Home PEx Relationships The Singles Scene

Baket lalake nalang lagi ang nanliligaw,parag masyadong unfair, dapat babae rin

hindi ako torpe, ayoko lang talagang manligaw,parang UNFAIR sa lalake kung puro lalake nalang ang gagawa ng 1st move pag dating sa panliligaw.
kung ako lang ang masusunod mas gusto ko pang patas ang ligawan KUNG SINO ANG MAY GUSTO SIYA ANG MANLIGAW!
pag dating sa panliligaw madali lang lahat sa babae.
hahayaan lang nilang sumunod-sunod yung lalake,reply lang sila ng reply sa txt ng mga man liligaw nila, samantalang yung lalake hirap na hirap mag isip ng topic or diskarte. parang lumalabas kasi na nadedescriminate yung lalake.
parang nag mumukang payaso yung lalake tapos kailangan niyang ma-entertain yung babae, tapos pag naboring yung babae basted na agad.
sana maranasan rin ng babae manligaw para fair
sana maranasan din nilang mabasted para fair
sana maranasan rin nilang mag "brain storming" ng diskarte para FAIR
sana maranasan din nilang gumastos sa date para FAIR

lalo akong naaawa sa mga lalake pag nakakakita ako sa national bookstore ng mga librong to:
-how to attract a girl
-pano mo siya mapapasagot in 3 hours
-black magic love spells
-preventing rejection for men

bakit kailangan pang mag reaserch?
parang pag bumili ako mag mumuka akong desperado
«13

Comments

  • Carlos_BCarlos_B PEx Influencer ⭐⭐⭐
    saang kweba ka ba nakatira? matagal nang babae nanliligaw pag sila may gusto
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    si kris aquino nabasted lang recently, mukhang pinandirian nung manliligaw :lol:

    ts, #slowpoke
  • baka gwapo ka kaya mo nasasabi yan?
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    si TS halatang di updated sa uso :lol:
  • RaffeiRaffei PEx Veteran ⭐⭐
    di pa siya naligawan...pogi kaya si TS...???:lol:
  • jano32 wrote: »
    baka gwapo ka kaya mo nasasabi yan?

    so, hindi ka gwapo?

    kaya siguro wala pang duma-da-moves na babae sayo kasi ni kumpyansa sa sarili eh wala ka?

    intindi ko sa post mo eh galit ka eh, am i right?
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ hindi sya galit, bitter lang :lol:
  • ^ ay uu, bitter is a better term.
  • Swanget ka raw ts?:confusing:



    Welcome to the club!:lol:


    Magsuplado ka na lang sabi nga ni sugong si Ramon Bautista. Para may pride ka pang natitira sa sarili mo:glee:
  • jcdyjcdy PEx Veteran ⭐⭐
    Actually TS, ginagawa din nila yung mga sinasabi mo. Ang kaso nga lang ay mukhang di mo pa nararanasan na ang babae ang lumalapit sayo tulad nga ng sabi ng iba dito. Wag ka maging bitter, ayos lang yan. Karamihan sa mga babae na gumagawa nito ay yung mga hindi din type ng guy masyado.
    Never ko pa naranasan manligaw ng babae, pero minsan talaga di na kelangan kasi sometimes sila na lalapit sayo, whether you like it or not. So kung tingin mo ay hindi fair dahil hindi sila dumadanas ng ganyan, then you're wrong because certainly nangyayari din yan sakanila.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    welcome to KSA TS :lol::glee:
  • cotton_oncotton_on PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ano ka, mag-iintay ng babae na mahuhulog galing langit (or kung saan man dako ng daigdig? do your move. norm na talaga ng mga men yan
  • daddyjihadidaddyjihadi PEx Rookie ⭐
    "Hindi ako torpe Ayoko lang talagang manligaw"

    In denial ka yata.
  • GRO nalang kaya patulan ko kesa sa conservative na babae.
    kase pag GRO siya mismo mag fi-flurt sayo eh.
    buti nalang kahit panget ako atleast masasabi kong mapera ko
    pupunta ko sa beerhouse
  • girlwonderergirlwonderer PEx Rookie ⭐
    Ayun, bitter nga... :lol:

    Iho, ang ampalaya inuulam, hindi inuugali.. :hmm:

    Fyi, may girls din naman who makes the first move, if the guy is worth the effort.
  • valerie_hatesyouvalerie_hatesyou PEx Influencer ⭐⭐⭐
    balbolski wrote: »
    welcome to KSA TS :lol::glee:

    Anong KSA?
    jano32 wrote: »
    GRO nalang kaya patulan ko kesa sa conservative na babae. kase pag GRO siya mismo mag fi-flurt sayo eh.
    buti nalang kahit panget ako atleast masasabi kong mapera ko
    pupunta ko sa beerhouse

    So wrong :lol:
  • di naman ako galit
    isa lang yan sa mga dahilan ko
    kung bakit di ko tanggap ang buhay
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    wag ka, kahit mga GRO, namimili din yan noh..may pride pa rin naman yan kahit papaano

    sige kuya, push mo yan..Mag FR ka na lang sa mabibingwit mo :glee:
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jano32 wrote: »
    hindi ako torpe, ayoko lang talagang manligaw,parang UNFAIR sa lalake kung puro lalake nalang ang gagawa ng 1st move pag dating sa panliligaw.

    Sino ba kasi nagsabi sayo na uso pa ang ligaw ligaw ngayon?

    bakit kailangan pang mag reaserch?
    parang pag bumili ako mag mumuka akong desperado

    Alam mo tama ka. Kesa magresearch ka, hintayin mo na lang na mauso na ang babae ang lalapit sa lalaki. Mas madali yung wala kang gagawin di ba?
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jano32 wrote: »
    GRO nalang kaya patulan ko kesa sa conservative na babae.
    kase pag GRO siya mismo mag fi-flurt sayo eh.
    buti nalang kahit panget ako atleast masasabi kong mapera ko
    pupunta ko sa beerhouse

    ayan may bago na namang barkada si ChesterT! :glee:
Sign In or Register to comment.