Home PEx Relationships Love - Principles, Practices & Preferences

pros and cons of dating an older guy

Help! Gusto ko lang malaman opinion niyo about sa relasyon namin. I'm 20 and my boyfriend is 27. Mabilis masyado ang mga pangyayari, naging kami within less than a month. Minsan, iniisip ko nadaan lang nya ako sa pambobola dahil masyadong mabulaklak at 'vowy' ang mga sweet nothings nya. Tipong mga susungkitin ko ang bituin para sayo. Lol. And I'm a willing victim kasi gustong gusto ko naman paniwalaan mga sinasabi nya.

Sa tingin nyo, ano ba ang takbo na ng utak ng mga lalaking nasa ganitong edad na? I don't think I'm mature enough (and expert enough) for him. I don't think he's the one like the way he says I'm the one he's looking for. But I really want us to work. Can you also give some pros and cons? Thanks sa mga magrereply.
«13

Comments

  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    27 is not old and your age gap is not big.

    guys priorities are different. at 27 i was more serious about career and improving finances than getting girls...

    then again, i also had friends at that age who were still focused on partying and getting girls.

    you should not focus on the age gap. look deeper if you REALLY like him... family values, career choices, financial potential...

    to be honest tho.. at your age of 20.. just having fun should be good enough. who cares what he is thinking... he likes you now.. just enjoy it. hindi mo rin naman magagarantiya na gugustuhin mo sya habang buhay
  • saveitforlatersaveitforlater PEx Rookie ⭐
    ^ +1

    Enjoy mo lang iha.
    No need to over analyze things.
    bata pa rin ang 27 and like what darmonx said, pwedeng ang priority na nya yun career nya and settling down.

    Pero pwede ding hindi, dahil depende sa tao yan.

    Ikaw na din naman ang may sabi na gusto mo kayo magwork, and the best way to make it work is to work hard for it.

    Usually naman ang formula dyan ay hindi lang yun pakikibagay.
    Lahat naman may differences kahit same age kayo or sang dekadang taon ang age gap nyo.
    Mahalaga lang na may acceptance and understanding of whatever differences you have.

    Enjoy mo na lang TS and be sure not to lose yourself in the process.

    Importante yun flexibilty sa mga trip nya at pagtanggap mo kung sino sya, pero mahalaga din na hindi mo papabayaan ang sarili mo.

    Give and take lang yan, wag nga lang sosobra ang bigay o ang pagkuha.

    It will all boils down to individuality.
    Lahat iba iba kahit parehas o magkaiba pa kayo ng edad.

    Have fun!!!


    Kung list naman ng pros and cons ang hanap mo TS, meron na atang ganyang thread dito na natabunan lang.
    Pero if you really insist, eto ang ilan sa tingin ko pwedeng maging pros:

    1. Madami ka matututunan kase masmatanda sya sayo, mas madami na syang life experiences that somehow can help you become a better person. Yun lang ay kung mature na sya mag-isip at kung mentaly stimulating talaga syang tao.

    2. Dahil ikaw ang babae, siguro naman maaalagaan ka nya ng masmaayos kesa sa mga kasing edaran mo lang kase sya siguro yun financially stable.
    Pero kung hindi pa sya financially stable, dapat siguro masmature na yan on financial matter.
    Pag may work, mas may capacity to shower you with things na may gastusan gaya ng gifts, dates, etc.
    But that doesn't mean he's better than the others.
    Pero shempre nasa tao pa rin talaga yan.

    3. Dahil ikaw yun babae at masbata, you can just enjoy the ride by being in the passenger seat and let him do the driving.
    Pero that doesn't mean na magpabanjing banjing ka na lang.

    Cons:
    1. Dahil bata ka pa, masmadami yun mapapansin nyang flaws sayo dahil pwedeng may comparison na sya.
    Dapat ready ka to take criticisms.
    In the end tao ka lang din, pwedeng magkamali, pero ang mahalaga matututo ka.
    Use it as an advantage kase masmamomold ka nyan so you can become a better person.

    2. Sa edad mo, may tendency na hindi ka pa din emotionally stable at pwede pa din magbago ang mga gusto mo sa buhay and even in a partner.
    Ienjoy mo na lang and discover yourself well along the way.
    Sa ganyang age kase, minsan akala mo yung alam mo na yun tama. Maging open ka din sana na ang mundo ay masmalaki kesa sa inaakala mo.
    Madami pang masmahalaga sa buhay at masmadami pang responsibilities ang dapat mo harapin.
    Darating din yun time na kakailanganin mo tumuntong sa sarili mong paa at hindi lang sa pagaaruga ng mga magulang mo.
    Pwedeng masanay ka na may mag aalaga sayo pero dapat matuto ka din to look up for yourself.

    3. Dahil mas bata ka, pwedeng mangyari din na minsan magiging stubborn yun partner mo in decision making dahil iisipin din nya siguro na mas tama sya.
    If you think your point is right and just, don't hesitate to voice it out.
    Relationship should always be equal and mutual.
    Keep the balance para wala ding lamangan.

    Kala mo kung sinong expert no? hahaha!!!
    Sa totoo lang, ang buhay ay continuous learning experience.
    Live it and learn along the way.
    Enjoy!!!
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Old na talaga tawag mo sa 27?
    Pano ako, 28 na.:(


    Hija, ang pinagiiba lang naman ng mga lalaki habang sila ay nage-edad ay...


    mas nagiging magaling sila mambola.:lol:
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    phrudence wrote: »
    Help! Gusto ko lang malaman opinion niyo about sa relasyon namin. I'm 20 and my boyfriend is 27. Mabilis masyado ang mga pangyayari, naging kami within less than a month. Minsan, iniisip ko nadaan lang nya ako sa pambobola dahil masyadong mabulaklak at 'vowy' ang mga sweet nothings nya. Tipong mga susungkitin ko ang bituin para sayo. Lol. And I'm a willing victim kasi gustong gusto ko naman paniwalaan mga sinasabi nya.

    Sa tingin nyo, ano ba ang takbo na ng utak ng mga lalaking nasa ganitong edad na? I don't think I'm mature enough (and expert enough) for him. I don't think he's the one like the way he says I'm the one he's looking for. But I really want us to work. Can you also give some pros and cons? Thanks sa mga magrereply.

    wtf! may gumagamit pa ng 'susungkitin ko ang mga bituin' na linya ngayon? 19-kopong-kopong pa yung mga banat na yan ah!
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nils wrote: »
    wtf! may gumagamit pa ng 'susungkitin ko ang mga bituin' na linya ngayon? 19-kopong-kopong pa yung mga banat na yan ah!

    gagamitin ko pa rin yan..
    susungkitin ko yung mga bituin sa bra ni darna.. :glee:
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nils wrote: »
    wtf! may gumagamit pa ng 'susungkitin ko ang mga bituin' na linya ngayon? 19-kopong-kopong pa yung mga banat na yan ah!
    Parang revival lang ata yan boss. Yung mga chikitings ngayon di nila alam yan eh kaya ni-ri-recycle lang kaya effective. :lol:
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ...... sorbrang mahaba ang aming pasenya.





    disadvantage kung hindi palaban at mahina ang resistensya ng girl. :naughty:
  • RaffeiRaffei PEx Rookie ⭐
    una sa lahat kapag ganyang edad ang una inaalam ay kung may asawa ba o wala...mahirap na baka may sabit.
    at that age dapat may pera na kahit papaano at syempre may stable job...kaya napakalaking advantage kapag nagdate kayo..sagot niya lahat.
    ang isa pa kagandahan dyan ikaw ang tuturuan at sila ang dapat umunawa parang sa magkapatid kung sino panganay siya iintindi kay bunso...less stress sa part mo.. pero tandaan pag nagutos si panganay dapat sinusunod...
    magaling din sila advisor dahil madami hands-on experience kaya minsan mahirap utakan...
    madami pa pros and cons pero yan lang yung basic...ikaw na umalam sa iba dahil ikaw naman ang nakakasama niya.....gaya ng sabi nila iba-iba ang tao dahil sa iba iba ang ating upbringing...just enjoy the moment while it still lasts...
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jameaux wrote: »
    Parang revival lang ata yan boss. Yung mga chikitings ngayon di nila alam yan eh kaya ni-ri-recycle lang kaya effective. :lol:

    namputsa, isa pa itong dinedepensahan pag gamit nya ng linyang yun... malamang may kanta kang kino-compose na may ganyang linya ano??? umamin ka!!! :lol:
  • ka_denizka_deniz PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bata pa yan.

    Hindi ka pa nakakatagpo ng talagang beterano. Yung kung baga sa manok yung tahigan na.

    Magpakahumaling ka pa ng konti. Tapos ipapakilala ko sa iyo si blue tracer. Dun, malalaman mo ang pagkakaiba.

    O kaya si nils. Yun may pruweba. Hinahabol habol nga ng doktor. Tatlong taon nang tapos yan, nang lag na yan.
  • Di ko naman sinasabi na matanda na talaga ang 27. I just wonder kasi sa mga previous relationships/flings ko 1-2 years lang kasi ang gap. Baka kasi sa edad na tulad nyan e seryoso na at gusto ng magsettle down ng lalaki. Eh ako gusto ko pang mag enjoy. At 30 and above ko pa naman gusto makasal kung sakali. At mas lalong ayoko magkaanak.
  • WhiteCrowWhiteCrow PEx Rookie ⭐
    phrudence wrote: »
    Di ko naman sinasabi na matanda na talaga ang 27. I just wonder kasi sa mga previous relationships/flings ko 1-2 years lang kasi ang gap. Baka kasi sa edad na tulad nyan e seryoso na at gusto ng magsettle down ng lalaki. Eh ako gusto ko pang mag enjoy. At 30 and above ko pa naman gusto makasal kung sakali. At mas lalong ayoko magkaanak.

    Ineng, these days, kaya lang gustong 'lumagay sa tahimik' ng lalaki eh para magkaanak (na 'accepted' ng society at walang halong intriga/tsismis etc). SO kung wala kang balak magka-anak, huwag ka dun sa gustong lumagay na sa tahimik. Isa pang factor dyan, yung mga gustong magkaanak na, pipili yan ng batang tulad mo, para mas maliit na chance na may genetic problems yung magiging anak nya. Mas bata ang ina, mas mababa ang chance for that.
  • ka_denizka_deniz PEx Influencer ⭐⭐⭐
    phrudence wrote: »
    Di ko naman sinasabi na matanda na talaga ang 27. I just wonder kasi sa mga previous relationships/flings ko 1-2 years lang kasi ang gap. Baka kasi sa edad na tulad nyan e seryoso na at gusto ng magsettle down ng lalaki. Eh ako gusto ko pang mag enjoy. At 30 and above ko pa naman gusto makasal kung sakali. At mas lalong ayoko magkaanak.

    Kung wala ka pang balak magkaanak, dun ka sa may asawa. Yun siguradong ayaw din magkaanak. Pero aalagaan ka. Para kang reyna habang nasa piling niya.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nils wrote: »
    namputsa, isa pa itong dinedepensahan pag gamit nya ng linyang yun... malamang may kanta kang kino-compose na may ganyang linya ano??? umamin ka!!! :lol:
    Wala bossing pero nagamit ko na ang linyang yan dati. Pag type ka siguro ng girl, mas lalong kikiligin pag binanatan mo ng mga ganyan. Kahit alam na bola lang. :lol:
  • fenk6fenk6 PEx Rookie ⭐
    8 years ang age gap namin ng bf ko. Sya ang older. Sa aming dalawa, mas mature sya at magaling mag advise. He's business-minded pagdating sa trabaho. Para sakin masarap sya magmahal at hindi ko iniisip ang age gap namin basta ang importante ay nagkakasundo kami at kami din ang nagfi-fix ng solution sa aming differences.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nasa tamang forum ka TS.. Tama yan iwanan mo na ang bf mo at humanap ka ng pexer :naughty::lol:
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    if you want to become an expert .....






    malalim ang life-experience nila.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sakto lang yang 20 and 27 TS. At 27, malamang nag-iipon na yang BF mo for his future. If let's say serious sya sayo, after 5-7 years baka OK na yung ipon nya if ever mabuntis ka nya.

    Yung pinaka OK na age manganak is before age 30 daw sa babae. Sa ngayon I know malayo pa sa isip mo ang manganak o makasal pero darating at darating ka dyan. Kaya its always great to be ready for the future.
  • The guy I used to date was 8 years older than me. And among all the guys I dated our age difference was the most ideal. Sa kanya ako pinaka-walang naging problema. I didn't have to deal with petty issues like replying to text messages or taking his calls, or being too busy and not having enough time for him, or celebrating monthsaries etc etc. Deal breaker kasi for me yung insecure na lalake, and most of the time guys who are just a year or 2 older or younger than me still have a lot of issues sa buhay.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ so... kayo pa ba? :glee:
Sign In or Register to comment.