COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA News TV: ILUSTRADO

ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
Journal, January 14, 2014

ni Nitz Miralles

Isa na namang documentary series ang handog ng GMA News TV for 2014 at ito’y ang Ilustrado na tungkol sa buhay ni Jose Rizal. Itatampok sa series ang travels sa Europe ng ating national hero, kasama ang kanyang mga romansa, ang rivalry niya sa ibang Filipinos abroad, ang kanyang paghihirap, homesickness at ang passion niya sa pagsusulat tungkol sa Pilipinas.

Wala pang sinabi ang GMA News TV kung kailan ang airing ng Ilustrado, kung sino ang director at kung sino ang gaganap sa role ni Jose Rizal. Masuwerte at aktor na mapipiling gumanap sa role ni Jose Rizal.

Also, ilu-launch din ng GMA News TV ang Cine Totoo, ang 1st Philippine International Documentary Film Festival. Magbibigay ng grants ang Cine Totoo sa 11 documentary filmmakers to produce their dream projects at ang winners ay pipiliin from among the grantees.

Pipili ng Best Documentary, Jury Prize at Audience Choice Award. Ang tatlong winning documentaries ay ipalalabas sa GMA News TV sa September 2014.

Comments

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file