Terence Romeo: UAAP Season 76 Men's Basketball MVP

travelmate2travelmate2 Banned by Admin PExer
Tams guard Romeo MVP na
(Mark Escarlote)


Hindi pa man tuluyang tumitiklop ang elimination round ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa nalalabing dalawa pang playdates ay selya*do na ni Far Eastern U Tamaraws guard Terrence Romeo ang Most Valuable Player award base sa kanyang mga naipundar na statistics.


Tinalo ni Romeo sa pinakamataas na individual award ang back-to-back MVP na si Bobby Ray Parks ng National U Bulldogs sa statistical race kasunod ng pagtiklop ng 14-game elims campaign ng dalawang koponan.


Sa kanyang huling dalawang laro ay nagposte si Romeo ng season-bests na 32 points na sinundan pa niya ng 33 markers, nine rebounds, five assists at two steals sa 87-69 win ng FEU kontra UP Maroons kamakalawa.


Inilipad nito ang unofficial statistical points ni 2010 Rookie of the Year Romeo sa 75.286 kumpara sa 73.857 ni Parks.


Sa 14 laro ay may ave*rage si Romeo na league-best 22.2 points, 3.9 assists at 1.6 steals habang si Parks ang third-best sa scoring norm na 18.3, may 8.4 rebounds, 3.8 assists at 1.1 steals kada salang.


Ang pormal na pag-aanunsiyo at paglalabas ng final statistics para sa individual awards ay ilalabas kapag natapos na ang lahat ng elims games.


Si Romeo ang ikalawan*g FEU player na nakakuha ng MVP award kasunod ng kanyang backcourt partner na si RR Garcia na nakakopo nito may tatlong taon na ang nakakaraan.

Comments

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file