COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Team Kapamilya Set: PEx TAR Presents: Klarisse: The Lost Voice

NakuraNakura Moderator PEx Influencer ⭐⭐⭐
[center-hidden]zurichfilmoffice_bahnhofstrasse-1.jpg[/center-hidden]

Heto na ang set niyo mga Kapamilya!

Good luck!
«13456726

Comments

  • sexy_tamisexy_tami GMTVGrandSlam & KPExTTQueen PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE Post 1

    [center-hidden]:spinstar: OFFICIAL TITLECARD :spinstar:

    47vt.gif

    :spinstar: OFFICIAL POSTER :spinstar:

    1381193_1423662314523529_1316246273_n.jpg

    :spinstar: OFFICIAL THEME SONG: :spinstar:

    NAPUTOL ANG PANGARAP by pexer
    UnSullied Valenciano


    Lyrics:

    SA ISANG PANGARAP, AKO'Y NANINIWALA..
    AKO AY LILIPAD AT ANG LAHAT MAKAKAKITA..
    SA ISANG PANGARAP AKO'Y NAPANIWALA..
    NGUNIT AKO'Y NAPIGIL, AKING TINIG AY NAKUHA...
    WALA NA AKONG MARARATING..
    TAGUMPAY KO'Y NAPURNADA...
    NAPUTOL ANG PANGARAP...


    Rated+SPG.jpg

    ANG PROGRAMANG ITO AY RATED SPG. STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN. MAAARING MAY MASESELANG TEMA, KARAHASAN, SEKSUAL, HORROR, O DROGA NA HINDI ANGKOP SA MGA BAGETS.[/center-hidden]
  • JSmooveJSmoove JSmoove Weatherlight PEx Influencer ⭐⭐⭐
    KLARISSE: THE LOST VOICE Post 2

    [center-hidden]:spinstar: THE CAST OF THE FIRST INDIE-SERYE :spinstar:

    1377959_389843097811566_1570480906_n.jpg

    Fanty_Management as Sarah Geronimo

    Who is Sarsi Balabagan- Popsicle Princess. Raised by her overprotective parents, she’s looped tautly in the middle of the two poles of being true to their own nature or being what her parents want her to be and be accepted as a social being. She is living testimony that woman's oppression will not make her look better nor will make her more appealing, instead, this will dismiss her as a deviant and as filthy as ever.

    tumblr_mu8et2rnjd1r4qug7o1_400.gif

    sexy_tami as Lea Salonga

    Who is Mulan Dee?- With a Tony award and 35 years of experience, there's more than meets the eye. She proved to be one of those women in her age who only looked in her age up close. With her uncanny urges, she will make you feel bewildered and nearsighted. Definitely this b!tch takes no **** from no one, cause she’s not just a typical b!tch for bragging rights, she’s the super-b!tch who get all the hypes.
    tumblr_mu899gGKkE1r4qug7o1_400.gif

    JSMoove as Bamboo Manalac

    Who is Caw A. Yan?- A trying hard enigmatic guy who learned to open his life through Sarsi. He’s a multi-layered vain man of mystery and happiness. He tries hard to keep everything in its right place. People think of him as a good looking guy, but he thinks those who did are either dumb or obsessed with him.

    tumblr_mu8fr7f3GM1r4qug7o2_r1_400.gif

    genre914 as Apl De Ap

    Who is Orange O. Tan- A man who lives fully but is not prepared to die at any time. He just can’t get enough with his struggles in life so he lives with the past and never moved on. He talk, breathe and drink alcohol. He doesn't care about anyone, all he cares about is himself.

    tumblr_mu8g5hXKpv1r4qug7o1_400.gif

    ScareYouOften as Rayver Cruz

    Who is Hee Poon?- He’s the epitome of invincibility & confidence, that a good body is more important than a pretty face. A struggling artist, but he carries himself well. He treated Sarsi like he loves her but then forced to live a lie and eventually gave up. Now, he struggles to win Sarsi’s trust.

    tumblr_mu8hebWRE11r4qug7o1_400.gif

    m_anne as Mitoy Yonting

    Who is Noy See- Aside from living a quiet life, the winner of The Voice Chinatown, aspired to be a singer for the longest years. The finale night of the said contest will change his life with his win, but when he finds someone in near death, his life is turned upside down. Driven with his weird discernment, everybody won’t feel safe until the perpetrator will be unmasked sh!tless.

    tumblr_mu8gmecBug1r4qug7o1_r1_400.gif
    [/center-hidden]
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    KLARISSE: THE LOST VOICE Post 3

    [center-hidden]:spinstar: SYNOPSIS :spinstar:

    Paano kung ang iyong sariling tagumpay ay ang kasiraan ng ibang buhay?

    Makakaya mo bang magkubli ng katotohanan upang pangarap ay makamit kung boses ng iba naman ang magiging kapalit?



    Ang hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa pagkapanalo ni Noy See sa The Voice Chinatown. Sa kompetisyong boses ang labanan, kanyang tinig ang nangibabaw sa lahat matapos nitong talunin si Klarisse Pempengco. Di rin maikubli ang sayang nadama ni Coach Mulan Dee sa tagumpay ng kanyang pambato. Sa kabilang banda ay ang hinagpis na nararamdaman ni Coach Sarsi Balabagan sa kanilang pagkatao.

    Sa liwanag ng mga ilaw, mga masasayang awitin, ang pagbati mula sa mga tagahanga. Ang tagumpay ay tunay ngang nasa palad na ni Noy See. Ayaw nya na itong matapos.

    Ngunit sa paglalim ng gabing iyon, makaraan lamang ang ilang oras mula ng ang pangarap nya ay matupad, babalutin ng kadiliman ang lahat. Ang biglaang pagkawala ni Klarisse ay magdudulot ng maraming katangunan. Sa isang iglap, ang kasiyahang nadarama ni Noy See at maging ng mga nakasama nya sa kompetisyon ay mapupunan ng takot, ng duda at ng pagkabalisa.


    Ang mga sikretong pilit itinatago ay unti unti nang maglalaho. Sa paghahanap sa nawawala, anu-anong lihim ang matatagpuan nila? Kilala na ba nila ang isa't isa o sila ay mapagpanggap pala? Ano ang mga pagbabagong darating sa buhay nila? At sa lahat ng ito, sino nga ba ang may sala?

    Ang kasinungalingan, ang katotohanan, ang misteryo, ang eskandalo. Hindi po ito
    THE BUZZ.

    Dahil dito masasagot ang pinakalamalaking katanungan...




    Sino ang gumupit sa buhok sa kilikili no Coach Orange O. Tan?[/center-hidden]
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 1

    SCENE: The Voice Chinatown After Party, Si Noy See ay nasa labas ng venue at nilalasap ang kanyang pagkapanalo kasama ang bote ng alak.

    [center-hidden]529186_389848004477742_1931997331_n.jpg[/center-hidden]

    Noy See: (kumakanta) :note:"....Bakit ako mahihiya?.... Kung sa iyo’y liligaya...." :note:

    At last! Higit dalawampung taon kong hinintay ito! Ngayon amoy ko na ang tagumpay! HAHAHA! Goodbye Broadway Centrum! Goodbye Resortsworld! Hello ASAP Stage! Hello TFC Subscribers!

    Hello Vicky Belo! Hello Steve Mark Ghan! Hello Kinsey Mcdonald! Hello Joanne Bonner! Hello Boy So of La Carmela de Boracay!

    I am the Noise.... este The Voice of Chinatown! Tagay pa! HAHAHA!
  • sexy_tamisexy_tami GMTVGrandSlam & KPExTTQueen PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 2

    SCENE: Makikita ni Coach Mulan Dee ang kanyang artist na si Noy See na tila ba masayang nag-iingay sa labas ng venue. Kaya naman sasamahan nya ito dala ang ilang piraso ng manok mula sa Chooks To Go.

    tumblr_mp6n04TAj21qdecyeo2_250.gif

    Coach Mulan: My Noy See... Why are you so noisy? And why are you here celebrating your victory alone? Baka huliin ka ng mga mangangaso sa gubat. HAHAHA!

    But seriously, I want to congratulate you. You did so so well tonight! And you made Team Mulan proud! Remember when I said, "Just because you can, doesn't mean you should?" My God Noy, you are the exception. Mas nangibabaw that you were able to deliver a good story in an amazing song. Bravo!

    You know sarcasm? HAHAHA! So anong plano mo after winning?
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 3

    Noy See: Sa totoo lang Coach Mulan, overwhelmed pa ako. Isa po sa plano ko eh maging bagong mukha ng ABS-CBN. Ang iba po na plano ko coach ay ilagay muna sa bangko ang napanalunan ko ng mga 20 years. Magkano na po kaya ang interes noon? Para sa mga bata yun, para sa pamilya ko. Gusto ko rin po magpatayo ng chapel at magdonate sa mga nangangailangan lalo na sa Mindanao.
  • sexy_tamisexy_tami GMTVGrandSlam & KPExTTQueen PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 4

    Coach Mulan: O Stop it, Noy See! Tayo pa ba ang maglolokohan dito? Future ng mga bata? Giving back to God and people? Argh! We used one weapon, and one weapon only: your voice. Nothing more. (bumulong) O, ofcourse aside sa konting push ko. You know, the Mulan Magic! HAHA! Kaya dapat treat youself! Ikaw ang naghirap, ikaw ang makinabang!

    By the way, I hope you won't mind me asking, pero parang you look sad. You seem angry all the time you know, pero ngayon, I can sense na malungkot ka even after winning. Can I ask why?
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 5

    Noy See: Eh kasi Coach, ito na nga po, nagtagumpay na ako as the first Voice Chinatown... pero parang may mga tao pa rin na hindi bilib sa pagkapanalo ko. Halos iluwa ko na nga po ang esophagus ko sa bawat performance ko pero ang mga bashers, patuloy pa rin.

    At bakit po ganun? Sa venue kanina, imbes na i-congratulate ako ng mga tao, ang sumalubong pa sa akin ay sigawan. Ang sabi, "Scrap the Pork!" daw!
  • sexy_tamisexy_tami GMTVGrandSlam & KPExTTQueen PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 6

    Coach Mulan: Poor you! Why so nega? You know what Noy See, haters gonna hate, and for me, that's fine and good. But please, stop making parinig pa. I don't want to hear any of them. It's like taking a dump and asking me took at it. Rude.

    And besides, victory party ito for our Team! I did everything I could in my power para manalo ka and you know that.

    Thank God patay na patay pa rin sa akin ang may ari ng Globe na ex boyfriend ko nung college. At buti narin, inaanak ko ang daughter ng head ng Smart. If not for them, hindi ko mababago ang result and that Klarisse could have won.

    Yes, luto ang contest na yun and look at the winner, sunog. HAHAHA!
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 7

    Noy See: Napakasaya ko pa naman po coach dahil akala ko pinagpala ako. Nagpasalamat pa ako sa mga tao na gumastos ng load nila. Yung mga nakakapanood ng gigs ko baka doon ko nahuli ang loob nila. Akala ko po yun ang nagtulak sa kanila para suportahan ako. Hindi pala.

    Alam kong nadala ka sa madamdamin kong pagkanta ng “Help me If you can”, pero di naman siguro aabot sa ganoon ang kaya mong gawin to really help me.
  • sexy_tamisexy_tami GMTVGrandSlam & KPExTTQueen PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 8

    Coach Mulan: Listen man, I understand why you’re askin', but I can’t help you with your doubts with my capacities. Halata naman eh, why do you ask pa? I am a woman of substance, the diva who conquered the world. In short, I am SMART and I move the GLOBE. Kaya ka nanalo! HAHA! You're so bright Mulan, so so bright.

    And you honestly think mananalo ka dahil The Voice yun at hindi The Face? I’m not going to be insulting here ha, I’m not going to purposely hurt your feelings but I'll be honest. The truth is that my ugliness creates your beauty. Buti nalang at marunong ka pumili ng coach.

    So please itigil mo na yan. Just enjoy your win, darling!
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 9

    Noy See: Pinangarap kong maging pulis noon dahil gusto kong mangibabaw ang katarungan. Pero ngayon, ano pa ang mukhang ihaharap ko sa pamilya ko? sa mga kakilala ko? Na tama ang sigaw ng mga tao, to scrap pork? Nababoy ako dito! Nababoy ako!
  • sexy_tamisexy_tami GMTVGrandSlam & KPExTTQueen PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 10

    Coach Mulan: Blah! Blah! Blah! You know what, this is such a waste of time! I strongly suggest not pursuing this dead end conversation. If only I can advocate the use of the BLOCK button now. Like seriously.

    Sige na, I don't want to hear your drama, papasok na ako at hahanapin ko muna si Coach Caw. I need a breather.

    SCENE: Aktong paalis na si Coach Mulan Dee at iiwan si Noy See sa labas. Nang bigla itong lumingon pabalik at nagsabing,

    Coach Mulan: And about your family? Sorry, nothing personal, but I don't really care about people that I don't know. HAHAHA! Bye!
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 11

    SCENE: Lumalalim na ang gabi. Si Noy See ay nanatili sa labas ng venue at patuloy na pinagtatanto ang sinabi ng kanyang coach. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nalaman. Sa kanyang pag-iisa, tanging ang bote ng alak pa rin sa kanyang kamay at ang liwanag ng buwan ang kanyang karamay.

    Tahimik ang paligid. Ang tunog at ingay mula sa loob ng party venue ay hindi man lang nakakapagpabago sa kapanatagan ng paligid. Hanggang sa may kaluskos na marinig si Noy See.

    Napatingin sa kanyang kaliwa at may naaninag na tila isang hugis babaeng tumatakbo sa kanyang direksyon. Akala'y namamalik mata, pinikit muli ni Mitoy ang mga mata at sa pagdilat ay tila palapit na ang nasabing babae. Sa tindig, sa hubog ng katawan at kilos, mabilis na namukhaan ni Noy See ang babae at ng magkalapit ang dalawa, siya ay nagwika.

    Noy See: Coach Sarsi? Kayo po ba yan? Bakit po kayo nagmamadaling tumakbo at parang may humahabol sa inyo? OK lang po ba kayo?

    SCENE: Halatang kabado ang kausap ni Noy See. Hindi ito nagbanggit ng anuman. Matapos marinig ang mga tanong ni Noy ay dali dali na itong natangkang tumakbo. Pinigilan ito ni Noy sa pamamagitan ng paghawak sa kanang kamay nito ngunit sa puntong iyon ay mas malakas ang babae.

    Nakatakas siya hanggang naglaho na ito sa paningin ni Noy. Hindi na nakagalaw si Noy at ng mapatingin ito sa kanyang mga palad ay...

    Noy See: Dugo? Dugo ba ito?
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 12

    SCENE: Lumipas ang tatlong taon.

    Napakaraming nagbago sa kanilang lahat mula ng gabi ng The Voice of Chinatown Finals Night. Sa pagkakataong ito ay muling binisita ni Noy See ang ResortsWorld Manila, ang lugar kung saan naganap ang nasabing Finals. Tumayo sya sa gitna ng endablado, nagmasid.

    Noy See: Dito ko binuo ang mga pangarap ko. Dito rin unti unting nawala dahil sa mga kasinungalingan sa aking pagkapanalo. Noon, ginusto ko lang maging singer. Pero dahil sa mga nangyari, heto ako ngayon, isa na lang tagapanakot ng mga bata sa Horror Booth sa iba't ibang mga lugar. Sayang... Hay, kung hindi lang nangyari ang lahat,, kung maibabalik ko lang....

    SCENE: Napapikit si Noy See. Huminga ng malalim...

    Unti unti ay nakarinig sya ng ingay..
    mga taong naghihiyawan...
    ang tunog mula sa banda...
    ang palakpakan at pasambit sa kanyang pangalan...

    Tila nanariwa kay Noy See ang gabi ng Finals.

    Dito ay narinig nya ang isang babaeng nagwikang, "And the First Ever Voice of Chinatown is...... Noy See!"

    Sa puntong iyon, bumalik si Noy sa gabing ayaw na nyang balikan..

    [center-hidden]

    Ihinahandog ng

    ABS-CBN+60.png

    ANG

    :spinstar: KLARISSE: THE LOST VOICE (KLANG Ina Mo! Nasaan Ka?) :spinstar:

    Sa pagpapatuloy....
    [/center-hidden]
  • Fanty_ManagementFanty_Management Queen of GMTV 2013 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 13

    Scene: Sa may hindi kalayuang sulok ng venue ay matatagpuan ang nag-iisang PPP (Pagadian's Popstar Princess) turned The Voice Chinatown's Coach Sarsi Balabagan. Ito'y tila balisa at galit habang may kausap sa kanyang cellphone.

    svqc.jpg

    Coach Sarsi: "Ano ba naman Iressistablestar?!!! Ayan na lang ang gagawin mo..tapos... Hello?!!! Naririnig mo ba ako?!! Hello!!!.. Teka nga tawagan mo ako nga after 2 minutes lalabas lang ako dito sa venue. Kanina pa kasi pinapatugtog ang winning song ni Noy See. Ang noisy talaga!!

    Scene: Pagkatapos kara-karakang lumabas si Sarsi sa venue. It took her 3 minutes bago makalabas kaya hindi nya namalayan na tumatawag na sa kanya ulit ang presidente ng Popsicles ( No. 1 Fan club nya ).

    Click na Click sa Cherry Mobile... Click na Click sa Cherry Mobile... Click na Click....♫

    Coach Sarsi: Hello!!! Sorry ang hina kasi ng ringtone ko. Anyway, Ano ba irre!?! Kala ko ba okay na tayo?! Kala ko ba mula Jolo hanggang Sulu may chapter ang Popsicles? Bakit ganun? Si Noy See pa din nananalo?! Galit na galit na naman sakin si Mommy! Pangako pa naman nya sakin pwede na ako ulit magka-boyfriend pag nanalo alaga ko sa contest na to. Dahil sa pagkatalo after 30 years pa daw ako ulit pwede magpa-ligaw! Gosh gusto ko na makatikim ng luto ng Diyos!!! Kala ko maasahan kita! Maingay ka lang pala sa PEX. Sige na babalik na ako sa loob! Mapapaos lang ako sayo at hahanapin ko si Klarisse anina ko pa hindi nakikita.
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 14

    Scene: Habang may kausap si Coach Sarsi eh hindi nya namamalayang may dalawang malalaking mata na nagmamasid sa kanya. Tinititigan sya mula ulo hanggang paa na may halong pagnanasa.

    Lakit gulat ni Coach Sarsi ng biglang may isang pamilyar na mukha ang tumambad sa kanya.

    Rayver-Cruz-bilang-Lance-Navarro-sa-Kristine.jpg

    Mr. Hee: Sarsi.. Ang tagal kitang hinanap. Miss na miss na kita. Ilang araw at gabi ang aking binilang para makapiling ka lang muli. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Grabe ibang-iba ka na. Ang laki ng iginanda mo. Naparetoke ka ba ng hinaharap? Lalo tuloy akong nasabik na makasama kang muli.
  • Fanty_ManagementFanty_Management Queen of GMTV 2013 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 15

    Gulat na gulat si Coach Sarsi sa mga naganap at tila natulala at hindi nakapagsalita ng mga 53 seconds at ang tanging mga salitang lumabas sa kanyang mga bibig ay...

    Coach Sarsi: Oh my God!
    Oh-my-god.gif

    Mr. Poon?!!!
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    KLARISSE: THE LOST VOICE- Post 16

    Hee Poon: Hee na lang Sarsi. Huwag mo na akong tawagin sa ganyang pangalan. Matagal ka ng hindi nagtatrabaho sakin simula ng kinuha ka ng Diva Records.

    630nppa-rayvercruz-JPG_090613.jpg

    Trivia: Si Mr. Hee Pon ay isang mayamang Chinese businessman sa Pagadian. Sila ay nagmamay-ari ng sampung ektarya ng palaisdaan at hipunan. Nagtrabaho sa kanya si Sarsi bilang kanyang secretary hanggang sa madiskubre ito ni Biik Del Rosario sa isang singing contest sa kanilang Barangay
  • Fanty_ManagementFanty_Management Queen of GMTV 2013 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    KLARISSE: THE LOST VOICE - Post 17

    Coach Sarsi: Anong ginagawa mo dito?! Pwede ba umalis ka na lang! Mapapahamak pa ako ng dahil sayo! Kapag nakita ka ulit ni Daddy pipicharahan ka na naman noon at baka mapatay ka na! Baka sabihin nya sinsira mo na naman ang career ko?! Alam mo naman yun takot bumalik sa dati naming buhay. Mas gusto nya kasing mag-drive na lang for me. Tamad na daw kasi sya magtrabaho. Anyway...... Pag katapos ng ginawa mo sakin may mukha kang pang ihararap?! Kapal mo ! :mecry:

    Sarah+G.jpg

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file