ABS-CBN's The Voice Kids Philippines versus GMA 7's Marian!

steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
052414-voice_mainphoto.ashx
The+Voice+Kids-Stage.jpg

Hosts: Luis Manzano & Alex Gonzaga
Judges/mentors: Lea Salonga, Bamboo Ma?alac & Sarah Geronimo
Broadcaster: ABS-CBN
Pilot date: May 24, 2014


........ ........ ........ ........ images?q=tbn:ANd9GcS8RHwrk_jl49zoMFdVIo_LMRQmNS7lQx9m0SKjWnO8XOxI1YIrJ8NtY3A


lionheartv.jpg
10298115_699172760150293_5307453586634300537_o.jpg

Main host-performer: Marian Rivera
Co-hosts/performers: Julie Ann San Jose & Paulo Ballesteros
Broadcaster: GMA 7
Pilot date: June 21, 2014
«13456724

Comments

  • AnyarehGMEAnyarehGME Asia's Unkabogable Star PEx Influencer ⭐⭐⭐
    The Voice Kids >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> Miriam :naughty:
    :lol::lol:
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 20, 2014

    Magkakaroon ng konting pagbabago sa weekend primetime ng GMA 7 simula bukas.

    Sa pagsisimula ng bagong dance show na [highlight]Marian[/highlight] ni Marian Rivera, pagkatapos ng 24 Oras Weekend, susundan na ito nang Pepito Manaloto, at pagkatapos nito ang Marian, susunod ang Magpakailanman at Celebrity Bluff.

    Sa Linggo naman na kung saan magsisimula na rin ang Ismol Family, mauuna muna ang 24 Oras Weekend na susundan ng Vampire ang Daddy Ko, at dito na papasok ang Ismol Family nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    "Wala po akong limitations" - Marian Rivera on her new show

    June 19 2014

    By SAMANTHA PORTILLO

    Marian-Insidexx.jpg
    PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

    Magmula noong Marimar days niya, naipakita na ni Marian Rivera ang kanyang talento sa pagsasayaw. Sumikat ang dance song niyang Sabay Sabay Tayo at pinasikat din niya ang “Bubble Butt” dance. Ano kaya ang kanyang trademark dance move?

    Kuwento ng Kapuso Primetime Queen noong press conference ng kanyang upcoming dance show na Marian, hindi na daw siya nag dance workshop para sa programa. Nahasa na raw siya sa pagsasayaw kahit papaano dahil Zumba ang kanyang regular workout.

    Kaya naman handang handa na siya para sa Marian, na eere tuwing Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto simula June 21.

    Dagdag niya, “Siguro kasi bata pa lang ako, mahilig na talaga akong sumayaw. Sa side ng tatay ko at ng nanay ko, lahat kami sa pamilya, hilig ang pagsasayaw. Nasa dugo ko na talaga ang pagsasayaw.”

    Alam na daw ng lahat na sumasayaw siya. Alam ng lahat na magaling siyang gumiling at hindi rin magpapahuli pagdating sa hip-hop. Pero sa Marian, marami daw mga dance routine mismong siya ay nagulat na kaya pala niyang gawin.

    “Naniniwala kasi ako na ang pagiging mahusay o ang kagalingan sa isang bagay, gradual ‘yan. Walang nakukuha nang biglaan. Step-by-step hanggang sa makuha mo talaga ‘yung gusto mo. Nandoon ako ngayon,” ani Marian.

    Sa Marian, bubuhayin ng Kapuso Primetime Queen ang era ng mga dancing queens na pinangunahan noon nina Vilma Santos, Maricel Soriano at Alma Moreno. May kanya-kanyang iconic dance moves ang mga ito.

    Ano naman kaya ang magiging trademark ng isang Marian Rivera?

    “Kumbaga sa camera- 360. Ganoon ang gagawin ko. Lahat! Hip-hop, sexy, tumatumbling, hinahagis, pati sa costume, wala po akong limitations,” sagot niya.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    layout_main_image_1403272845.jpg

    Fire up your Saturdays with Marian Rivera

    June 19 2014

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403178988.jpg

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179029.jpg fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179070.jpg

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179096.jpg

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179182.jpg fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179301.jpg

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179369.jpg fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179384.jpg

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179509.jpg fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179525.jpg

    fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___fire_up_your_saturdays_with_marian_rivera___1403179570.jpg

    PHOTOS BY: Elisa Aquino
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Voice Kids coaches complete their teams
    (The Philippine Star) | Updated June 21, 2014

    the-voice-coaches-11.jpg

    The top-rating and Twitter-trending singing-reality show The Voice Kids is set to conclude its Blind Auditions today and tomorrow with the three coaches — Sarah Geronimo, Bamboo Mañalac and Lea Salonga — choosing the last artist of their respective teams.

    So far, Team Sarah, Team Bamboo and Team Lea have 15 artists each.

    The last leg of the Blind Auditions have heartwarming moments featuring young artists who will try to woo the coaches to turn around for them, including an artist who will sing an Ilocano song and will model on stage with Lea and Sarah, a girl who will teach Bamboo and host Luis Manzano taekwondo lessons, a young opera singer, an artist who was raised by her grandmother, and a boy who will get a call from his dad in London to boost his confidence.

    Who among them will make the cut and complete each coach’s team? Who will be the season’s last three-chair turner? And which artists from each team will compete with one another in the three-way Battle Rounds that will begin next Saturday (June 28)?

    The Voice Kids airs Saturday nights at 6:45 and Sunday nights at 7:30 on ABS-CBN’s Yes Weekend. For updates on the program, visit thevoice.abs-cbn.com, like www.facebook.com/thevoiceabscbn or follow @thevoiceabscbn on Twitter and @abscbnthevoice on Instagram.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Julie Anne San Jose, iniidolo si Marian Rivera

    June 18 2014

    By SAMANTHA PORTILLO

    juli618.jpg
    PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

    Pagdating sa kantahan, laging nangingibabaw ang galing ni Julie Anne San Jose. Bukod sa pagiging regular sa Sunday All Stars, mapapanood na rin si Julie Anne sa dance show na “Marian”. Alamin kung bakit dream come true ito para sa kanya.

    Noong June 10, ginanap ang press conference ng “Marian”. Kuwento ng multi-platinum award-winning artist sa press, ibang Julie Anne daw ang mapapanood nila sa dance show kung saan magkakaroon siya ng weekly collaborations kasama ang ibang artists at DJs.

    “Kasama po ako sa isa sa mga segments sa show. Magkakaroon po kami ng mga production numbers and I’ll be performing with different musical artists po. Siyempre, ‘yung mga magagaling na DJ po dito sa Philippines, sila po ‘yung mga magtu-tweak ng mga kanta,” ani Julie Anne.

    Dagdag niya, “Magiging sobrang exciting po talaga ito kasi magkakaroon po ng iba’t ibang versions ng mga kanta na usually talagang kinakanta natin.” Hindi niya inakalang magiging bahagi siya ng isang engrandeng dance show. Very honored daw siya na nakasama siya rito.

    “Masaya po ako dahil isa din po ito sa mga kaya ko ring gawin. Siyempre po, since this is a dance show, kumbaga nadedevelop ko po ‘yung sarili ko po sa pagsasayaw. Gusto ko pong maging kasing galing ni Ate Marian sa pagsayaw,” ani Julie Anne.

    First time na makakatrabaho ni Julie Anne sa isang TV show ang Kapuso Primetime Queen kaya excited na siya.

    Paano niya mailalarawan si Marian?

    “Sobrang bait po talaga niya. Isa po talaga siya sa mga nilu-look-up ko na artista dito sa showbiz and parang dream come true ko na po ito na makasama siya sa isang show,” aniya.

    Magkakaroon rin ng kanyang unang live online concert si Julie Anne sa June 24. Mapapanood ito sa www.GMANetwork.com
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    SP.jpg

    Paolo Ballesteros Jubilant To Be Chosen As Marian Rivera's Co-Host In Her Dance Show
    Featured Article , Pinoy Showbiz , by Mario Bautista on Jun 12, 2014

    Paolo+Ballesteros.jpg

    PAOLO BALLESTEROS is jubilant to have been chosen as the co-host of Marian Rivera in her dance show, “Marian”. “At least, bukod sa ‘Eat Bulaga’, nadagdagan ang show ko,” he says. “Magkaibigan talaga kami ni Marian since magkasama kami sa ‘Dyesebel’ and ‘Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang’. Ninang siya ng anak kong si Kiera. Pero siempre, iba ako sa pagho-host dito. Mas formal kasi parang dance party ang show. Hindi puede yung gaya sa ‘Eat Bulaga’ na naka-shorts at T shirt lang ako.”

    And how’s Marian now that she’s also a part of EB’s Juan for All, All for Juan segment. “Koboy siya, walang arte sa katawan kaya masaya, magaan kasama. Hindi nagpapaalaga kahit saang barangay ang puntahan namin. Mas dinudumog kami pag kasama siya dahil sa dami ng fans niya. Mas sumaya nga kami nina Jose at Wally mula nang sumali siya kasi luka-luka rin, e.”

    How’s his daughter now? “She’s with me now. Five years old na. Pinadadalaw ko nga siya sa grandparents niya in Baguio. Her mom is in Chicago. May balak itong kunin siya later para doon mag-aral.”
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Three queens on one stage

    June 12 2014

    Makakasama ng Primetime Queen ang dalawang original Dancing Queens.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Marian hahataw na ngayon
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 21, 2014

    Ngayong gabi na mag-uumpisa ang Marian, na tinawag ng GMA na biggest primetime party on television.

    From jaw-dropping moves, dazzling performances to breathtaking excitement, ipakikita ni Marian Rivera ang kanyang kakaibang galing sa pagsayaw.

    Mapapanood sa premiere episode ang pagsasama ng dalawa sa mahuhusay sumayaw na actress - Diamond Star Maricel Soriano at ang Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.

    Ngayon lang uli sila mapapanood na hahataw sa sayawan.

    [highlight]Anyway, may bagong weekend evening program line up ang GMA 7.

    Mag-uumpisa ang bagong line up ngayon after 24 Oras Weekend na susundan ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ng 6:00 PM.

    Pagkatapos nito ay saka papasok ang Marian ng 7:00 p.m.[/highlight]

    Susundan ng Magpakailanman kung saan mapi-feature ang buhay ni Chef Boy Logro at Celebrity Bluff at 9:30 PM.

    At 10:30 PM papasok I-Witness, to be followed by Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya German Moreno at 11:15 PM.

    On Sunday naman after 24 Oras Weekend eere ang Vampire Ang Daddy Ko on its new timeslot at 6:10 PM at saka ito susundan ng pinakabagong Kapuso sitcom Ismol Family at 6:55 PM topbilled by Kapuso host/actor/celebrity dad Ryan Agoncillo and top Kapuso female star Carla Abellana.

    Catch the Hollywood film Spy Kids 4 in GMA Blockbusters at 7:40 PM. The award-winning magazine program Kapuso Mo, Jessica Soho and the investigative news program Imbestigador hosted by Mike Enriquez susunod ng 8:50 PM and 10:35 PM, respectively.

    Matatapos ang Linggo ng gabi sa Out and Proud, in Sunday Night Box Office at 11:20 PM, which features the inspiring stories of the Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Christian Bautista on working with Marian Rivera for new dance show: “Masaya siyang kakulitan at kakuwentuhan!”
    by Rommel Gonzales posted on June 14, 2014

    85378ea0a.jpg
    Photo: Carlo Orosa

    Sa pamamagitan ng e-mail ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balladeer/actor/host na si Christian Bautista kahapon, Biyernes, June 13.

    Dahil kasali si Christian sa bagong Kapuso Saturday primetime musical/dance show na Marian, puro tungkol sa show halos ang naging katanungan namin sa kanya.

    Tinanong muna namin si Christian kung ano ang partisipasyon niya sa dance show ni Marian Rivera.

    Sagot niya, “Isa po ako sa mga magiging co-hosts ni Marian sa show kasama sina Paolo Ballesteros, Mark Bautista, at Julie Anne San Jose.”

    Ieere na ang Marian sa Sabado, June 21, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA.

    BONDING WITH MARIAN. Ano naman ang unang naging reaksiyon ni Christian nang nalaman niyang kasama siya sa show ni Marian?

    “Natuwa ako kasi makakasama ko si Marian sa isang show at masaya din kasi hilig ko din na makakapag-host ako uli,” tugon niya.

    Naging masaya raw ang unang araw ng taping nila ni Marian, na first time niyang makasama sa isang regular show, although nakatrabaho na niyang minsan ang Kapuso Primetime Queen.

    “Yes, naging masaya ang first taping namin ni Marian! Maraming kulitan on and off-cam.

    “Last year nagkasama kami sa isang GMA Pinoy TV Kapuso concert sa Dubai, kasama sina Rachelle Ann Go at Julie Anne.

    “We really had a fun time there,” ayon pa kay Christian.

    ON CO-HOSTS. At sa muli nilang pagsasama, this time sa isang regular na show, may nadiskubre si Christian kay Marian na hindi niya alam dati na ikinagulat niya.

    “Masaya siyang kakulitan at kakuwentuhan!” sabi ng singer.

    Dahil magkasama rin sila ni Mark Bautista sa show, mas lalo ba silang nakakapag-bonding?

    “Isa pa lang ang naging taping day na nagkita kami, pero Mark and I are friends naman, and sometimes nagkakaroon kami ng time to hang out with the other Champions,” dagdag pa niya.

    Kasama rin sa show si Paolo Ballesteros. Kumusta itong katrabaho?

    “Sa Eat Bulaga! ko po siya nakatrabaho sa una, not yet pa sa Marian since once pa lang ako nag-taping.

    "But he's a very good host,” pagpuri niya kay Paolo.

    NEW CHALLENGE.
    Since dance show ang Marian, kahit kilala si Christian bilang isang singer, ay mapapasayaw rin pala siya dito.

    “Yes! Yun ang challenge sa akin. Kailangan kong sumayaw nang konti kahit na hindi ako masyado dancer,” pag-amin niya.

    Kung si Christian ay isang uri ng sayaw, ano siya at bakit?

    “Alien dance! Kasi parang alien ako 'pag nag-dance!”

    Okay lang ba sa kanya na musical program ang bago niyang show instead of a drama series? May plano na ba ang GMA na bigyan siya ng isa pang soap opera pagkatapos ng With A Smile nila dati nina Andrea Torres at Mikael Daez?

    Sagot niya, “Yes, of course!

    "A musical program would be great, if given the opportunity.

    "There's also a plan for a soap in the next few months."

    Kung tatanungin o papipiliin siya, sino ang susunod na gusto ni Christian na maging leading lady sa isang drama series?

    “Si Marian,” sagot niya.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Lea at Sarah, tinuruang rumampa ng young artist!

    Saturday, 21 June 2014
    Written by Dondon Sermino

    Makukumpleto na ang teams ng young artists ng coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga sa huling yugto ng Blind Auditions ng The Voice Kids ngayong Sabado at Linggo (June 21 at 22). Sa ngayon, tag-15 artists na ang teams nina coach Sarah, Bamboo, at Lea.

    Puno ng emosyonal at kwelang moments ang huling Blind Auditions tampok ang huling batch ng young artists na sasalang para tangkaing paikutin ang coaches, kabilang na ang isang artist na kakanta ng Ilocano song at magmo-model kasama sina Lea at Sarah, isang babaeng nagta-taekwondo na tuturuan pa ng taekwondo moves si coach Bamboo at host na si Luis Manzano, isang batang kakanta ng opera, isang batang pinalaki ng kanyang lola, at isang male artist na makakakuha ng tawag mula sa kanyang ama sa London para palakasin ang kanyang loob.

    Sinu-sinong artists ang kukumpleto sa teams ng kanilang coaches? Sino ang huling 3-chair turner ng season? At sinu-sinong artists sa bawat team ang magtutunggali sa three-way Battle Rounds na magsisimula na sa susunod na Sabado (June 28)?


    Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com , i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Marian Rivera, ibang level ang performance sa “Marian”

    June 20 2014

    By SAMANTHA PORTILLO

    mar620.jpg

    Ang Marian Rivera na hindi pa nakikita noon ang matutunghayan sa kanyang bagong Saturday primetime dance show na “Marian”.

    Bukod sa mga bonggang original production numbers linggo-linggo, magkakaroon ng three to four costume changes ang Kapuso Primetime Queen.

    Mapapanood din ang playful side ni Marian sa Playlist segment kung saan magpeperform siya ng tatlong dance hits mula sa iba’t ibang genres.

    Mapapanood rin ng mga Kapuso ang dance showdown ng iba’t ibang celebrity dance groups.

    Hindi pa diyan nagtatapos ang saya. Sa unang pagkakataon ng kanyang career, magiinterview si Marian ng kanyang celebrity guests. Magpapakitang-gilas talaga si Marian sa kanyang hosting skills.

    Kasama niya sa show ang Eat Bulaga resident Dabarkads na si Paolo Ballesteros. Kasama rin ang Kapuso Pop Superstar na si Julie Anne San Jose, na magkakaroon ng sarili niyang musical segment.

    Ang Marian ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio at punong panulat ni Rommel Gacho. Magsisimula ito bukas, June 21 pagkatapos ng Pepito Manaloto.

    Sa naganap na press conference ng nasabing dance show, ibinahagi ni Marian kung gaano niya kamahal ang pagsasayaw at ang lahat ng taong bumubuo ng show.

    “Naniniwala po ako na minamahal ang isang artista depende sa performance niya. Depende rin kung gaano niya minamahal ang mga nasa likod ng camera at naniniwala po ako sa sarili ko na kung gaano ko kamahal ‘yung sarili ko, ganoon ko rin po kamahal yung nasa likod ng camera ko,” aniya.

    Super proud at supportive naman daw sa kanya ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

    Ani Marian, “Sobrang happy siya. Isa siguro iyon [na nagpapataatag] sa relationship naming dalawa. Kung anong achievement ang nakukuha ng isa’t isa, masaya kami sa achievement ng isa’t isa.

    “Malaki po talaga ‘yung naitutulong na mahal mo ang trabaho mo at nakikita mo ‘yung mga mahal mo sa buhay, pinupush ka pataas at binibigyan ka ng energy para magawa mo ang trabaho mo,” dagdag niya.

    Nang tanungin naman siya kung anong klaseng sayaw siya, sinagot ng pinakabagong Dancing Queen ng telebisyon na isa siyang “remix”.

    “Remix talaga kasi ang buhay ng tao, hindi naman flat. Maraming pagsubok, minsan may downtime ka, minsan pantay, so ganoon lang din ang musika, hindi mo alam. Sabayan mo lang ‘yung tugtog. Kaya nga may Marian,” anang aktres.

    Ayon kay Marian, “Kaya ang tagline namin, ito ang gabi ng Marian, gabi niyo ito at paliligayahin namin kayo. Sana maibigay namin iyan sa audience namin.”
  • truth_hurts13truth_hurts13 Member PEx Veteran ⭐⭐
    Buti may gumawa nitong thread, ito sana rerequest kong gawan ng "versus" thread, goodluck sa 2 shows mamaya.
  • kritikerkritiker Member Clay Court Specialist
    Gujab steelbardancer *okay*

    We have a new playground mga kumareng AnyarehGMA, alhex, DIGINEWS and friends :glee:
  • alhexalhex Member PEx Veteran ⭐⭐
    Walang class ang katapat na show ng TVKPH. Obvious na ginamit si Maricel at Vilma para magkaron ng HYPE!
  • rkel7133rkel7133 Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    ABS-CBN PR ‏@ABSCBNpr
    BOSES NG MGA BULILIT, MARIRINIG SA PAGBABALIK NG @TheVoiceABSCBN NGAYONG SUMMER!


    BoIi90uIYAEQ3qD_zps8dc18d4a.jpg10155377_748530081833274_256792192_n_zpsc6bf9c31.jpg1901864_700738279969523_1990373528_n_zpsdd542ed8.jpg
  • rkel7133rkel7133 Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    They're back!!! Sarah, Lea & Bamboo are the 3 COACHES of #TheVoiceKIDS. Read: http://bit.ly/1hRKaiF



    2a3fd594-33b4-4a65-b1ed-d93cf3fd271d_zps109cc7a6.png


    Ngayong taon, ang mga boses ng mga Pinoy Kids naman ang bibida sa buong mundo. At isa sa kanila ang tatanghaling kauna-unahang 'The Voice Kids.'

    Sa pagkamit ng kanilang malaking pangarap ay gagabayan sila ng 3 sa pinakasikat, pinakanirerespetong mang-aawit ng ating bansa. Mula sa iba't-ibang larangan ng musika, sila ay muling uupo sa mas pinabonggang Red Chairs bilang mga nagbabalik na Coaches!

    Yes, tama ang basa ninyo magbabalik ang mga minahal nating Coaches sa 'The Voice of the Philippines.' Pero dahil Kids edition ito, 3 lang sa kanila ang ating makakasama.

    Una na riyan ang gwapong Rock Star na si Bamboo na exciting panoorin kung paano niya I-cocoach ang mga kids na mapupunta sa #TeamBAMBOO o mas kilala bilang #KampKawayan. Magkaroon kaya muli ng kontrobersiyal na desisyon ang Voice of Rock?

    Kapag tinanong mo ang mga kids kung sino ang idol nilang local singer parating nangunguna diyan ang Pop Singer na si Sarah Geronimo. Magandang ehemplo si Sarah sa mga kids, dahil nagsimula din siya sa sa reality show at sa ngayon ay hit ang kanyang mga love songs na talaga namang nakakakilig. Ang husay niya ay hinahanggan di lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Maganda at talented na, mabait at mapagmahal pa sa kanyang mga fans kaya naman crush ko siya. Si Voice of Pop na kaya ang manalong Coach sa unang season ng Kids Edition.

    Nagbabalik din ang former child star at Voice of Disney and Broadway na si Ms. Lea Salonga. I'm sure aabangan ulit natin ang kanyang mga magiging komento sa mga performance ng mga kids. Magawa niya kaya ulit maipanalo ang kanyang team?


    3 Coaches. 3 Teams. One Ultimate Singing Competition. Let your voice be heard, kids. This is 'The Voice Kids. Abangan ngayong taon sa ABS-CBN.
  • rkel7133rkel7133 Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    10015659_1480203835532170_1104681515_n_zps760336dc.jpg051814-voice1_mainphoto_zpsb59bdc7a.jpg
  • pjay0928pjay0928 Bаnned by Admіn PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Queen of the Dancefloor?! :rotfl: mag showdown muna sila ni teacher Georcelle. :glee:

    [video=youtube_share;HFuGqTEFKYg]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Buti may gumawa nitong thread, ito sana rerequest kong gawan ng "versus" thread, goodluck sa 2 shows mamaya.
    kritiker wrote: »
    Gujab steelbardancer *okay*

    We have a new playground mga kumareng AnyarehGMA, alhex, DIGINEWS and friends :glee:
    ^ original?v=mpbl-1&px=-1
    PSR-LOGO.gif

    Sey ni Direk Louie Ignacio: Si Marian na ang susunod na Vilma
    June 9, 2014

    by Roldan Castro

    louie1.jpg

    Positibo ang 2014 ni Direk Louie Ignacio dahil sobrang dami niyang proyekto. Meron siyang Cinemalaya entry na “Asintado” with Aiko Melendez, Jake Vargas, Gabby Eigenmann. May morning show din siya na “Basta Every Day Happy” with Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra De Rossi at Chef Boy Logro . Meron din siyang children show na “Tropang Pochi”.

    Sa June 21, balitang magsisimula na rin ang dance show ni Marian Rivera sa GMA 7 na kung saan sa pilot ay guests niya sina Vilma Santos at Maricel Soriano.

    Co-host ni Marian si Paolo Ballesteros kaya hindi nakakapagtakang kung biglang mapapanood si Paolo na mag-impersonate ng mga Hollywood at local celebrities.

    “Umuulan ng blessings. Meron pang isang papasok na show pero hindi pa puwedeng sabihin,” bungad ni Direk Louie sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph).

    “Sabi ko nga, uy totoo nga na susuwertehin ako ngayong 2014 kasi bumalik ‘yung mga gusto ko idirek na bagay sa akin,” dagdag pa niya.

    Ano ang masasabi niya na nag-taping na sila ng pilot episode ng “Marian”?

    “Na-starstruck ako nang dumating si Ate Vi at saka si Maricel kasi first time sa isang show na…biruin mo si Ate Vi sa GMA, gumagawa ng “Vilma” show before ngayon si Marian na ang pinupuntahan niya at nag ge-guest siya. So, meaning parang si Marian na ang susunod na “Vilma,” na “Loveliness,” di ba ganoon?

    “Sobrang saya ko for Marian kasi in fairness to the girl, kinarir niya ang lahat ng production numbers…perfect as in kahit pagod na pagod na siya for three consecutive days na nagre-rehearse siya para dun sa mga numbers,” sey pa ni Direk.

    Na-excite ba si Direk sa show na ito?

    “Sobra. Ito ang dream ko na bumalik sa musical show , na ‘yun talaga ‘yun forte ko and with Marian pa so ibang-iba,” aniya pa .

    First time ba niya si Marian na idirek?

    “ For major show, yes pero madalas sa “SOP,” “Party Pilipinas,” tugon pa niya.

    Kumusta katrabaho si ‘Yan?

    “Wala. Parang ordinaryong tao na marunong kabahan, nini-niyerbyos, parang dinadaga ‘yung dibdib pag lumalabas sa stage, ganoon lalo na nu’ng kasama niya si Ate Vi, starstruck pa rin siya, ‘yung ganoon. Hindi siya ‘yung Marian na sinasabi nila na primadonna, hindi. Nakita ko siya dito na isang artista na sumusunod sa director, nagrerehearse, pinag-aaralan ‘yung kanyang show.”

    Ano ang mas maganda ‘yung pasabog ni Vilma o ‘yung pasabog ni Maricel sa show?

    “I-enjoy mo ang Europe,” pag-iwas ni Direk sa tanong.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file