Home PEx Hobbies Pets and Animals
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

freshwater and saltwater fish/reef aquariums

Any questions about your waterbreathers? Know how to start your tank right? Let us help you, or maybe you can share us some of your secrets in fishkeeping?
«1

Comments

  • rage_withinrage_within PEx Veteran ⭐⭐
    expert ka na ba rito?

    i've tried that thrice but lagi akong namamatayan ng isda at mga invertebrates.

    i had a good overhead filtration system, a nice 25 gallon tank, i use saltwater concentrates and followed it carefully kung paano magtimpla. i also had a floating hydrometer. i always buy fishfood from tetra and bio-research.

    they also said na mas tipid nga daw siya sa linis kesa sa freshwater aquarium.

    sarap sana mag-alaga ng saltwater fishes, much colorful and exotic siya kesa pond/freshwater fishes, kaso lagi akong namamatayan.
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Oi rage_within musta!

    Hindi ko masasabing expert ako dahil nagsisimula palang ako sa marine side ng aquarium hobby. Pero I can say na medyo madami dami na rin akong alam. At sa tingin ko if we share our experiences in fishkeeping, we will be able to help other hobbyists avoid the mistakes we have made.

    Maraming pwedeng maging dahilan kung ka namamatayan ng mga isda, ito ang iba sa naisip ko:

    1.) Baka namatay sa gutom yung mga isda mo. Kasi iba iba rin ang mga pangangailangan ng ibat ibat isda. Subukan mo ang mga clownfish at damselfish na kumakain ng flakes. Ang dali nila alagaan. Ang mahirap alagaan ay yung mga seahorse at mga tang, dahil yung una kailangan laging may buihay na pagkain na availble sa tanke at yung pangalawa ay vegetarian at sensitibo masyado sa lagay ng tubig.

    2.) Baka hindi bagay yung mga isda mo sa isat isa. Meron kasing mga sigang isda. Halimbawa na ang mga triggerfish, grouper at lionfish na malamang kainin ang ibang isda mo. Meron namang mga isdang merong "kick me" sign na nakadikit sa likod tulad ng mga seahorse at pipefish, kaya bibihhira ang isdang pwedeng isama sa kanila.

    3.) Baka nalason yung isda mo. Kasi yung dumi ng isda ay nagiging ammonia sa tubig. Siguro naman nakaamoy ka na ng ammonia. At ang ammonia ay nakakalason sa mga isda. At dahil hindi naman pwedeng araw araw kang nagpapalit ka ng tubig ang pwedeng mong gawin ay i-filter yung tubig. Ako ang gamit ko ay 3 layered overhead filter at saka protein skimmer. Importante sa pag alis ng ammonia ay ang biological filtration na ginagawa ng bacteria. Kaya mas maganda ay unit unti kang maglagay ng isda sa tanke mo hanggang maging sapat na ang bacteria sa paghandle ng ammonia. Tapos makakatulong din ang pagpalit ng tubig every week mga about 20% lang. Atsaka live rock na may mga microorganism na makakatulong din sa biological filtration. Saka wala dapat na kahit anong bakal na malulubog sa tubig ng aquarium mo.

    yun yung mga naisip kong baka naging dahilan.
  • rage_withinrage_within PEx Veteran ⭐⭐
    hello!

    good to know na may kapwa akong fish lover dito. mostly ng naalagaan ko talaga ay mga freshwater at pond fishes, amphibians, reptiles, but failed talaga ako sa saltwater.

    about feeding procedures that you have mentioned, ayos naman ang feeding ko. nag-research ako muna then nagtanong-tanong para sure. so far naman, kinakain naman nila.

    nag-start din ako sa damsel fishes, yung mga mura. then may filtration sustem din ako para luminis.

    maybe agree ako sa iyo regarding the bacteria, baka nga iyung ang dumale sa mga isda ko.

    well, mukhang naeenganyo na naman akong sumubok dahil sa mga tips mo on saltwater fish keeping.

    thanks!


    :D
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Helo ulit!

    Oo cge try mo ulit saltwater! maganda kasi. Ang i-rerecommend ko sa iyo ay 2 clownfish (percula, ocellaris or african) at isang anemone. Bukod sa relatively madaling alagaan ay napaka interesting ng relationship nila sa bawat isa at ng magiging relationship nila sa iyo.

    Ang mga clownfish kasi ay lalake, lahat sila, nung ipinanganak sila. Kapag nakahanap na sila ng anemone, there will be one in the group (which can be 2 to hundreds of individuals) that will become considerably larger, sya na ngayon yuyng alpha female or the breeding female. Ganun lang yun, at kung mamatay yuung alpha female ay yung alpha male ang magiging babae at galing dun sa groupo yung bagong alpha male. Pwede mong tawaging males in waiting yung iba sa kanila ehehe.
    Pwede ka magkaroon ng breeding pair kung bibili ka ng 2 na juveniles at after mga ilang months biglang yunng isang isda will become bigger than the other one. Tapos pwede mo na itry magbreed!

    Tapos pag meron ka na rin pwede tayo magtradee ng fish or inverts! Mas masarap magalaga kung meron kang kaibigang nagaalaga rin eh. :D
  • rage within: palagay ko kelangan mo rin lakihan ang aquarium mo. mas malaki kasi ang space na kelangan ng marine fishes relative to freshwater fishes.


    mahirap talagang mag-maintain ng saltwater aquarium. nasubukan ko na 'to at puro panghihiniyang lang ang inabot ko. bukod sa mahal na ang salt (sera pa naman yung binili ko - the best artificial salt there is in the market), kelangan pang bumili ng protein skimmer. titimplahin mo para ma-attain mo ang proper proportion ng salt to water. tapos patatagalin mo nang mga at least 1 week bago mo i-introduce yung mga isda sa tubig... kaya cichlids nlng, piranha at arrowana ang inaalagaan ko... gusto ko na nga ring ibenta kasi aalis na rin ako ng bansa this summer.

    ang advantage lang na nakita ko eh yung diversity at pagka-colorful ng mga isda. na-try ko na mag-alaga ng damsels, clown fish (percula, african, tomato, etc.), gobby, angel fish, emperor fish, starfishes, at marami pang iba. pero ang paborito ko ay yung lion fish. gustong-gusto ko yung appearance niya - patusok-tusok. isa pang nakakaaliw alagaan ay yung mga corals na binibigyan ko ng calcium at isa pang liquid food (nakalimutan ko na kung ano yon).
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    yebaks

    Gusto ko rin ng lionfish, yung peacock. Pero nagdadalawang isip ako dahil alam ko carnivorouos sya. Kakainin ba nya ang clownfish at mga damsel kung kasya ito sa bibig nya? O kakainin lang nya ito pag nagugutom sya? Kaya rin bang kumain ng lionfish ng mas malaking isda tulad ng tang? Mabilis ba lumaki yung lionfish mo? Hindi ka ba naman natusok nung venomous spines ng lionfish? Kung oo, ano pakiramdam at paano mo nagamot?

    Pamilyar ba kayo sa boxfish or cowfish? Kumakain ba ito ng corals, fanworms at ibang inverts?

    Share nyo naman experience nyo sa pagaalaga ng saltwaterfish.

    :p:D:) :cool:
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Any aquarists out there who wants to share personal insights or experiences about the hobby? Tell me what's in your mind. Please do.
  • rage_withinrage_within PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by Faust21
    Helo ulit!

    Oo cge try mo ulit saltwater! maganda kasi. Ang i-rerecommend ko sa iyo ay 2 clownfish (percula, ocellaris or african) at isang anemone. Bukod sa relatively madaling alagaan ay napaka interesting ng relationship nila sa bawat isa at ng magiging relationship nila sa iyo.

    Ang mga clownfish kasi ay lalake, lahat sila, nung ipinanganak sila. Kapag nakahanap na sila ng anemone, there will be one in the group (which can be 2 to hundreds of individuals) that will become considerably larger, sya na ngayon yuyng alpha female or the breeding female. Ganun lang yun, at kung mamatay yuung alpha female ay yung alpha male ang magiging babae at galing dun sa groupo yung bagong alpha male. Pwede mong tawaging males in waiting yung iba sa kanila ehehe.
    Pwede ka magkaroon ng breeding pair kung bibili ka ng 2 na juveniles at after mga ilang months biglang yunng isang isda will become bigger than the other one. Tapos pwede mo na itry magbreed!

    Tapos pag meron ka na rin pwede tayo magtradee ng fish or inverts! Mas masarap magalaga kung meron kang kaibigang nagaalaga rin eh. :D


    sige, try ko! interesting fact ah! thanks!
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Balitaan mo ako kung anong nangyari sa pag-aquarium mo ha! hehe.

    ingat!
  • Originally posted by Faust21
    yebaks

    Gusto ko rin ng lionfish, yung peacock. Pero nagdadalawang isip ako dahil alam ko carnivorouos sya. Kakainin ba nya ang clownfish at mga damsel kung kasya ito sa bibig nya? O kakainin lang nya ito pag nagugutom sya? Kaya rin bang kumain ng lionfish ng mas malaking isda tulad ng tang? Mabilis ba lumaki yung lionfish mo? Hindi ka ba naman natusok nung venomous spines ng lionfish? Kung oo, ano pakiramdam at paano mo nagamot?

    Pamilyar ba kayo sa boxfish or cowfish? Kumakain ba ito ng corals, fanworms at ibang inverts?

    Share nyo naman experience nyo sa pagaalaga ng saltwaterfish.

    :p:D:) :cool:

    di nya kakainin yung clownfish. pinapakain ko dati sa kanya bagoong or kataba. di nya kaya kumain ng tang. sa totoo lang, mas mahirap magpalaki ng saltwater fishes kaysa sa freshwater. di nagtagal yung lionfish ko. namatay kaagad. kaya puro cichlids, arrowana & piranha inaalagaan ko ngayon. sobrang dali lang kasi alagaan at palakihin. di pa naman ako natusok ng lionfish, pero pagkakaalam ko, di naman ganon ka-venomous yung fins nya eh. magse-swell lang siguro for a while, pero after applyan ng antibiotics ok na.
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Ey yebaks!

    Kumakain pala ng bagoong lionfish mo, may katernong mangga?
    Hehe just kidding... Bale yuung bagoong na hindi pa luto ang pinapakain mo sa kanya, I presume?

    Oo naman, mas madali magalaga ng freshwater fish pero depende din sa isda diba? Tulad nung discus, freshwater sya pero medyo maselan.

    Ehehe cguro masakit ang sting ng lionfish, yung sa tang masakit eh. Nahiwa na kasi ako nung yellow tang ko dati. Ang tang kasi ay tinatawag din na surgeonfish diba? At kaya siya tinawag na surgeonfish dahil meron sya parang scalpel sa isa nyang fin.

    cge na hehe nabutas yung plastic ng sea squirt ko! maglilinis pa kami...
  • gwapo, di manga kinakain ng lionfish ko - guyabano! tama ka dun, surgeonfish nga yung tang.

    balik mo naman yung pic mo. ang GWAPO, GWAPO, GWAPO, MO!! grabe!

    peace!!!
  • Red_DevilRed_Devil PEx Veteran ⭐⭐
    Aquarium hobbyist di ako, karamihan Cichlids, saka konting Catfishes.

    Okay sana mag-alaga ng Saltwater fish, di naman masyadong mahirap kung tutuusin. Ang problema lang ay lahat ng binebentang saltwater fish ay wild-caught. Ito 'yung malaking factor kung bakit madaling mamatay ang mga isda. Kailangan nga siguro ay malaking aquarium and ma-simulate 'yung environment nila, like hiding places, feeding grounds, the water movements, etc. Unlike sa freshwater, mostly tank-raised na 'yung nabibili sa mga petshops.
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    yebaks
    shucksss... namumula na ako...
    j.k. :)
    Red_Devil

    You have a point there. Most, if not all, saltwater fish in the Philippine pet trade are wild caught. And being wild specimens not accustomed to being confined in a small glass cube, these fish have very high mortality rates. They may also carry parasites and diseases or die because of shock and stress due to handling and transportation.
    Why not breed marine fishes in tanks? As much as fish exporters and traders want to, breeding marine fish requires expensive facilities and equipment. Tank bred specimens are usually sold at a higher price. :)
  • pare, joke lang yon. masyado ka naman naniniwala eh.
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Oi yebaks!
    hehe lalake ka pala, akala ko inde eh...
  • o pare, san mo nanaman nakuha yang pic mo? diba si alfie yan.
  • Faust21Faust21 PEx Rookie ⭐
    Oi yebaks!

    Sinong Alfie sinasabi mo, ako ba? Ikaw din ba si Ready2Go? Picture ko po iyan hehe.
  • yang pic na ginamit mo, diba si alfie yan. di pare, di ako si ready2go. isang username lang gamit ko. pare, ang layo naman ng itsura ng dating pic mo jan.
Sign In or Register to comment.