Home PEx Business and Careers Call Centers and Call Center Jobs

Digital Room Pilipinas | BPO

Any info regarding the compensation package for the CSR position which is posted on Jobstreet? Please provide any details about the company as well. Thank you in advance.
«134

Comments

  • up for this thread. how's the work environment, benefits, etc.
  • Hello. I'm also planning to apply in this company. Legit ba sila? :)
  • I'm working here pero not in CSR department.DATI SYANG WEBPROS (Web Providers Dev Pros Inc) at recently lang nag-change ng company name (nung march 2014 ata) kasi Digital room talaga ang name ng main office nito sa LA.
    Kung benefits ang pag-uusapan, ok sana ang mga incentive scheme lalo na sa CSR department,, namumutiktik sa mga GC at pakulo..kaso lang, bago mo makuha yun, kelangan matibay ang katawan mo sa OT. Whether you like it or not, lagi ang OT dito, kahit weekend pa minsan, tapos makikita mo sa payslip mo na napupunta lang sa tax ang pinag-OT mo. kundi man, kulang pa sa gamot at pa-ospital mo ang magagastos mo, kahit pa may health card ka pa.

    working enviroment, di ako sure dahil di nga ako galing CSR department, pero sa nakikita namin, stress madalas ang mga tao dun dahil nga overworked. Madami naman nag-aapply kaso swertehan ang makapasa,,at sa mga makakapasa, iilan lang din ang nakakapasok talaga. see this old thread.
    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=599336

    sa department namin, dati ok un, kaya nga tumagal ang ilan sa amin. Kaso, nung nagpalit ng new manager, akala namin nung una ok sya, kasi may increase ako after new year. Un pala, kapalit nun ay kalbaryo na. Required ang kota, ok lang sana kasi ever since may kota talaga. pero nataas ang kota every month, i think its 90 jobs per daw na ngayon ang require or higher. May trabaho man o wala, required ang kota. Pag di mo na reach ang kota, may infraction/memo kang magre-recieve. Kaya yung iba, napipilitan mag OT-TY para lang kumota. dami pang minus sa points dahil sa deductions, na halos maubos na lang ang points mo, walang kwenta din ang trinabaho mo sa buong araw o buong isang buwan.

    Maliban dun, minsan harsh din magsalita yung ibang TL. Isa lang ang TL na ok dun, pero the rest, kala mo napaka galing pero halatang nagdudunong-dunungan lang. May isa pa nga dun sumobra ata ang kapal ng mukha,papasok ng restday for Restday OT, then matutulog lang. 8 hours naka OT, pero ang 6 hours dun tulog, 2 hours lang nagtrabaho (kahit i-check pa ang CCTV para ebedensya). Na-promote lang daw kasi yun dahil malakas ang backer. Pero noon daw, di nga kayang kumota at madalas daw sya ang may pinakamalaking error. pero ngayon kung magmayabang sa member kala mo perfect sya.

    Yung 2 sablay na TL din, partners in crime dahil magjowa in real life. at madalas members lang ang nagsa-suffer. Pag di nila kursunada, or di nila ka-close, bagsak sa evaluation. Kelangan magaling ka makipagplastikan sa kanila, para di ka nila ilaglag. Napakagaling magsumbong ng mali ng iba, pero sila mismo ang nagawa ng pandaraya (lalo na *** TL na babae na masyadong insecure pag may mas maganda na napapansin kesa sa kanya). Kala nila, ok sila sa member nila, ang di nila alam, halos isumpa na sila ng mga member sa ugali nya.

    Noon ok sana ang systema dahil mga dating TL mas ok at mas may alam talaga. yung 3 kasi jan ngayon, na-promote lang dahil wala ng ibang choice at sila lang ang natirang matagal.

    Malamang kung nababasa nila to, ewan ko lang kung tamaan sila. Pag may gusto silang alisin o mawala sa landas, (dahil bawal nga ang magterminate agad ng walang basehan ayon sa labor code) gagawa sila ng paraan para gipitin ka, hanapan nila ng mali at mag issue ng memo para masabing may ebedensya sila. yung ibang tinerminate nila dati, ang alam ko nagsampa ng kaso laban sa kanila, kaya ngayon di nila magawang magterminate basta basta

    mga famous words na maririnig mo: "sa tingin mo kelangan ka pa ng kumpanya?", "Wag ka na lang kaya pumasok, mas makakatulong ka pa", "hanggang ngayon di mo pa kayang kumota?", "Ikaw ang dahil kung bakit di ako nakaka-incentive sa TL rank"

    skills/knowledge, para sa mga newly grad ok kasi malaki ang starting salary, 15k. Pero eventually you'll realize na kakalawangin ang utak mo. walang skills developement. QUANTITY control ang basehan dito. Kaya di din nakakaalis ang ilan sa amin, kasi nga yung skills na nakuha namin dito, masyadong basic para i-compare sa mga qualifications sa labas ng company.

    Sabi nila, ok daw ang sa marketing at IT department (programmers) kasi malaki ang bigayan din dun. pero di lang kami familiar sa working environment nila.

    Sabihin man nilang masama ang sinabi ko, pero un naman talaga eh. bahala na kayo mag decide kung gusto nyo itry at ma-experience ang mga sinabi ko. see is to believe nga sabi ng iba di ba.
  • @aden_1228
    thank you sa lahat ng info. you've given more than enough. :) parang nag-alangan ako mag-apply dyan. ayoko kasi ng OT eh. tsaka nakakatakot yung mga visor based on your description.
  • **** nabasa ko yung previous thread, no no talaga. :) thank you ulit @aden_1228.
  • aden_1228 wrote: »
    I'm working here pero not in CSR department.DATI SYANG WEBPROS (Web Providers Dev Pros Inc) at recently lang nag-change ng company name (nung march 2014 ata) kasi Digital room talaga ang name ng main office nito sa LA.
    Kung benefits ang pag-uusapan, ok sana ang mga incentive scheme lalo na sa CSR department,, namumutiktik sa mga GC at pakulo..kaso lang, bago mo makuha yun, kelangan matibay ang katawan mo sa OT. Whether you like it or not, lagi ang OT dito, kahit weekend pa minsan, tapos makikita mo sa payslip mo na napupunta lang sa tax ang pinag-OT mo. kundi man, kulang pa sa gamot at pa-ospital mo ang magagastos mo, kahit pa may health card ka pa.

    working enviroment, di ako sure dahil di nga ako galing CSR department, pero sa nakikita namin, stress madalas ang mga tao dun dahil nga overworked. Madami naman nag-aapply kaso swertehan ang makapasa,,at sa mga makakapasa, iilan lang din ang nakakapasok talaga. see this old thread.
    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=599336

    sa department namin, dati ok un, kaya nga tumagal ang ilan sa amin. Kaso, nung nagpalit ng new manager, akala namin nung una ok sya, kasi may increase ako after new year. Un pala, kapalit nun ay kalbaryo na. Required ang kota, ok lang sana kasi ever since may kota talaga. pero nataas ang kota every month, i think its 90 jobs per daw na ngayon ang require or higher. May trabaho man o wala, required ang kota. Pag di mo na reach ang kota, may infraction/memo kang magre-recieve. Kaya yung iba, napipilitan mag OT-TY para lang kumota. dami pang minus sa points dahil sa deductions, na halos maubos na lang ang points mo, walang kwenta din ang trinabaho mo sa buong araw o buong isang buwan.

    Maliban dun, minsan harsh din magsalita yung ibang TL. Isa lang ang TL na ok dun, pero the rest, kala mo napaka galing pero halatang nagdudunong-dunungan lang. May isa pa nga dun sumobra ata ang kapal ng mukha,papasok ng restday for Restday OT, then matutulog lang. 8 hours naka OT, pero ang 6 hours dun tulog, 2 hours lang nagtrabaho (kahit i-check pa ang CCTV para ebedensya). Na-promote lang daw kasi yun dahil malakas ang backer. Pero noon daw, di nga kayang kumota at madalas daw sya ang may pinakamalaking error. pero ngayon kung magmayabang sa member kala mo perfect sya.

    Yung 2 sablay na TL din, partners in crime dahil magjowa in real life. at madalas members lang ang nagsa-suffer. Pag di nila kursunada, or di nila ka-close, bagsak sa evaluation. Kelangan magaling ka makipagplastikan sa kanila, para di ka nila ilaglag. Napakagaling magsumbong ng mali ng iba, pero sila mismo ang nagawa ng pandaraya (lalo na *** TL na babae na masyadong insecure pag may mas maganda na napapansin kesa sa kanya). Kala nila, ok sila sa member nila, ang di nila alam, halos isumpa na sila ng mga member sa ugali nya.

    Noon ok sana ang systema dahil mga dating TL mas ok at mas may alam talaga. yung 3 kasi jan ngayon, na-promote lang dahil wala ng ibang choice at sila lang ang natirang matagal.

    Malamang kung nababasa nila to, ewan ko lang kung tamaan sila. Pag may gusto silang alisin o mawala sa landas, (dahil bawal nga ang magterminate agad ng walang basehan ayon sa labor code) gagawa sila ng paraan para gipitin ka, hanapan nila ng mali at mag issue ng memo para masabing may ebedensya sila. yung ibang tinerminate nila dati, ang alam ko nagsampa ng kaso laban sa kanila, kaya ngayon di nila magawang magterminate basta basta

    mga famous words na maririnig mo: "sa tingin mo kelangan ka pa ng kumpanya?", "Wag ka na lang kaya pumasok, mas makakatulong ka pa", "hanggang ngayon di mo pa kayang kumota?", "Ikaw ang dahil kung bakit di ako nakaka-incentive sa TL rank"

    skills/knowledge, para sa mga newly grad ok kasi malaki ang starting salary, 15k. Pero eventually you'll realize na kakalawangin ang utak mo. walang skills developement. QUANTITY control ang basehan dito. Kaya di din nakakaalis ang ilan sa amin, kasi nga yung skills na nakuha namin dito, masyadong basic para i-compare sa mga qualifications sa labas ng company.

    Sabi nila, ok daw ang sa marketing at IT department (programmers) kasi malaki ang bigayan din dun. pero di lang kami familiar sa working environment nila.

    Sabihin man nilang masama ang sinabi ko, pero un naman talaga eh. bahala na kayo mag decide kung gusto nyo itry at ma-experience ang mga sinabi ko. see is to believe nga sabi ng iba di ba.

    galing ako dito nung webpros pa, mas grabe na pala ngayon compared noon. Naexperience ko talaga dyan noon namumutakte ng powertrippers yung link na linagay mo natawa ako accurate nga. Natawa lang ako naalala ko lang pati yung sa training true yun.
  • mamabellemamabelle PEx Veteran ⭐⭐
    ^ hmmmmm.. pare-parehas po kayong new to PEx???
    Curious lang..hehehe
  • @mamabelle

    yes po newbie po ako dito. :) again guys thanks sa info. :D
  • sorry to discourage you guys pero un talaga ang kalakaran dito... sa pera, sagana sana, kaso patay naman katawan mo para lang makuha un..pasalamat din naman ako sa company na to, kaso *** nagpapatakbo ang hindi kasi ok...

    at least yung Hr dito ***** mas ok na kesa sa dati..kaso swertehan na lang talaga kung sang department at team ka mapunta
  • Hi up ko lang po itong thread, I have interview here this week under Marketing/Design department, okay po ba?
  • kidrenderkidrender PEx Rookie ⭐
    i got an email asking me to go for an interview for jr marketing specialist. does anybody have an idea regarding its benefits and work load?

    same pa rin ba ang environment dun based sa post sa taas? mejo discouraging kasi pag ganun. if this is not a call center, ibig sabihin ba day shift ang office hours ng marketing?

    thanks!
  • I would have to agree na ganun sa department na kelangan kumota - stressful ang ambience.
    Somehow medyo nabawasan ang stress na to nung nagrennovate ang company.
    Maganda na ang office nito ngayun.
    Improving yung operations.

    Sa ibang department, matindi ang powertripping.
    Naalala ko ang kwento sakin, ayaw nung isang department na maghire
    for senior position / manager. Gusto na lang nila magpromote kasi daw kapag tagalabas,
    ittrain mo pa. Kung galing na sa team, di mo na ittrain, lalakihan mo nalang sweldo. Wahaha

    Eventually, naghire na sila ng manager.
    Pioneer lead sya ng isang team.
    Sya nagpioneer sa bagong technology na gagamitin pang manage ng tasks.
    Sya nagturo ng standards.

    Galing sya sa isang big company kaya marami sya nacontribute.
    Nagconduct din sya ng trainings sabi ng friend ko. Gusto ko sana makijoin dahil gusto ko magcareer shift. :)

    Kaso *** ibang members nya ayaw sa kanyang pamamalakad.
    Yung isang may ayaw, gahaman kasi sa kapangyarihan.
    Member palang pero gusto na ng managerial position.
    Palibhasa, malakas sa director, nagsusumbong si gahamang member
    ng ayaw nya sa kanyang manager.
    Kaya ayun, pinag-initan nila.

    Hinanapan nila ng mali.
    Nagrerebelde din si gahamang member at inimpluwensyahan yung iba.
    Like ayaw nila sumunod sa standards.
    Tapos kapag nakaleave si manager,
    kung anu-ano na sinasabi ng mga member.

    Kaya ayun, nagresign na lang din si manager.
    Haha umabot lang ata ng months.. basta less than a year.
    Nung last day nya, hindi pumasok si director. Naguilty ata.
    And alam nyang awkward dahil malamang feel na feel nya
    na isa sya sa dahilan bakit aalis si manager.

    Sa last day nya, yung mga gahamang members, since
    magaling makipagplastikan, picture picture pa more.
    Na akala mo, di sila kasabwat sa pagrerebelde.

    Pag-alis ni manager, si gahamang member na ang naghawak ng team.
    And ang laki ng increase nya.
    HAHAHAHA


    Ilang traits ng director :
    - Mahilig magbasa ng libro at panay advice sa mga teams na magbasa lalo na about communication
    pero bibihira mo syang mangitian kasi lagi syang nakayuko, almost not approachable.
    - Aware sya na ayaw ng ilang team leads na mag english kaya iwas sila makipag meet sa mga foreigner over skype.
    One time, inopen up nya yun sa foreigner while meeting the filipino manila team - na mahirap mag english. LOL
    - Kampi sya lagi sa mga damatands na TL (kasabayan nya) kapag members VS TL
    - kung alam nyang ayaw mo sa ilang traits nya, di ka nya bibigyan ng opportunity to grow
    - mahilig sa tsismis kahit lalaki sya (baka bakla kahit may asawa?)
    - mahilig manira sa mga taong wala sa office (especially US people) like one time, kakalipad lang sa US nung isang mentor na filipino. Since matagal na syang nakatira sa US, may american accent na talaga sya at mahusay sa communication. Nung wala na sya, nagmeeting ang lahat ng team at pinag-usapan si mentor dahil sa "maarte" daw nitong accent. Haha mga letse kayo. Inggit na inggit siguro kayo no?
    - mahilig magyabang like when you're hired, ask everyone :P


    Ilang traits ng ibang TL :
    - may bungangerang babae at mataray na pati batang mga juniors e natatakot sya kausapin
    - palamurang babae at mahilig mang okray, madalas mag foul words
    - kung di kayo close, di ka nya pagtatanggol sa mali mo kahit as a team nyo yun ginawa
    - may favoritism
    - mahilig sa tsismis. yung isang lalaki may asawa pero mas matindi pa sa babae tsumismis. halimbawa, babae ka at may bagong junior na guy. kapag tinuruan mo sya ng onte sa gagawin, as in saglit lang ha.. gagawan ka na ng issue
    - mahilig manukso ng love teams at mahilig magpush na magligawan kahit di naman talaga gusto ng mga juniors ang isa't isa.. palibhasa dinaan lang din sa tukso mga love life nila. hahaha. kung junior ka, kawawa ka dito kasi kulang sa moral yang mga damatands na yan. ipupush ka nilang manligaw or sagutin si ganto or ganyan tapos iinfluence ka nilang pumarty / uminom
  • I have someone I know invited me to apply here. I was tempted by the offer (ikaw ba naman offeran ng malaking sahod di ka masilaw?) but then, a close friend of mine (let's call her Bella) saw these reviews on PEX. So I backed out, pero nirefer ko yung isa kong friend (let's call him Sasuke) (kahit na pinakita ko n rin itong mga reviews s knya, sabi niya lang walang masama itry, so support kami) On the process of Sasuke's application:

    Monday - punta sya by the morning, ang sabi sa kanya "Wala daw yung HR, tues - sat lang ang sched nya." So ako, yung nagrefer uminit yung ulo upon hearing it. Urgent hiring daw tas alang HR? San ka nakakita ng kumpanyang urgent hiring pero yung hnhire yung pinag hihintay. Sabi ko wala pala eto, bagsak n s standards ko. Pero sige, ayun tuloy support pa din kay Sasuke kasi ttry lang naman dw niya. Kahit na concerned n din ako s pinapakita s knya.

    Wednesday - balik siya. pina exam sya. and then sabi wala daw yung mg iinterview. ***** na yan. kung malayo ka lang at di naghahanap ng trbho para sa sarili at family mo mggive up ka na sa ganitong klase ng kumpanya! Mandaluyong pa yan, panu kung sa probinsya ka pa galing or somewhere mas malayo? Edi ubos agad pamasahe. Lol ako yung nagagalit kahit hindi ako yung naka exp. Share ko lang sa madla kasi ayokong same exp kayo here. Though walang intensyon yng kakilala kong nag invite dito dahil baka di nya na experience itong pinagssabi ko at itong nbbsa nyong reviews sa thread na to.

    So if may aapplyan kayo, better do some research para di kayo magsisi sa papasukan nyo. Advice lang, kung sanay kang makihalubilo sa mga plastik at mapanirang tao, sige tiis kayo dyan kung malaki nmn yung knkita. Pero kung sumusobra na at tinatapakan na buong pagkatao mo, aba, mag isip ka naman, may pera ka nga pero sira na buong pgkatao mo dahil sa chismis n yan. Lol. Hugot pa more?!:lol: Based from exp lang pero di pa ko nakapasok sa Digital Room Inc.

    Note: si Sasuke naka experience nung s application, pero sa akin palang waley na dating yung ganyang klase ng pamamalakad kung yung hnhire nila pinag hhintay pa nila at sila pa yung paVIP!!
  • We wish to thank everyone for his/her feedback aired through Pinoy Exchange. We understand that you have queries, sentiments, and concerns that you would like for the Company, DRI, to provide clarifications, answers, and actions on.

    Relative thereto, we have conducted an investigation on the alleged complaints and concerns, and have reached out to concerned individuals for appropriate actions. We highly encourage everyone especially our active employees to please raise your concerns personally to our HR Department so that we can immediately look into them and do the necessary action. Please note that our office is open daily and a healthy dialogue is always welcome.

    To those who have questions re: applications, please email us directly at [email protected] and we will gladly provide you feedback.

    We look forward to hearing from you in person or you may also email us at our email address above.

    Sincerely,
    DRI HR
  • RedRalse19RedRalse19 PEx Rookie ⭐
    Naku ganyan *** dyan.ayokong ma experience yan at bka manapak nlng ako ng TL bigla..
  • RedRalse19RedRalse19 PEx Rookie ⭐
    Ayoko pa naman ng inaapakan ako no.kaya nga pinagtapos k ng magulang mo sa pagaaral *** di ka apak apakan ng iba tapos sila png nsa higher position ang mangaapak ng mismong ahente nila.dapat inaalagaan at ginaguide nla ang team members nla,*** nga *** nandyan to support..sayang ang bngay sa knlng position kung *** mismo masahol p sa walang pinagaralan umasta..ano ba yan.how pathetic ang mga ahente dyan.
  • SARSI20SARSI20 PExer
    edited April 13
    Hi po, ako po si Brill 5 years na sa BPO industry share ko lang ang masalimuot kong experrience sa DRI aka WEB PROS. Masakit at malungkot ang experience ko dyan, na assigned ako sa Customer Service dept, actually training palang bastos na ang mga trainer dyan. Yung na wala na dyan mga feeling magaganda ang chaka naman. Training palang namemersonal na, ma late ka lang ng konti kahit valid naman peste pepersonalin ka talaga. Bwisit yang company na yan madaming mga baklang TL at mga feeling pa mga BAKLANG laos naman, dyan na lang buhay nila kasi wala ng tatanggap sa kanila. So after ng training napunta ako sa baklang TL na talak ng talak nanghihiya pa ng ahente, coaching palang sisigawan ka haha sarap sapakin sinagot ko nga tapos kinabukasan nag resigned ako, wala ng natira sa wave ko kasi di nila matake ugali ng mga tao dyan, bukod sa nakakatakot ang building nakakatakot din ang pagmumukha ng mga empleyado dyan. Grabe walang nagtatagal sa kanila kasi mga ugaling baboy mga tao dyan, tapos wala ka pang healthcard dapat 6 months ka muna. Kahit may experience ka na sa BPO like me pagmumukhain ka nilang walang alam, ako at ang mga kawave ko grabe nagtatanong kasi kami minsan sa mga tenured pag di namin alam gagawin namin sa call kasi nga nesting pa lang, aba ang babastos ng mga hayop kala mo gaganda mga bakla at tomboy naman peste. Patay ka sa OT dito kasi walang mga ahente gaano, kasi nga PANGET ANG PAMAMALAKAD SAMA MO PA ANG HR NA BULOK AT MAY BAKLA DIN HAHA, sa iba na kayo mag apply walang kwenta dito para kang nasa GAY CLUB DAMING BAKLANG BASTOS MANYAK PA PAG GOOD LOOKING KA BWISIT NA YAN ANO BA YAN, HOY GISING!!
  • Omg! Seriously?!?! Scary.... Start na ng training ko sa Dec 8 for csr. How about po *** work? Interesting nmn po ba? Super queueing? Please sana po makapgfeedback po *** may alam.
  • Hi... How about *** scope ng work? Hindi nmn masakit sa ulo? Grabe nmn ang mga tao dyan. Nakakatakot.
  • Naku daming calls sobra. Bawal magbreak pag madaming calls unahan kumbaga walang mga puso mga Tao dyan wala kasing nagtyatyaga dyan. Mahirap ang work as csr dapat magaling ka sa adobe kasi pag hindi sasabihan kang bobo sa harap ng mga Tao. Tsk tsk kaya malaki sign in bonus nila kasi walang gusto magwork sa kanila.
Sign In or Register to comment.