COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Object-Oriented Porgramming

Share ko lang yung idea ko tungkol sa buhay and the start of the universe.
Sorry po, kung may mga non-IT dito na maarining di maintindihan yung ibang jargons ko.

Well, ang general idea ay tungkol sa pagiging instance ng objects ng lahat ng nakikita dito sa ating universe. Kung mayroon sa inyong umaattend ng OOP (object-oriented programming) classes sa kung saan man, malamang jan, nagbibigay ng example ang mga professors ninyo about classes and objects using real life objects. sa organization palang ng mga living things, makikita na ang "inheritance" feature ng OOP. At kung makikita ninyo, ang universe ay binubuo ng mga object na nag-iinteract sa isa't-isa, katulad ng interaction ng magkaibang uri ng force, interaction ng biotic at abiotic, etc...

With that idea, maraming ibang idea ako ng naiconnect diyan. isang halimbawa ay yung creation ng mundo. according sa bible, nabuo daw ang buong mundo in 6 days, ewan ko lang kung paano nasukat yung 6 days na yun dahil wala pang orasan noon, at wala pang ara/gabi.
What I think sa creation na yan is it might be 6 method calls to create a world. Sa programming, lalo na kung di open-source, di mo malalaman kung ano ang definition ng isang method. Meaning sa atin, di natin alam ang specific steps ng creation, may the God used big-bang, or kung ano mang method yun. Also, naalala ko din na binuo Niya daw ang mundo sa pamamagitan ng salita. Stating something like "let there be light" is very similar kapag nag-cacall ka ng methods such as god.createLight( );

About death, naisip ko din na parang katulad ito ng death ng mga objects sa isang OO na software: kapag nagkaroon ng exceptions maarning madeallocate ka sa memory, sa life naman, kung may complications ka sa katawan, tegi ka. Also yung death sa OOP at sa buhay natin ay may parehong purpose: para magkaroon pa ng space, tama naman di ba?

About unexplainable phenomenas: maaring mga bugs ito, or unwanted code na gumana at naginteract na sa atin. Dahil ang god ay di ito nagustuhan, maaring binura niya ito kaya nawala. Tayo ba, as objects, malalaman ba natin na nagrestart yung system? Di naman eh.

About the God, syempre, judging sa definition natin sa God, siya ang gumawa sa atin. Siya ang developer natin. Ito ang ginagamit ko kapag may nagtatalo tungkol sa trinity. Paano daw naging tatlo ang God, eh, isa lang siya? naisip ko lang, ang boring gumawa ng mundo kung di ka kasali dito. so maybe, He created something to interact with His creations. Maybe, ang God na sinasabi natin ay mga admin tools na ginagamit ng Diyos to manifest His power. Kung tungkol sa trininty, may 3 siyang accounts: Father, Son, Holy Spirit. These entities have different set of methods and attributes kaya nasabing magkakahiwalay sila. So, the God, is using this 3 tools, simultaneously. Imagine playing an MMORPG, tapos may 3 accounts ka na nakalogin sabay-sabay.

Sa mga prophets sa bible, may mga visions sila sa future na hindi nila gaanong naiintindihan. This is maybe because they are given the ability to see the next lines of code sa ating mundo. Maybe the world is created using a compiled language rather than an interpreted language, kaya nakikita nila kaagad yung nasa hinaharap at yung nasa dulo ng mundo.

Tungkol naman sa supernatural entities tulad ng mga anghel. I think of them as another objects. Katulad din nating ang pakakagawa sa kanila, iba lang ang design. Naka design sila para hindi direktang makapag interact sa mga tao, tulad ng noble gasses sa perdiodic table of elements. There are angels din naman na nagiinteract sa mga tao, sa OOP, possible din ito, sa pamamagitan ng pag-papalit ng attribute ng isang object. For example:

gabriel.visibleToHumans = true;
gabriel.saySomething(someRandomPerson);
gabriel.visibleToHumans = false;

Pasensya na po kung biased sa Christianity yung view ko, ito po kasi ang kinalakihan ko.
So, ayun lang muna. Di ko na alam paano dudugtungan ito. Wala na sa isip ko, gutom na ako. Opinions are welcome. If I remember correctly, may nauna nang ganitong idea. Di ko lang ma search sa net, di ko alam tawag dun.

Pero, ang iniisip ko talaga, anong silbi natin. Bakit ginawa itong software na ito, ang ating mundo?

Comments

  • ''Pero, ang iniisip ko talaga, anong silbi natin. Bakit ginawa itong software na ito, ang ating mundo?''

    ang silbi natin dito sa mundo ay for perfection of soul gayun ang sinasabi sa reincarnation. pero pansin ko lalong sumasama o sadyang mahirap lang talagang maunawaan ang katuruan nila.
  • cristofcristof Member PExer
    Natatawa ako na nirelate mo sa OOP ang purpose mo sa mundo at Christianity. :lol:

    Java programmer ka ba?
  • SirZapSirZap Storm Trooper PEx Influencer ⭐⭐⭐
    if God is a programmer, anong gamit nyang.....?
    -programming language
    -compiler/interpreter


    anyways maybe this link could help you out
    http://www.pi.pwp.blueyonder.co.uk/creation.html
  • Bigot3AtBalbasBigot3AtBalbas Kiss me and I'll be PExer
    God is supposed to be perfect. There shouldn't be bugs in the code. And why is thing capable of getting bored?
  • javax_swingjavax_swing import me :) PExer
    cristof wrote: »
    Natatawa ako na nirelate mo sa OOP ang purpose mo sa mundo at Christianity. :lol:

    Java programmer ka ba?

    Opo, at mukhang nasobrahan. Haha! :lol:
    SirZap wrote: »
    if God is a programmer, anong gamit nyang.....?
    -programming language
    -compiler/interpreter


    anyways maybe this link could help you out
    http://www.pi.pwp.blueyonder.co.uk/creation.html

    Ang kulet, parang windows shell. Ang naisip ko talaga, OOP language ang gamit niya, what ever that was...

    God is supposed to be perfect. There shouldn't be bugs in the code. And why is thing capable of getting bored?

    Naisip ko lang po, kung tayong mga tao ay isang bahagi lamang ng creation niya, di ba't makikita naman talaga natin siya sa perfect? And kung ang tao ay galing sa wangis ng Diyos, edi possible din na si God ay mabore, or magkamali, tulad ng tao. Di ba nga, seloso pa daw siya?
  • ellivro99ellivro99 Et cetera PEx Rookie ⭐
    can you also relate polymorphism and encapsulation to the purpose of your life? ... :)
  • Bigot3AtBalbasBigot3AtBalbas Kiss me and I'll be PExer
    Bored and selosa god. Too pani he he
  • javax_swingjavax_swing import me :) PExer
    ellivro99 wrote: »
    can you also relate polymorphism and encapsulation to the purpose of your life? ... :)

    Polymorhpism, yung ugali natin, di siya perfectly katulad ng pinagmanahan natin.
    Encapsulation, may mga maliliit na bagay tayong hindi na dapat pakialaman. mga bagay na sobrang complex. halibawa nalang ang paggalaw ng bawat cells natin sa katawan sa twing naglalakad tayo. di naman natin binibilang kung ilang centimeter ang galaw ng mga cells natin sa paa kapag naglalakad tayo. basta tayo, maglalakad lang, such process is encapsulated.
  • oobioobi Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I like the alternative paradigm and vocabulary used by the TS to explain a point of view from Creator/Creators.

    Medyo tamad lang akong magbasa, pero I have similar sentiments long ago when I did some programming.
  • rockybrockyb Member PExer
    God is the compiler, he just runs the code and does not interfere. He gave us the freedom to program. If a program executes flawlessly then it is considered good, if it doesn't then it is evil(you can look at it as bugs being sins). We are the programmers and we sometimes write good code(good acts) and bad code(bad acts) because we were given freedom.
  • ElCidElCid Roman Catholic PEx Influencer ⭐⭐⭐
    cristof wrote: »
    Natatawa ako na nirelate mo sa OOP ang purpose mo sa mundo at Christianity. :lol:

    Java programmer ka ba?

    Yan ang tunay na Cristiano - he relates God to everything he does. Well done! :rotflmao:
  • JagonJagon Don't listen to me PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Polymorhpism, yung ugali natin, di siya perfectly katulad ng pinagmanahan natin.
    Encapsulation, may mga maliliit na bagay tayong hindi na dapat pakialaman. mga bagay na sobrang complex. halibawa nalang ang paggalaw ng bawat cells natin sa katawan sa twing naglalakad tayo. di naman natin binibilang kung ilang centimeter ang galaw ng mga cells natin sa paa kapag naglalakad tayo. basta tayo, maglalakad lang, such process is encapsulated.

    brad, magbakasyon ka na muna
  • alchemistofophiralchemistofophir Christian Communist PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung linear ang events, so from right to left and left to right lang.

    Ang Diyos ng Old Testament, back from right to left na, ay mabait, at ang Diyos ni Hesus naman ang malupit.
    OP, pamilyar ka naman sa NOT Binary Operation di ba?

    Pag reversed na, since ginagamit mo ang concept ng programming, "Love your Enemies" ay magiging NOT("Love your Enemies") = "Death to your friends."

    Ang Beatitudes ay magiging ganito.

    Ito ang magiging NOT("Beatitudes")

    The eight Beatitudes in Matthew 5-3:12 during the Sermon on the Mount each begins with:

    1.) Woe to those who are the rich in material wealth, for they will have hell
    2.) Woe to those who are those who laugh, for they will be discomforted
    3.) Woe to those who are proud for they won't inherit earth.
    4.) Woe to those who are always full, for they won't be satisfied
    5.) Woe to those who don't have mercy for they won't be shown mercy
    6.) Woe to those who have impure heart, for they won't see God
    7.) Woe to those who are trouble makers, for they will be disowned by God
    8.) Woe to those who persecute, for they will be in hell.

    The four woes that follow these in Luke 6-24:26 each begins with:

    Woe to you...:

    ...who are rich, for you have already received your comfort.
    ...who are well fed now, for you will go hungry.
    ...who laugh now, for you will mourn and weep.
    ...when everyone speaks well of you, for that is how their ancestors treated the false prophets.

    Blessed are you who are poor, for you won't receive discomfort
    Blessed are you who are not well fed, for you will not be hungry
    Blessed are you who are crying yesterday for you won't mourn and weep in the future
    Blessed are you when everyone don't speak well of you, for that is how their ancestors treated the true prophets.


    So balikan lang.
  • SirZapSirZap Storm Trooper PEx Influencer ⭐⭐⭐
    rockyb wrote: »
    God is the compiler, he just runs the code and does not interfere. He gave us the freedom to program. If a program executes flawlessly then it is considered good, if it doesn't then it is evil(you can look at it as bugs being sins). We are the programmers and we sometimes write good code(good acts) and bad code(bad acts) because we were given freedom.

    since nasagot mo na yung compiler... ano naman programming language ROFL
  • Bigot3AtBalbasBigot3AtBalbas Kiss me and I'll be PExer
    SirZap wrote: »
    since nasagot mo na yung compiler... ano naman programming language ROFL

    Definitely not java :lol:
  • ellivro99ellivro99 Et cetera PEx Rookie ⭐
    Polymorhpism, yung ugali natin, di siya perfectly katulad ng pinagmanahan natin.
    Encapsulation, may mga maliliit na bagay tayong hindi na dapat pakialaman. mga bagay na sobrang complex. halibawa nalang ang paggalaw ng bawat cells natin sa katawan sa twing naglalakad tayo. di naman natin binibilang kung ilang centimeter ang galaw ng mga cells natin sa paa kapag naglalakad tayo. basta tayo, maglalakad lang, such process is encapsulated.

    hmmmm... not satisfied of ur answer... do you really understand the principle of encapsulation and polymorphism ?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file