Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

GMA NETWORK: My Destiny - Lorna Tolentino,Carla Abellana,Tom Rodriguez,Rhian Ramos

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
Carla biglang dumami ang show

Kung si Marian Rivera ang tinaguriang Primetime Queen sa bakuran ng GMA, puwe*de nang tawaging Primetime Princess si Carla Abellana da*hil pagkatapos ng kanyang hit gay TV series na My Husband’s Lover with Dennis Trillo and Tom Rod*riguez ay balik ang tambalan nila ni Tom sa isang bagong TV drama series na nakatakdang idirek ni Laurice Guillen. May sitcom pang gagawin si Carla opposite Ryan Agoncillo, ang Ismol Family bukod pa sa kanyang pagiging bahagi ng Sunday All Stars.
«13456778

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 30, 2014 - 12:00am

    Bago sumabak sa trabaho, LT nag-relax muna sa Japan

    Lumipad kahapon sa Japan si Lorna Tolentino at ang kanyang mga anak. Kasama nila sa Japan ang mga kaibigan nila na members ng The Legends.

    Sinasamantala ni Lorna ang pagkakataon dahil sa pagbabalik niya sa Pilipinas, magiging busy na siya sa tapings ng drama series na pagbibidahan nila nina Carla Abellana at Rhian Ramos.

    Hindi ko pa maibabahagi ang kuwento ng bagong teleserye ng Kapuso Network dahil hindi ko ugali ang dumalo sa mga story conference. Mabuti nang hindi ako umaapir para hindi ako madulas na ikuwento ang plot ng upcoming teleserye nina LT, Rhian, at Carla Abellana.

    Hindi nahirapan si LT at ang kanyang mga kasama na mag-apply ng visa para makapunta sa Japan. Mabilis na ang proseso at kadalasan, multiple visa ang ibinibigay ng Japan Embassy sa mga Pinoy na nagbabakasyon sa kanilang bansa. Hindi katulad nang dati na pahirapan ang pagkuha ng visa dahil kailangan pa ng imbitasyon mula sa mga Japanese national.


    > kasama din si Rhian at LT, nice!
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TUESDAY, MAY 27, 2014

    Insta Scoop: Carla Abellana and Tom Rodriguez to Star in GMA Primetime

    Screenshot_2014-05-26-22-34-23-1.png
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    SCOOP: Abangan ang pagsasama ni Rhian Ramos at Carla Abellana . Soon on GMA TELEBABAD.

    1525624_509036672530903_778547615030920417_n.jpg
  • SCOOP: ''Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin'' ang working title ng teleseryeng pagbibidahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na aabangan sa GMA Telebabad!

    10338340_751178861599936_7684672204093195067_n.jpg

    SCOOP: Kasama rin sa cast ng ''Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin'' sina Ruru Madrid, Al Tantay, Ms. Kuh Ledesma at Ms. Lorna Tolentino. Topbilled by Tom, Carla, Sid Lucero & Rhian Ramos sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Abangan sa GMA Telebabad!

    10345850_751195634931592_4124946402110386009_n.png
  • Pil. Star Ngayon, May 27, 2014

    Carla tinatambakan ng trabaho
    ni Nitz Miralles

    Hindi natuloy ang naka-schedule na story con. kahapon ng soap nina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil hindi pa nabuo ang cast to be directed by Laurice Guillen. May working title na ang soap, nakalimutan lang ng kausap namin.

    Kundi kami nagkakamali, ang soap nina Tom at Carla ang papalit sa Kambal Sirena.

    Si Carla, sa mga Kapuso stars ang may pinakamaraming shows dahil bukod sa Sunday All Stars every Sunday, may sitcom siyang Ismol Family na ilalagay daw sa Saturday slot at magkakaroon ng soap na Monday to Friday.
  • Journal, May 29, 2014

    ni Nitz Miralles

    Pinost ni Carla Abellana sa Instagram (IG) ang ilang kuha nila ni Tom Rodriguez sa plug shoot ng bagong soap sa GMA-7 na kanilang pagtatambalan.

    Last Monday ang plug shoot at dahil hindi pa kumpleto ang cast, sila nina Tom at Rhian Ramos pa lang ang nakunan.

    Kung ’di mapapalitan, ang title ng soap ay Kunin Mo na ang Lahat sa Akin na title ng hit song ni Angeline Quinto na talent ng ABS-CBN.

    Alam ng Channel 7 na title ng song ni Angeline ang napili nilang title, pero hindi pa raw ito final title.

    Kung makakahanap sila ng title na mas babagay sa story, baka mapalitan pa.

    Kung wala nang mahanap na ibang title, mag-i-stick sila sa Kunin Mo na ang Lahat sa Akin.

    Curious kami kung sino ang kakanta ng theme song dahil hindi maiiwasang makumpara ang version niya sa original version.

    Si Laurice Guillen ang director ng soap nina Carla at Tom at ito raw ang papalit sa Kambal Sirena, kaya malapit na rin itong umere.
  • Phil. Entertainment Portal, May 31, 2014

    15a89fda4.jpg

    photo by Allan Sancon

    Carla Abellana on possibility of falling for Tom Rodriguez: “Siya na lang ang tanungin n'yo.”
    by Ruben Marasigan

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]May bagong soap na gagawin si Carla Abllana sa GMA-7. Ito ay ang My Destiny kung saan sila ulit ni Tom Rodriguez ang magiging magkapareha.

    “Excited ako kasi more than six months na mula noong huli akong magteleserye,” sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media sa ginanap na meet-and-greet event kahapon, Friday, May 30, sa isang lugar sa may Timog Avenue, Quezon City.

    Naroon ang lahat ng miyembro ng fans club na TomCar Worldwide at Tom Lovers na talaga namang patuloy ang all-out support at pagmamahal kina Carla at Tom.

    Kuwento ni Carla, “Puro ako pelikula mula nang magsimula ang 2014. So nakaka-miss din mag-TV.

    “Pero parang at the same time, challenge.

    “Excited ako talaga. At the same time, nakakakaba.

    “Kasi sabi nga nila, you’re only as good as your last project. Nag-mark talaga sa memory ng mga tao yung My Husband’s Lover.

    “Importante na… hindi naman mapantayan. Pero kailangang paghusayan mo pang lalo yung susunod.

    “Kasi maraming naghihintay. Maraming nag-aabang kung ano yung susunod doon.

    “So… may pressure. Pero kumbaga, trust in the Lord na lang dahil ito ang project na ibinigay Niya.

    “Kung ano yung ibinigay Niya, aalagaan lang.

    “Medyo sa pagmamadali na makapag-umpisa na kami ng taping, medyo kulang ang time ko sa paghahanda, e.

    “Honestly, parang ano… there’s not enough time for me to prepare. Kasi nga medyo minamadali.

    “Pero hopefully naman… along the way na lang. Kung magagawan ng paraan.”

    Sa dami ng kanyang mga projects, tila yata isa siya sa Kapuso Stars na paborito ngayon ng management ng GMA?

    Tanggi niya, “Hindi naman. I would like to think that everybody is being given a fair chance.

    “So ang importante lang talaga, hindi lang sa GMA pero sa industriyang ito, pagbubutihin mo talaga. Seseryosohin mo ang trabaho mo at saka matututo ka.

    “Para all the more mapapansin nila yung galing mo or yung kakayahan mo. Bigyan ka nila ng project.”

    FOLLOW-UP TANDEM WITH TOM. Bukod sa naunang pagsasama nila sa My Husband’s Lover, si Tom din ang kanyang leading man sa kapapalabas pa lang na pelikulang So It’s You.

    Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang ang aktor ulit ang kanyang makakapareha sa bagong serye ng GMA na My Destiny?

    “Nabuwist ako! Ayoko nga e,” sabay-tawang biro ni Carla.

    “Hindi. Pero okey naman. Natutuwa kami. Sobra!

    “Kasi tuluy-tuloy yung work namin together. Ibig sabihin kahit papa'no nagagawa namin nang maayos.

    “Marami kaming napapasaya. Kaya nabibigyan kami ng chance na mag-work pa rin nang magkasama.

    “So panibagong challenge ito sa amin. 'Di ba dapat iba na naman ang mapapanood nila sa amin o makikita nila sa amin?

    “Pero excited pa rin. With every project na ibinibigay sa ‘yo, dapat excited ka sobra.”

    NEW SITCOM. May bagong sitcom din siya sa GMA. It ay ang Small Family kung saan sila naman ni Ryan Agoncillo ang magkapareha.

    Hindi raw inaasahan ni Carla na bukod sa soap ay meron pa pala siyang sitcom.

    Patuloy pa niyang kuwento, “Basta nabalitaan ko na lang from my manager na meron akong sitcom.

    “Noong una, hindi talaga ako makapaniwala na… sitcom? Parang… bago ito, a!

    “Never ko pang nagagawa before. So nakakatuwa kasi alam ko in a way na basta sitcom, magaling ang GMA, e.

    “Basta sitcom, naghi-hit talaga ang GMA. Nagri-rate talaga.

    “So na-excite ako kasi, gusto kong mag-comedy. Kahit papa'no, may experience sa comedy.

    “Matutuloy ko lang 'yon, basically. Mahahasa ako sa comedy.

    “Nakakatuwa na hindi ako puro drama. So in a way parang wish granted for me kasi gusto kong mag-comedy.

    “And excited ako sa role ko sa Small Family as Majay. Isa akong OFW na nagtatrabaho sa Dubai.

    “Welder ako sa Dubai. 'Tapos yung pamilya ko nandito.

    “Husband ko si Ryan Agoncillo. Siya yung house husband.

    “Na imbes na yung nanay o yung wife ang nasa bahay… yung tatay or yung husband ang nasa bahay at nag-aalaga ng bata.

    “Samantalang yung asawa niya ay nagtatrabaho abroad. So very realistic siya dahil maraming ganyang mga Pinoy. So… ‘yon!

    “Light lang, comedy lang, cute siya. Makikita nila yung lighter side, yung funny side.

    "Mas relaxed, mas natural, mas kumportable, mas nakakatawa, at mas magaan.

    “End of June magsisimula ang airing pareho ng Small Family at ng My Destiny.

    “Yung Small Family is every Saturday ng gabi. Yung My Destiny naman ay gabi-gabi sa primetime.

    “Nag-start na ang taping ng Small Family noong Tuesday [May 27]. Ang My Destiny naman, next week pa lang.”

    --snip--

    RELATIONSHIP WITH TOM. Dahil patuloy ang pagsasama nila ni Tom sa trabaho, isa ba ang aktor sa tumutulong kay Carla para malimutan niya ang mga hindi magandang nangyari sa kanya in the past?

    “Ayyy! Tumutulong para ma-forget ang past?” napatiling tawa ni Carla.

    “Tumutulong siya sa maraming paraan. Pero hindi naman para kalimutan kung ano yung mga pinagdaanan ko.

    “Nandiyan lang siya para ano… para ipaalam na nandiyan siya.

    “Nandiyan lang siya para patawanin ako, maging magaan yung trabaho. Yung ganyan.

    “Hindi naman para… 'Huwag mo nang isipin ‘yon!'

    “'Kailangang magsaya ka.' Parang ganyan.

    “Na… dapat masaya ka. Deserve mo na masaya ka.

    “Gagawin niyang magaan ang trabaho. Papasayahin niya. Parang gano’n.”

    Wala bang possibility na ma-develop sila sa isa’t isa ni Tom?

    “Tanungin n’yo siya!” natawang biro ng aktres.

    “Siya na lang ang tanungin n’yo.”

    Normally sa mga madalas nagiging magkapareha sa trabaho, kalaunan ay nagkakagustuhan, 'di ba?

    “Hindi naman lahat!” tawa ulit ni Carla.

    Puwede rin nga siguro silang magka-develop-an ni Tom?

    “Ay, hindi ko alam.

    “A… hindi dapat ‘yon ang focus namin.

    “Ang dapat na focus namin is work. Kasi iyon ang unang dumadating.

    “Iyon ang ibinibigay sa amin. Blessing ‘yon. Opportunity ‘yon.

    “At saka nandito kami unang-una dahil artista kami. May trabaho kami.

    “So dapat ‘yon ang priority, 'di ba?

    “Kung anuman ang mangyari, kumbaga… hindi naman sa hindi pansinin. Pero isantabi muna.

    “Hindi dapat iyon ang focus mo.

    “Hayaan lang naman din. Okey lang naman na hayaan kung may something man, 'di ba?

    “Hayaan lang din.

    “Pero ang dapat, focus is on work talaga,” diin niya.

    --snip--

    MESSAGE FOR TOMCAR FANS. Bago tuluyang nagtapos ang panayam namin kay Carla, isang mensahe ang ipinahabol niya para sa fans nila ni Tom.

    “Mahal na mahal ko silang lahat. Ang TomCar Worldwide at saka ang Tom Lovers.

    “Lahat sila, mahal na mahal namin ni Tom. Kahit hindi kami madalas na nagkikita, alam naming nandiyan lang sila.

    “Na lagi silang naka-support. Nararamdaman namin yung pagmamahal nila.

    “Kaya sana maibalik namin yung pagmamahal na ibinibigay nila sa amin. At saka yung happiness na rin.

    “Gagawin naming lahat para maibalik sa kanila ‘yon. So thank you!” pahayag ni Carla.[/crouching-tiger-disappearing-spoiler]
  • Phil. Entertainment Portal, May 31, 2014

    ec26b2a7a.jpg

    photo by Mark Atienza

    Tom Rodriguez on feeling pressured for new soap to measure up to My Husband's Lover's success: “Mahirap pantayan.”
    by Ruben Marasigan

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]Naunang nagkasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Kapuso primetime series na My Husband’s Lover.

    Kasunod nito ay naging magkapareha rin sila sa pelikulang So It’s You na kapapalabas pa lang.

    Ngayon naman, magtatambal ulit sila sa My Destiny, ang pinakabagong soap ng GMA-7.

    “Excited na excited ako,” masiglang pahayag ni Tom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media kahapon, Friday, May 30, sa kanilang meet and greet event na ginanap sa may Timog Avenue, Quezon City, para sa mga miyembro ng fans club nilang TomCarl Worldwide at Tom Lovers.

    WORKING WITH CARLA AGAIN. “I’m so happy and excited to be working with Carla again. Kasi halos isang taon na kaming nagkakatrabaho.

    “Kaya at least sanay na sanay na kami sa isa’t isa. Kumportable na kami.

    “May na-establish na kaming chemistry at saka rapport sa isa’t isa. Excited kami na laging may naibabahagi sa mga manonood.

    “Nung nalaman ko na kami ulit ni Carla ang magkapareha sa isang bagong soap, natuwa ako.

    “Kagaya nga ng nasabi ko, halos isang taon na kaming nagkakatrabaho. Mula sa My Husband’s Lover, 'tapos sa U.S. tour namin, at sa ginawa naming pelikulang So It’s You.

    “Kaya may na-establish na kaming parang ano… friendship. Mas madali na for us to work with each other.

    “Hindi na namin kailangang kilalanin pa ang isa’t isa kaya puwedeng diretso trabaho na kami kaagad. Wala nang adjustment period.

    “Kaya pabor sa amin ‘yon.

    “At saka sobrang sayang katrabaho si Carla. One of the best people I’ve ever worked with,” pagmamalaki ni Tom.

    PRESSURE? Sobrang successful at talagang nagmarka sa viewers ang My Husband’s Lover na unang pinagsamahan nila ni Carla with Dennis Trillo. May pressure din ba ang muling pagtatambal nila ngayon sa bagong soap na My Destiny?

    “Hindi mawawala ‘yon.

    “Kagaya ng nasabi ko, My Husband’s Lover is a one of a kind show. Mahirap pantayan.

    “Pero kung iyon ang laging iisipin mo, siguro maling atake ‘yon.

    “So yung ginagawa ko naman, just like with every project, tinitingnan ko yung materyal.

    “And I really try to immerse myself doon sa materyal… sa role. At doon ako nagpu-focus.

    “At siyempre, kapag nalaman ko na ang buong detalye ng kuwento, gusto kong paghandaan din.

    “Kaya sana magkaroon ng sapat na oras. Mag-i-start na kami kaagad, e.

    “E… may mga out of the country akong gagawin. Aalis ako papuntang New York ngayong Sabado [May 31].

    “Kaya sana makita ko yung script para makapag-reasearch,” detalye pa ni Tom.

    Bukod sa kanyang trip to New York, sa July ay sa London naman siya pupunta kasama si Dennis Trillo.

    “Ang sarap ng feeling. First time ko na makaka-travel sa Europe.

    “Yung sa New York, pangalawa ko na.

    “Dahil sa GMA, nakakapag-travel ako. Nakakapunta ako ng iba’t ibang lugar.

    “Minsan nakikita ko pa yung pamilya ko sa States. Kaya ang sarap!” lahad pa niya.

    --snip--
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]
  • SCOOP: ''Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin'' ang working title ng teleseryeng pagbibidahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na aabangan sa GMA Telebabad!

    10338340_751178861599936_7684672204093195067_n.jpg

    SCOOP: Kasama rin sa cast ng ''Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin'' sina Ruru Madrid, Al Tantay, Ms. Kuh Ledesma at Ms. Lorna Tolentino. Topbilled by Tom, Carla, Sid Lucero & Rhian Ramos sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Abangan sa GMA Telebabad!

    10345850_751195634931592_4124946402110386009_n.png
  • Sino ba talaga ang direktor, direk Joyce o Laurice?
  • ^ Di rin ako sure. I'm just posting/reposting news about the series... pero i'm hoping si direk laurice. ;)
  • geseptembergeseptember PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Abangan ang upcoming tv series na pagbibidahan nina Sid Lucero, Rhian Ramos, Tom Rodriguez at Carla Abellana (kasama rin si Ms. Lorna Tolentino). Soon on GMA!

    10390138_750797458304743_1987120875420900631_n.jpg
  • geseptembergeseptember PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Insta Scoop: Carla Abellana and Tom Rodriguez to Star in GMA Primetime

    Screenshot_2014-05-26-22-34-23-1.png
  • Wow super excited... suggestion lang gumawa kaya yung GMA films ng Romantic Movie kasi walang wala talaga yung GMA films ngayon..
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    exciting dahil andyan si Ms LT!
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    Tom Rodriguez on feeling pressured for new soap to measure up to My Husband's Lover's success: “Mahirap pantayan.”

    ec26b2a7a.jpg

    Tom Rodriguez on feeling pressured for new show to replicate success of My Husband's Lover: “Hindi mawawala ‘yon. Kagaya ng nasabi ko, My Husband’s Lover is a one of a kind show. Mahirap pantayan. Pero kung iyon ang laging iisipin mo, siguro maling atake ‘yon.”

    Naunang nagkasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa Kapuso primetime series na My Husband’s Lover.

    Kasunod nito ay naging magkapareha rin sila sa pelikulang So It’s You na kapapalabas pa lang.

    Ngayon naman, magtatambal ulit sila sa My Destiny, ang pinakabagong soap ng GMA-7.

    “Excited na excited ako,” masiglang pahayag ni Tom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media kahapon, Friday, May 30, sa kanilang meet and greet event na ginanap sa may Timog Avenue, Quezon City, para sa mga miyembro ng fans club nilang TomCarl Worldwide at Tom Lovers.

    WORKING WITH CARLA AGAIN. “I’m so happy and excited to be working with Carla again. Kasi halos isang taon na kaming nagkakatrabaho.

    “Kaya at least sanay na sanay na kami sa isa’t isa. Kumportable na kami.

    “May na-establish na kaming chemistry at saka rapport sa isa’t isa. Excited kami na laging may naibabahagi sa mga manonood.

    “Nung nalaman ko na kami ulit ni Carla ang magkapareha sa isang bagong soap, natuwa ako.

    “Kagaya nga ng nasabi ko, halos isang taon na kaming nagkakatrabaho. Mula sa My Husband’s Lover, 'tapos sa U.S. tour namin, at sa ginawa naming pelikulang So It’s You.

    “Kaya may na-establish na kaming parang ano… friendship. Mas madali na for us to work with each other.

    “Hindi na namin kailangang kilalanin pa ang isa’t isa kaya puwedeng diretso trabaho na kami kaagad. Wala nang adjustment period.

    “Kaya pabor sa amin ‘yon.

    “At saka sobrang sayang katrabaho si Carla. One of the best people I’ve ever worked with,” pagmamalaki ni Tom.

    PRESSURE? Sobrang successful at talagang nagmarka sa viewers ang My Husband’s Lover na unang pinagsamahan nila ni Carla with Dennis Trillo. May pressure din ba ang muling pagtatambal nila ngayon sa bagong soap na My Destiny?

    “Hindi mawawala ‘yon.

    “Kagaya ng nasabi ko, My Husband’s Lover is a one of a kind show. Mahirap pantayan.

    “Pero kung iyon ang laging iisipin mo, siguro maling atake ‘yon.

    “So yung ginagawa ko naman, just like with every project, tinitingnan ko yung materyal.

    “And I really try to immerse myself doon sa materyal… sa role. At doon ako nagpu-focus.

    “At siyempre, kapag nalaman ko na ang buong detalye ng kuwento, gusto kong paghandaan din.

    “Kaya sana magkaroon ng sapat na oras. Mag-i-start na kami kaagad, e.

    “E… may mga out of the country akong gagawin. Aalis ako papuntang New York ngayong Sabado [May 31].

    “Kaya sana makita ko yung script para makapag-reasearch,” detalye pa ni Tom.

    Bukod sa kanyang trip to New York, sa July ay sa London naman siya pupunta kasama si Dennis Trillo.

    “Ang sarap ng feeling. First time ko na makaka-travel sa Europe.

    “Yung sa New York, pangalawa ko na.

    “Dahil sa GMA, nakakapag-travel ako. Nakakapunta ako ng iba’t ibang lugar.

    “Minsan nakikita ko pa yung pamilya ko sa States. Kaya ang sarap!” lahad pa niya.
  • exciting dahil andyan si Ms LT!


    Bakit wala si Ms. LT sa title ??? hindi ba nahiya ang gumawa ng thread na eto ????
  • Pls. change the title of this thread...
    Confirmed nang My Destiny ang title ng primetime serye.
    Billing should also be Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos, Sid Lucero and Lorna Tolentino. ;)
  • Nice Pairings Tom Carla and Rhian and Sid Excited !!!!

    Carla and Rhian in a show super happy!!!!
  • My Destiny teaser

    [video=youtube_share;V3E0SqXDJvA]

    June 30 na ang start ng show :)
Sign In or Register to comment.