COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

39. LEVEL-UP: Nora Aunor VS Meryl Streep, ATBP

MONTO GAWEMONTO GAWE Primus Inter Pares Pares PExer
Sa iyong palagay sino ang mas magaling umarte sa magkakatapat? At bakit?

1522149_503531923100483_819030048_n.jpg

1. MERYL STREEP o NORA AUNOR

2. JULIA ROBERTS o MARICEL SORIANO

3. JENNIFER LAWRENCE o BEA ALONZO

Comments

  • MONTO GAWEMONTO GAWE Primus Inter Pares Pares PExer
    Hindi kaila sa ating mga taga-masid na maraming Pinoy na artista ang humahangad na makapasok sa Hollywood. Ngunit, magpahanggang ngayon nananatili itong isang mailap na pangarap.

    Mapa-pelikula man, o director o mismong mga sikat na artista ay tila napapako sa parisukat ng Pinas at hirap na hirap mapansin man lang at tuluyang tanggapin o purihin sa pandaigdigang pinilakang tabing. (Yung bang ‘global superstardom’ na tinatawag at di manaka-nakang papuri.)

    Siguro di pa napapanahon o sadyang kulang pa ang ating kaalaman o diskarte para mapagtagumpayan ang ating minimithi.

    Pero sa palagay ko di naman nagkulang ang Pinoy sa angking talento sa pagganap at meron naman tayong sariling atin angkop ihanay sa naggagalingang artistang banyaga. (O di kaya mali ang aking akala.)

    Kaya mainam sigurong ating paghambingin ang kagalingan ng isa sa isa para malaman natin kung sapat na ba ang kakayahan ng isang Filipina na hangaan ng sanlibutan.

    Pili na.
  • svadhisthanasvadhisthana suvarna yuga PExer
    MONTO GAWE wrote: »
    Sa iyong palagay sino ang mas magaling umarte sa magkakatapat? At bakit?

    3. JENNIFER LAWRENCE o BEA ALONZO

    Dream on. :glee:
  • renz7renz7 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    between nora and meryl, ang edge lang ni meryl, versatile siya.. kahit anong role so far, kayang kaya niya. but nora is equally great.

    maricel and julia - ang layo ng agwat. si naman kagalingan si julia lol! maricel of course.

    bea and jennifer.. di ko masyadong kilala si jennifer lol! magaling si bea.
  • Queen_BlairQueen_Blair Member PEx Veteran ⭐⭐
    Nora=Meryl

    Maricel>>>>Julia

    Jennifer>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>Bea


    I've watched many of their movies, especially those movies kung saan sila nanalo ng awards.

    Nora is very good at subtle and effortless acting, Meryl is very versatile to the point she is a chameleon in changing her persona.

    Maricel is multifaceted actress, Julia is overrated but she's good pero wala siya kay Maricel.

    Jennifer Lawrence versus Bea Alonzo is not even a question. Jennifer has never been into any acting school and yet is the only person born in the 90's to win an Oscar plus the fact she's the 2nd youngest winner in the history. She can do comedy, action, horror and drama name it. Robert De Niro and Charlize Theron even bow their head for praises.

    Meanwhile Bea is a trained actress and yet wala parin siyang binatbat kay Jennifer Lawrence hanggang drama lang kaya niya, very awkward sa comed and limited lang ang roles niya. Hindi effortless ang acting niya, madalas hysterical, sa the mistress magaling siya because kontrolado niya sarili niya pero mostly hindi.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file