[email protected] Presents: KAPAMILYA DIARY! (Share your Pex Story here)

1192021222325»

Comments

  • genre914genre914 राजकुमार का अंतर PEx Expert 🎖️
    Namaste Mera Diary, :hiya:

    2006-2007
    Tagbilaran City, Bohol

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Simulan ko na lang ang kwento nung college ako kung kailan hindi na ako working scholar ng school ko. Ito kasi yung time na graduating na ako. Noon, kapag vacant time ko punta agad ako on-duty sa office assignment ko as working scholar. Pagkatapos nun, i spent my vacant time sa isang internet cafe malapit sa school. Dun ako nagsusurfing ng mga sites (friendster, wikipedia, news sites) at dun ko rin nakilala si DotA na kinahuhumalingan ko pa rin hanggang ngayon kahit mga AI na lang ang mga kalaban ko. At umabot sa point na wala na akong gagawin sa mga sites na palagi ko binibisita hanggang naalala ko ang palaging pinopromote noon sa ABSCBN ang forums nila. Kaya, binisita ko ang messageboard ng ABSCBN at naaaliw ako sa mga nabasa ko dahil nakarelate ako as Kapamilya rin. Dun ko rin nalaman na may niluluto palang epicserye ang ABSCBN which is Rounin! Simula noon, isa ang ABSCBN messageboard ang palagi kung binibisita at makibalita at that time rin ako na-aware sa TV ratings. Dahil sa kagustuhan kung maging updated sa mga ratings noon, nagpupunta rin ako sa Abante-Tonite, pep, starmometer at Philstar sinasaktan ang sarili ko sa mga nakikita kong ratings during dark days. :lol:
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    2008
    Tagbilaran City, Bohol

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Long break sa internet dahil busy sa graduation at mga lakad para sa requirements, job applications at pagsisimula ng work ko.
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    September 2009
    Roxas City, Capiz

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    For almost a year, naka-adjust na ako sa work ko at nagawa na akong magnakaw ng oras para makapag-online.
    Ito rin yung year yata na nag-site maintenance ang ABSCBN forums. Dahil sa kagustuhan kong maging updated sa ratings at pangyayari sa kapamilya channel, humingi ako ng tulong kay Mr. Google at nakilala ko si Manong Pex. Una, pabasa basa lang -- naiinis, natatawa, napapaisip. Naging lurker ako sa TV Programs Thread, minsan lang bumisita sa General Thread kasi ang gulo para sa akin ang environment niyan noon.

    September 2009, near my birthday, nasa Roxas City, Capiz ako nun. Habang nagsusurf sa mga ***** site at naglulurk. Nagdecide ako na gumawa ng username, ito yung genre914 - gen for "genius" (dahil yan ang bansag sa akin ng mga 2nd high school classmates ko :hiya:); re for "renel" (my humble real name) at 914 for "september 14" (my birthday). Pronounced as "jin-re" instead of "jan-ra".

    Nakapagpost ako ng isa sa di ko na matandaang thread at nasupalpal ako dahil sa sinabi kong "intelligent.... " (basta something like that, nakalimutan ko na ang term na yun). Kaya natagalan pa ang susunod na post ko sa Claudine thread sa kasagsagan na bagong weekly drama anthology ni Klaw. Dun parang nakipagtagisan ako sa isang pexer, at dahil newbie pa ay di ko alam ang mga rules. he he he. Dahil hindi siya naniniwala na auditor ako eh pinost ko ang mga personal information ko sa thread, buong pangalan ko at yung pangalan ng company. ha ha ha ha. Salamat pala kay ex_Deo for editing it last year pa lang. Dahil dun, nalaman ng boss ko na may nakaaway ako sa internet. he he he

    That was my last post bago ako nagiging lurker ulit from 2010-2012.
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    May 2011
    Dumaguete City, Negros Orienta

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Nagsimula akong magcollect ako ng mga movies na papanoorin ko kapag idle time sa isang co-employee ko. Sinabi ko sa kanya niya yung Crazy Little Thing Called Love at yung Catch Me I'm In Love lang itransfer niya sa laptop ko. Sa halip yun lang ang i-copy niya eh nilalahat na lang niya nung nasa folder ang kinapi niya. At kasama na dun ang 3 Idiots. Di ko pinanood ang 3 idiots kasi walang appeal sa akin ang title pero nung umabot na sa time na napanood ko na ang lahat ng movies at ang 3 idiots na lang ang di ko napanood. Bored ako nun kaya tinatry ko na lang panoorin at napayamot ako na indian movie pala iyon, mag-aattempt na sana iclose ang player pero nanaig pa rin ang palipasin ang oras sa pamamagitan ng panonood ng movie. Habang pinanood ko ay unti-unting nag-enjoy ako sa movie at nagustuhan ng todo! Sinearch ko ang 3 idiots sa internet for info at dun ko nalaman na highest grossing film of all time ng india ito at pumapangalawa pa dito ang Ghajini. Sinunod kong dinawload ang Ghajini at nagustuhan ko rin. Simula nun naging adik na ako sa bollywood movies at songs. Nakalimutan ko na si Manong PEx dahil dito.
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    March 2012
    Puerto Princesa City, Palawan

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Nagkaroon ako ng time na magbisita kay Manong PEx at umokey na ang environment sa general thread. Nagbabasa na ako sa KPex at naaaliw ako. Nagtry akong magpost sa thread at natuwa ako na may pumansin sa akin na maraming pexers, sorry di ko na matandaan kung sinu-sino. Tapos sunod-sunod na ang posts, naadik, natutulog na ng hatinggabi. Una pexer na nakawarla ko ng slight sa Kpex ay si Kawawawe dahil lang naman sa avie niya. he he he. Hayun, naadik na nga sabay engganyo rin sa pagpopost ng bollywood related topics, videos, pictures at mga drama ko sa buhay dun na nagstart na marami nang nainis.

    (Note: Totoo yung mga drama ko. he he he)

    Una pexer na naging friend ko sa FB ay aking kaprobinsiya na si SP.

    Nung naging top poster ako for the first time ay nagkaroon ng magandang feeling na parang nasa pedestal na ewan parang naelevate ako. ha ha ha. So, naging palaging target ko na ang pagiging top poster pero sabay din ang pagdami ng naiinis sa ginagawa kong iyon. he he he

    Sa parteng ito nagsisimula akong magpupuyat para makapagpex
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    JULY 2012
    Jaro, Iloilo City, Iloilo

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Eto na yung stage kung saan sagad na ang epekto sa akin ng PEx.

    Eto rin yung time na nagkaroon ng day topics na naging parte ako sa bawat diskusyon.

    Eto rin ang time na nagkaroon ng first GMTVPA. Naging part ako ng committee. Kasabay nito ang pagkawala ng attention at focus ko sa trabaho, napabayaan ko. Hala! Halos wala akong tulog dahil sa pagconcentrate ko sa GMTVPA. he he he Pero on a positive note, sa pamamagitan dito dumarami rin naman ang naging kaibigan ko online. Isa na rito si GP a.k.a. my mendiola girl na sa unang impresyon ko ay nakakatakot kasi naging laman ng awayan noon at baka ako naman ang pagdiskitahan. he he he

    Eto rin yung time na may nakilala akong pexer at same kami ng location kung saan ako at that time. Nagkaroon kami ng usapan na magkikita sa isang mall doon. Friendly meeting lang naman ang purpose ko nun at first time ko rin makipagmeet sa isang tao na nakilala online. Hmmm....sinabi naman niya sa akin di siya sure kung makapunta pero okay lang at least may posibility pa rin. Yun na nga nang dumating na ako sa tagpuan, wala akong nameet na tao ha ha ha ha...hindi man lang nag-inform na di matutuloy...first time akong ma-indian! kaya ganun na lang ang pagkadisappoint at nagdagdagan ang kadramahan ko sa buhay. ha ha ha ha. Salamat na lang at andiyan si rej_miller na marunong talagang magbigay ng payo.
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    October 2012
    Tagbilaran City, Bohol

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Eto yung time na may successful meet-up with a pexer personally na si marscious kasi nagbakasyon mode si mars sa bohol at timing rin na hindi ako on-travel. Less than 30 minutes lang ang meet-up, quickie lang. ha ha ha... seriously, kwentuhan lang with his girl friend pero ang saya ng feeling na nakikita mo sa personal ang mga taong nakausap mo online. *okay*
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    2013
    Anywhere

    [crouching-tiger-disappearing-spoiler]
    Kahit nang minsan kong naging iwan ang pex. Heto pa rin bumabalik, kasi sabi nila, iba daw ang saya sa pex. Totoo naman pero may epekto itong maganda at masama. Sa pagtatapos na unang taon kong pagiging active sa thread ay natutunan ko na ring mag-adjust sa mga bagay-bagay dito -- makipagharutan, makipagkulitan, at makipag-charan. ha ha ha. Kahit medyo di na ako kasing adik ng dati ay sana maging active pa rin ang KPEx thread sa bawat newbie na darating at mga oldies na di maiwan-iwan ang KPex.

    naging bahagi ang KPex sa bawat pangyayari sa buhay ko especially sa napakastressful work ko...nakasama ko ang Kpex simulang naging auditor II to auditor III to audit supervisor at ngayon ay on track na for branch manager. Marami akong natutunan dito siyempre less regard ko na iyong mga landian. ha ha ha ha....
    [/crouching-tiger-disappearing-spoiler]

    Salamat sa mga pexers na naging friend ko dito at naging textmate ko rin...
    Marscious, Papa_P (Pareng PPgrams), Jeremy (mabuhay ka!), Ceryhill, Vanstatic (Izza), Jezy at Mar-Bean Counter.

    Salamat sa mga pexers naging friend ko rin pati sa....
    FB - naku marami na kayo....halos 50 na kayo. Alam niyo na kung sino kayo. :)

    Salamat sa mga pexers naging friend ko rin pati sa di ko ka-FB pero ka-twitter lang - Luckwatchero, Cromwell (fan kong lurker ha ha ha), Crazp, Jo24, Thelonius (idol), Spiglao, Ramona Bombilla, Cutieplx, Laloka, Fanty, GP, hethler, hyds, kliks at yangki.


    Salamat at sorry din sa mga pexers na nakamisunderstanding ko, charge to experience na lang iyon... he he he
    kawawawe, hydrangea, albrige, diginews, sexy_tami

    Salamat na rin sa mga gusto lang talaga akong i-misunderstand. he he he
    :shutup: at :shutup:
    Ha ha ha

    Kay Manong Pex, paumanhin po at naging madaldal ako dito, dito lang naman. he he he. Salamat sa palaging bukas ang pinto mo sa amin na nakahanap ng kunting lugar para makikipagkapwa sa gitna ng TV network war. Nagpasalamat ako at may nakilala ako dito na iba't-ibang tao na nagparealize sa akin na ako ay naiiwanan na ng panahon at kailangan akong humabol. #Drama ha ha ha
    Nagpasalamat ako at may nakilala rin akong mga pexers dito na mas bobo pa pala sa akin. joke! ha ha ha

    Mabuhay ang KPex! Happy 10th year anniversary! God Bless All Of us!

    Sumasainyo,

    genre914/greenmindengine(+)/swellington(+)/ebriwans_/puristomniknight*/taichi_courage/barfi!/@IAmRenel

    *partly-owned
    :geek:
    tumblr_m601iyxNgJ1qk6uxuo1_500.gif
  • NakuraNakura Moderator PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi pa inuunstick itong thread na ito dahil hindi pa ultimately tapos ang [email protected]

    Inaantay ko lang dumating sa desk ko ang munting surpresa na hatid sa inyo ng Kapamilya Network :)
  • genre914genre914 राजकुमार का अंतर PEx Expert 🎖️
    Nakura wrote: »
    Hindi pa inuunstick itong thread na ito dahil hindi pa ultimately tapos ang [email protected]

    Inaantay ko lang dumating sa desk ko ang munting surpresa na hatid sa inyo ng Kapamilya Network :)

    Wow! :bounce: Nakaka-excite naman po iyan. *okay*
  • NakuraNakura Moderator PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Naloka naman ako nung dumating sa desk ko itong package mula sa Kapamilya Network!

    Anlaki lang ha. So nandito ako sa conference room ng PEx office para kwentahin yung bigay nila. Ambigat lang ng plastic na to pramis

    2rhbmvk.jpg

    Para sa nanalo ng awards sa Kapamilya PEx at 10, para sa inyo to.

    Kung may extra man (kasi andami nga naman nito), di ko to aangkinin at handog ito ng ABS-CBN para sa mga loyal Kapamilyas sa PinoyExchange!

    *Hindi pa tayo tapos dito! Abangan pa mga susunod na ganap :)*
  • Fanty_ManagementFanty_Management Queen of GMTV 2013 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nakura wrote: »
    Naloka naman ako nung dumating sa desk ko itong package mula sa Kapamilya Network!

    Anlaki lang ha. So nandito ako sa conference room ng PEx office para kwentahin yung bigay nila. Ambigat lang ng plastic na to pramis

    http://i43.tinypic.com/2rhbmvk.jpg

    Para sa nanalo ng awards sa Kapamilya PEx at 10, para sa inyo to.

    Kung may extra man (kasi andami nga naman nito), di ko to aangkinin at handog ito ng ABS-CBN para sa mga loyal Kapamilyas sa PinoyExchange!

    *Hindi pa tayo tapos dito! Abangan pa mga susunod na ganap :)*

    Hanggg taray!!!!!!!

    daming pasabog! :flower: :life:
  • NakuraNakura Moderator PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Heto ang laman ng plastik ^^

    2ii8tnt.jpg

    Ipapamudmod ko na to sa winners ng [email protected] activities next week. Meron din namang something para sa mga kapamilya na di nanalo :)
  • NakuraNakura Moderator PEx Influencer ⭐⭐⭐
    By the way, lahat ng album na yan may autograph ni Jovit :D hehehe
  • xzzzxzzz Member PBB Otso Quiz Night Big Winner 🏠
    Wow naman!
  • NakuraNakura Moderator PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hello mga Kapamilya PExers!

    Narito na ang mga video greetings mula sa mga kapamilya artists :)

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    The Voice of the Philippines host, Toni Gonzaga!
    [video=youtube_share;EkQ408zEFGI]

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    Enrique Gil
    [video=youtube_share;0tjXzAoLfHg]
  • xzzzxzzz Member PBB Otso Quiz Night Big Winner 🏠
    Oh my God nakakakilig naman yan! Marami pa bang videos?
  • KoolKatzKoolKatz Member PEx Rookie ⭐
    Napadpad ako sa KPEX para maki-update sa latest tungkol sa ABS-CBN in terms of upcoming shows and ratings at nakikibasa rin sa komento ng mga kapamilya fans tungkol sa mga kaganapan sa network. Nung nagtagal, naging pamilyar sa akin ang regular posters dito at pati ang iba nilang kaalaman. Iba-ibang personalidad ang makikita dito. Nakakaaliw sa KPEX and at the same time, marami kang matutunan. :)
  • KoolKatzKoolKatz Member PEx Rookie ⭐
    May nakatago pa kaya dito? :hiya::glee:
  • Yayang_ApiYayang_Api Yaya ni Jo In Sung PEx Rookie ⭐
    UP!!!!! :rocker:
  • _alexxx__alexxx_ Alex Paul Graham witNaHopia PEx Guru 🎖️🎖️
    _alexxx_ wrote: »
    Dahil Diary naman itey, ito yung mga KAPAMS naging CRUSH ko nuon at ngayon (pwedeng pinagpantasyahan na rin) :glee:

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]1. Papa Crazpy
    2. Globie
    3. Firebird
    4. Kirkegaard
    5. Papa MG (sa LMTV)
    6. Papa_P
    7. Coldfist_Ace :hiya:[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]


    :glee:

    bwahahahahahahah

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file