Nawa Maging Aral sa Simbahang Katolika ni Papa Francis ang Mapagpalayang Teolohiya — PinoyExchange

Nawa Maging Aral sa Simbahang Katolika ni Papa Francis ang Mapagpalayang Teolohiya

MariaInes
MariaInes Gandang Walang Hanggan
Nitong mga nagdaang araw, nagagalak ako sa mga naririnig kong magagandang bagay mula sa Papa sa Roma ukol sa mga kasamaang dala ng kapitalismo. Nagagalak ako sa pagbibigay diin niya na walang magandang ibubunga ang kapitalismo dahil sa ang pinagmumulan nito ay ang pagiging ganid at makasarili. Bagamat isa itong magandang simula, sana sabayan na rin ito ng Papa nang pagpapalaganap ng aral ng mapagpalayang teolohiya.

Ito na marahil ang panahon para maibalik uli ang mga arsopbispo at pari tulad nina namayapang Arsobispo Oscar Romero at ang namayapang pari si Rutilo Grande. Sana nawa.


Nawa ay inyong tangkilikin ang panukala na isatelebisyon ang aking talambuhay.
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=495225

Comments

  • MariaInes
    MariaInes Gandang Walang Hanggan
    Bagamat sang-ayon ako na pasulong ang pananaw ng Papa Francisco, hindi ako sang-ayon sa sinabi mong ang Simbahang Katolika bilang isang pandaigdigang institusyon ay bumabatikos "sa mga mukhang pera na nauuwi sa pang-aabuso ng mga mahihirap, ginagamit ang Kapitalismo sa kanilang pang-aalipin sa mga mahihina. Itong paniniwalang ito ay matagal ng sinasampalatayanan ng mga nananalampataya mula sa kaibutiran ng kanilang puso, wala pa man si Franciso sa kanyang inuupuang pwesto sa Simbahan at kahit noong hindi pa man siya pinapanganak."

    Sangkot ang Simbahang Katolika sa paglaho ng mga katutubong kultura sa Gitna at Timog Amerika. Halos ganito rin ang sinapit ng ating Inang Bayan sa pakikipagsabwatan ng mga Prayle sa pamahalaang Kastila noong panahon ng kanilang pananakop. Naging kasangkapan din ang mga naghaharing pangkat sa Simbahang Katolika sa mga bansang pinaghaharian ng mga mapaniil na pinuno. Para hindi sila mawala sa kapangyarihan, nakipagsabwatan sila sa mga mapaniil na pamamahalang sa pamamagitan nang hindi nila pagbatikos o mas masama pa, lantarang pagkampi sa mga ito.

    Nagkaroon ng malaking pagbabago noong pumasok ang mapagpalayang teolohiya. Ang pangunahing aral dito na ang Simabahan ay dapat magsilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng katarunang panlipunan at karapatang pantao at paglaban sa malawakang kahirapan. Tinawag itong radikal na kilusan ng mga naghaharing pangkat sa Simbahang Katolika kaya hindi nila kinilala ang mga aral ng mapagpalayang teolohiya.

    Dahil tinutuligsa ng teolohiyang ito ang mga mapaniil na naghaharing uri sa lipunan, tinugis sila at pinagpapaslang. Ilan sa mga ito ay si Arsobispo Oscar Romero at ang paring si Rutillo Grande. Sila ay pinaslang ng mga tauhan ng mapaniil na pamahalaan ng El Salvador noong pinamumunuan ito ng mga militar. Ito na marahil ang tamang panahon para ibalik uli ang mapagpalayang teolohiya.


    Nawa ay inyong tangkilikin ang panukala na isatelebisyon ang aking talambuhay.
    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=495225
  • MariaInes
    MariaInes Gandang Walang Hanggan
    The heart of Pope Francis’s mission
    EJ Dionne

    Christianity has been used over the centuries to prop up the powerful. But, from the beginning, the Christian message has been subversive of political systems, judgmental toward those at the top and demanding of all who take it seriously.

    Pope Francis has surprised the world because he embraces the Christian calling to destabilize and to challenge. As the first leader of the Catholic Church from the Southern Hemisphere, he is especially mindful of the ways in which unregulated capitalism has failed the poor and left them “waiting.”

    His apostolic exhortation, “The Joy of the Gospel,” is drawing wide and deserved attention for its denunciation of “trickle-down” economics as a system that “expresses a crude and naive trust in the goodness of those wielding economic power.” It’s a view that “has never been confirmed by the facts” and has created “a globalization of indifference.” Will those conservative Catholics who have long championed tax-cutting for the wealthy acknowledge the moral conundrum that Francis has put before them?

    But American liberals and conservatives alike might be discomfited by the pope’s criticism of “the individualism of our postmodern and globalized era,” since each side defends its own favorite forms of individualism. Francis mourns “a vacuum left by secularist rationalism,” not a phrase that will sit well with all on the left.

    And in light of the obsessive shopping on Cyber Monday and Black Friday, here is a pope who paints consumerism in the darkest of hues. “We are thrilled if the market offers us something new to purchase,” he writes. “In the meantime all those lives stunted for lack of opportunity seem a mere spectacle; they fail to move us.”

    Yet this critic of our age refuses to be gloomy, scolding “querulous and disillusioned pessimists,” whom he labels “sourpusses.” I like a pope who takes a stand against sourpusses.

    Francis makes many liberals swoon, even though he is not, in a conventional sense, a liberal. He also has split American conservatives between those trying to hold fast to him and those who believe he is, from their perspective, up to something dangerous.

    All sides realize where the energy of Francis’s pontificate lies. He’s not the first pope to denounce our unjust economic system. Pope John Paul II regularly decried “imperialistic monopoly” and “luxurious egoism.” Pope Benedict XVI condemned “corruption and illegality” in “the conduct of the economic and political class in rich countries” while speaking approvingly of “the redistribution of wealth.”

    The difference is that a concern for the poor and a condemnation of economic injustice are at the very heart of Francis’s mission. “In this system, which tends to devour everything which stands in the way of increased profits,” he writes, “whatever is fragile, like the environment, is defenseless before the interests of a deified market, which become the only rule.” Can you imagine an American liberal who would dare say such things?

    Conservative American Catholics have been quick to point out that toward the end of “The Joy of the Gospel,” Francis strongly affirms the church’s opposition to abortion. This is, indeed, one of the ways in which he is not a conventional liberal. He speaks of “unborn children” as “the most defenseless and innocent among us.” He insists that the church’s position is not “ideological, obscurantist and conservative,” but rather is “linked to the defense of each and every other human right.”

    Yet almost immediately, he adds that “it is also true that we have done little to adequately accompany women in very difficult situations” and quickly moves back to his broader stand on behalf of “other weak and defenseless beings who are frequently at the mercy of economic interests or indiscriminate exploitation.”

    It’s quite true that liberals who love Francis need to come to terms with aspects of his thought that may be less congenial to their assumptions. But the high priority he has placed on battling economic exploitation, his emphasis on “education, access to health care, and above all employment,” his warnings against those who “remain intransigently faithful to a particular Catholic style from the past” and his unhappiness with the rise of ultra-orthodoxy — he upbraids “dour judges bent on rooting out every threat and deviation” — test conservatives even more.

    In light of a recent past in which conservatism was gaining the upper hand in the U.S. Catholic church, progressives have reason to be elated. Conservative Catholics know this. That’s why they are torn between expressing loyalty to a pope who has captured the popular imagination and fretting over whether he is transforming the church with a speed that few thought was possible."

    http://www.washingtonpost.com/opinions/ej-dionne-the-heart-of-pope-franciss-mission/2013/12/01/667a9920-593b-11e3-8304-caf30787c0a9_story.html
    ..........................................

    Bagaman nagagalak ako sa mga ipinapahayag niya, sana lubus-lubusin na niya. Ihingi na rin sana niya ng kapatawaran ang mga katutubong kultura na winasak sa ngalan ng pagpapalagananp ng Kristiyanismo. Tuligsain niya rin sana ang mga neoimperyalistng mga bansa tulad ng Estados Unidos na nagpapakalat ng lagim para ibagsak ang mga pinunong makabayan na taos-pusong hinalal ng kanilang mga mamamayan tulad nina Patrice Lumumba, Nkrumah Kwame, Salvador Allende, at iba pa.

    Hindi lang sa salita nababago ang isang bulok na sistema. Mas makapangyarihan ang magagawa ng paggawa.


    Nawa ay inyong tangkilikin ang panukala na isatelebisyon ang aking talambuhay.
    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=495225
  • iskrotum
    iskrotum Ako si King Kong!
    Christianity and Capitalism is not compatible but many Christians are capitalists and almost 100% of them have capitalist lifestyles.

    Matthew 6:19
    Lay not up for yourselves treasures upon the earth, ....

    Luke 6:20
    And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed are ye poor: for yours is the kingdom of God.

    Matthew 19:24
    And again I say unto you, It is easier for a camel to go through a needle's eye, than for a rich man to enter into the kingdom of God.
  • Maraming mafia at sindikato, entrenched within RCC at nakakabangga ni pope Francis. May balita na ilang ulit ng pumatay ng papa ang mga factions or gangs that are using RCC hierarchy as their refuge. Sana mapatunayan ni Francis ang kanyang magagandang intensyon para sa karaniwang tao.
  • MariaInes
    MariaInes Gandang Walang Hanggan
    jihadwatch wrote: »
    Yung mga Aztecs at Mayas mabuti nga na naging Kristyano sila at di na sila ulit mag-human sacrifice. Sa mundo natin ngayon, either magiging Christian ang bansa o Islamic. Ayaw mo naman sa Islam dahil alam mo namang retarded na baliw ang founder nun, parang ganun din may mga human sacrifice. Lalaki kukunin ang pamilya tapos pwersadong gagawing suicide bomber. Sa totoo lang kumakalat na rin sila sa Mexico.

    Kung may mga napatay man ang mga conquistador, kasalanan pa rin nila yun at kino-kondina pa rin ng Simbahan ang mga nagawa nila, hindi gaya sa Islam na wala kang maririnig na galit mula sa mga Robin Padilla sa mga nagsusunog ng bahay noong September.

    Ginoo, pahingi ng patunay ng iyong sinambit na aking sinalungguhitan. Sa ganang akin, hindi lang dapat pagkondena pati na rin paghingi ng kapatawaran sa mga buhay na nasawi sa ngalan ng pagpapalaganap ng "salita ng Diyos."

    Nawa ay inyong tangkilikin ang panukala na isatelebisyon ang aking talambuhay.
    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=495225
  • effem
    effem MHL is True Love
    TS, may nakapagsabi na ba sa iyo na saksakan ka ng corny at annoying???
Sign In or Register to comment.