Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Rose Fostanes, gustong maka-duet si Charice

ILuvBarbieILuvBarbie PEx Influencer ⭐⭐⭐
main-tv5-portal-article-image-charicerose.jpg

Mainit ang muling pagtatagpo ng Pinay winner ng X Factor Israel na si Rose Fostanes nang salubungin ng girlfriend na si Mel Abel noong isang gabi sa Ninoy Aquino International Airport.
Yakap at pagpunas sa kanyang pawis ang natamo ni Rose mula sa kasintahan. Nasabi ni Rose kay Mel na masama raw ang pakiramdam niya mula sa kanyang mahabang flight mula sa bansa na kanyang nilahokan ng patimpalak. Pinagkaguluhan si Rose ng mga kababayang fans niya.
Overwhelming ang init ng suportang nadama ni Rose mula sa ating mga kababayan, kaya minabuti niyang umuwi agad-agad mula ng siya ay manalo noong nakaraang Enero.
"Masaya pero nakakanerbyos ata ngayon kasi hindi ako sanay sa ganito ang pagtanggap sa akin!"
Dahil sa kanyang pagkakaroon ng Artist's visa, biglaan ang pag-uwi ni Rose para planuhin ang kanyang concert sa March 20 sa SM Mall of Asia. Ngunit isang linggo lang ang stay ng Pinay singing sensation sa Pinas dahil fully booked ang kanyang schedule sa mga concert sa Israel at iba pang bansa. Tatlo ang concert ni Rose sa Israel sa Marso at isa naman sa Australia sa darating na Mayo.
Bilang parte rin siya ng LGBT community, wish rin ni Rose na maka-duet si...
"Charice (Pempengco) ang ganda ng boses niya!"

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file