Home PEx Relationships Love - Principles, Practices & Preferences

Kami na ba?

Tanong ko lang -- kung umamin na sya na mahal nya ako, at sinabi ko rin mahal ko sya, at nagtatawagan na kami ng sweetie patootie names at nag i-i-love-you sa isa't isa, kami na ba kahit hindi nya ako pormal na tinanong o sinabihan na gf niya ako?

Medyo eklok kasi ako. I often find myself in a situation na hindi ko alam na kami na pala ng guy. Hindi kasi ako marunong magpaligaw or I get uncomfortable pag nililigawan kasi ako yung tipong girl na ayoko ma-obliga na sagutin ang isang lalake just because nag-effort sya.

Pero yun nga, sa situation na dinescribe ko, kami na ba?
«1

Comments

  • RaffeiRaffei PEx Rookie ⭐
    kung hindi mo alam ikaw maginitiate..gaya ng pagsasabi edi pano yan tayo na... hindi naman lage na lalake magsasabi nun..mabuti na malinaw...
  • azumiiiazumiii PEx Rookie ⭐
    Ask mo kaya siya when ang monthsary niyo 😉
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Niyaya ka na ba niya sa bahay na walang kusina? Kung OO, kayo na.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kenginuh aman popsky... sagutin mo na kasi si TS para hindi nagaalinlangan kung kayo na... :naughty:
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi ako yan, baka si naruto yan.
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ButterKate wrote: »
    Tanong ko lang -- kung umamin na sya na mahal nya ako, at sinabi ko rin mahal ko sya, at nagtatawagan na kami ng sweetie patootie names at nag i-i-love-you sa isa't isa, kami na ba kahit hindi nya ako pormal na tinanong o sinabihan na gf niya ako?

    malamang para sa 'yo kayo na, pero sa kanya at sa mga nakakainuman niya, isa ka lang uto-uto na babaeng bumigay kahit di man lang niligawan..

    madaling magsabi ng I]i love you[/I.. kayang sabihin ng mga lalake yan nang walang kahulugan.. madaling magtawag ng sweetie patootie names.. madaling magsinungaling.. mahirap lang magsabi ng I]i love you[/I at sweetie patootie names kung bawat sabi namin ng ganun ay nababawasan ng pulgada ang ari namin..

    so ang mangyayari niyan, dahil alam na niyang feeling mo eh mahal ka nga niya, madali ka na niyang malalaspag... at kahit tumikim siya ng ibang babae or lokohin at iwan ka niya, hindi siya magi-guilty kasi in the first place,di ka naman niya niligawan.. nagsabi lang siya ng [i love you] naniwala ka kaagad.. kahit anong gawin niyang kalokohan, kasalanan mo..
    popsky wrote: »
    Hindi ako yan, baka si naruto yan.

    hindi ako yan.. di pa ako niligawan niyan eh..
  • chevy_camaro23chevy_camaro23 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hindi pa kayo TS hangga't walang pinipirmahang kasulatan na kayo na. kelangan black and white ang lahat. :bop:


    :lol:
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pag nag espikikay na kayo, yun kayo na. :lol:
  • AkoSiShirleyAkoSiShirley PEx Rookie ⭐
    TS may point yung mga nag-comment sa taas. wala naman ibang makakasigurado nyan kundi ikaw. kausapin mo nalang yung lalake at magkalinawan kayo. wag ka magpapadala sa flow, kahit di ka sigurado sige ka lang. kilalanin mo rin yung lalake at baka totoo pala yung sinasabi ni naruto na inuuto ka lang nyan. good luck at sana naman hindi ka nga nya inuuto. :)
  • kapag nagsex na kayo, aba kayo na. lol
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS,hindi totoo na porke nagsex na kayo ay kayo na.. uso ngayon ang nagsesex kahit hindi magjowa.. baka bigla kang magpakangkong para kayo na, yun pala fubu lang tingin niya sa 'yo.. :glee:
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS,hindi totoo na porke nagsex na kayo ay kayo na.. uso ngayon ang nagsesex kahit hindi magjowa.. baka bigla kang magpakangkong para kayo na, yun pala fubu lang tingin niya sa 'yo.. :glee:


    Binasag mo na naman diskarte namin. Huwag ganun brad. :lol:
  • First of all, thanks to all those who replied! :) Sorry at busy sa work kaya ngayon lang ako naka-respond. Anyway, here are a few comments:

    Pwede ko naman sya talaga tanungin pero parang ayoko pa. Kasi diba parang touch-move yon? Eh, paano kung yes yung sagot?

    I guess I can't fault Naruto (and others who may be thinking along the same lines) for assuming na ako yung atat na atat na maging kami, pero hindi ganun yung sitwasyon. May pagka-runaway gf/fiancee/bride ang peg ko. Gusto ko lang ma-assess yung situation dahil gusto ko na aware ako sa pinapasukan ko.

    Di naman ako lead on kasi tutuo naman may feelings ako sa kanya pero in my book, iba ang love sa commitment.

    Sabi ko na di ako marunong magpaligaw pero kailangan ko atang i-clarify yon. Nababaduyan lang ako sa traditional na panliligaw dahil sa isip ko, kung teacher ako na magpapa-exam sa mga studyante ko para malaman kung gaano katalino sila, para naman akong ***** kung ang mga itatanong ko ay nakakalat na sa sangkatutak na sample exams na lahat ng studyante may access duon.

    Kopya kopya lang magiging sagot -- give flowers, buy chocolates, pa-date date, text good morning/night, na kasama pa ang mas masahol pa sa SEC na reportorial requirements.

    Pero aaminin ko na minsan maldita rin ako mag-test ng feelings para sa akin. Tulad nito nga - pinabyahe ko sa malayong probinsya para matulog sa bahay ng taong pwede syang tigokin, iniwan ko sa bundok ng may sakit at lupasay ng mga 5 araw bago ko binigyan ng lunas, minsan pag nagtatalo kami, pinapamukha ko sa kanya yung alam kong hindi nya kayang ibigay. Lahat yon tinitiis nya.

    Syempre tulad ng mga sinabi niyo, alam kong pwedeng nang-uuto lang sya. Pero pwede naman na ako rin ang nang-uuto (kahit hindi tutuo, nangingilatis lang ako ngayon). Hindi ako masyadong sentimental at emo so madali lang makipag-fling sa iba kung trip ko, pero kung may commitment nga, di naman ako ganun na gagaguhin ko sya.

    At agree ako na hindi porke't nag-sex na ay kayo na. Maraming multiple choice na variants ng relationship at pwedeng sexual love lang talaga ang namamagitan sa inyo. Mabuti na yun klaro.

    Pero dahil girl nga ako, feeling ko, hindi ako dapat magpa-clarify. Kung gusto nya ako, sya ang magstake ng claim, yung tipong hindi na magdududa yung babae. Kasi, kung lalake ako, yun gagawin ko. Hangga't di nya ginagawa yon, free for all pa rin.

    So I guess ngayon tinitignan ko pa lang kung humahanap lang sya ng timing o ano. Baka naman mas may ***** pa ako sa kanya, eh di wag na lang diba?
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ButterKate wrote: »
    Pwede ko naman sya talaga tanungin pero parang ayoko pa. Kasi diba parang touch-move yon? Eh, paano kung yes yung sagot?

    kung ayaw mo pa e di gawin mong NO.. di naman pilitan ang relationship eh..
    ButterKate wrote: »
    I guess I can't fault Naruto (and others who may be thinking along the same lines) for assuming na ako yung atat na atat na maging kami, pero hindi ganun yung sitwasyon. May pagka-runaway gf/fiancee/bride ang peg ko.

    nakanaman.. runaway chenes ang peg.. di mo pa nga alam kung kayo ba talaga or chinochorva ka lang..
    ButterKate wrote: »
    Di naman ako lead on kasi tutuo naman may feelings ako sa kanya pero in my book, iba ang love sa commitment.

    yup... at naeexpress ang commitment through?
    that's right! WORDS!
    kung walang sinabing kayo na, hindi pa kayo..
    kung ayaw mong maging kayo, sabihin mong ayaw..
    ButterKate wrote: »
    Sabi ko na di ako marunong magpaligaw pero kailangan ko atang i-clarify yon. Nababaduyan lang ako sa traditional na panliligaw dahil sa isip ko, kung teacher ako na magpapa-exam sa mga studyante ko para malaman kung gaano katalino sila, para naman akong ***** kung ang mga itatanong ko ay nakakalat na sa sangkatutak na sample exams na lahat ng studyante may access duon.

    e di wag kang magtanong ng mga galing sa sample exams.. pero mas maraming basura ang papasa kung walang exams..
    ButterKate wrote: »
    Kopya kopya lang magiging sagot -- give flowers, buy chocolates, pa-date date, text good morning/night, na kasama pa ang mas masahol pa sa SEC na reportorial requirements.

    e di wag mo silang sagutin ng based lang sa flowers, chocs and sh!ts.. sagutin mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil sa dami ng bulaklak at chocs..
    ButterKate wrote: »
    Pero aaminin ko na minsan maldita rin ako mag-test ng feelings para sa akin. Tulad nito nga - pinabyahe ko sa malayong probinsya para matulog sa bahay ng taong pwede syang tigokin, iniwan ko sa bundok ng may sakit at lupasay ng mga 5 araw bago ko binigyan ng lunas, minsan pag nagtatalo kami, pinapamukha ko sa kanya yung alam kong hindi nya kayang ibigay. Lahat yon tinitiis nya.

    madali lang gawin yan eh.. ano naman ang tiniis niya dyan?
    ButterKate wrote: »
    pero kung may commitment nga, di naman ako ganun na gagaguhin ko sya.

    e di tanungin mo na nang magkaalaman na.. at dapat gusto mo rin talaga na maging kayo..
    ButterKate wrote: »
    At agree ako na hindi porke't nag-sex na ay kayo na. Maraming multiple choice na variants ng relationship at pwedeng sexual love lang talaga ang namamagitan sa inyo. Mabuti na yun klaro.

    "sexual love" talaga? bago yun ah.. :glee:
    ButterKate wrote: »
    Pero dahil girl nga ako, feeling ko, hindi ako dapat magpa-clarify. Kung gusto nya ako, sya ang magstake ng claim, yung tipong hindi na magdududa yung babae. Kasi, kung lalake ako, yun gagawin ko. Hangga't di nya ginagawa yon, free for all pa rin.

    tama.. so antayin mong siya ang gumawa ng way para tanungin ka.. or gumawa ka ng sitwasyon na mapilitang siyang ibring up ang commitment, kung meron man o wala..
    ButterKate wrote: »
    So I guess ngayon tinitignan ko pa lang kung humahanap lang sya ng timing o ano. Baka naman mas may ***** pa ako sa kanya, eh di wag na lang diba?

    o malay natin free-for-all lang din talaga siya.. daming tinitikman.. at magkahulihan man, biglang sasabihin sa 'yo na I]wala ka namang sinabing tayo na ah.. pero sige dahil malinaw na ngayon na tayo na, di na ako kakangkong ng iba (di na ako magpapahuli sa yo)[/I
  • ^Kawawa naman ang girl na makakasama mo sa buhay.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS tama naman si Brad Naruts pabor sa lalake yan ganyan walang comfirmation.

    The moment na nag pa sweetie kantootie ka na kay boy isa ka ng asset.

    wala na sayo ang alas TS. bakuran mo na yan si boy pag mahal mo talaga :glee:
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ButterKate wrote: »
    ^Kawawa naman ang girl na makakasama mo sa buhay.

    well, kung sino man ang makakasama ko sa buhay, magiging masaya sila.. at siguradong hindi sila magkakaroon ng dilemma tulad nito..

    kaawaan mo na lang muna ang sarili mo.. dahil di mo pa rin alam kung kayo na.. :glee:
  • zgmf_x20Azgmf_x20A PEx Influencer ⭐⭐⭐
    type mo ba yung guy??? o nagpapakipot lang?? :rotflmao:
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ButterKate wrote: »
    ^Kawawa naman ang girl na makakasama mo sa buhay.

    Nakita ko na ang sampu sa maraming babae ni brad naruto, lahat parang laging nasa alapaap.:naughty:


    Mas kawawa yung mga hindi niya pinansin, mga pinaglaway lang.:lol:
  • AkoSiShirleyAkoSiShirley PEx Rookie ⭐
    TS bat mo naman sinabihan ng ganun si naruto? na-offend ka ba sa mga sinabi nya? may sense naman.. di naman kelangan personalin at magsabi ng ganun. maaari din naman kung di ka agree, sabihin mo lang at nagsasabihan lang naman ng opinion dito at wala naman ako napansin na sinabi ni naruto na naka-attack sayo personally..

    ano yung tinutukoy mong touch-move? kung yes ang sagot nya at ayaw mo pala, edi sabihin mo ayaw mo. kesa naman tingin nya gf ka na nya pero ayaw mo pala? kung yes ang sagot at gusto mo din naman, edi win-win.. naging kayo at malinaw pa, kesa naman sa aming mga strangers mo tinatanong kung kayo na ba.. kelangan naman talaga ng communication pagdating sa pagiging jowa so kung yung status nyo pa lang eh di nyo na mapag-usapan nang maayos, paano pa kaya yung ibang bagay pang darating diba? di ka naman siguro gagawa ng thread dito para itanong yan kung ayaw mong malaman ang sagot..

    alam mo naman na gaya-gaya lang panliligaw, kaya naman gaya-gaya mga lalake dyan kasi maraming babae ang may gusto nyan, chocolates + flowers + gifts + date.. ekek.. pero mukhang matalino ka naman para makapasa ang lalake sayo ng ganun ganun lang, so kahit ano pang klaseng panliligaw gawin sayo, mukhang alam mo naman talaga kung kelan talaga papasa sayo ang lalake.

    this is just my opinion ah.. para sakin walang babae ako, or lalake sya sa relationships.. kung may gusto kang i-clarify, dapat pwede mo gawin.. para naman sa ikabubuti ng relasyon nyo yun eh, di naman masama.. di rin naman pangit tignan.. feeling ko naman di magiging maayos ang relasyon kung nagpapakiramdaman lang kayo... unless pareho kayong psychic or kabisado nyo na ang isa't isa, kelangan nyo pag-usapan yung mga hindi malinaw diba? pero it's your choice.. sabi mo kasi kung lalake ka ganito ang gagawin mo na lilinawin mo talagang kayo na.. pero paano kung hindi sya ganung tao? or paano kung akala nya eh malinaw na sayo dahil nga may "i love you" na? kasi di mo naman sasabihan ng "i love you" in a romantic way ang taong di mo gusto maging bf/gf diba?

    opinion ko lang yan ah, kami naman ay tagasabi lang ng mga tingin namin.. no need to make it personal.. it's still your choice kung anuman gagawin mo at wala naman akong ipinipilit sayo. sorry humaba nang sobra mega explain lang. anyway good luck.
Sign In or Register to comment.