Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

KARAOKE. Kapitbahay. Sobrang Ingay

Maraming Pilipino :( ito ang problema. Mga kapitbahay na kung magkantahan ang Ingay, ang lakas talaga. Sa atin napakarami pa man ng mga taong puyat sa pagod sa trabaho tapos hindi makakatulog dahil puro pusong bato ang kinakanta ng kapit bahay :lol: o kaya Aegis :lol:

Ano ang mga karanasan nyo sa ganito?

Gusto ko lang iparating ito dahil marami ang nagrereklamo pero wala silang magawa, di alam paano ipaalam sa madlang pipol na malala na ang ganitong problema lalo na ang mga estudyante, mga may baby sa bahay at mga busy.

karaoke.jpg
Gaano ba kadaling ireklamo sa inuukulan na noise pollution? May plano ba ang mga local governments na parusahan ang mga ganitong pang-aabala sa kapwa o kapitbahay nila? Ang problema kasi sobrang kalat nito mula probinsya hanggang Metro Manila ang kakapal muks...
«1

Comments

  • nikkilovenikkilove PEx Influencer ⭐⭐⭐
    when i did my volunteer work on our healthcare missions, ive seen people do this,

    so ignorant and inconsiderate. that would never happen in our subdivision.

    so uncivilized and stupid. ok lang paminsan minsan pag may b-day. pero kung linggo linggo, gosh, there's going to be world war in our neighborhood if someone does that.

    and yes, there should be law, penalizing such uncivilized, rude and obnoxious behavior.
  • kung sa probinsya gantong setup ok lang, pero pag sa Maynila badtrip nga yan
  • Depende talaga yan sa tao eh. Meron kasing may kusang marunong magpaalam at magpasabi sa kapitbahay kapag may occasion, at meron talagang bastos na walang pakundangan.
  • malala na ang kondisyon yan, senyales yan ng pagkawala ng disiplina sa sarili at senyales din ng matinding pagkabagot sa buhay, ok lang na mag libang ka ngunit kung ang paglilibang mo ay nakaka buwisit na itigil mo na yan, respeto sa sarili ang kailangan!
  • Likayo kanta tayo :glee:
  • DunedainDunedain PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Conedy neighborhood ko. Kapag tunog dance music: mga bagets. Kapag tunog fiesta: mga Mexicano. Kapag karaoke: malamang Asian. Kung may kumanta ng My Way, siguradong Pinoy.

    :note: En naw, da en is nir.
    En so ay pays da pinal kerten.
    :note:

    :lol:
  • alchemistofophiralchemistofophir PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pag occasional ok lang. linggo linggo, ok lang din. wag lang araw araw.
  • Kung paminsan minsan lang, like birthday or piyesta, ok lang.
  • xctrekkerxctrekker PEx Rookie ⭐
    Sa amin may mga taong gustong masabing nakatira sa subdivision pero asal dugyot.

    Buti na lang wala pa ako gaanong kapitbahay kasi majority ng mga lote bakante pa. Pero merong isang may bahay na two lots away lang sa akin na mahilig mag-karaoke basta may okasyon.

    Naku boung araw na sintunadong kantahan! Mali-mali pa lyrics! (Di ba't nasa screen/monitor naman yung lyrics?).

    Hay naku, pasensya na lang muna dahil mahirap din naman kung kaaway mo kapitbahay mo.
  • c_brainc_brain PEx Veteran ⭐⭐
    Ba't nga ba walang mga volume control yang mga videoke machines na yan? Lalo na yung hinuhulugan pa ng barya para tumugtog?
  • c_brain wrote: »
    Ba't nga ba walang mga volume control yang mga videoke machines na yan? Lalo na yung hinuhulugan pa ng barya para tumugtog?

    May volume control yun. Mas masarap lang daw kumanta pag malakas.
  • and I did it, myyyyy wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!
  • ok lang kumanta pag may okasyon o kaya minsanan lang. Wag lang araw arawin nakakabwisit talaga yun lalo na pag kabitbahay mo pa makakahanap talaga sila ng kaaway. :bop:
  • Zep_TepiZep_Tepi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Yung dati kong tinitirahan madalas mag karaoke pag weekends, pero hind My Way, yung mga kanta ni Rhianna. Terrible.
  • Almost every day ay may kumakanta sa neighbor namin (videoke o karaoke whatever). Daytime until 8pm kaya hindi naman talagang istorbo. But one thing caught my fancy. Karamihan ng kanta ay iba ang tono. Yun bang parang hindi niya alam ang kanta at trying hard lang siya. Natatawa na lang ako. Pero in fairness, ha, maganda ang boses niya.
  • Naku, dati muntik na akong makapatay ng tao :glee:

    gusto ko silang pagbabarilin lahat, at 3am nagkakantahan pa, bumibirit pa!!

    every friday, sat and sunday nights nila gawin.

    Na happy naman ako, kasi yung kapitbahay ko na ang gumawa nun for me :glee:
  • Huh, masyado namang brutal si EXGF. Hindi naman tama na patayin ang mga die-hard singers na yan. Since nag-iinuman sila eh di bigyan mo na lang ng pulutan... na may lason. Waheehee.
  • Zep_TepiZep_Tepi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    raymundusi wrote: »
    and I did it, myyyyy wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!

    Tapos sabi nung lasing na kainuman "wala ka sa tono!" BANG! Dedbol.

    Maraming ng pinatay yang My Way na yan bwahahaha
  • WAHEEHEE wrote: »
    Huh, masyado namang brutal si EXGF. Hindi naman tama na patayin ang mga die-hard singers na yan. Since nag-iinuman sila eh di bigyan mo na lang ng pulutan... na may lason. Waheehee.

    ang sarap nilang patamikin eh... for good :glee:
  • Mabalikan ko lang ito, ha?

    Nagtataka ako kung bakit kailangan pa ng mic sa karaoke o videoke na yan? Hindi ba puwedeng walang mic at sabayan na lang ang music? O baka talagang showing off ang objective ng mga kumakanta sa karaoke?
Sign In or Register to comment.