Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Sino bang dapat piliin??? Help me please.....

Hi guys... I need advice... I want to have a happy and peaceful life with SOMEONE..pero di ko alam kung sino pipillin ko

A. Si EX BF na nagging dominante for 10 years (Napagod ako kaya ako nakipagbreak..pero nakikipagbalikan at nangakong magbabago)

B. Si best friend na nagging outlet ko nung nag-iiyak ako sa break up naming ni EX (I am attracted to him kaso lang natatakot ako sa buhay na pwede kong maranasan sa kanya, di kasi siya nakapagaral, pero walang bisyo...)

C.Si manliligaw No.1 nasa abroad (kababata ko pero di ko siya nakakasama nung andito pa siya, casual lang na magkakilala kami, hintayin ko daw siya...)

D. Si manliligaw No.2 ( mabait, me work walang bisyo...pero bagong manliligaw)

Gusto kona maging okay yung love life ko please help me sabi nila dun daw ako sa masaya ako.... pano ko ba malalaman kung kanino ako masaya???????
«1

Comments

  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    bakit number 1 tapos number 3 kagad?

    may asawa ka na noh si number 2! :lol::glee:

    talaga naman teh itchy! :glee:
  • GlemnikGlemnik PEx Influencer ⭐⭐⭐
    balbolski wrote: »
    bakit number 1 tapos number 3 kagad?

    may asawa ka na noh si number 2! :lol::glee:

    talaga naman teh itchy! :glee:

    Binuko mo naman :lol:

    Baka ikaw yung no.2 :naughty: :rotfl:
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hi guys... I need advice... I want to have a happy and peaceful life with SOMEONE..pero di ko alam kung sino pipillin ko

    A. Si EX BF na nagging dominante for 10 years (Napagod ako kaya ako nakipagbreak..pero nakikipagbalikan at nangakong magbabago)

    B. Si best friend na nagging outlet ko nung nag-iiyak ako sa break up naming ni EX (I am attracted to him kaso lang natatakot ako sa buhay na pwede kong maranasan sa kanya, di kasi siya nakapagaral, pero walang bisyo...)

    C.Si manliligaw No.1 nasa abroad (kababata ko pero di ko siya nakakasama nung andito pa siya, casual lang na magkakilala kami, hintayin ko daw siya...)

    D. Si manliligaw No.3 ( mabait, me work walang bisyo...pero bagong manliligaw)

    Gusto kona maging okay yung love life ko please help me sabi nila dun daw ako sa masaya ako.... pano ko ba malalaman kung kanino ako masaya???????
    Ganda siguro ni TS. Pa-post ng pic at baka magkaroon pa ng mga additional manliligaw! :glee:
  • di po ako mganda....at di din po ako Makati...I joined this group po kasi nagbabakasakali po akong maaaring makahingi ng advice from experienced people in the group...seryoso po ang pinagdadaanan ko... napakahirap pong pumasok sa bagong relasyon after a long term relationship...wala po akong nagging ibang bf all my life kundi si EX BF... nahihirapan po akong mag-isip kung babalikan ko pa siya sa kabila ng ugali nya...gusto ko lang pong maging masaya...gusto ko lang makasama na yung taong para sa akin...hindi ko alam kung paano ko malalaman:(.... besides Im 28 napo sa edad ko di na pwede yung "TAKE YOUR TIME TO CHOOSE"...natatakot po akong magkamali...natatakot po akong pumili..... :(
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nux. Kireina ata si TS. Apet, apat yun mga namliligaw oh.

    Pics nga para malaman talaga,

    :naughty:
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ 10 yrs kayo ni EXBF?

    si opips ba yan exbf mo yun may sikat na thread na "sya ang nagtanim iba ang umani"

    kamusta na sister mo? huliing balita namin binuntis na ni opips diba.
  • hindi pala ako dapat pumasok ditto...hindi po pala ako makakahanap ng tulong puro panghuhusga at paglibak lang pala ang nakukuha ditto ng may suliranin...maraming salamat nlng po sa lahat sa pagbibigay ng oras ...PAGPALAIN NAWA KAYO NG ATING PANGINOON salamat po......
  • uulitin ko po hindi po ako maganda.... isang simpleng babae na naghahanap ng tunay na kaligayahan,pagmamahal at katahimikan sa buhay.......hindi po ba pwedeng pag-usapan ng seryoso???
  • ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo TS
    di namin huwarang kilala ang mga taong yan kaya malabo at puro speklasyon lang ang maririnig mo sa amin kung magpayo kami

    that said
    there are many requirements for settling down with someone. The basics for women are long term stability, and happiness
    from your limited choices above, i'd say None Of The Above YET.
    why did i add the YET? because it takes 2 to tango. you may be ready to settle down but the other might not.
    Marriage/Companionship is a DECISION and not a mere feeling.
    Both parties have to be mature enough to make that decision without coercion to make it a beautiful partnership
    There is no right person. It's the choices you both make that make him/her the right one for you

    Muntik napo akong maiyak... ibig sabihin po hindi lang Feelings ganun po ba??? DESISYON....at kung anuman pong desisyon yung gawin ko dapat mapanindigan ko??? yun po mismo yung problema ko...yung pagdedesisyon...........yun na po ata ang pinakamahirap na Gawain sa mundo MAGDESISYON.......... salamat po sa payo.... nakatulong po ng malaki
  • GlemnikGlemnik PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hi guys... I need advice... I want to have a happy and peaceful life with SOMEONE..pero di ko alam kung sino pipillin ko

    A. Si EX BF na nagging dominante for 10 years (Napagod ako kaya ako nakipagbreak..pero nakikipagbalikan at nangakong magbabago)

    B. Si best friend na nagging outlet ko nung nag-iiyak ako sa break up naming ni EX (I am attracted to him kaso lang natatakot ako sa buhay na pwede kong maranasan sa kanya, di kasi siya nakapagaral, pero walang bisyo...)

    C.Si manliligaw No.1 nasa abroad (kababata ko pero di ko siya nakakasama nung andito pa siya, casual lang na magkakilala kami, hintayin ko daw siya...)

    D. Si manliligaw No.2 ( mabait, me work walang bisyo...pero bagong manliligaw)

    Gusto kona maging okay yung love life ko please help me sabi nila dun daw ako sa masaya ako.... pano ko ba malalaman kung kanino ako masaya???????

    A. :no: :no: alam mo na siguro ang sagot *okay*

    B. captioning the obvious again.Maging praktikal ka ate :) mas mabuting maging magkaibigan na lang kayo kesa masira ang pagkakaubigan nyo kung kayoy maglakahiwalay. BFF pa man din kayo, mahirap ng ibalik ang pagkakaibigan pag nalamatan na

    C. Goodluck, pero sa tingin ko mahihirapan ka dito. Aba, hintayin sya?! :no: gasgas na ang linyang yang. Baka naman 40s ka na naghihintay ka pa rin

    D. Try mo, tutal may trabaho at mabait naman sabi mo. Baka sya na.

    Maging praktikal ka ate, mahirap magkapamilya ng walang pera

    Pag maganda ang relasyon ng lalaki sa pamilya nya, panigurado magiging isang magaling na padre de pamilya sya *okay*

    Sa hirap ng buhay ngayon ngayon dapat maging praktikal ka sa pagpili

    At higit sa lahat ikaw lang ang makakapag desisyun nyan, try to consult your family members as well
  • Glemnik wrote: »

    Salamat po..akala ko po wala ng matinong makakapagpayosakin ditto eh... is it true na nwawala po ang kilig at love pag wala nakayong makain??? yun po ang kinatatakot ko kay bestfriend.... at gusto ko din pong sampalin angsarili ko sa pagpapaasa kay BESTFRIEND at kay abroad.... wag nyo po sana akong husgahan... hindi ko naman po ginusto...AKALA ko po kasi baka sakaling isa sa kanilang dalawa....ang mahirap po nito... PAANO AKO BIBITAW????

    Kikiligin ka pa rin ba pag nalulugmok na yung pamilya mo? :lol:

    Kung sa tingin mo walang pag-asa yung dalawa, sabihan mo na agad. Mas mabuting sa simula pa lang alam na nila. Masakit: Oo. Pero at least isang sakit lang yun. Doble sakit nun kung paasahin mo siya/sila sa wala

    Baka kasi sa sobrang pagbibigay mo ng pag-asa, dumating yung punto mahal mo na pala sya pero hindi ka na pala nya mahal, mahirap yun

    Sa tingin ko hindi naman masama bumitaw kung minsan, malay mo sa pagbitaw mo eh may sumalo sa iyo, at sya na yung hinihintay mo
  • saveitforlatersaveitforlater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS sa totoo lang ikaw naman talaga makakasagot sa mga tanong mo.
    Kase hindi naman namin kilala mga boylet mo.
    Pero if you want us to pick one from the limited info that you've stated above, eto ang sa tingin ko:

    Wag na si 10 years ex. Kaya mo sya hiniwalayan dahil hindi ka na masaya at hindi mo na makita na makakasama mo sya habang buhay. Alam mo na mga negatives nya and pinagtyagaan at tiniis mo yun ng 10 taon pero nakipaghiwalay ka pa rin.

    Yun bestfriend mo naman, if priority mo din shempre ang future mo at future ng magiging mga anak nyo, alam mo na ang buhay ay mahirap kung kapos kayo. Hindi naman talaga issue ang walang pinag aralan kung marunong naman sya dumiskarte sa pera. May trabaho ba sya? Negosyo? Kumikita ng pera ng marangal? Ngayon kung tingin mo ikaw ang kakayod ng lubos, in the long run magiging malaking issue nyo ang pera. Pero kung tulong naman kayo, kaya nyo yan basta nagmamahalan kayo ng totoo.

    Yun mgaanliligaw mo naman, tingin ko kailangan mo pa rin sila kilalanin ng maayos.
    Pano kung may ugali pala sila na hindi mo gusto?
    Kaya madaming broken families dahil sa biglaang pagdecide na pag aasawa.
    Hindi naman sobrang tanda ng 28 para magpanic ka na at magpakasal na.
    Hindi end of the line ang kasal.
    Start pa rin yan ng isang stage ng buhay mo.

    Kaya follow your heart.
    Ang buhay ay gamble.
    Hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap.

    Pero in every decision that you make, dapat handa ka humarap sa consequences at wag mo pagsisihan.

    Wag ka magmadali.
    Hindi biro ang pag aasawa.
  • PexUPexU PEx Rookie ⭐
    Alam mo TS dapat nga matuwa ka pa at may
    mga choices ka na ganyan..
    *** iba dyan e *** man lang mapili kc wlang nanliligaw..

    on topic..
    Piliin mo *** taong sa tingin mo hindi ka iiwan sa pinaka worst ng buhay mo..
    I mean ang pera kc naeearn yan e.
    timbangin mong mabuti...
    merong isa dyan sa mga choices mo ang pinakamatimbang
    sa buhay mo..
  • DaugGreenDaugGreen PEx Veteran ⭐⭐
    Hi guys... I need advice... I want to have a happy and peaceful life with SOMEONE..pero di ko alam kung sino pipillin ko

    A. Si EX BF na nagging dominante for 10 years (Napagod ako kaya ako nakipagbreak..pero nakikipagbalikan at nangakong magbabago)

    B. Si best friend na nagging outlet ko nung nag-iiyak ako sa break up naming ni EX (I am attracted to him kaso lang natatakot ako sa buhay na pwede kong maranasan sa kanya, di kasi siya nakapagaral, pero walang bisyo...)

    C.Si manliligaw No.1 nasa abroad (kababata ko pero di ko siya nakakasama nung andito pa siya, casual lang na magkakilala kami, hintayin ko daw siya...)

    D. Si manliligaw No.2 ( mabait, me work walang bisyo...pero bagong manliligaw)

    Gusto kona maging okay yung love life ko please help me sabi nila dun daw ako sa masaya ako.... pano ko ba malalaman kung kanino ako masaya???????

    TS, to make things easier for you. Ask yourself ano ba objective mo? To 'settle down' ba?

    Kung yun nga, well hindi mo pa makikita yan sa kahit na sino dyan sa apat. Back to basics muna. Ano ba dapat mauna? Bf o asawa?

    Bf pa lang ang pinipili mo dito TS, hindi asawa. That said, babaan mo muna expectations mo.

    Yes kailangan mong piliin yung taong tingin mo magiging masaya ka, pero like you said you're not getting younger. Kailangan mo din maging praktikal. Piliin mo yung taong tingin mo eh matured enough, at may magandang future. Maraming aspects yan. Hindi din totoo yung follow your heart, it's your brain who does the decision for you. So pagisipan mong mabuti.

    And you have to accept the fact na pag may pinili kang isa, you have to let go of the three. If sa tingin mo hindi mo kayang gawin yun. Then the best choice..

    Is to not make a choice at all....

    #My2Cents
  • migz@70x7[email protected] PEx Veteran ⭐⭐
    @ilovemystery0021
    A. having been dominated for 10 yrs... just get rid of him.

    B. u have to calibrate urself. kaya mo ba tanggapin ang estado nya sa buhay? tama ka, there might be a possibility na magka problem kayo sa financial matter and ang issue sa mag-asawa na "who brings home the bacon?". either way, you need to respect him as your "man" kahit na ikaw ang naguuwi ng pera. He might be one of the best kasi one of the essential elements sa mag-asawa ang handang "makinig" ano mang oras.

    C. di sasakit ang ulo mo pag dating sa pera kasi financially stable sya. kaya lang kaya mo ba ang long distance relationship? hindi ka kaya maghanap ng iba kung wala sya? u need to accept the reality na nasa abroad ang source of income nya. i-calibrate mo rin sya kung faithful kaya sya while he's abroad?

    D. financially stable din. kaya lang di mo pa sya kilala. kung hindi ka nagaapura, why don't you give him a chance na makilala? time is challenging here.

    the bottomline is, test the water girl. 28 isn't that old yet. most of all, i-pag-pray mo. He will enlighten u!
  • a. wag mo ng balikan.

    b. mas ok na hanggang best friends na lang kayo. be practical. now pa lang natatakot ka na buhay na magkakaroon ka if you choose him.

    c. he might be giving you false hopes. wag umasa.

    d. anong problema kung bago pa lang nanliligaw? bigyan mo ng chance tutal mukhang ok naman sha based sa description na binigay mo.

    ikaw lang makakapagsabi kung paano at kanino ka magiging masaya. wag magpa-pressure dahil sa edad mo. enjoy life and don't rush.
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^28 na daw po sha at ayaw nya mag-invest na naman sa nee guy na me chance din namang hindi sila magkatuluyan. :bop:
  • tawag ka kay papa jack ate!! idol ko yun!!
Sign In or Register to comment.