COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA KAPUSO PExLounge: Wag ISMOLIN si ANNASANDRA, she's DESTINED to be a WILD BOAR!

mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
GMA KAPUSO PExLounge: Wag ISMOLIN si ANNASANDRA, she's DESTINED to be a WILD BOAR!

NEW Shows

Ismol Family, SUNDAY Nights
10448797_227471504128757_6356655460275465738_n.jpg

Lihim ni Annasandra, Weekdays on Afternoon Prime
10496052_521654007960922_6770459583886453291_o.jpg

My Destiny, WEEKNIGHTS on Telebabad
10494965_1467028890204179_397095562496178743_o.jpg

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

The Half Sisters, WEEKDAYS on Afternoon Prime
10257299_513544615438528_7116252393422985988_o.jpg

Dading, WEEKDAYS on Afternoon Prime
10353504_519965988107578_6975518471731017297_o.jpg

PRIME Hits: Jewel in the Palace, WEEKDAYS on Afternoon Prime
10272511_657876714286328_7454833060153535510_o.jpg

My BFF, WEEKNIGHTS on Telebabad
10272708_238950832895424_1086345336123301132_o.jpg

24Oras
913814_459663960784335_359858722_o.jpg

Ni?o\, WEEKNIGHTS on Telebabad
13983856609_79002a8549_b.jpg

Ang Dalawang Mrs. Real, WEEKNIGHTS on Telebabad
10348667_607970052633155_5044152503574076503_o.jpg

The Master's Sun, Mon-Thu on Telebabad
10271509_450537038415721_6206541700980258270_n.png

MARIAN, SATURDAY Nights
10298115_699172760150293_5307453586634300537_o.jpg

[CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]Thread title credit to;
DeeCenDee wrote: »
GMA KAPUSO PExLounge: Wag ismolin si Annasandra, she's destined to be a baboy ramo!

Chos lungs

and
hot4fun75 wrote: »
GMA KAPUSO PExLounge: Wag ISMOLIN si ANNASANDRA, she's DESTINED to be a WILD BOAR! para may class ng konti ...
[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]

Ano ang inaabangan niyo this week sa GMA?

Sign in to vote!
This is a public poll: others will see what you voted for.
«134567250

Comments

  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ismol Family, SUNDAY Nights
    10448797_227471504128757_6356655460275465738_n.jpg

    Drama or comedy? The stars of 'Ismol Family' cast their vote
    By AEDRIANNE ACAR

    kilalanin_ang__ismol_family__kilalanin_ang__ismol_family__1403266518.jpg

    Your Sunday nights will be filled with laughter with the newest offering from GMA Network, Ismol Family. The sitcom will feature the most talented comedians of this generation led by Dabarkads Ryan Agoncillo.

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]GMANetwork.com asked the cast which of the two is harder to do: make someone laugh or make someone cry?

    ismol620.jpg

    Kapuso teen Miguel Tanfelix who will play the role of Tan-Tan, finds it more challenging to make someone cry.

    “Siguro dito sa bansa natin, kasi mayroon dalawang tao dito may masayahin mayroong malungkot. Siguro para sa akin mas mahirap magdala ng tao sa malungkot mong emosyon dahil alam natin ang mga Pilipino masiyahing tao 'yan. Pero kung na-hook-up mo sila para sa akin napakaganda ng acting mo at nadala mo sila, said Miguel.”

    Veteran actress Carmi Martin has done so many roles during her long career in showbiz. But she admitted that she's more comfortable as a comedian than a dramatic actress.

    “Sa akin magpatawa mas madali. Yung drama mas inaaral ko. Yung comedy kasi may pagkakomedyante na talaga ako eh kahit sa totoong buhay parang Metring David parating mali-mali. So medyo mas madali sa akin yung comedy,” answers Carmi.

    Mikael Daez said he is more than satisfied that he was given the opportunity to try both, drama and comedy.

    “Nae-enjoy ko kasi yung dalawa eh. So I guess hindi naman sa pagpapaiyak o pagpapatawa ng tao. Ginagawa ko lang naman [ang] proyekto with 100% effort, kahit maging drama siya or maging comedy siya. So para sa akin, I just feel fortunate na nagagawa ko yung dalawa. Kasi dati hindi ko alam na puwede ako mag-drama, hindi ko alam na puwede ako mag-comedy. So ngayon na nagagawa ko yung dalawa parang nagiging thankful na lang ako na may opportunity akong ganito,” he said.

    Make Ismol Family your new Sunday night habit starting June 22. If you want to know more about the cast, please visit the Ismol Family show page.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Lihim ni Annasandra, Weekdays on Afternoon Prime
    10496052_521654007960922_6770459583886453291_o.jpg

    The on-screen love team you loved in the remake of 2002 series "Sana ay Ikaw na Nga" and in morning series "With A Smile," Andrea Torres and Mikael Daez will be back in a new GMA Network series "Lihim ni Anasandra."

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]10389350_825090664169952_8893497163308202884_n.jpg

    Aside from Andrea and Mikael, other confirmed stars included in this series are Rochelle Pangilinan, Pancho Magno, Maria Isabel Lopez and Maritoni Fernandez.

    10410212_825080350837650_8442551853365818713_n.jpg

    There's a story-con today on GMA Network regarding "Lihim ni Anasandra" with some of the confirmed cast and the director, staff, crew. Let's just wait for further details regarding this series.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    My Destiny, WEEKNIGHTS on Telebabad
    10339325_1458684924371909_2379066862636172752_o.jpg

    10399425_754163027968186_3287242971388055660_n.png

    PHOTO: Mga bida sa pinakabagong drama na aabangan gabi-gabi "MyDestiny", malapit na sa GMA Telebabad.

    Kinikilig na naman si Tom Rodriguez sa muling pagtatambal nila ni Carla Abellana sa My Destiny, ang bagong soap opera na nasa pre-production na.
    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    Sabi nga ni Tom, kampante na siya kay Carla, dahil naging mag-asawa nga sila sa My Husband’s Lover at nag-partner din sa pelikulang So It’s You ng Regal Films.


    Parang the whole year ay madalas silang magkasama ni Carla at pati nga mga shows sa Amerika ay sila pa rin ang magkasama. Marami rin silang TV guesting na sila talaga ang nire-*request.


    Tsika ni Tom, excited din siya sa forthcoming special screening sa New York ng So It’s You. Kaya right move ang ginawang paglipat ni Tom sa Kapuso Network dahil dito siya nakilala nang husto. In fact may fans club na nga sila ni Carla na parami nang parami, ha!


    Natutuwa rin si Tom na sa GMA ay nabibigyan siya ng pagkakataon na makabiyahe dahil sa mga promo ng GMA Pinoy TV at nagkakaroon pa siya ng pagkakataon na makita ang pamilya niya na naka-base sa Amerika.


    Kamakailan lang ay nagpunta siya sa New York with Heart Evangelista para sa annual Philippine Independence Day Parade. Nakatakda rin silang bumiyahe ni Dennis Trillo sa London for a show.


    Masaya si Tom dahil siya ang napiling kumanta o mag-interpret ng Langit Ay Umawit na isa sa mga entries sa Phil Pop Music Festival.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    ---

    Carla Abellana on possibility of falling for Tom Rodriguez: “Siya na lang ang tanungin n'yo.”
    by Ruben Marasigan

    15a89fda4.jpg

    May bagong soap na gagawin si Carla Abllana sa GMA-7. Ito ay ang My Destiny kung saan sila ulit ni Tom Rodriguez ang magiging magkapareha.

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]“Excited ako kasi more than six months na mula noong huli akong magteleserye,” sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media sa ginanap na meet-and-greet event kahapon, Friday, May 30, sa isang lugar sa may Timog Avenue, Quezon City.

    Naroon ang lahat ng miyembro ng fans club na TomCar Worldwide at Tom Lovers na talaga namang patuloy ang all-out support at pagmamahal kina Carla at Tom.

    Kuwento ni Carla, “Puro ako pelikula mula nang magsimula ang 2014. So nakaka-miss din mag-TV.

    “Pero parang at the same time, challenge.

    “Excited ako talaga. At the same time, nakakakaba.

    “Kasi sabi nga nila, you’re only as good as your last project. Nag-mark talaga sa memory ng mga tao yung My Husband’s Lover.

    “Importante na… hindi naman mapantayan. Pero kailangang paghusayan mo pang lalo yung susunod.

    “Kasi maraming naghihintay. Maraming nag-aabang kung ano yung susunod doon.

    “So… may pressure. Pero kumbaga, trust in the Lord na lang dahil ito ang project na ibinigay Niya.

    “Kung ano yung ibinigay Niya, aalagaan lang.

    “Medyo sa pagmamadali na makapag-umpisa na kami ng taping, medyo kulang ang time ko sa paghahanda, e.

    “Honestly, parang ano… there’s not enough time for me to prepare. Kasi nga medyo minamadali.

    “Pero hopefully naman… along the way na lang. Kung magagawan ng paraan.”

    Sa dami ng kanyang mga projects, tila yata isa siya sa Kapuso Stars na paborito ngayon ng management ng GMA?

    Tanggi niya, “Hindi naman. I would like to think that everybody is being given a fair chance.

    “So ang importante lang talaga, hindi lang sa GMA pero sa industriyang ito, pagbubutihin mo talaga. Seseryosohin mo ang trabaho mo at saka matututo ka.

    “Para all the more mapapansin nila yung galing mo or yung kakayahan mo. Bigyan ka nila ng project.”

    FOLLOW-UP TANDEM WITH TOM. Bukod sa naunang pagsasama nila sa My Husband’s Lover, si Tom din ang kanyang leading man sa kapapalabas pa lang na pelikulang So It’s You.

    Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang ang aktor ulit ang kanyang makakapareha sa bagong serye ng GMA na My Destiny?

    “Nabuwist ako! Ayoko nga e,” sabay-tawang biro ni Carla.

    “Hindi. Pero okey naman. Natutuwa kami. Sobra!

    “Kasi tuluy-tuloy yung work namin together. Ibig sabihin kahit papa'no nagagawa namin nang maayos.

    “Marami kaming napapasaya. Kaya nabibigyan kami ng chance na mag-work pa rin nang magkasama.

    “So panibagong challenge ito sa amin. 'Di ba dapat iba na naman ang mapapanood nila sa amin o makikita nila sa amin?

    “Pero excited pa rin. With every project na ibinibigay sa ‘yo, dapat excited ka sobra.”

    NEW SITCOM. May bagong sitcom din siya sa GMA. It ay ang Small Family kung saan sila naman ni Ryan Agoncillo ang magkapareha.

    Hindi raw inaasahan ni Carla na bukod sa soap ay meron pa pala siyang sitcom.

    Patuloy pa niyang kuwento, “Basta nabalitaan ko na lang from my manager na meron akong sitcom.

    “Noong una, hindi talaga ako makapaniwala na… sitcom? Parang… bago ito, a!

    “Never ko pang nagagawa before. So nakakatuwa kasi alam ko in a way na basta sitcom, magaling ang GMA, e.

    “Basta sitcom, naghi-hit talaga ang GMA. Nagri-rate talaga.

    “So na-excite ako kasi, gusto kong mag-comedy. Kahit papa'no, may experience sa comedy.

    “Matutuloy ko lang 'yon, basically. Mahahasa ako sa comedy.

    “Nakakatuwa na hindi ako puro drama. So in a way parang wish granted for me kasi gusto kong mag-comedy.

    “And excited ako sa role ko sa Small Family as Majay. Isa akong OFW na nagtatrabaho sa Dubai.

    “Welder ako sa Dubai. 'Tapos yung pamilya ko nandito.

    “Husband ko si Ryan Agoncillo. Siya yung house husband.

    “Na imbes na yung nanay o yung wife ang nasa bahay… yung tatay or yung husband ang nasa bahay at nag-aalaga ng bata.

    “Samantalang yung asawa niya ay nagtatrabaho abroad. So very realistic siya dahil maraming ganyang mga Pinoy. So… ‘yon!

    “Light lang, comedy lang, cute siya. Makikita nila yung lighter side, yung funny side.

    "Mas relaxed, mas natural, mas kumportable, mas nakakatawa, at mas magaan.

    “End of June magsisimula ang airing pareho ng Small Family at ng My Destiny.

    “Yung Small Family is every Saturday ng gabi. Yung My Destiny naman ay gabi-gabi sa primetime.

    “Nag-start na ang taping ng Small Family noong Tuesday [May 27]. Ang My Destiny naman, next week pa lang.”

    --snip--

    RELATIONSHIP WITH TOM. Dahil patuloy ang pagsasama nila ni Tom sa trabaho, isa ba ang aktor sa tumutulong kay Carla para malimutan niya ang mga hindi magandang nangyari sa kanya in the past?

    “Ayyy! Tumutulong para ma-forget ang past?” napatiling tawa ni Carla.

    “Tumutulong siya sa maraming paraan. Pero hindi naman para kalimutan kung ano yung mga pinagdaanan ko.

    “Nandiyan lang siya para ano… para ipaalam na nandiyan siya.

    “Nandiyan lang siya para patawanin ako, maging magaan yung trabaho. Yung ganyan.

    “Hindi naman para… 'Huwag mo nang isipin ‘yon!'

    “'Kailangang magsaya ka.' Parang ganyan.

    “Na… dapat masaya ka. Deserve mo na masaya ka.

    “Gagawin niyang magaan ang trabaho. Papasayahin niya. Parang gano’n.”

    Wala bang possibility na ma-develop sila sa isa’t isa ni Tom?

    “Tanungin n’yo siya!” natawang biro ng aktres.

    “Siya na lang ang tanungin n’yo.”

    Normally sa mga madalas nagiging magkapareha sa trabaho, kalaunan ay nagkakagustuhan, 'di ba?

    “Hindi naman lahat!” tawa ulit ni Carla.

    Puwede rin nga siguro silang magka-develop-an ni Tom?

    “Ay, hindi ko alam.

    “A… hindi dapat ‘yon ang focus namin.

    “Ang dapat na focus namin is work. Kasi iyon ang unang dumadating.

    “Iyon ang ibinibigay sa amin. Blessing ‘yon. Opportunity ‘yon.

    “At saka nandito kami unang-una dahil artista kami. May trabaho kami.

    “So dapat ‘yon ang priority, 'di ba?

    “Kung anuman ang mangyari, kumbaga… hindi naman sa hindi pansinin. Pero isantabi muna.

    “Hindi dapat iyon ang focus mo.

    “Hayaan lang naman din. Okey lang naman na hayaan kung may something man, 'di ba?

    “Hayaan lang din.

    “Pero ang dapat, focus is on work talaga,” diin niya.

    --snip--

    MESSAGE FOR TOMCAR FANS. Bago tuluyang nagtapos ang panayam namin kay Carla, isang mensahe ang ipinahabol niya para sa fans nila ni Tom.

    “Mahal na mahal ko silang lahat. Ang TomCar Worldwide at saka ang Tom Lovers.

    “Lahat sila, mahal na mahal namin ni Tom. Kahit hindi kami madalas na nagkikita, alam naming nandiyan lang sila.

    “Na lagi silang naka-support. Nararamdaman namin yung pagmamahal nila.

    “Kaya sana maibalik namin yung pagmamahal na ibinibigay nila sa amin. At saka yung happiness na rin.

    “Gagawin naming lahat para maibalik sa kanila ‘yon. So thank you!” pahayag ni Carla.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    ---

    Tom Rodriguez on feeling pressured for new soap to measure up to My Husband's Lover's success: “Mahirap pantayan.”

    ec26b2a7a.jpg

    Tom Rodriguez on feeling pressured for new show to replicate success of My Husband's Lover: “Hindi mawawala ‘yon. Kagaya ng nasabi ko, My Husband’s Lover is a one of a kind show. Mahirap pantayan. Pero kung iyon ang laging iisipin mo, siguro maling atake ‘yon.”

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]Naunang nagkasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Kapuso primetime series na My Husband’s Lover.

    Kasunod nito ay naging magkapareha rin sila sa pelikulang So It’s You na kapapalabas pa lang.

    Ngayon naman, magtatambal ulit sila sa My Destiny, ang pinakabagong soap ng GMA-7.

    “Excited na excited ako,” masiglang pahayag ni Tom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media kahapon, Friday, May 30, sa kanilang meet and greet event na ginanap sa may Timog Avenue, Quezon City, para sa mga miyembro ng fans club nilang TomCarl Worldwide at Tom Lovers.

    WORKING WITH CARLA AGAIN. “I’m so happy and excited to be working with Carla again. Kasi halos isang taon na kaming nagkakatrabaho.

    “Kaya at least sanay na sanay na kami sa isa’t isa. Kumportable na kami.

    “May na-establish na kaming chemistry at saka rapport sa isa’t isa. Excited kami na laging may naibabahagi sa mga manonood.

    “Nung nalaman ko na kami ulit ni Carla ang magkapareha sa isang bagong soap, natuwa ako.

    “Kagaya nga ng nasabi ko, halos isang taon na kaming nagkakatrabaho. Mula sa My Husband’s Lover, 'tapos sa U.S. tour namin, at sa ginawa naming pelikulang So It’s You.

    “Kaya may na-establish na kaming parang ano… friendship. Mas madali na for us to work with each other.

    “Hindi na namin kailangang kilalanin pa ang isa’t isa kaya puwedeng diretso trabaho na kami kaagad. Wala nang adjustment period.

    “Kaya pabor sa amin ‘yon.

    “At saka sobrang sayang katrabaho si Carla. One of the best people I’ve ever worked with,” pagmamalaki ni Tom.

    PRESSURE? Sobrang successful at talagang nagmarka sa viewers ang My Husband’s Lover na unang pinagsamahan nila ni Carla with Dennis Trillo. May pressure din ba ang muling pagtatambal nila ngayon sa bagong soap na My Destiny?

    “Hindi mawawala ‘yon.

    “Kagaya ng nasabi ko, My Husband’s Lover is a one of a kind show. Mahirap pantayan.

    “Pero kung iyon ang laging iisipin mo, siguro maling atake ‘yon.

    “So yung ginagawa ko naman, just like with every project, tinitingnan ko yung materyal.

    “And I really try to immerse myself doon sa materyal… sa role. At doon ako nagpu-focus.

    “At siyempre, kapag nalaman ko na ang buong detalye ng kuwento, gusto kong paghandaan din.

    “Kaya sana magkaroon ng sapat na oras. Mag-i-start na kami kaagad, e.

    “E… may mga out of the country akong gagawin. Aalis ako papuntang New York ngayong Sabado [May 31].

    “Kaya sana makita ko yung script para makapag-reasearch,” detalye pa ni Tom.

    Bukod sa kanyang trip to New York, sa July ay sa London naman siya pupunta kasama si Dennis Trillo.

    “Ang sarap ng feeling. First time ko na makaka-travel sa Europe.

    “Yung sa New York, pangalawa ko na.

    “Dahil sa GMA, nakakapag-travel ako. Nakakapunta ako ng iba’t ibang lugar.

    “Minsan nakikita ko pa yung pamilya ko sa States. Kaya ang sarap!” lahad pa niya.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TOP 10 POSTER
    PREVIOUS THREAD: GMA KAPUSO PExLounge: We want MARICEL to bugbog and sampal LOVI and DIVA!

    medal_gold_3.png ylle45 1,266
    medal_silver_2.png mharu 1,187
    medal_bronze_1.png akihiro_kun 694
    rosette.png hot4fun75 289
    rosette.png JeSuisBilly 220
    rosette.png jmm23998 117
    rosette.png __Esther_Liu__ 112
    rosette.png ScareYouOften 103
    rosette.png DeeCenDee 96
    rosette.png Diva_ritz 92
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    wala masyado.
    paapak:lol:
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    ylle ok naman si gabrielle... Mukhang ok naman sa screen. Sana lang wag ma dianne na malamya ang acting.
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    wala masyado.
    10424400_330920930391962_1003376184_n.jpg


    Macho album launch:lol:
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    wala masyado.
    yesto wrote: »
    ylle ok naman si gabrielle... Mukhang ok naman sa screen. Sana lang wag ma dianne na malamya ang acting.

    sana nga:lol:

    nasayangan ako kay Dianne:lol:

    ok siya and mukhang ok naman dahil bihira lang yata sa AC girls ang hamon din:lol:

    malakas ang loob ng AC sa kanya given the fact na mas madami pang mas nafrozen na AC girls:lol;
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang sensitive talaga ng issue ng #Out&Proud

    #MharuLIVE
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    ylle45 wrote: »
    sana nga:lol:

    nasayangan ako kay Dianne:lol:

    ok siya and mukhang ok naman dahil bihira lang yata sa AC girls ang hamon din:lol:

    malakas ang loob ng AC sa kanya given the fact na mas madami pang mas nafrozen na AC girls:lol;

    saan ba nangaling yang si gabrielle?

    Hindi ko pa naririnig mag salita eh.. For as long as maayos mag bitaw ng linya,ok na.. Tapos hasain na lang sa acting


    basta sa mga alaga mo 2 lang ang feeling ko may chance. Si ashley and si Bianca haha

    pang 3rd tong si GABRIELLE
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Grabe yung transman! Lalaking-lalaki pa sa akin! :lol:

    #Out&Proud #MharuLIVE
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    wala masyado.
    about time na talaga ibalik ang mala tween hearts ns showe:lol:

    sana hindi si Vicky ang host:lol:

    yung original out hosts na lang sana:lol:
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    :wave: Kapuso, makulay ang buhay!
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    It's a good thing na si Vicky Morales ang nag-host. Very light lang panoorin.

    #Out&Proud #MharuLIVE
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    ylle45 wrote: »
    about time na talaga ibalik ang mala tween hearts ns showe:lol:

    sana hindi si Vicky ang host:lol:

    yung original out hosts na lang sana:lol:

    mag oout daw si mama vicky after. hahaah

    chos
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    wala masyado.
    yesto wrote: »
    saan ba nangaling yang si gabrielle?

    Hindi ko pa naririnig mag salita eh.. For as long as maayos mag bitaw ng linya,ok na.. Tapos hasain na lang sa acting


    basta sa mga alaga mo 2 lang ang feeling ko may chance. Si ashley and si Bianca haha

    pang 3rd tong si GABRIELLE

    hindi ko din alam:lol:

    sumali lang ito I think sa ms teen phil:lol:

    silang 3 lang talaga?:lol:

    si Arianne ok din ako sa kanya yun lang nasa 20's na din kasi:lol:

    early 20's:lol:
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ylle45 wrote: »
    about time na talaga ibalik ang mala tween hearts ns showe:lol:

    sana hindi si Vicky ang host:lol:

    yung original out hosts na lang sana:lol:

    Opposite tayo ng view. :lol:

    Okay naman si Vicky. Siguro mas maganda kung may co-host siyang gay para naman mas fun.

    Paano kaya kung si Steeeeeeve Dailisan ang nag-host nito? :lol:

    #Out&Proud #MharuLIVE
  • yestoyesto Administrator PEx Admin
    ylle45 wrote: »
    hindi ko din alam:lol:

    sumali lang ito I think sa ms teen phil:lol:

    silang 3 lang talaga?:lol:

    si Arianne ok din ako sa kanya yun lang nasa 20's na din kasi:lol:

    early 20's:lol:

    Hindi ko kilala yang si Arianne hahah

    ayy yung nasa KMJS kanina?
  • mharumharu Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yesto wrote: »
    mag oout daw si mama vicky after. hahaah

    chos

    KALOKA! :lol:
  • ylle45ylle45 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    wala masyado.
    yun lang advantage ni Vicky, good vibes ang peg:lol:
This discussion has been closed.