Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Marian Rivera, pinagtanggol si Dingdong sa ugnayan nito kanila Cedric at Deniece

geseptembergeseptember PEx Influencer ⭐⭐⭐
Marian Rivera, pinagtanggol si Dingdong sa ugnayan nito kanila Cedric at Deniece

main-marian-rivera-defends-dong.jpg

Hindi apektado.

Iyan ang stand ni Marian Rivera kaugnay ng pagkalat sa social media ng litrato ng nobyo na si Dingdong Dantes na kagimik sina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Kasama rin nila sa picture ang fashion designer na si Randy Ortiz.

Post ang nasabing litrato ni Deniece sa kanyang Instagram account.

Pahayag ni Marian, "Hindi. Kasi malamang kung affected siya, eh di sana naglulupasay na siya.”

Kaya naman kamakailan, pinayuhan si Dingdong ng netizens na lumayo na kanila Cedric. Post ng ilang netizen sa kanyang Instagram:

gracie_saavedra07 @imdongdantes next kna daw kay deniece hahaha at kay cedrick

lovelyme888 @imdongdantes mag ingat ka dong kay cedric lee.. stay away from bad people and bad influence.. just an advice..

therealme_24 @imdongdantes msamang tao c cedric at deniece

(Read more at http://web.stagram.com/n/imdongdantes/#q7vobp4zvu8hkfb8.99

Bukod sa gimikan photo na magkasama last Monday, binahagi naman ng lola ni Deniece na si Florencia Cornejo sa Showbiz Police, na inalok pa ni Dingdong umano ng movie project si Deniece.
Kwento ni Lola Florencia, "Recently ang narinig ko inooffer ata siya ni Dingdong Dantes pero nag refuse siya kasi ayaw niya ng kissing scenes. "

Wala naman sa kamalayan ni Marian kung totoo ang sinasabi ni Lola Florencia o hindi. Nang tanungin si Marian tungkol sa koneksyon ni Deniece at Cedric, ito naman ang sagot niya:

"Sa mga ganyang pagkakataon, open naman kaming dalawa ni Dong pero parang wala ako sa posisyon na makisawsaw sa ganyang mga klase ng problema.”

Pinagtanggol pa ni Marian si Dingdong at sinabi na social butterfly ang kanyang boyfriend kaya naraming kakilala.

"Mabait na tao si Dong kaya lahat ng tao kaibigan niya,” paglilinaw ni Marian.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file