Home PEx Lifestyle Home and Garden
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

Transacting with a Realty Developer

Madami ng napabalitang developers na nanloko ng mga customers sa pagbili ng property (e.g. Globe Asiatique, New San Jose Builders, etc.) Anu-ano ba ang tamang proseso ng pagbili ng bahay at lupa na dapat malaman ng isang customer para maproteksyunan sila sa mga manlolokong developers.

For example, kung nakapagbayad na ako ng reservation at nakapag bigay na rin ng installment para sa downpayment:
1. Anu-ano ang dapat kong iexpect na makukuhang papeles mula sa developer? Para sa isang nagiingat na customer, anu-anong mga papeles ang dapat niyang tingnan at iverify sa mga government agencies para masigurado na malinis at walang problema ang titulong binebenta sa kanya?
3. Kailan dapat mailipat sa pangalan ko ang titulo ng lupa?
4. Sino ang dapat magbayad ng mga corresponding taxes sa pag transfer ng titulo sa pangalan ko? Kung sakaling ako ang kailangan mag bayad ng taxes, anu-ano itong mga taxes na to at magakano?
5. Kailan dapat simulan ang proseso ng pag aaply ng loan sa bangko?

Salamat sa mga sasagot. Malaking tulong ito para sa mga iba dito na first time bumili ng property at makipag transact sa mga developers.
Sign In or Register to comment.