GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

ABS-CBNPextalk359:All DAREd to Do What We've Done But Nothing Beats the ORIGINAL ONE!

1457910253

Comments

  • ChiKATHChiKATH Twitter: @chikathofkpex_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Parang di naman kagandahan yung Genesis ng GMA based sa teasers.
  • ChiKATHChiKATH Twitter: @chikathofkpex_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    What is Kris Aquino Production? So hindi pala SC yung My Little Bossings?
  • audreyjaneaudreyjane ♡ PEx Guru 🎖️🎖️
    Ito kaya ang V-day movie nila or January Movie?

    Pwede din yung Movie ni Pokwang ang ipalabas sa January. Yung Call Girl ang title or baka habulin sa November yan.

    Baka V-day movie nga. Nag-start na rin ang shooting nyan, nakita ko sa IG pics ni Pokwang, Sweet, Direk Don. Yung Angel-Vhong yata ang opening salvo?
  • ChiKATH wrote: »
    What is Kris Aquino Production? So hindi pala SC yung My Little Bossings?

    Oo, hindi kasama ang SC sa MMFF movie ni kris with Vic.

    Pero malamang ito ang todo ipromote ng unit ni Deo sa ABS-CBN at sa twitter.
  • audreyjaneaudreyjane ♡ PEx Guru 🎖️🎖️
    ChiKATH wrote: »
    What is Kris Aquino Production? So hindi pala SC yung My Little Bossings?

    Yup. Yung Octoarts, APT Entertainment, M-Zet ang ka-join nya dyan.
  • james_chicago2james_chicago2 KAPAMILYA4LIFE PExer
    ChiKATH wrote: »
    Kambalserye:

    Calla Lily
    Prinsesa ng Banyera
    Kambal sa Uma
    Tayong Dalawa
    Agua Bendita
    Minsan Lang Kita Iibigin
    Ina Kapatid Anak
    Apoy sa Dagat

    Dual roles:

    Sharlene San Pedro, Calla Lily
    Andi Eigenmann, AB
    Coco Martin, MLKI
    Angelica Panganiban, ASD

    Tripletserye:

    Claudine Barretto, SKMN

    wow complete list! ang galing! =)
  • james_chicago2james_chicago2 KAPAMILYA4LIFE PExer
    Ito kaya ang V-day movie nila or January Movie?

    Pwede din yung Movie ni Pokwang ang ipalabas sa January. Yung Call Girl ang title or baka habulin sa November yan.

    Call girl nga ata yung movie ni sharon na dating "call center girl"

    kasi sina julia montes at enrique gil pa rin eh.

    sino na director? dati kasi si laurenti dyogi eh. grabe no? from Sharon naging Pokwang.

    pati from Sharon tv show naging Gandang Gabi Vice. LOL
  • Call girl nga ata yung movie ni sharon na dating "call center girl"

    kasi sina julia montes at enrique gil pa rin eh.

    sino na director? dati kasi si laurenti dyogi eh. grabe no? from Sharon naging Pokwang.

    pati from Sharon tv show naging Gandang Gabi Vice. LOL

    Iniba ata nila yan...

    Pero si Direk Don na ang director. Naging film outfit na ni Deo ang gagawa at SC ang promo.
  • maldito_ako!maldito_ako! ... since birth ... PEx Expert 🎖️
    buti hindi nagkademandahan ang masterchef at top chef.
  • buti hindi nagkademandahan ang masterchef at top chef.

    Anong nangyari?
  • june_pjune_p Member PEx Veteran ⭐⭐
    Si Jaime Garchitorena pala yung Daddy sa teaser ng O Shopping. Share lang.

    image_zps887f81e1.jpg

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]jaime-garchitorena.jpeg[/crouching-tiger-disappearing-spoiler]
  • ronlime_12ronlime_12 cool PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ino! :wave:
    Maldits! :wave:
    Ron, Friend! Ginawa kitang ka-LT ni Payton sa The Random ha. Nasa Cavernduke na rin sya. :lol:

    okay lang, basta alang masyadong sex scenes at conservative ako. :rotflmao:
  • baby_dannybaby_danny huh? what? PExer
    ANGEL AT PAULO, FIRST TIME NA MAGTATAMBAL SA “MMK.”

    http://www.facebook.com/MMKOfficial

    1385337_605519229487108_2006074854_n.jpg

    1375045_605519259487105_375892777_n.jpg

    Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Angel Locsin at Paulo Avelino para sa isang heavy drama love story ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Oktubre 12). Gaganap si Angel bilang si Mildred, ang pasyenteng may malalang kaso ng tuberculosis; samantalang bibigyang buhay naman ni Paulo ang nars na si Stuart. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang taong kapwa naghahanap ng gamot—si Mildred, para sa malubhang sakit at si Stuart, para sa pusong minsa’y nasugatan? Mapatitibay ba ang isang relasyon kung ang isa’y pilit nang bumibitaw sa sinumpaang pangako ng panghabambuhay na pagmamahalan? Tampok rin sa “MMK” episode na idinerek ni Jerry Lopez Sineneng sina Mark Gil, Mads Nicolas, LJ Moreno, Kathleen Hermosa, Tanya Gomez, Johan Santos, Karen Dematera, Zeppi Borromeo, Mel Kemura, Maggie dela Riva at Agatha Tapan. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay at panulat nina Benjamin Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Huwag palampasin ang unang TV project nina Angel at Paulo sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcTrLYffrrwwA1-KUuh0Y5jz4UGdh5OZu4MqE9tIwpQzkCFOokd9RXb46g

    SEEN SCENE | Updated October 9, 2013

    Seen : Hindi muna eere ang teleserye na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid na The Gift dahil sa pagsisimula ng PBA sa Linggo.

    Narito ang official statement ng TV5 : TV5 had to re-program primetime due to entry of PBA finals starting this Sunday. We chose to save The Gift for future airing and still keep a balance offering of drama, interactive game, and sports on primetime.

    Seen : May plano si Sunshine Cruz na lumipat sa Paranaque City sa susunod na taon dahil naroroon ang sariling bahay niya. Malaki ang pera na matitipid ni Sunshine dahil P55,000 ang monthly rent sa bahay sa Quezon City na tinitirhan nila ngayon ng kanyang tatlong anak. Si Cesar Montano ang nagbayad sa unang apat na buwan na renta sa bahay.

    Scene : Magkasundung-magkasundo na si Sunshine Cruz at ang kanyang pinsan na si Sheryl Cruz. Nagbabalak ang dalawa na magbakasyon sa Paris. Nagkaroon ng hidwaan ang mag-pinsan nang magkasakit at namatay noong 2001 si Ricky Belmonte, ang ama ni Sheryl.

    SEEN: Nasa New York na ang writer/director na si Jun Lana at ang TV5 executive na si Perci Intalan.

    Nag-apply na sila ng marriage license para sa kanilang same-sex marriage na magaganap sa susunod na Linggo.

    SCENE: Pang-lima ang She’s the One sa mga pelikula ni Dingdong Dantes sa Star Cinema dahil ito rin ang producer ng Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme at Kimmy Dora: The Temple of Kiyeme. :bah: Correction. Pang-apat lang. Spring Films ang producer, Solar Films ang nag-distribute sa unang Kimmy Dora, SC ang pangalawa. Ha!

    SCENE: Overwhelmed na overwhelmed si Miriam Quiambao sa mga pagbati na natatanggap niya dahil sa engagement nila ng kanyang boyfriend na si Ardy Roberto, Jr.

    SEEN: Ang Republiq bar ang venue ng 18th year anniversary party ng Bubble Gang cast noong Lunes. Bumati ng happy anniversary sa Bubble Gang ang ex-cast member na si Ogie Alcasid.

    SCENE: Isinama ni Yasmien Kurdi sa taping ng Magpakailanman sa Cebu City ang kanyang anak. Si Yasmien ang excited sa first plane ride ni Ayesha.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    salve-v-asis.jpg Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated October 9, 2013

    Sunshine umaming nagtanga-tangahan nang maghanap ng bahay na ipabibili kay Cesar :silly:

    Kahit ayaw magsalita sa umpisa ni Sunshine Cruz sa presscon ng Ever Bilena kahapon tungkol sa problema nila ng dating asawang si Cesar Montano, napilitan ito dahil sa pangungulit ng mga reporter.

    Inuna ang tungkol sa sustento at sa bahay na ipinabibili raw niya sa ex hubby.

    Ayon kay Sunshine pinag-usapan nila ni Cesar ang sinasabi ng abogado nito na nagpapabili siya ng bahay na worth P10-15 M. Pati raw ang sustentong sinasabi ng lawyer ng asawa, pinag-usapan din.

    “Nagkasundo kami sa certain sustento. Nag-deliver naman si Buboy for four months. Ten months na kaming hiwalay. Four months nag-deliver siya and after that nag-stop. At ang napag-usapan, P55,000 rental sa furnished house.

    “So, ’yun pa lang ang nabibigay niya, ’tapos dun sa four months, nagbigay naman siya.

    “’Yung sa bahay naman, siya naman ang nagsabi sa akin to find a house for me and my children. He even e-mailed me a photo of this very beautiful house worth twenty five million pesos that he wants to buy for us.

    “But I said, that is too big, that is too much. I just need a simple house na maganda para sa kids natin. So, sabi niya, maghanap daw ako.

    “Ako naman si ta*nga-tang*a, hanap nang hanap ng bahay at nire-report ko sa kanya na ‘O, mayro’n akong nakitang bahay, ten million worth at maganda naman.

    “Pero nag-usap na kami ni Buboy at may deal kami na since siya naman ’yung mas maraming pera, siya ’yung magbabayad pero huhulug-hulugan ko sa kanya monthly.

    “So, ito ’yung ginamit sa akin ng abogado niya,” kuwento ng aktres na in fairness ay parang mas blooming ngayon.
  • QuincyHernandezQuincyHernandez Meaner Than Demons PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Naku.. Ninakawan pala yung kotse ni Robi.. Binasag yung salamin at kinuha mga gamit. :(
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcQfm4R9n8CxMkqsspQ655yRSYjdKA-cCWWO215OV0p5hUXWL2eedQ

    WEDNESDAY, OCTOBER 09, 2013
    Dingdong, ‘di napapanood ang Kapamilya actors :rolleyes:

    ent_2011_jg.jpg

    Hiningi ng entertainment press ang opinyon ni Dingdong Dantes tungkol sa intriga na tila nauubusan na ng magagaling na leading men ang ABS-CBN kaya siya ang kinuha bilang bida at kapareha ni Bea sa She’s The One.


    Hindi napapanood ni Dingdong ang mga performance ng Kapamilya actors dahil na rin sa dami ng kanyang mga ginagawa pero naniniwala siya na good actors ang mga artistang lalake ng ABS-CBN.


    Para kay Dingdong, nagkataon lang na nabuksan ang mga opportunity nang gawin niya ang Segunda Mano dahil nagkasunud-sunod ang kanyang mga project sa Star Cinema.


    Idinagdag ng creative team ng Star Cinema na sinabi muna sa kanila ang plano na pagsamahin sa isang project sina Dingdong at Bea bago nila isinulat ang kuwento ng She’s The One na isang feel good at romantic comedy movie.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcTDpEuoF52Baarwilm-F18s_4J3Lf8DfsYf9lpgF9dGLpQfOhzFJw&t=1
    OCTOBER 09, 2013 WEDNESDAY
    Ruffa, impressed sa boobs ni Vice Ganda :wow:

    showbiz_jun(new).jpg

    Ang isa sa official entries sa MMFF 2013 na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda ay tuluy-tuloy ang shooting.


    Usually, after It’s Showtime kung mag-report sa set si Vice. Dahil sa Tagaytay ang shooting nila kahapon, absent siya sa noontime show ng ABS-CBN.


    Kasama niya sa shooting sa Tagaytay kahapon si Ruffa Gutierrez na leading lady ng lalaking character ni Vice sa pelikula.

    t-09-vice-ganda.jpg

    Kapag lalaki na ang character na ginagampanan ni Vice Ganda, hindi mapigilan ni Ruffa ang matawa dahil effort na effort ang comedian/TV host sa pagpapakalalaki.


    Kapag ‘yung girl na character na ang ginagampanan ni Vice, impressed si Ruffa dahil may “boobs” si Vice na parang totoo ang cleavage.
  • QuincyHernandezQuincyHernandez Meaner Than Demons PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    papi! :wave:

    buti na lang safe si robi.. :(
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Naku.. Ninakawan pala yung kotse ni Robi.. Binasag yung salamin at kinuha mga gamit. :(

    :wave: quin

    images?q=tbn:ANd9GcTcLV-h9Y-NpYD9aPqMa9JmLfFJiKYMrMWPg50748R2amP2WVvoL--B_M0

    FIRST READ ON PEP: Robi Domingo's car robbed on Tomas Morato area :taas_kilay:
    by Nimfa Chua posted on October 9, 2013

    772d1e617.jpg
    Photo: Noel Orsal

    Kagabi, October 8, nanakawan ang sasakyan ni Robi Domingo na Toyota Fortuner habang nakaparada ito malapit sa 55 Events Place sa Tomas Morato.

    Binasag ang salamin sa right side ng passenger seat ng sasakyan niyang may plate number ROB 127.

    Nakuha ang kanyang backpack na may lamang iPad, cell phone, cash, at iba pang gamit.

    Hindi raw kinuha ang mga damit na nasa likuran ng sasakyan.

    Bandang alas siyete ng gabi dumating si Robi sa birthday party ng Star Magic handler niyang si Luz Bagalacsa.

    Bandang 11:30 p.m. na natuklasan ang nangyari sa sasakyan na naka-park nang medyo malayu-layo sa venue.

    Nalungkot ang TV host dahil nasa bag daw ang mga importanteng dokumento, kabilang ang kanyang schedule.

    Nai-report na sa pulisya ang naturang insidente.



    A big and costly lesson learned. :rolleyes:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file