Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA Network: MARIAN (Ms. Marian Rivera with Paolo Ballesteros)

mr_boy007mr_boy007 Bаnned by Admіn PEx Influencer ⭐⭐⭐
dg1gzk.jpg
«13456714

Comments

  • jag_meets_jofjag_meets_jof Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    HIndi na ako makapag-hintay para sa show na ito..............;)
  • geseptembergeseptember Spread Peace PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ito pala ay ilalagay every Saturday night after ng VAMPIRE ANG DADDY KO and I Think mga 7pm yun.
  • geseptembergeseptember Spread Peace PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Paolo Ballesteros on co-host Marian Rivera: “Kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon.”

    Paolo Ballesteros on Marian Rivera: “Kahit na sa unang trabaho pa lang namin, kung ano siya dati, ganoon pa rin siya ngayon. Wala siyang arte sa katawan. 'Tapos, hindi nagme-make-up. Ang gaan-gaan katrabaho.”
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    Marian Rivera makikipagsabayan sa pagsasayaw sa dalawang Mrs. Manzano

    Hahataw na at malapit nang mapanood ang dance show ni Marian Rivera na “Marian” sa Kapuso Network. Sa pilot nito, ay ang Star For All Season na si Vilma Santos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano lang naman ang mga magiging guest niya. Matagal nang hindi nagsasayaw ang dalawang bigating aktres pero muli silang gigiling sa bagong show ng Kapuso actress. Magsisimula na ang taping ng show sa May 30 sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio. Ipapalabas ito tuwing Linggo ng gabi.
    Sayang nga, si Ms. Alma Moreno dahil may sakit daw. Meron pa namang pagkakataon para i-guest kung pupuwede siya. Silang tatlo kasi ang kinu-consinder sa pilot dahil magco-concentrate sa mga sayaw nina Ate Vi, Ms. Maricel. Ayaw naman naming sabihing throwback dahil meron kaming enhancement. Hindi ibig sabihin na kung anong sayaw nila, ‘yun na ‘yun. May ibang steps pa rin na gagawin,” sey niya sa pictorial ng kanyang bagong show na kung saan ay nag-shoot din siya ng konting sayaw para sa teaser at plug.
    Tribute ba ito sa mga shows na sumikat nu’ng 80’s gaya ng “Vilma,” “Maria! Maria!”, “Loveliness”?
    “Actually, ayaw ko namang sabihing ginaya pero isa ‘yun sa mga pangarap ko at inspirasyon sa show na ito. At wala namang makakatalo talaga nu’ng mga sayaw na ‘yun,”
    Tingnan natin. Depende sa konsepto,” sagot niya.
    Aminado si Yan na isa sa pangarap niya ay magkaroon ng ganitong klaseng show.
    “Gusto ko talaga siya. Nu’ng sabihin sa akin ito, isa ito sa mga pangarap ko na tinupad ng GMA,” aniya.
    Bagamat hindi guest ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa pilot, open naman siya na sumayaw sila sa show. Pareho namang pumapayag ang dalawa na mag-dirty dancing sa ‘Marian’.
    “Magandang suggestion ‘yan,” sey pa ng Primetime Queen.
    May segment din sa show ni Yan na Top 3 na kung saan ay dun regular na mapapanood si Julie Anne San Jose. Co-host naman ni Yan si Paolo Ballesteros. Personal choice ba ni Marian si Paolo na maging co-host?
    “’Yung iniiisip ko, iniiisip nila. Nagkataon talaga. Nu’ng sabihin sa akin, oo naman. Si Paolo, isa sa pinakapaborito kong artista dahil nakasama ko siya sa “Tadyang”. Matagal kaming nagkasama niyan. From there, hindi nawala ang communication namin at inaanak ko ‘yung anak niya,” sey pa niya.
    Sa isang linggo, dalawang araw ang rehearsal niya bago mag-run. Nakakapagod ang gagawin niya pero excited siya. Handa na ba siyang mabalian at matapilok?
    “Huwag mo namang ipanalangin. Well, eto ang tinatawag na buwis-buhay, oo naman,” aniya.
    After daw ng “Eat Bulaga” niya ay dun siya magre-rehearsal.•
  • geseptembergeseptember Spread Peace PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Marian Rivera confirms that Gov. Vilma Santos has agreed to be a guest in the first telecast of her dance show, “Marian,” on June 22. “Nagkasama kami sa ‘Ekstra’ at naging friends kami. When I invited her, pumayag naman siya. Tribute naman talaga sa kanyang ‘Vilma’ ang show namin, pati na rin sa shows nina Maricel Soriano and Alma Moreno before where they did a lot of dancing. Si Ate Maria, nag-confirm na rin, but si Ate Alma, may sakit daw, multiple sclerosis, kaya hindi puede sumayaw.

    “Thankful ako sa GMA kasi supportive talaga sila. In each show, iba’t ibang outfits designed by iba iba ring designers ang isusuot ko. I will be doing three big production numbers in each show, from modern, ballroom to hip hop, at iba iba rin ang choreographers ko. Si Paolo Ballesteros ang co-host ko and I’m so glad kasi we’ve been friends since we did ‘Dyesebel’ together. Inaanak ko pa nga ang daughter niya. Tapos, magkasama rin kami ngayon sa ‘Juan for All, All for Juan’ segment ng ‘Eat Bulaga’.”

    She seems to be enjoying being part of the show. “Yes! And I promised them habang wala akong soap, I’ll try my best to join them three times a week. Enjoy talaga ako going to various barangays para mamigay ng watches and cash. Importanteng nakakapagpasaya ako ng mahihirap nating mga kababayan lalo na’t ang dami kong blessings. Heto, may bago na naman ako endorsement, ang Hana Shampoo na galing sa Japan. Its brand name there is Shokubutsu and it’s harnessed from nature and not artificial solutions. Importante for any woman to have this kind of shampoo kasi kahit wala kang make up, basta okay ang buhok mo, mas maganda pa rin para sa sinumang babae.
    - See more at: http://www.malaya.com.ph/business-news/entertainment/marian-spreads-her-wings#sthash.Ejr3hTVS.dpuf
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    Vilma Santos and Maricel Soriano to guest on Marian Rivera's new dance show

    blogger-image-800712222.jpg


    Nag-pictorial na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang kauna-unahang dance show sa telebisyon, ang Marian.

    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Marian sa Studio 6 ng GMA-7 kunsaan ginanap ang pictorial niya noong Lunes ng gabi, May 26.

    Kinumpirma ni Marian na ang magiging special guests niya sa pilot episode ng Marian sa June 22(Sunday night) ay ang Star for all Seasons na si Governor Vilma Santos at Diamond Star na si Maricel Soriano.

    Sa pilot daw episode, ang magiging focus nila ay sa mga sayaw na pinasikat nina Ate Vi at Ms. Maricel.

    “Ayaw naman naming sabihing throwback, pero, hindi dahil yun ang sayaw nila, e, yun na yun.

    “May enhancement pa rin na gagawin.”


    Anong mga preparasyon ang ginagawa niya para sa Marian?

    “Preparasyon? Tulad ngayon, may shoot, may plug tapos, nagsayaw ako ng konti para sa teaser.

    “Ang nakaka-excite kasi, ang daming magagaling na choreographer na nandiyan every time.”

    May nagsasabi na kesyo ginagaya raw nila ang mga dance shows noong araw tulad noong kay Vilma at Alma.

    Sabi naman ni Marian, “Ayaw ko namang sabihin na ginagaya, pero, isa yun sa mga pangarap at inspirasyon ng show na ito.

    “At saka, wala naman pong makakatalo noong araw na mga dance shows na yun.

    Nagsusuot ng ***** ang mga artistang may dance show noon, kaya niya rin bang gawin yun sa Marian?

    “Tingnan natin, tingnan natin, depende sa konsepto,” nakangiting sabi niya.


    Aminado naman si Marian na ang pagkakaroon ng dance show ang isa sa mga proyektong gusto talaga niyang magawa.

    Sabi nga niya, “Oo, isa talaga ‘to, gusto ko talaga siya. Kaya noong sinabi sa akin ng GMA, sinabi ko talaga na isa ito sa mga pangarap ko na tinupad ng GMA: ang magkaroon ako ng dance show.”

    Dancer rin ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Nagsimula ito bilang miyembro ng Abztract Dancers.

    Kung sakali, puwede niyang itong maging guest.

    “Puwede,” nakangiting pagsang-ayon naman ni Marian.

    Ang ilan na sa entertainment press ang nagbigay ng suhestiyon kay Marian na bakit daw hindi “I’ve Had the Time of My Life” ng Dirty Dancing ang sayawin nila.

    “I like that, magandang suggestion ‘yan. O siya, tingnan natin. Magandang suggestion ‘yan. Ikokonsider ko ‘yan,” natatawa niyang sabi.

    Modern dance ang ilan sa mga sayaw na nakasanayan na sayawin ni Marian bago pa man siya mag-artista.

    “Hip hop kasi ako, Lambada, Macarena. Pero kung mag-ballroom, why not? Mahilig din kasi ako sa mga ganyan, e.”

    Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na noong nag-aaral pa siya ay marami rin siyang dance contest na sinalihan.

    “Sumali ako sa mga dance competition. Hindi lingid ‘yan sa kaalaman ng mga taga-school ko dati at kahit individual dance competition lumalaban ako.”

    May formal dance lesson ba siya?

    “Dance lesson, e, wala. Pero, bilang ang pamilya namin ay mahilig sumayaw at nahasa rin ako sa school, siguro isa rin yun sa mga dahilan kung bakit mahilig akong sumayaw.”


    Sanay ang taong napapanood siyang umaarte lalo na sa mga teleseryeng nagawa na niya.

    Pero ngayong dance show naman ang gagawin niya, sa dalawa, saan siya mas nahihirapan?

    “Alam niyo, naniniwala naman ako na wala namang madaling gawin. Basta gusto mo ang ginagawa mo, lahat posible.

    “So, love ko ang pag-arte, minahal ako ng mga tao diyan. At hilig ko rin ang pagsasayaw, nasa dugo ko talaga ang pagsasayaw.”

    Pero, alam rin ni Marian na nakakapagod ang magkaroon ng dance show.

    Sabi nga niya, “Alam niyo ngayon, may plug shoot ako, magpi-pictorial at magsu-shoot ako for OBB so, tatlo itong gagawin ko ngayong araw na ‘to.

    “Tapos, dalawang araw ang rehearsal bago ang run. After ng Eat Bulaga, diretsong rehearsal.”

    Mas magiging busy pa siya dahil sa dance show na Marian kumpara noon habang ginagawa niya ang primetime soap opera niya.

    “Oo, kasi, yung Carmela, pupunta ka ng taping, magta-trabaho ka. Hanggang alas-dos, alas-tres tapos uuwi ka na.

    “Pero ito, iba. Acting is acting. Pero ito, may rehearsal, may damit, may mga guests ka. Tapos, may interview kasing involved at ayoko namang mag-interview na wala akong alam sa tao, so, magri-research pa rin ako.”


    Kung tatlo hanggang apat na choreographer raw ay meron sila kada-episode, isa rin sa excited si Marian ay sa mga damit na isusuot niya.

    “Hindi rin biro ang mag-i-style sa akin. Iba-ibang designers kaya talagang effort talaga.”


    May segment rin si Julie Anne San Jose sa Marian at ang magiging co-host naman niya ay si Paolo Ballesteros.

    Personal choice niya ba si Paolo?

    “Yung iniisip ko, yun ang inisip nila. Nagkataon talaga.

    “Kaya noong sinabi sa akin, oo naman. Si Paolo ang isa na kahit hindi kami nagkikita, isa sa paborito kong artista dahil nakasama ko siya sa [Ang Babaeng Hinugot Sa Aking] Tadyangand from there, hindi kami nawalan ng communication niyan at inaanak ko ang anak niya.”

    Close talaga sila?

    “Masasabi kong oo, e. Naniniwala ako na ang magkaibigan, kahit na hindi mag-textan, pero kapag nagkita, nandoon pa rin ang spark, magkaibigan pa rin.”Marami naman ang natutuwa sa tuwing nakakasama ng Dabarkads si Marian sa "Juan For All" segment ng Eat Bulaga.

    At dahil sinimulan niya ang pamimigay ng suot-suot niyang relo, kinailangan na raw niyang mamili.

    Natatawang kuwento ni Marian, “Namili na ko. Hindi na wall clock. Kaya lang wall clock, kinomedi ko lang para masaya lang.

    “Pero ngayon, talagang may baon na kong relo. Bumili na ko.”

    Bukod sa relo, may puhunan pa siyang binibigay.

    “Puhunan ni Yan. Yun yung wallet na pink na may butterfly. Mahilig ako sa butterfly, symbol ng Marian, bagong buhay.”

    Tatlong beses sa isang Linggo mapapanood si Marian sa "Juan For All" na ang pinili talaga ay ang nasa labas siya kesa nasa loob ng studio.

    “Gusto ko talaga, e. Happy ako and to be honest, maraming nagtatanong sa akin, bakit pinipili mo sa labas, hindi sa studio na malamig?

    “To be honest talaga, ako talaga ang may choice na gusto ko sa labas. Sa totoo lang, iba yung nararanasan mo kesa sa nakikita mo lang sa TV.

    “Doon mo maa-appreciate kung anong buhay meron ka. Doon ka magiging thankful kung ano ang binigay sa ‘yo ng Diyos kasi, actual mong nakikita.

    “At alam mo yun, kapag nagbibigay ka, yung mga tao, hindi mo naman puwedeng i-acting yun, live yun, e. Kung ano ang nararamdaman nila, ibig sabihin totoo.”


    May plano pa yata ang Regal Film’s Lady producer na si Mother Lily Monteverde na siya na ang gagawan ng pelikula.

    “Ah, okay, zombie land na ito. Why not? Basta kaya. Ang tagal ko rin namang naghintay kay Mother dahil gusto niya may gawin ako, pero, wala pa namang naibibigay.

    “Hanggang wala pa, e, gogora muna ko sa Eat Bulaga at dito sa dance show ko.”

    Ang susunod na soap opera naman ni Marian ay posibleng August o September pa niya simulan.

    Aniya, “Kapag nag-soap ako, stop muna ko ng Eat Bulaga, hindi ko na kaya.”

    Kung meron man siyang hindi nakakaligtaan, ito ay ang mga bonding moments o pagdi-date nila ng boyfriend na si Dingdong Dantes.

    Sabi ni Marian, “Nakita niyo naman sa Instagram, ‘di ba, para-paraan.

    “Alam niyo, kapag gusto niyo ang isang bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan kahit one minute lang ‘yan.”

    Malapit na rin siyang umalis papuntang Amerika. May shows siya sa Las Vegas, Los Angeles at San Francisco ngayong June.
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    Maricel Soriano and Vilma Santos ang mga guests sa dance show ni Marian Rivera. Mga bigatin ang guests.
  • forgforg Administrator PEx Moderator
    So this is a dance show pala. I think this is a good project for Marian, she's really a good dancer :)
  • ILuvBarbieILuvBarbie Hello PEx Influencer ⭐⭐⭐
    So this is a dance show pala. I think this is a good project for Marian, she's really a good dancer

    Tama, ipapakita niya dito ang kagalingan niya sa pagsasayaw. Break muna siya sa drama at iyakan.
  • starfirestarfire BULLS/EB/HxH/J-Dorama PEx Veteran ⭐⭐
    sana ma guest nya si Ryza Cenon :)
  • 05musicbox05musicbox Member PEx Veteran ⭐⭐
    Kahit kapamilya ako, i think this is a perfect show for marian. Ang galing niyang sumayaw! Can't wait to watch this! I'm sure this will be a hit!
  • truecolors09truecolors09 Member PEx Veteran ⭐⭐
    Hope to see Paulo B. dancing every episode in "MARIAN".
  • sojournersojourner Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hope Maricel gets to dance her signature moves -- Rico Mambo, etc.

    Missed seeing her strut on the dance floor!

    Must watch!

    Hail to the Queen!!
  • Prinsesa_JasminPrinsesa_Jasmin Shining shimmering splendid PExer
    Ito pala ay ilalagay every Saturday night after ng VAMPIRE ANG DADDY KO and I Think mga 7pm yun.

    Tatapatan niya po ang The Voice Kids? :surprised:
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    Hope Maricel gets to dance her signature moves -- Rico Mambo, etc.

    Missed seeing her strut on the dance floor!

    Must watch!

    Hail to the Queen!!

    Aabangan ko rin dito si MARICEL SORIANO sa kanyang guesting sa show ni Marian Rivera.
  • cordial7cordial7 Home PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Since "The Voice Kids" is undoubtedly GMA Network's newest big problem on weekends in terms of TV ratings, the only thing they can do is to put something bigger and that's Marian Rivera.

    lionheartv.jpg

    So today's one busy and in-demand lady Marian Rivera will be a dance diva every Saturday night after her series "Carmela." This is the perfect show for her since apart from an actress, she is also known as a dancer. Marian for me is perfect for this show, not sure if she'll be perfect for the timeslot but I hope and pray, GMA Network will have a big blast promotions for this upcoming show.

    Anyways, this Marian show will showcase grand productions with a lot of fabulous stylists and respected choreographers involved. Paolo Ballesteros will be Marian’s co-host while Julie Anne San Jose will also have her own segment.
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    24 Oras: Marian Rivera, may bagong dance show sa GMA-7

    [video=youtube_share;jp62JhFSaa4]
  • ILuvBarbieILuvBarbie Hello PEx Influencer ⭐⭐⭐
    10325726_10152578259759415_1219344078202872764_n.jpg

    Marian nights begins on June 21

    10406422_10152578249764415_3554831819912438311_n.jpg

    Saturday nights will definitely be different beginning June 21 for Marian Rivera will unleash the glamorous and fun side of her in the newest Saturday primetime musical, "Marian." There’s no stopping Marian as she grooves to the beat of being the most beautiful 'Dance Diva' in her self-titled show. Marian heats up the stage through her contagious energetic vibe, as she will absolutely be a feast for the eyes with her show-stopping costumes, make-up and hairstyles.

    Let's wait and see... Goodluck!
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    Love dance? Love MARIAN!
    Beginning June 21, after Vampire Ang Daddy Ko on GMA Network.

    10431700_638998239524135_759459456756443470_n.png
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    After pala ng VAMPIRE ANG DADDY KO itong show ni MARIAN.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file