend feel kung anong lugar nila sayo...Kung magagawa mong gawing komportable si gf kay friend much better, if not, time to choose bro!
  • Tama ang sabi ng ibang nag comment TS, kung gf mo ang priority mo, then ignore nalang si girl, madali naman sigurong gawin yun, unless may feelings ka for this girl. Sakit lang sa ulo ang mamangka sa dalawang ilog nakaka hilo pa :D kaya you need to choose.

    Sabi mo nung una wala ka talagang nararamdaman sa girl na ito until sa kaka selos nag gf mo eh parang may nag spark, well, actually ganyan karaniwang nangyayari talaga, unaware lang ang karamihan, kaya ako umiiwas selos na ako ngayon at binabawasan ko na towards my bf, kasi, yang selos na yan, imbis na walang dapat pag selosan, ang nangyayari tuloy yan ang nagiging factor para ma provoke ang tao, gaya ng nangyari sayo. Kaya I think, na provoke ka lang, wag ka masyadong magpa dala sa kaka selos ng gf mo, natural ang pagiging selosa ng mga babae, be firm on what you truly believe.

    At isa pa, kapag hindi pa fully solid ang foundation ng relationship or Love niyo, madaling ma tempt or ma attract talaga sa iba. Gaya ng sabi ng iba, male and female are like magnets, opposite attracts, and true enough nangyari nga sayo kahit hindi mo gusto yung girl sa umpisa eventually na attract ka rin, kaya piliin mo din kung sino yung mga kinakasama ng gf mo na mga boys, kasi very true logic talaga yan. It's just a matter of choice kung kanino mo ibabaling yang attraction na yan, kay gf or kay girl ba?

    magnet = opposite attracts = temptation (wala lang pumasok lang sa isip ko 2 :D )

    And lastly! Base sa mga comments mo parang nag aalala ka if may gusto na ba si girl sayo dahil sa kaka kulit niya. So? Eh ano naman? Eh ano naman ngayon kung may gusto na si girl sayo? Diba may gf ka na? At malamang alam ni girl yun. Iwas iwas nalang ang peg mo dapat, otherwise, gusto mo ng sakit ng ulo, patulan mo si girl tapos pag nalaman ni gf mo away ito magagalit si gf kay girl at possible na mag break kayo ni gf. Gawin mo ng maayos bro, kung si gf ang gusto mo, forget about this girl, kung si girl ang gusto mo, makipag break ka ng ayos kay gf bago pa mauwi sa panloloko mo, simple as that! Choose wisely.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    timan mo na brad TS....

    lahat ng palay tinutuka. masama mag sayang ng ulam brad..

    :naughty:
  • Zep_TepiZep_Tepi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS,

    Kung titirahin mo yang girl, break up ka dun sa GF mo. Don't wait for her to find out. And even if she doesn't find out, baka maguilty ka.

    You can't have them both.
Sign In or Register to comment.