Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

Esoterica Manila (directed by Elwood Perez)


Saw the trailer earlier before 10000 Hours started. Puro images yung trailer niya, parang dun sa Otso.

Comments

  • erzo01erzo01 PEx Rookie ⭐
    Direk Elwood, humagulgol sa party!
    Written by Rey Pumaloy

    Umiyak at naging emosyonal si Direk Elwood Perez sa Philippine Stagers Foundation yearly ball nu’ng Dec. 21 sa Pan Pacific Hotel. Ang PSF na pinamamahalaan ni Atty. Vince Tañada ay isang award-winning theater group na nakilala sa malalaki nilang musical productions gaya ng Cory ng EDSA, Joe, The Rocksical, Pedro Calungsod at Bonifacio.

    Isa sa tatlong honorary guests-supporters ng PSF si Direk Elwood na binigyan ng re*cognition kabilang si Atty. Tonette Allones at Atty. Tonisito Umali, Assistant Secretary ng DepEd.

    Si Direk Elwood ang direktor ng indie film na Otso na ipinalabas sa Sineng Pambansa, na pinagbidahan mismo ni Atty. Vince. Naloka ang entertainment press na na*imbitahan sa ball dahil sa kalagitnaan ng kanyang acceptance speech ay napahagulgol si Direk Elwood habang hawak niya ang kanyang tropeo.

    Hindi na nagawa pang tapusin ni Direk Elwood ang kanyang speech dahil tumalikod na ito at napahagulgol na sa balikat ni Atty. Tañada. Sa speech ni Direk Elwood, sinabi nitong na-touch siya sa presentation na inihandog ng PSF sa kanya. Naantig ang puso niya sa pagpapahalagang ipinaramdam sa kanya ng nasabing theater group.

    Anyway, hindi mababakante si Direk Elwood ngayong January dahil ipalalabas ang second indie film niya na Esoterica Manila, ang launching movie ni Ronnie Liang, kasama sina Atty. Tañada at Snooky.

    http://www.abante.com.ph/a/entertainment/4855/direk-elwood-humagulgol-sa-party.html
  • erzo01erzo01 PEx Rookie ⭐
    6a88599e6dfe11e3a6bb1272bb146ed9_8.jpg

    lanceraymundo
    Lance Raymundo
    http://youtu.be/vQr69yzCGb8 Trailer of #EsotericaManila , the latest #Movie by the Iconic Dir. Elwood Perez Featuring: Boots Anson-Roa, @snookyserna4466 , @jon_hall6 , #me @lanceraymundo , @ronnieliang , @vincent_tanada , @seaprincess888 , @carlosceldran The trailer can also be seen in all #SM #Cinema beginning yesterday, #Christmas Day December 25, 2013. Watch out for the Movie in 2014! #film #art #philippines #asia #manila
  • cinelamourcinelamour PEx Influencer ⭐⭐⭐
    very intriguing!!!! pero nakakabwisit ang adr!
Sign In or Register to comment.