COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

ANGELICA PANGANIBAn on being accepted by John Lloyd Cruz's family.

Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
Angelica Panganiban on being accepted by John Lloyd Cruz's family: “Masarap sa pakiramdam na ganoon nila ako katanggap.”


943663_147012025504886_2106054554_n.jpg

Angelica Panganiban

Inamin ni Angelica Panganiban na hanggang ngayon ay fan pa rin siya ng kasintahan niyang si John Lloyd Cruz. Sabi ng aktres, "Kapag nga napapanood ko siya, kahit nga commercial niya, ako yung, ‘Ay…’ Ganun… basta, palagi niya akong nasu-surprise and, I’m sure, ganoon ang nararamdaman ng mga fans niya. Hindi na siguro mawawala yun—yung paghanga ko sa kanya.”

PHOTO: NOEL ORSAL

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica Panganiban sa taping ng Banana Split sa Music Museum noong Martes ng gabi, July 23.

Halata sa aura ng Kapamilya actress na masaya siya ngayon.

Kagagaling lang niya sa bakasyon at sinorpresa siya ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz nang sumunod ito sa kanilang magkakaibigan.

Biro nga namin kay Angelica, mukhang hindi na sila nagpapaapekto ni John Lloyd kapag may mga naninira o nang-iintriga sa kanila.

“Napagod na rin sila,” nakangiti niyang sabi.

“At saka, in fairness naman, mukha namang mas maraming masaya sa amin.

“Hindi lang talaga siguro maalis ang mga taong mambubuwisit talaga, mang-aasar, di ba?”

CONTENTMENT. Sa hiwalay na panayam ng PEP sa co-star ni Angelica sa Banana Split na si John Prats, inilarawan nito ang kanyang buhay ngayon bilang “kuntento.”

Maia-apply rin ba ni Angelica ang salitang yun sa kanyang buhay ngayon?

Tugon ng aktres, “Sa buhay ko? Masyadong big word ang salitang kuntento, e. Parang wala ka nang mahihiling pa sa ibang aspeto ng buhay mo.

“Siguro, pagdating sa buhay pag-ibig, siyempre masaya kami kung nasaan kami ngayon.

“Pero, hindi ko naman sasabihin na kuntento ako as a person, sa pangkalahatan.

“Siyempre, meron ka pa rin konting struggles every day, meron pa rin namang mga konting pagsubok na ibinibigay sa ‘yo.

“Mahirap naman kung wala, parang wala nang excitement, di ba?

“Baka naman kunin na ako ni Lord, sabihin Niya, ‘Sobrang happy ka na, halika na!’” natatawang sabi niya.

Hindi man daw niya magamit pa ang salitang "kuntento," pero walang duda na masaya siya ngayon lalo na pagdating sa kanyang lovelife.

Sabi ni Angelica, “Oo naman, pagdating sa aspeto ng lovelife, e, talaga namang masayang-masaya ako.

“Siguro, yung happiness mo, umiikot yun sa nakikita mo sa partner mo. Na alam mong masayang-masaya siya sa ‘yo.”





JOHN LLOYD’S FAMILY. Hindi naman sa pagkukumpara sa mga nakaraang karelasyon ni John Lloyd, marami ang nagsasabing mahal siya o palagay sa kanya ang pamilya ng aktor.

“Masaya naman ako,” sambit ni Angelica.

“At talagang isa naman yun sa ipinagpapasalamat ko sa samahan naming dalawa dahil talagang hindi ko mawari.

“Bakit parang ang sarap-sarap sa pakiramdam na talagang tanggap ako with open arms. Na parang wala… hindi ako nahirapan na pumasok sa mundo nila.

“Parang unang araw pa lang e masaya na nila akong winelcome.

“Siguro, dahil na rin sa ugali. Hindi naman sila yung medyo pasosyal. Yung sobrang… yung lifestyle nila, hindi mo iisipin na ang tataas na nila.

“Sobrang humble nilang mga tao. Sobrang humble ng buong pamilya nila.

“At puwede mo silang dalhin kahit saan at, kumbaga, ganoon din nila akong nakita. Wala namang pretensiyon.

“Kumbaga, hindi naman ako nag-bestida noong una akong ipinakilala.

“So, kumbaga, tanggap na tanggap.

“Kapag wala nga siya [John Lloyd], nagugulat pa siya na ako ang kasama ng pamilya niya, kami ang lalabas.

“Masarap sa pakiramdam na ganoon nila ako katanggap.”





ANGELICA’S DAD. Noong 2010 ay nakilala na ni Angelica ang kanyang biological father—si Mark Charlson, isang Amerikano.

Hindi pa man daw sila mag-boyfriend ni John Lloyd ay naipakilala na ni Angelica ang aktor sa kanyang tunay na ama.

Kuwento niya, “Nakilala na niya noon, noon pang may tour kami, pero hindi bilang boyfriend ko.

“Natatandaan niya. Kapag nag-uusap kami ng daddy ko, kakamustahin niya, ganyan. Tapos, i-regards ko raw siya.”

Wala ba siyang planong dalawin muli ang ama at ipakilala si John Lloyd bilang boyfriend na niya ngayon?

Sabi ni Angelica, “Meron, kaya lang hindi kasi yun Asia.

“Ang Asia ang pinakamabilis planuhin. E, kapag Amerika, kulang ang dalawang linggo.

“Kung makakakuha kami ng bakasyon, sana November, di ba? Para birthday ko.

“Kumbaga, makapag-celebrate ako ng unang birthday ko na kasama ang daddy ko at makilala rin niya [si John Lloyd].”





NO ONSCREEN PAIRING. Pagdating naman sa pagiging onscreen partners, parang hindi pa raw nakikita ni Angelica na umaarte sila ni John Lloyd sa harapan ng kamera.

“Hindi ko pa rin mawari na kaming dalawa.

“Pagkatapos nga noong shoot namin sa Vietnam, may one day shooting pa kami, hirap na hirap kami,” pagtukoy niya sa shooting nila para sa pelikulang 24/7 In Love noong isang taon.

Dagdag ni Angelica, “Siyempre, naiilang ka, tapos masyadong… there’s too much familiarity sa isa’t isa para umarte kayo. Para magpanggap kayo na mga ibang tao.

“At saka, kahit naman dati, noong hindi pa kami, may nag-o-offer sa amin na project, ako yung parang, ‘Oh, my god, kaya ko ba siyang makasama?’ Yung ganun.

“Kasi, parang sobrang galing niyang artista. Lahat ng pelikula niya, pinanood ko.”

Sinabi namin kay Angelica na magaling din naman siyang aktres.

“E, siyempre, hindi ko naman bubuhatin ang sarili kong bangko, di ba?” natawang sabi niya.

“Lahat naman ng artista, may kanya-kanya… kumbaga, ako, alam ko, kapag nakakasalubong ko siya, nai-starstruck ako.

“Kaya nga ngayon, kapag nagkukuwentuhan kami, parang alam ko kung kailan ko siya palaging nakikita.

“Yung ganyan… kapag napag-uusapan dahil nga fan na fan niya ako.”

Hanggang ngayon, fan pa rin siya ni John Lloyd?

Sagot ni Angelica, “Oo, kapag nga napapanood ko siya, kahit nga commercial niya, ako yung, ‘Ay…’

“Ganun… basta, palagi niya akong nasu-surprise and, I’m sure, ganoon ang nararamdaman ng mga fans niya.

“Hindi na siguro mawawala yun—yung paghanga ko sa kanya.”

http://www.pep.ph/news/39720/angelica-panganiban-on-being-accepted-by-john-lloyd-cruz39s-family-ldquomasarap-sa-pakiramdam-na-ganoon-nila-ako-katanggaprdquo/1/4

Comments

  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    533667_147529958786426_36586662_n.jpg

    Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz 30th Birthday Party

    59489_147529892119766_1569012946_n.jpg

    Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz
  • geseptembergeseptember Spread Peace PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hunk na walang abs! Ipinagtangol ni Angelica Panganiban ang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa mga punang "malusog" ito ngayon. May bwelta rin ang aktres sa kanyang haters sa social media!
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    Angelica Panganiban on settling down with John Lloyd Cruz: "Kapag nag-propose siya next year, sasagutin ko na siya!"
    by Julie E. Bonifacio

    Natutuwang sinabi ni Angelica Panganiban na sariling desisyon ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na magkaroon na ng healthy lifestyle, at hindi siya ang nag-udyok. Pahayag pa ng aktres, "Maganda kasi na gusto mo ng change para sa sarili mo, na sa 'yo nanggagaling. Kasi kapag iba yung nagbibigay sa 'yo noon, I think napipilitan ka lang or gagawin mo yun para sa taong nagsasabi. So, maganda na sa kanya nanggaling yung effort na yun."

    "Hindi ngayon. Baka next year!"

    Ito ang natatawang sagot ni Angelica Panganiban nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gusto na ba niyang lumagay sa tahimik.

    Tatanggapin ba niya agad kung sakaling mag-propose sa kanya ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz?

    "Kapag nag-propose siya next year, sasagutin ko na siya!" kinikilig na sagot ni Angelica.

    Natatawang biro pa niya sa amin, "Ayan, may scoop ka na naman!"

    Pero paliwanag niya, "Hindi, kasi siyempre, di ba, noong bagets ako, sabi ko, gusto ko, kapag 28 na ako, may asawa na ako.

    "Para pagdating ko ng 30, mag-aanak na ako.

    "E, 27 na ako ngayon."

    Paano kung hindi pa mag-propose si John Lloyd sa kanya next year?

    "Kung wala, e, di hintay ako next year, hanggang 29.

    "Kapag wala pa rin, 30.

    "Tapos kapag 31, hihiwalayan ko na!

    "Ano ba? Maghahanap na ako ng ibang pakakasalan ko!'" natatawang biro na naman niya.

    Gusto na rin ba niyang magkaroon ng baby?

    "Hindi pa muna. Parang mas gusto kong ma-enjoy muna ang buhay may-asawa."

    HEALTHY LIFESTYLE. Nakausap ng PEP si Angelica sa launching niya bilang endorser ng Excelente, isang brand ng light brandy, noong November 14.

    Dahil alak ang bagong endorsement niya, tinanong namin si Angelica kung ipapatikim ba niya kay John Lloyd ang iniendorso niyang produkto.

    "Kapag gusto niya!" natatawang sabi ng aktres.

    Mahilig ba sa light brandy si John Lloyd?

    "Hindi naman... Hindi, ngayon din kasi, siguro dahil sa age, parang... hindi talaga.

    "Meron siyang ano, noong nag-thirty siya, meron talaga siyang...

    "Hindi lang naman niya sa akin sinasabi yun, kundi pati sa pamilya niya, gusto niya magkaroon ng healthy lifestyle.

    "So, kaya siya, mahilig siya na mag-bike uit ngayon.

    "Tapos, tumatakbo siya kapag may chance."

    Siya ba ang nag-udyok nito kay John Lloyd?

    "Hindi... ayaw ko rin naman kasi ng ganoon.

    "Maganda kasi na gusto mo ng change para sa sarili mo, na sa 'yo nanggagaling.

    "Kasi kapag iba yung nagbibigay sa 'yo noon, I think napipilitan ka lang or gagawin mo yun para sa taong nagsasabi.

    "So, maganda na sa kanya nanggaling yung effort na yun."

    Kailan ba huling uminom si John Lloyd?

    "Ay, hindi ko naman sinasabi na wala na.

    "Kumbaga, siguro moderate na lang.

    "Na-realize niya na hindi rin maganda na matsismis siya na ganito, ganyan.

    "So ngayon, okey-okey din naman."

    Natuwa siya sa naging desisyon ni John Lloyd about his health?

    "Oo naman, kasi malaking bagay yun na nakikita mo na, kumbaga, nare-realize mo na, 'Ay, mahal nito ang sarili niya,' ganyan."

    DRINKING BUDDY. Aware ba si Angelica sa komento ng iba na magkasundo raw sila ni John Lloyd pagdating sa hobby ng pag-inom?

    "Oo," sambit niya.

    "E, yung iba naman kasi, kasi para sa akin, halimbawa...

    "Halimbawa, ha... may isang artista, halimbawa, sobrang husay na artista. For example, si Johnny Depp.

    "Sabihin natin drug addict si Johnny Depp, pero nagpe-perform siya na sobrang galing.

    "Wala siya... hindi siya napapabalitang hindi sumisipot ng trabaho.

    "Hindi siya napabalitang pinapabayaan niya ang trabaho niya, yung pamilya niya o nakitang... I mean, wala.

    "Wala siyang naagrabyadong tao, professional siya.

    "So, para sa akin, o, di sige, maging addict ka.

    "At least, ginagawa mo yung trabaho mo, yung part mo bilang isang professional na tao."

    Nilinaw ni Angelica na hypothetical lamang ang paggamit niya kay Johnny Depp bilang halimbawa sa nais niyang ipunto.

    Patuloy niya, "So, sa akin kasi, kung ganoon ang sasabihin nila na, 'Ay, malakas uminom,' o, e, ano naman? Di ba?

    "Sabihin nila na mataray ako? E, bakit?

    "I mean, ginagawa ko ang trabaho ko. Nasa trabaho ako, nagpe-perform ako nang maayos, ibinibigay ko yung best ko.

    "At kapag gusto kong mag-enjoy, mag-e-enjoy ako.

    "Kapag gusto kong mag-celebrate dahil nakatapos ako ng isang trabaho, magse-celebrate ako, hindi ba?

    "Kasi, I'm sure, ganoon lang din naman, di ba?

    "Pagkatapos ng isang mahabang trabaho, gusto nilang umuwi, iinom sila two bottles, kasama nila ang mga kaibigan nila.

    "Parang ganoon naman, e. Masyado lang nama-magnify kasi artista kami."

    CHRISTMAS PLANS. May plano na ba sila ni John Lloyd kung saan sila magpa-Pasko?

    "Wala pa, pero dapat... Hindi namin alam kung aalis kami ng bansa or hindi na lang sa Pasko.

    "Pasko lang, pagitan noon bago mag-New Year.

    "Parang ang gusto niya talaga, parang out of town. Parang Davao or ano.

    "E, noong nalindol kasi ako sa Bohol, medyo natatakot talaga ako.

    "Oo, may trauma pa ako."

    Anong Christmas gift ang guso niyang matanggap mula kay John Lloyd?

    "Hindi ko alam. Wala, masaya lang ako.

    "Mas mahilig ako sa moments, memories, ganyan."

    Ano ang favorite moment niya with John Lloyd?

    "Takbo sa beach, habulan..."

    May nakunan ba siyang ganitong moment nila ni John Lloyd?

    "Ayaw niya, e. Gusto niya kaming dalawa lang."

    Hindi ba't mahilig siya mag-post sa social media ng "moments" nila ni John Lloyd?

    "Oo, okey lang naman sa kanya na i-post. Pero dapat hindi niya nakikita!" natatawang sabi ni Angelica.
    http://www.pep.ph/news/41245/angelica-panganiban-on-settling-down-with-john-lloyd-cruz-kapag-nag-propose-siya-next-year-sasagutin-ko-na-siya/1/5#focus
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    John Lloyd Cruz on marriage: “It’s hard not to see your partner with your long-term plans.”

    by Abby Mendoza

    1_zps6bf336ae.jpg

    1_zpsf71aaa63.jpg

    A-list actor John Lloyd Cruz is still uncertain whether or not his one-year relationship with Angelica Panganiban is heading towards marriage. He relays, nonetheless, “Pagka pumasok ka sa isang commitment, we think long term. Sometimes we think forever, di ba? So, hindi naman din nawawala yun [marriage], e. Hindi naman siya nawawala sa picture because I’m very much committed to her and siya rin ganun.”

    John Lloyd Cruz is unaware that he is in the Top 5 richest Filipino celebrities under 40 today.

    “O? Hindi ko alam yun. Dati na akong mayaman… sa pag-ibig,” the actor told the members of the media at the Greenwich event last night, July 16, at the R Space Events in Makati.

    The list, which came out Sunday night, July 14, on Rated K, said that the One More Chance star is in the fifth spot.

    Meanwhile, Manny Pacquiao, Piolo Pascual, Kim Chiu, and Ryan Agoncillo fill in the first, second, third, and fourth ranking, respectively.

    The Top 5 list is based on the taxes that the aforementioned celebrities paid the Bureau of Internal Revenue (BIR).

    John Lloyd, a successful TV/film actor and product endorser, reportedly paid P5.4 million.

    “Sa totoo lang, pinagpapala lang tayo, especially itong mga nakaraang... itong mga recent years sa trabaho natin,” he stated regarding the news item.

    How much he possesses is not entirely his, John Lloyd even said.

    “Hindi siya madaling sitwasyon o bagay, pero sabi nga nila, pag yun ang problema mo, it’s a good problem to have.”

    The actor also pointed out, “Pero may malaking responsibility na nakapatong doon.

    “Buti na lang… I have a good and strong support system na natuturuan ako, nadadala ako sa kung ano yung tama at maganda pagdating sa pera.”

    He relayed his most valuable possessions: “Pinakamayaman ako sa pagmamahal, sa pamilya, sa mga kaibigan… kaya dati pa talaga akong mayaman!”



    WEIGHT GAIN. Some have noticed that John Lloyd has gained weight, made apparent by the extra chub that appears on the actor’s cheeks.

    Comments point fingers at John Lloyd’s “happy” relationship with actress Angelica Panganiban as the culprit.

    Angelica, a co-ABS-CBN talent of John Lloyd, is said to be the kind of girlfriend who dotes on her beau.

    “Saan? Ako? I look normal naman, a!” John Lloyd reacted in jest.

    Taking no offense, he told that his current weight or physical appearance should not define his relationship.

    “I mean, kung pumayat ako, ibig sabihin nun hindi siya masarap mag-alaga?

    “Hindi yun ang basehan para sa akin… So pagka pumayat ka, hindi ka happy?

    “Parang hindi siya dapat nire-relate sa status mo kung masaya ka o hindi.

    "Lalo na ako, sa personality ko, parang wala naman akong… siguro dahil wala ako masyadong ginagawa ngayon.”

    He said that he has put effort, nonetheless, in keeping fit since his 30th birthday started approaching.

    The actor, in fact, engaged himself in running, playing badminton, and biking in that way he can do what he loves most— “kumain.”

    John Lloyd does not see Angelica’s caring ways as the reason behind his weight gain.

    He laughed off, “Well, gano’n lang naman yung tama, di ba? Dapat gano’n naman lahat. Hindi ba, gano’n lahat?

    “Ginagawa ko lang kung ano yung dapat ginagawa.

    “Hindi siya kasi trabaho, e. Hindi siya obligasyon.

    “Parang yun yung... yun yung natural sa akin, e.

    “So, I guess, ganun lang talaga ako magpakita ng pagmamahal… Big word!”



    MARRIAGE. A “big word” that came up during the interview was “marriage.”

    At 30, how does John Lloyd, an ultimate romantic-comedy actor, view marriage?

    “Grabe naman, that’s a very personal question!” he started to say.
    “Well, sa totoo lang, mahirap pag-usapan 'yan, e, especially sa edad ko.

    “Like most of my friends, kung hindi kasal, may anak na, may pamilya na.”

    He and his girlfriend have not really talked about the said matter, according to John Lloyd.

    “Hindi pa namin pinag-uusapan or wala nang dapat pag-usapan, parang ganun.”

    In an earlier interview, Angelica told that she is the kind of person who enters a relationship because she sees herself settling down with the guy.

    John Lloyd reacted, “Lahat naman, e. Kahit naman nung high school ako, yung girlfriend ko, akala ko yun na yung mapapangasawa ko.

    “Pagka pumasok ka sa isang commitment, we think long term.

    “Sometimes we think forever, di ba?

    “So, hindi naman din nawawala yun, e. Hindi naman siya nawawala sa picture because I’m very much committed to her and siya rin ganun.

    “So, hindi nawawala yung image na yun,” he stressed.

    Unlike the 26-year-old Angelica, who is bent on getting married when she turns 28, John Lloyd is uncertain about when he will settle down.

    He disregards the idea of a “target age” and a “personal deadline.”

    He believes however that deciding to get married can happen anytime.

    “Puwede siya mangyari next week, puwede siya mangyari…"

    He joked, “Ay, hindi pala! Kasi kailangan ko pala kumausap ng wedding planner.

    “Parang matagal daw yun, e. Kailangan magpa-reserve sa church.

    “Wala akong target date or target age, wala talaga.”

    He recalled asking his friend, football player Anton del Rosario, who recently got engaged to girlfriend Samantha Richelle, about settling down.

    “One time nakita ko siya, nakausap ko siya, [I asked him,] ‘How do you know? When do you know?’

    “Sabi niya, ‘You just know.’

    “I guess yun na lang yung… When it happens, it happens.”

    Does he personally see himself ending up with Angelica?

    Surprised by the inquiry, John Lloyd kidded the press, “Ano ba itong pinasok ko? Napaka-personal space nitong pinasok ko!”

    He took it back and said, “Ganun din ang sasabihin ko. Because I’m in a commitment, it’s hard not to see your partner with your long-term plans in life…

    “So, di ba, kasama na yun do’n?”



    BASHERS. However supportive fans of John Lloyd and Angelica’s relationship are, detractors continue to air their negative comments on social networking sites Instagram and Twitter.

    Whereas Angel has wished their bashers: “Sana magkaroon sila ng happiness,” a more pacified John Lloyd brushes them aside.

    “Wala naman akong maggagawa sa kanila, e.

    "I mean, kung mas gusto nilang mag-dedicate ng negativity sa oras nila, gamit ang oras nila, nasa kanila yun.

    “Kanya-kanya tayo, e. Hindi mo naman sila puwedeng bawalan or i-hate for doing that kasi parang pag ganun pa nangyari, parang you’re giving them the pleasure of getting affected sa ginagawa nila.”

    Those statements don’t go to show that the actor is unaffected. There are times when the bashing gets too much, too, according to John Lloyd.

    “Pag dinadamay ang pamilya mo, yung mga taong hindi kaya depensehan ang sarili nila, meaning mga taong pribado sa buhay namin, pag dinadamay nila, minsan umaabot din kami sa point na parang gusto mo nang pumatol.

    “Pero palipasin mo lang ng konting oras, and then kaya mo siyang lagpasan, and then you become the bigger person.

    “So, kumbaga, nasa kanila yun kung gusto nila maging productive in a negative way, then it’s their choice.”

    It always pays, said John Lloyd, to just “let it pass.”
    http://www.pep.ph/news/39585/john-lloyd-cruz-on-marriage-ldquoitrsquos-hard-not-to-see-your-partner-with-your-long-term-plansrdquo/1/5#focus
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    Angelica Panganiban and John LLoyd Cruz 072613

    [video=youtube_share;-2g21MSJAO8]
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban 082313

    [video=youtube_share;iEB7X9mOsVs]
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert 🎖️
    John LLoyd Cruz & Angelica Panganiban MV- "MAGIC"

    [video=youtube_share;84TTU59UXT4]

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file