Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Ho-Ho-Hope you have a holly jolly holidays, PExers! 🎅

Ex gf told to wait for her

Please take time to read my story...

Four years na sana kami sa Dec 25, 2013. I admit na madali akong magalit sa GF ko. Namumura ko siya. Mistreated her in some ways, hindi ako sweet sa kanya pero hindi ko naman siya sinasaktan physically.

It was Nov 2013 nang hiniwalayan niya ko after ko sabihan siyang "magkanya-kanya na tayo". We're living together kasi malapit sa bahay namin ang work niya. Nabigla ako sa sinabi ko but hindi na siya umuwi after nun sa amin... Nabalitaan ko na lang na may ka-relation na siya (ang bilis 2 weeks pa lang). Then after a couple of weeks, nag-kausap ulit kami nung kunin niya ang gamit niya sa amin. Nag-sorry ako. Nag-makaawa, binaba ko ang pride ko (co'z it's my fault) but she leaved with her things. After a week, nakipag-communicate ulit siya sa akin at sinabi na na-mimis niya ako... We ended up seeing each other again (Dec 2013). Sex, etc. (kahit merun na siyang iba).

Naikwento niya na nung nag-away kami there's this guy na naging mabait sa kanya, nakatext at nabulag sya sa kabaitan kaya parang naging sila. Now that she realize na ako talaga ang mahal niya, nahihirapan daw siya makipag-hiwalay dun sa guy kasi kahit paano e naging mabait naman sa kanya. I was adviced to wait on January 2014 kasi tatapusin lang ang b-day nung guy then she will end their relationship and go back to me totally. Nahihirapan ako in a way na I think na minahal na niya rin yung guy pero ang lagi niya sagot sa akin e hindi niya alam kung mahal ba talaga niya.

Should I wait on January or totally kalimutan na lang siya... Baka kasi companionship lang ang habol niya sa akin. Natatakot ako mag-expect kasi sobrang nasaktan ako. Medyo ok na ako ngayun kaya iniingatan ko na ang feelings ko. Ayoko mag-antay kasi wala akong assurance sa kanya and baka madissapoint lang ako sa bandang huli kung sasabihin niya sa akin na hindi na pala siya babalik. But at the back of my mind parang sinasabi na antayin ko sya. I really love her. What should I do...

Comments

  • bwisit!! ikaw na nga ang nanakit tapos umaatungal ka pa dyan.. galing na sa bibig mo ikaw ang nagkulang at nakahanap sya nag pansamantalang magandang attensyon na hirap' mong iparamdam sa kanya.. T.anga mo.. tapos ganyan ka? selfish mo TS... buti nga sayo..

    now ngayon sarili mo iniisip mo? wow ha.. hands down sa pagkamakasarili mo... hanep ka sa drama.. una palang TS ang babae minamahal, hindi tinitake for granted, now narealized mo mahal mo sya at mahal ka nya, maswerte ka kasi na isip nya na ikaw talaga mahal nya,

    assess mo nga? bat sya umalis nung sinabi mo na magkanya kanya na kayo? isip nya sya lang ang nagmamahal at walang point na balikan ka pa? pero nung bumalik sya para kunin mga gamit nya nakita nya ibang ikaw, may nakita sya sayo na pagbabago at she is taking another chance sa relasyon nyo, tapos ngayon ganyan ang iniisip mo? wow ha ano ka TS? special? ikaw na!!!

    ikaw ang may kasalanan kung bakit nakahanap sya ng nag aappreciate sa kanya, dapat ikaw pa tong magpakababa para bigyan sya ng sapat na oras para maayos nya gusot na pinasok nya dahil sa katangahan nya sayo,

    lam mo TS madaming tangang babae, isa dun gf mo kasi minamahal nya tulad mo.. for sure madami nagsusolsol sa kanya na wag ka na balikan dahil prediction nila babalik ka din sa dati, isang unappreciative,selfish, take for granted, foul mouthed a.sshole. and your proving it right.. post mo palang sarili mo na agad iniisip mo..

    wala ka assurance? baka madis appoint ka lang? apir tayo dyan!! hahaha.. tindi mo TS.

    yaw mo mag expect kaso sobrang nasaktan ka? apir ulit!! hahaha.. you deserve that pain TS.. ano sa tingin mo how much pain did you inflict sa gf mo for not treating her right noon? gaano katagal sya nagpasensya sa ugali mo? wow TS.. nakakahiya naman sayo.. nararamdaman mo yan dahil never ka sa losing side, ikaw ang inflictor ng suffering, gf mo ang receiver, now nabaliktad ang spot nyo, ikaw na ang biktima ngayon? wow ha!! apir tayo dyan.. (selfish mode?) hahahaha

    kung kilala ko lang gf mo susolsulan ko sya na wag ka na balikan.. dahil in the long run? you will never think of your relationship as one built by two people, sarili mo lang iniisip mo. gusto mo sa recieving end ka lagi.. you make me sick..

    lam mo rason bakit naisip nya ikaw pa rin mahal nya? sa new guy she fears na baka pakitang tao lang sya sa kanya at baka mag end up lang sila ng ganyan sa inyo, so possible pwede nya isipin na parang ikaw noon nung bago kayo, nakapabait, thoughtful mapagmahal pero ng tumagal lumabas din ang tunay na kulay, so pag papasensyahan na lang nya ugali mo kasi kilalang kilala ka na nya.. so hahabaan na lang nya pasensya nya sayo,

    nakakatawa pag iisip mo ts...

    kung mahal mo ang isang tao, dapat marunong ka magpatawad.. dapat marunong ka din tumanggap ng pasakit..
    at hindi pagdududa ang paiiralin, ang dapat eh mag iisip kung pano maimproved ulit ang relasyon.. intindihin ang mga mali, tanggapin ang pagkukulang, unawain ang sitwasyon, irespito ang karelasyon, marunong magtimpi, magmahal ng tama,
    kumain mabuti, uminom ng vitamins, maligo araw araw, magtoothbrush bago matulog, maghugas ng kamay bago kumain, wag puro karne, iwasan ang yosi , tigilan ang pag inom, say no to drugs, mag bless sa matatanda, gumamit ng po at opo, matulog ng maaga, mag pray lagi, ano pa gusto mo TS... nakalimutan mo na yata bilin sayo ng magulang mo at sobrang bilib mo na sa sarili mo eh hanggang ngayon sarili mo pa rin iniisip mo.. lol. (i hope you get my point)

    kapagod mag type...


    para sakin theres no such thing as soul mates, its about how 2 people work things out for each other's BEST interest and making it possible to last. :)

    bahala ka na TS.. ayan na opinion ko...
  • I'm taking your word sir in a positive way. Thank you sa napakahabang comment. :)

    I admit na naging masama ako sa kanya but doesn't mean na hindi ako naging mabuti sa kanya. Marami naman din akong nagawa sa kanya na mabuti. Hindi ito ang first time na nangyari. She cheated on me once because of my ugali dati. Sinabi ko sa kanya, I don't deserved to be cheated but kausapin mo na lang ako kung ayaw na niya. Ang siste, sa may asawa pa siya pumatol dati. Weird noh. Naayos namin yun and after a couple of years, eto na nga ulit.

    You're right sir na maswerete ako na mahal pa niya ako. Hindi ako nagmamalaki sir. Kaya nga sa nagawa ko, i want to move on na. Nag suffer na ako. I cried, na-devastate, exhausted, etc. Ok na ako. Then suddenly, eto siya bumabalik. Ang feeling ko kasi ngayun, parang pinagsasabay niya kami. Pangit tingnan diba.

    So to speak, anu gagawin ko... Aantayin ko ba siya sa January? and pag hindi na siya bumalik totally, naiwan lang ako na hanging... Thank you sir.
  • ikawatako2920ikawatako2920 PEx Rookie ⭐
    wag mo na antayin, sasaktan nyo lang ulit yung isa't-isa.*okay*
  • so i guess ugali mo talaga TS ang problema...

    enough attention lang naman talaga kailangan mostly ng mga babae, need nila ang feeling of being secured.. kaya nga madami nabibilog ang ulo ng mga babae dahil mahina sila sa mga bolero, mga sweet and smooth talker..

    you know ts... wag ka na lang mag expect da january.. come what may na lang siguro..

    if she comes back then be happy , make her feel na mahal mo sya.. ayusin mo ugali mo.. little effort can make a huge difference sa relasyon nyo.. adjustments, understanding etc.

    kung di sya babalik? then she's not meant for you.. wag mo panghihinayangan ang 4 years kung lagi lang kayo paikot ikot sa ganyang cycle..

    ang pagbabago mag start yan sa sarili.. unahin mo muna sarili bago ka mag expect ng bagong return sa gf mo kasi mauulit lang ng mauulit yan and its not healthy..
  • WhiteCrowWhiteCrow PEx Rookie ⭐
    magpakatotoo tayo sa usapan TS. ang ibig mo talagang sabihin, mabigat sa kalooban mo na may ibang lalaki na tumitikim ngayon sa ex mo kaya ka nag-iinarte. simple lang sagot dyan, kung kaya mo, kaya mo, kung hindi, hindi. tapos kwento.
  • so i guess ugali mo talaga TS ang problema...

    > Yes sir. You're right.

    enough attention lang naman talaga kailangan mostly ng mga babae, need nila ang feeling of being secured.. kaya nga madami nabibilog ang ulo ng mga babae dahil mahina sila sa mga bolero, mga sweet and smooth talker..

    > Tama ka dito. Madali mabola GF ko na kung sino sino dun sa workplace niya. Medyo may itsura kasi GF ko kaya medyo marami naaligid. Ang mali ko lang siguro, hindi ko naipadama sa kanya ang security. It's my fault.


    you know ts... wag ka na lang mag expect da january.. come what may na lang siguro..

    if she comes back then be happy , make her feel na mahal mo sya.. ayusin mo ugali mo.. little effort can make a huge difference sa relasyon nyo.. adjustments, understanding etc.

    kung di sya babalik? then she's not meant for you.. wag mo panghihinayangan ang 4 years kung lagi lang kayo paikot ikot sa ganyang cycle..

    ang pagbabago mag start yan sa sarili.. unahin mo muna sarili bago ka mag expect ng bagong return sa gf mo kasi mauulit lang ng mauulit yan and its not healthy..

    Come what may? Meaning go with the flow ako? Yun ang problem ko. Yung feeling na pinagsasabay niya kami. She keeps on telling me na antayin ko siya. Kahapon pinapunta niya ako sa house nila in province. Just to meet her mom and dad. Tinanung ko siya kung bakit ako ang pinapupunta niya dun, sabi nya ako daw talaga gusto niya asawahin. And then maoopen na naman yung sa January ek ek. Napapagod lang siguro ako sa ganitong set-up. Thanks sir for your advices. I really appreciate that.
  • WhiteCrow wrote: »
    magpakatotoo tayo sa usapan TS. ang ibig mo talagang sabihin, mabigat sa kalooban mo na may ibang lalaki na tumitikim ngayon sa ex mo kaya ka nag-iinarte. simple lang sagot dyan, kung kaya mo, kaya mo, kung hindi, hindi. tapos kwento.

    Hindi sa ganun sir. Kahit naman may tumikim sa kanya iba, it's not my point. Natural siguro na gawin nila yun kasi sila naman. May edge pa nga ako kasi parang nakakalalaki ako dun sa Jowa niya. Ang point ko lang is ayoko pumasok sa situation na pinagsasabay niya kami. Hindi magandang tingnan. Pero now, kinakaya ko na lang yung situation. Nacoconfused din kasi ako. Ayoko ng ganito but somehow i'm happy kasi nakakasama ko siya.
  • Nagmakaawa ka sa ex-gf mo, ngayon ikaw ang nag-aalangan?

    IKAW ANG PROBLEMA, ts. Kung magkabalikan man kayo DAPAT BAGUHIN mo ang UGALI MO, kundi walang pagbabago't basura pa rin ang samahan ninyo.....

    --sent from my Nokia Lumia 820 Windows phone
Sign In or Register to comment.