Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

I cant find the words to say

Hi. Gusto ko lang mahingi yung insights niyo.

I'm pregnant kasi with my first child. 5 months na din and hindi pa alam dito sa amin na preggy ako.
Wala naman akong regret sa mga nangyari and I'm very much excited sa paglabas ng little angel namin.

Dilemma ko is, I'm only 20 years old. Still in college pero 3 sems nalang din naman ang kukunin ko then I'd be able to graduate na. Yung father ng baby is 25 years old na and he has a job na. We've been seeing each other for over a year na kaso hindi pa siya nameet ng mga tao dito personally but my mom and my sister has heard a lot about him dahil sa mga kwento ko.

Hindi ko alam kung paano ko ibbreak yung news sa family ko. Ako palang kasi magkakaanak samin and to think na medyo old fashioned parents ko. Another thing is, ako yung bunso. Meron akong dalawang kuya na 31 yrs old na pero wala pang family although yung isa nakabuntis ng isang girl pero hindi na namin nameet yung baby kasi tinago nung girl sakanya at dahil may asawa yung girl na yun. Si ate ko naman 29 na pero hindi pa nagaasawa.

Medyo big deal din kasi sa parents ko yung sinasabi ng ibang tao about them.

Any words of encouragement?

Thanks po in advance.
«1

Comments

  • HI ts. congratulations. inform your parents sana sooner than later dahil 5 months na yan. and when you do, focus on the positive. pangangatawanan nung guy, plano mo pa din na tapusin ang studies mo, "first" apo, etc.

    KAYA yan. goodluck ha.
  • Salamat po. Hindi ko lang kasi maiwasang isipin lahat ng sasabihin nila. Or kung paanong way ko idedeliver yung news sakanila.

    Hindi nga lang **** obvious na buntis ako para lang akong bondat na ewan.

    Tsaka naging problem child na ako before. Naglayas, nagstop for a sem etc.

    Tsaka for sure kasi sasabihin nila sa akin na ano nalang sasabihin ng mga kamaganak namin.
  • bluepimpbluepimp PEx Rookie ⭐
    Congrats ts, expect mo na sa una medyo baka sumama loob ng parents mo since nagaaral ka pa nga pero don't worry eventually magiging okay ang lahat. Mayo is right tell them as early as possible kasi need mong magpacheck up to ensure your baby is fine. You need to take some vitamins din para maging healthy kayo pareho, don't worry about your relatives,what other people will going to say about you...which is important is your immediate family, their support and most specially yung welfare mo and nung magiging baby mo. :)
  • Good thing naman is, my partner is supporting the expenses ng checkup ko and pati ng vitamins ko.

    And good thing din na healthy si baby when i had the checkup. Good heartbeat pa daw sabi ng ob ko. :)

    Nakakapangamba lang kasi planning ang family namin to go home sa province this october para sa 1st yr death anniv ng lola ko. Dati kasi umuwi ako doon nung nagstop ako for one sem grabe yung comments na narinig ko.

    Deadline nadin namin ng partner ko this Sept bago pa ako mag next checkup sa 30. And sakto baka malaman na namin gender ni baby by that time.
  • Congratulations, TS!

    Ang tao may sasabihin yan lagi, kahit mabuti or masama ang gawin mo. It would be better if sa iyo manggaling ang kalagayan mo ngayon, kesa malaman pa mula sa iba. Hindi ka matitiis ng parents mo. They would always want the best for you, siguro sa una magagalit, pero eventually lalambot ang puso nila.

    Tyempuhan mo lang siguro yung habang nakain kayo or kung may time kayo for family bonding. No need to apologize kase ang bata is always a blessing.

    Good luck!

    PS. Don't mind your relatives. Hindi naman sila ang nagpapakain sa iyo.
  • Congrats TS! Okay lang iyan, ipaalam ninyo ( with bf) kung puwede para makilala nila bf mo... Wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao... Buhay ninyo iyan... Enjoy your pregnancy!

    Ps. Sa umpisa, masama ang loob nila pero di naman tatagal iyon...
  • that's right don't apologize its a blessing and you should be proud of it.
  • lady mintlady mint PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Congrats sa new bundle of blessing nyu TS*party**party*

    Sa umpisa lang yan mahirap pero ma tatanggap din yan esp first apo.. Sabihin nyu na asap esp five months na nga dapat nandyan din bf mo para mas ma prove sa parents mo na seryoso at papanagutan ka... Hwag masyado pa apekto sa mga mapanirang relatives at sabi-sabi kasi baka ma stress ka lang at ang baby mo... Kaya yan :)
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ask Jameaux to write you a song about you being pregnant so you can play it to your parents.

    Easier to swallow,

    If It's Entertaining
  • Nasabi ko na sa sis ko kaso ngayon sabi nya tonight ko nadaw sabihin tapos sabay daw sa both parents kaso terrified ako sa magiging reaction ng papa ko. Plan kasi namin ng partner ko na kausapin ko mna parents ko saka sya ppnta dito sa bahay. Thinking na baka daw may negative reactions due to the element of surprise.
  • Nasabi ko na sa mama ko. Sya na daw magsabi sa papa ko.

    Ayun nga like i expected, sinabi niya na "ano nalang sasabihin ng mga tito mo" wc is kind of nakakabwiset. Kasi naisip pa yung comment ng iba.

    And parang gusto nyang ipakasal kami ni partner. Eh dpa namin napaguusapan yun kasi priority muna si baby ngayon. Tska kahit ako ayoko muna ng kasal kasi priority ko din muna yung welfare ni baby. Mas dagdag stress kung magiisip pa kami ng kasal etc. tska i've decided na ituloy nalang din studies ko next sem. Keber na kung kahit malaki tyan kong papasok hahaha.
  • sieyelsieyel PEx Rookie ⭐
    TS,

    There are a lot of people out there who's in worse situation. One thing at a time, it's good na nasabi mo na sa kanila kahit paano, na malapit ka na magtapos, and kahit paano eh nandyan pa yung father ng baby. Sa simula lang di magiging supportive family mo. Paglabas ng baby mo, iispoil pa nila yan. :D

    Stay positive, your baby is a blessing. Good luck!
  • pushpoppushpop PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Congrats TS!

    Ganyan din sister-in-law ko. Pumapasok pa sa last sem nila kahit kabwunan nya na. Naipasa naman nya lahat ng final exams kaya naka-graduate, and she has a good job now.

    Kaya mo yan! *okay*
  • QubethaQubetha PEx Veteran ⭐⭐
    simple lang yan HARAPIN mo sabihin mo sa kanila ng maayos then ipakilala mo yung guy sa family mo kahit di pa kayo kasal, sa tingin ko naman di sila magagalit sa iyo o maglukupasay dahil sa nabuntis ka ng maaga kung ayaw naman saluhin ng bf mo ang bata then ikaw ang magpalaki mas ok na iyon!!
  • Meanie!!Meanie!! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Aint nothing to it but to do it. nasabi na naman pala eh.

    And yes, congrats. Yung iba nga gusto magka-anak, pero hirap na hirap. Para sa akin ,you should both apologize to your parents and your BF's parents, and assure them of your commitment with the baby. kasi naman mali yan especially kung kristiyano kayo kasi may baby na eh hindi pa kayo kasal. Hindi masama maging old fashioned, do not ever think na porket old fashioned parents mo eh, mali sila dahil 'modern age na.' That said, I wish you all the best. Isipin mo nalang mas madali makakuha nang trabaho at inspired ka pa magwork and magipon. lol for sure maiispoil yang baby. heheh

    Last but not the least..and this is the most important ......

























    Maganda ba ate mo? joke lang. :teehee::hiya:
  • Sa mga nag comment, salamat! :) i'm a lot better now kesa nung troubled pa akong hindi ko nasasabi. Si mama nga ayaw na ako pagsuotin ng pants kasi daw maiipit si baby. :3

    On the other hand, January kasi due ko, iniisip ni mama paano daw yun kasi sympre di naman agad pwedeng iwanan si baby. Pero madali na siguro yun. Makakausap ko naman siguro yung mga prof ko dito sa univ :)

    Sana lang **** wag muna ipilit ang kasal kasi wala pa talaga sa plan namin ni partner ko yun. Tska dpa din kami financially stable.

    Sa case ng mga kamaganak kong paniguradong paguusapan ako, bahala na sila sa buhay nila. Haha di naman galing sakanila yung gatas na ipapainom ko kay baby ko. >:))

    As for the confrontation i had with my mom, inabsorb ko nalang sermon nya. May mali ako pero alam kong hindi mali itong pagbubuntis ko. :)

    Question ko lang, dba allowed naman ang pregnant women to continue in going to college dba? :)






    Sa nagtanong po abt sa ate ko, taken na eh. Pero yes super ganda ng ate ko. Too bad hindi kami makamukha hahahaha. Mjo minalas ako sa looks haha
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ pinatakam mo pa kami sa ate mo :lol:

    lubusin mo na post mo naman pic :lol:

    congrats lubus lubusin nyo na ang dyug dyug :lol:
  • Hahaha no can do yung pic ni ate. Baka makita nya to sapakin ako bigla nun hahaha
  • Meanie!!Meanie!! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    oo nga tapos sinabi mo pang 'super ganda.' So harsh. :lol:
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Habang maaga pa sabihin mo na buntis ka. Mahirap na baka me mangyari pang masama na hindi nyo din magugustuhan. :bop:
Sign In or Register to comment.