Ang Mapagpalayang Teolohiya

MariaInes
Gandang Walang Hanggan
Dala ng mga pahayag ng kasalukuyang Santo Papa na ang dapat pagtuunan ng pansin ng Simbahan ay ang suliranin ng laganap na kahirapan, nag-dulot ito ng agam-agam sa ilan na muling manunumbalik ang kilusan ng mapagpalayang teolohiya o kilala sa wikang Ingles na Liberation Theology.
Sa mga hindi nakakaalam, ang Mapagpalayang Teolohiya ay kilusan sa loob ng Simbahang Katolika na ginagamit ang salita ng Dakilang Lumikha bilang kasangkapan sa pagpapalaya ng mga inaapi, pinagsasamantalahan at isinasantabi. Ito ay nagsimula sa mga kaparian sa mga bansang mahihirap sa Ikatolong Daigdig. Kilala sa mga paring ito ay iyong mga nasa Timog Amerika na lumaban sa pamahalaang militar na lubusang tinatangkilik ng pamahalaan ng Estados Unidos noong mga panahong iyon. Ilan sa mga batikang tao na nakilala sa kilusang ito ay si Arsobispo Oscar Romero ng El Salvador na pinaslang ng mga militar habang siya ay nagmimisa.
Sa ganang akin, dapat na uling maglingkod ang Simbahan para iangat ang kapakanan ng mga inaapi, pinagsasamantalahan at isinasantabi sa ating lipunan. Magkagayunman, hindi ko batid kung dito nga patungo ang simbahan sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang Santo Papa. May mga sabi-sabi na walang ginawa ang Santo Papa noong panahon ng Maruming Digmaan sa Argentina kung saan maraming pari ang namatay sa pagtatanggol sa karapatan ng mga naaapi. Kung totoo man, umaasa ako na bilang Santo Papa, maitama niya ang kanyang pagkakamali at maging isang matibay kasangkapan ng katarungang panlipunan sa ating daigdig.
Sa inyong palagay, maging isa kayang malakas na kilusan para sa katarungang panlipunan ang mapagpalayang teolohiya kung sakaling bitbitin ito ng kasalukuyang Santo Papa?
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=495225

0
Comments
-
wala na bang links iyong TS or related readings man lang?0
Welcome to PinoyExchange!
Forums
- 4.5K All Categories
- 27K PEx Sports
- 56.7K PEx Local Entertainment
- 30.4K PEx International Entertainment
- 41.7K PEx Lifestyle
- 26.8K PEx Hobbies
- 64.1K PEx News and Tech
- PEx Business and Careers
- 44.5K PEx Family and Society
- 25.3K PEx Relationships
- 13.1K PEx Chat
- 29.5K PEx Campus
- 32.3K PEx Classifieds
- 703 PEx Community
In this Discussion
- joma_s 1 post
- katze_schmuse 1 post
- tonton 1 post
- effem 1 post