Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA Network: ANG DALAWANG MRS REAL (Dingdong Dantes, Lovi Poe and Maricel Soriano)

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
Scoop: Coming in 2014 on GMA Telebabad.

1483390_448265348608036_231119222_n.jpg
«134567251

Comments

  • sana ipush to :) ok rin ilagay dito si sid lucero as antagonist. ok yung on screen chemistry nila (carla with sid) sa shake rattle and roll. ang galing ng actingan ng dalawa. :)
  • Dapat si Tom nalang kay Carla..
  • i agree sana tom and carla puwede din isama si dingdong para powercast
  • I super like the tandem....
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Pil. Star Ngayon, Jan. 20, 2014

    Maricel iwas-drama muna, pinagko-concentrate sa comedy ng Viva boss
    ni Jun Nardo

    MANILA, Philippines - Sina Maricel Soriano at Carla Abellana ang balitang makakasama ni Dingdong Dantes sa next project niya sa GMA. Ito ang next ni Carla after ng successful performance niya last year sa My Husband’s Lover.

    Kung madali ang kumpirmasyon mula kay Carla, mukhang malabo pa ang pagtango ni Maricel sa series. Sa comedy kasi naka-concentrate ang manager niyang si Vic del Rosario ng Viva Films. Matapos kasi ang kontrobersiyal niyang pagkakatanggal sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin sa Channel 2, nagkaroon ng pahayag ang Viva boss na sa movies at pawang comedy muna ang sentro ng career ng Diamond Star.

    But, take note, na Primetime King ng GMA ang makakasama ni Maricel. Hindi basta prinsipe-prinsipe lang ng drama, huh!

    Isa ang pag-iwas sa pagdadrama ni Maricel ang factor na kailangang ikon*sidera sa project. Idagdag pa riyan ang malaking talent fee ng aktres. Pero pagdating naman sa talent fee, basta gusto ni Maria ang project, handa naman siyang magbawas. Nangyari na ‘yan noon sa isang project niya sa GMA.

    After ng Genesis ni Dong, tama lang na ang pagiging aktor naman ang ipamalas niya sa bagong project sa Kapuso Network.
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Dapat si Alice Dixson na lang ang kasama diyan...

    Ito ba ang papalit sa A 100-Year Legacy if ever? :hmm:
  • etxeteraetxetera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kyupayb wrote: »
    iScoop: Coming in 2014 on GMA Telebabad.

    1483390_448265348608036_231119222_n.jpg

    At loooong last *okay* *okay* sana si Aling Suzi headwriter *crosses fingers and toes*
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Pang-Masa, January 21, 2014

    Maricel tinanggap na ang offer ng Kapuso
    ni Nora Calderon

    Heard na tinanggap na ni Maricel Soriano ang offer na drama series ng GMA Network.

    Naiharap na raw kay Maricel ang concept ng soap matapos masunod ang mga hiningi niya tungkol sa kanyang role sa una nilang pag-uusap. Last year pa pala ang offer na iyon pero hindi muna tinanggap ng Diamond Star dahil busy siya sa pagsu-shooting ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Viva Films at Star Cinema.

    Ngayong libre na si Maricel, muli raw ini-offer sa kanya ang project at tinanggap na nga niya. Mayroon na rin siyang bagong leading man pero saka na lamang ipaaalam kapag kumpleto na ang casting at ang magdidirek ng project.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Pil. Star Ngayon, January 21, 2014

    ni Sol Gorgonio

    BOOM: Totoo kayang isang magaling at kilalang aktres ang makakasama ni Dingdong Dantes sa susunod niyang drama series?

    Dating Kapamilya itong si magaling at kilalang aktres at ang latest ay tuloy na tuloy na raw ang paglipat sa Kapuso Network.

    Hintayin na lang natin ang kanilang announcement.
  • magandang pantapat to sa show ni bea alonzo :) ipush yan!!!
    ipopi wrote: »
    Pang-Masa, January 21, 2014

    Maricel tinanggap na ang offer ng Kapuso
    ni Nora Calderon

    Heard na tinanggap na ni Maricel Soriano ang offer na drama series ng GMA Network.

    Naiharap na raw kay Maricel ang concept ng soap matapos masunod ang mga hiningi niya tungkol sa kanyang role sa una nilang pag-uusap. Last year pa pala ang offer na iyon pero hindi muna tinanggap ng Diamond Star dahil busy siya sa pagsu-shooting ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Viva Films at Star Cinema.

    Ngayong libre na si Maricel, muli raw ini-offer sa kanya ang project at tinanggap na nga niya. Mayroon na rin siyang bagong leading man pero saka na lamang ipaaalam kapag kumpleto na ang casting at ang magdidirek ng project.
  • Wow powerhouse!! Sana under doctolero and direk dom pa din.. Isama din si papa tom
  • sojournersojourner PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung totoo na tinanggap na ni inay ito, it is a welcome news indeed! After the success of Momzillas and GBBT at the movies, it is hoped that the winning streak will continue on the small screen. Nagsama na si inay at si Carla sa YTT two years back. I think this is the first time for inay and Dingdong.

    With the perceived anti-Maricel group at ABS downplaying her, we hope she will be treated better at GMA. The GBBT billing caused an uproar among Maricelians. Sana, GMA will give due credit to a movie queen and TV icon. Let's see...

    Sana matuloy talaga.

    HAIL TO THE QUEEN!
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Abante, Jan. 22, 2014

    Maricel, Kapuso na
    ni Noel Ferrer

    WALEY: Waley na makakapigil sa pagpasok ng Maricel Soriano sa Kapuso network.

    Balita nami’y tinanggap na niya ang alok ng GMA 7 na mapasama sa isang teleserye.

    Magandang senyales ito sa MMFF Best Actress na ang balita’y makakasama ng Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang bagong project.

    After the lukewarm reception sa dapat ay pinagbidahan ni Maricel who was later replaced by Dawn Zulueta with Gerald Anderson na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, exciting ang pagbabalik-TV ng Diamond Star.

    Now everyone seem to have moved on. Muling magsasama sina Gerald at Dawn sa Dyesebel. Si Gerald ang leading man ni Anne Curtis sa lupa, samantalang si Dawn ay gaganap bilang nanay ni Anne.

    Nag-first day na rin si Gerald sa bagong pelikula niya with Angelica Panganiban under Star Cinema directed by Ruel Bayani.
  • excited much!! mas maganda isama si tom.. hehehe
  • tuloy pa kaya si carla dito? lolz. pinag initan na nga sya ng mga dongyan fans. lolz.
  • after ng MHL waley na si Tom at Dennis,

    buti pa si Carla nasundan kaagad, pero sana early this year eh magkaroon ng primetime show si Tom yung straight naman ang role nya :lol:
  • Kahit maganda ang casting at story kung wala namang support sa promotion e nababalewala lang din mga shows ng primetime king.. Ihype naman kasi mga shows ninyo
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dingdong Dantes on rumored TV project with Maricel Soriano: "Kung totoo po yun, ako, I’m so excited na makasama siya."

    by Rose Garcia posted on January 24, 2014 *STATS: 9678 Views | 18 Comments
    Share it!
    3
    5
    18

    Dingdong Dantes on working again with girlfriend Marian Rivera: "Maganda rin minsan yung matagal din kaming hindi nagkakatrabaho dahil nami-miss namin ang isa’t isa. Pero siyempre, kahit napapanood ko siya, even from afar, kahit nakikita ko yung success, kumbaga, I became so proud."

    PHOTO: NOEL ORSAL

    Excited ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga gagawin niyang proyekto ngayong 2014.

    Saad niya, “Kumbaga, natapos ng maraming blessings ang 2013, ginagamit ko talaga yun na inspiration to do better in everything.

    “At sa lahat ng mga nakilala ko noong last year, siyempre, marami kaming napag-usapan na magagandang bagay para sa sarili namin at sa trabaho namin.”

    Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa Sunday All Stars noong Linggo, January 19.

    Puro trabaho pa rin ba siya ngayong Year of the Horse?

    Nakangiting sabi ng aktor, “Siyempre, ang trabaho ay isang aspeto, isang bahagi lang ‘yan ng buhay ng isang tao.

    “Hindi pupuwedeng work, work, work.

    “Siyempre, meron na diyan na family, lovelife. May time sa paglalaro.

    “Kumbaga, lahat ‘yan, balanse dapat.”





    NEXT PRIMETIME SERIES. Ano ang mga puwedeng abangan sa kanya ngayong taon?

    Ayon kay Dingdong, “Siyempre sa TV, may gagawin kami sometime in March. Isa na namang drama na handog ng GMA.

    “Kung anuman yun, hindi ko pa masasabi.

    “Sana matuloy, it’s very exciting.”

    Bagamat wala pang kumpirmasyon, malakas ang bulung-bulungan na isa sa makakasama ni Dingdong sa kanyang susunod na primetime series sa GMA ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

    Ano ang masasabi niya rito?

    Saad niya, “Kung totoo po yun, ako, I’m so excited na makasama siya.


    “Isang malaking karangalan sa akin na makasama siya sa isang show, kung sakali pong totoo.

    “Kaya nga sobrang grateful ako sa GMA na sa mga makakatambal o makatrabaho man lang ay mga respectable at magagaling at talagang kahanga-hanga.”

    Drama ba ulit ang gusto niyang kasunod na proyekto?

    Ani Dingdong, “Alam niyo, may variety naman ang lahat ng ginagawa mo.

    “Kumbaga sa panlasa, gusto mong tumikim ng iba-iba.

    “Pero siyempre, babalik at babalik ka dun sa paborito mo.

    “Which is, para sa akin, ang paborito ng karamihan at paborito ng Filipino ay drama.”

    Huling napanood si Dingdong sa disaster drama na Genesis.

    Sa pagpirma niyang muli ng kontrata sa Kapuso network, hindi ba kasama rito ang hosting?

    Sagot ni Dingdong, “Wala pang ibinibigay sa akin na anything.

    “Pero kung meron man, bahala sila.

    “Ako ay kanilang talent, at kung ano ang sa tingin nila na puwede sa akin, gagawin ko.”
  • Maricel-Dingdong soap to push through


    Si Maricel Soriano ang sinasabing magaling na aktres na next na makakasama ni Dingdong Dantes sa susunod niyang soap sa GMA-7.

    In-offer ng network ang aktres at prinesent na ang gagawing soap. Mukhang nagustuhan naman nito at ng kanyang team dahil kontrata na lang daw ang hinihintay.

    Hindi pa namin batid ang title ng soap at kung sino ang ibang makakasama nina Maricel at Dingdong dahil nang i-present sa aktres ang project, hindi pa buo ang cast ng soap to be directed by Andoy Ranay.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Journal, Jan. 26, 2014

    ni Nitz Miralles

    Isa sa mga maggi-guest sa first Sunday episode ng Startalk ay si Maricel Soriano at ibig sabihin nito, tuloy na ang paggawa niya ng soap sa GMA-7 para sa second quarter line-up.

    Sa guesting ni Maricel baka i-a-announce na kung sino ang makakasama niya sa soap maliban kay Dingdong Dantes.
Sign In or Register to comment.