Home PEx Chat Small Talk

Transcript of records.

Mga kuya, ate. Help naman po. Highschool graduate po ako tapos 4yrs bago ako nagpa enroll as freshman sa college. Ngayon po lahat ng original like card (form 138), good moral pinapasa po nila as requirement ng school. Ngayon bigla pong nagkasakit papa ko kaya umuwi ako ng probinsya tapos nag dropped. Hindi ko na sya pinasukan, hindi ko natapos yung 1st sem. Ngayon po nagtanong ako dun sa school kung pwede po ba na mag drop na lang ako. Sabi naman po pwede, ang kaso magiging incomplete ang kada subject ko. Tapos bago pa nila ibigay yung TOR ka kailangan ko pa mag bayad ng balance ko sa school. Possible po kaya na wag ko na lang kunin sa college school ko yung TOR ko? Tapos pwede po ba akong manghingi ulit ng COPY ng HS card ko sa pinanggalingan kong highschool? Makati po ako graduate kaya nagwoworry ako na baka di nila ako bigyan ng copy ng HS card ko kasi bukod sa 2008 pa ako graduate, medyo mahigpit sila. Tapos nung nanghihingi ako sa kanila ng form 137 kailangan pa daw nila ng request sa college na papasukan ko. And ask ko lang po, pwede kaya ako makapag enroll ng college na wala man lang naipe present na card? Sabi kasi ng iba kahit wala ng card makakapag enrol ka kasi form 137 na daw po ang kailangan dun. Tapos ang form 137 school to school na maguusap about dun. HEEEEELLLLLPPPPP. Sorry po madami akong tanong. :) salamat po!
Sign In or Register to comment.