COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA Network: PYRA ANG BABAENG APOY (Thea Tolentino)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
Si Thea Tolentino ang next na ilu-launch ng GMA-7 sa Afternoon Prime na Pyra: Ang Babaing Apoy at dahil ito ang papalit sa Kakambal ni Eliana, ibig sabihin, malapit nang simulan ni Direk Roderick Lindayag ang taping nito.

Wala pang balita kung sino ang makakapareha ni Thea sa launching project, wish ng fans ng loveteam nila ni Jeric Gonzales na sila muli ang pagtambalin.

Ang nasulat pa lang na kasama sa cast ay sina Lian Paz at Elle Ramirez na nakalaban ni Thea sa Protege 2.

Malakas ang dating ng teaser ng Pyra kahit mata lang ng isang babae at may pumatak na luha at nag-apoy ang ipinakita.

Nagka-interes agad ang viewers na mapanood ang bagong Afternoon Prime ng network.

Published : Saturday, August 03, 2013 00:00 Article Views : 683 Written by : Nitz Miralles
«134

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Not Seen on TV: Thea Tolentino officially takes on the role of 'Pyra'

    1003862_287128981424959_1545469465_n.jpg

    GMA ETV officials and Director Roderick Lindayag awards Protege winner, Thea Tolentino her very first lead role on GMA Afternoon Prime's newest drama series, 'Pyra ang Babaeng Apoy.' See how this exciting news left the teenage star speechless in this exclusive video.

    ‪#‎Pyra‬ ‪#‎PyraAngBabaengApoy
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    naalala ko tuloy si pirena ng encantadia. hehehe.
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    PYRA Teaser 1
  • yariyari Member PExer
    sana makapartner niya e malakas din ang dating..

    good for her!!
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yari wrote: »
    sana makapartner niya e malakas din ang dating..

    good for her!!

    for sure jeric will be one of the leads.
  • ladypirateladypirate #fierce PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Juancho Trivino. Lalaking lalaki. Jeric kasi mejo lame.
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sana nga si Juancho Trivino ang gawing leading man... medyo sawa na ko sa Jeric-Thea loveteam.. :bop:
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mas magaling naman umarte si jeric. at pinupush sila ng GMA as a loveteam. si juancho, pwede third wheel.
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hindi ko talaga bet si Jeric.. may something weird sa kaniya pag nag-aacting.. yes cutie siya pero no-no parin sa acting... magulo yung facial expression niya while acting..imo :bop:
  • yariyari Member PExer
    Exro wrote: »
    hindi ko talaga bet si Jeric.. may something weird sa kaniya pag nag-aacting.. yes cutie siya pero no-no parin sa acting... magulo yung facial expression niya while acting..imo :bop:

    I agree mas manly and leading man material si JUANCHO..

    sana isama din si VIVO
  • TBEEEPatrolTBEEEPatrol Member PExer
    Bago mag-umpisa ng bago, barilin muna si Ruth. :lol:
  • yariyari Member PExer
    ready na kaya ang audience kay thea?? mukhang da who pa din siya e..

    nagguest appearance siya sa SAS nung lumabas siya parang dedma manonood.. kaloka #just saying

    sana lang ihype nila si thea kasi matatapos na ang show ni kim mukhang balik na naman siya sa pagiging da who hindi man lang napaguusapan
  • ILuvBarbieILuvBarbie Hello PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Abangan ang pagdating ni Pyra: Ang Babaeng Apoy ngayong Agosto sa GMA Afternoon Prime.

    I-like ang official page ng Pyra: http://www.facebook.com/PyraGMA
    At the story conference with the Pyra Family #Pyra #PyraAngBabaengApoy

    1148794_288576584613532_964048593_n.jpg


    Perfect match sina Thea Tolentino and Jeric Gonzales!! Abangan ang nakakakilig na team up nila sa Pyra: Ang Babaeng Apoy. ‪#‎Pyra‬

    971196_288579554613235_512173233_n.jpg

    Muling magkakasama si Ms. Angelu de Leon at Ms. Gladys Reyes sa Pyra: Ang Babaeng Apoy. Ngayong August na po!!

    549537_288577351280122_199614058_n.jpg

    HAPPENING NOW: Thea Tolentino (@theatolentino13) was awarded the lead role for Pyra: Ang Babaeng Apoy, showing ngayong August na sa GMA Afternoon Prime

    1091858_287021644769026_876353978_n.jpg
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    told you, its gonna be jeric.

    i remember angelu-gladys in gma and viva's ikaw na sana before.
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yari wrote: »
    ready na kaya ang audience kay thea?? mukhang da who pa din siya e..

    nagguest appearance siya sa SAS nung lumabas siya parang dedma manonood.. kaloka #just saying

    sana lang ihype nila si thea kasi matatapos na ang show ni kim mukhang balik na naman siya sa pagiging da who hindi man lang napaguusapan

    kasi naman dapat itigil na nila ang mga freaky shows.. :lol: :bop:
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ILuvBarbie wrote: »
    Abangan ang pagdating ni Pyra: Ang Babaeng Apoy ngayong Agosto sa GMA Afternoon Prime.

    I-like ang official page ng Pyra: http://www.facebook.com/PyraGMA
    At the story conference with the Pyra Family #Pyra #PyraAngBabaengApoy

    1148794_288576584613532_964048593_n.jpg

    at nandito din pala sina Zandra at Elle.. :bop::bop:
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang lakas maka LEADING LADY ni THEA TOLENTINO. Saw her in Anna Kareninna and she was really good there and kung mag tuloy-tuloy to she could be the next big thing.

    THEA WILL SURELY ROCK IN THIS SOAP.

    yeah, may future siya.. lalo na kapag mas nahasa pa ang acting skills niya.. *okay* goodluck for thea.. :bop:
  • ILuvBarbieILuvBarbie Hello PEx Influencer ⭐⭐⭐
    1012426_289861387818385_625010450_n.jpg

    Tingin ko, sisikat si Thea Tolentino... promising star siya at may star quality. Bagay sila ni Jeric Gonzales. Ang galing niya as Angel sa ANA KARENINA. Mata pa lang umaarte na.

    Pyra: Ang Babaeng Apoy

    Abangan sa GMA Afternoon Prime!!

    Watch this video: http://goo.gl/HWbIvO

    971919_288462061291651_1284825191_n.png

    At the story conference of Pyra: Ang Babaeng Apoy

    The cast and production team of Pyra: Ang Babaeng Apoy met last August 5, 2013 to discuss details of GMA's upcoming Afternoon Prime program. Check out scenes of the event in this exclusive gallery: http://goo.gl/xj6VEA

    1005323_289471427857381_4209256_n.jpg

    998453_289251061212751_342896076_n.jpg

    Ang leading man ni Thea Tolentino sa PYRA.. Jeric Gonzales.. May pagka-Coco Martin ang dating niya...
  • yariyari Member PExer
    walang dating yung leading man...
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Thea Tolentino blazes her trail to stardom via Pyra: Ang Babaeng Apoy




    by John Fontanilla posted on August 11, 2013 STATS: 915 Views | 0 Comments



    Text Size: A A A



    0

    0










    Thea Tolentino on being paired again with former loveteam partner Jeric Gonzales: “Bale si Jeric [Gonzales] pa rin po yung magiging ka-loveteam ko dito. Ito yung pangatlo na naming proyekto na magkasama kami. Happy ako to be paired again kay Jeric kasi gamay ko na siya katrabaho at hindi ko na kailangan mag-adjust pa.”
    Photo: Noel Orsal



    Hindi raw inakala ng Protege Female Grand Winner na si Thea Tolentino na siya ang mapipili para sa pinakabagong GMA-7 Afternoon Prime teleserye na Pyra: Ang Babaeng Apoy na mapapanood bago matapos ang buwan ng Agosto.

    Kuwento ni Thea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Sobrang masayang-masaya po kasi last year lang natapos yung Protege, tapos nagkasunod-sunod na yung magagandang projects na binibigay sa akin ng GMA-7.

    “From TeenGen, hanggang sa Love and Lies, tapos ito ngang Pyra na ako pa yung bida, sobrang thankful ako sa GMA-7.

    “Masasabi ko na itong Pyra ang big break ko, dahil ito talaga yung first title role ko.

    PREPARING FOR NEW ROLE. Anong preparations ang ginawa mo for Pyra?

    “Nagwu-workshops po ako, talagang sinasanay ko yung sarili ko for heavy drama.

    “Gusto ko kasi maging maganda yung acting ko dito sa Pyra kasi ako yung bida, so medyo nakaka-pressure.

    “Kaya naman po I promise to give my 100% para mapaganda itong Pyra.

    “Kung sa TeenGen nakita niyo ako na pa-sweet at sa iba ko pang show, dito sa Pyra: Babaeng Apoy ay makikita niyo ang dramatic side ni Thea.

    Anong kaibihan ng Pyra sa mga nauna mong soap?

    “Ibang-iba, kasi sa TeenGen bago pa lang ako, kung baga, yun yung una kong projects after winning.

    “Basta ang maipapangako ko sa mga supporters ko at sa mga nanonood ng mga soaps ng GMA-7, kakaibang Thea ang mapapanood dito.

    May power ka ba dito sa Pyra?

    “Yes po, pag nagagalit dito si Pyra naglalabas siya ng apoy at naku-control niya yung apoy.


    Sino ang leading man mo dito sa Pyra?

    “Bale si Jeric [Gonzales] pa rin po yung magiging ka-loveteam ko dito.

    “Ito yung pangatlo na naming proyekto na magkasama kami. Ang akala nga namin paghihiwalayin na kami, kasi sa Anna KareNina si Teejay Marquez yung nakapareha ko, siya yung boyfriend ko dun.

    “Ang alam ko rin kasi ipapareha siya [Jeric] sa ibang Kapuso female stars, pero hindi pala.

    “Happy ako to be paired again kay Jeric kasi gamay ko na siya katrabaho at hindi ko na kailangan mag-adjust pa.

    “Pero okay din naman if i-pair nila ako sa ibang Kapuso male stars, basta for me ang mahalaga may work at nagagampanan ko nang maganda yung role na binigay sa akin.

    GETTING CLOSER WITH JERIC. Sa lagi niyong pagtatambal, nade-develop na ba kayo ni Jeric?

    “Mas nagiging close kami ni Jeric, pero iniisip namin yung sinabi ng mga mentors namin na talagang career first, kasi nagsisimula pa lang kami.

    “Yung lovelife na 'yan, 'tsaka na 'yan, pag talagang mahusay na kami at talagang kaya na namin.

    Anong regalo mo sa birthday ni Jeric last August 7?

    “Dapat sasama ako nung gabi bago siya mag-birthday, isu-surprise sana namin siya sa bahay nila sa Laguna, kasama dapat ako kaya lang may taping ako, sayang hindi ako nakaabot.

    “Yung regalo ko naman sa kanya espesyal yun, pero pag-iipunan ko pa para maganda. Hahaha!” pagtatapos ni Thea.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file