Home PEx Chat Small Talk

pano pumunta sa 55, Maginhawa St., Teachers Village, Diliman, Quezon City

pano pumunta sa 55, Maginhawa St., Teachers Village, Diliman, Quezon City kung galing akong cavite....salamat...!

Comments

  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    para maginhawa biyahe. meron diyang van sa cavite na papuntang tagaytay. sakay ka lang, tapos baba ka muna sa mushroom burger, o mag bulalo ka, sarap nun.

    pag dating mo tagaytay,sakay ka ng cubao, baba ka sa guadalupe. tapos mag taxi ka papuntang NAIA Terminal 1. Inquire ka dun, ask mo yung flight papuntang maginhawa st. ayos na yun.
    :rotflmao:

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    Cavite City
    Drive/Taxi to Tirona Hiway
    About 20 mins (16.3 km)
    Tirona Hiway
    Dasmarinas-Plaza Lawton Bus towards Dasmarinas
    12:47pm - 1:05pm (18 mins, 2 stops)
    Naia Terminal
    Grotto-NAIA via Commonwealth Bus towards NAIA Terminal
    1:10pm - 1:37pm (27 mins, 6 stops)
    Buendia
    Walk to Buendia
    About 1 min (6 mins to make transfer)
    Buendia
    MRT Line 3 Tram towards North Avenue
    1:43pm - 1:58pm (15 mins, 6 stops)
    Araneta Center-Cubao
    Walk to Araneta Center Cubao
    About 1 min (6 mins to make transfer)
    Araneta Center Cubao
    FTI-Grotto via EDSA Fairview Lagro Tungko Commonwealth Bus towards Tungko
    2:04pm - 2:13pm (9 mins, 2 stops)
    Philcoa
    Walk to Maginhawa, Quezon City
    About 21 mins (1.6 km)

    https://maps.google.com.ph/maps?q=cavite+to+55,+Maginhawa+St.,+Teachers+Village,+Diliman,+Quezon+City+maps&bav=on.2,or.r_qf.&bvm=bv.48705608,d.aGc&biw=1280&bih=899&um=1&ie=UTF-8&hl=en&sa=N&tab=wl

    [/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • Damoozack123Damoozack123 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pa tattoo ka brad?
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    magpapa tatu si koya TS :lol:

    wag kang pumunta ng lunes, sarado sila nun

    pero baka hindi naman, baka kakain lang sya sa tomato kick o kaya bibili ng used/2nd hand books
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung magpapatatu ka, hindi na pala sila dyan :lol: same street lang din naman yung nilipatan
  • gusto ko sana magpa tatu kaso wala pa akong budget...,bibili lang ako ng damit...!diba pag galing akong imus sakay lang ng bus pa pasay tapos sakay ako ng MRT tapos baba ako ng cubao pagkatapos non sakay na ang sakay ko.......?salamat sa mga sumagot :)
  • pa tattoo ka brad?

    yyess.. alam ah! :glee:
  • santolan station ka bumaba, tapos magtricycle ka papuntang maginhawa, wala atang jeep na dumadaan dun
  • santolan station ka bumaba, tapos magtricycle ka papuntang maginhawa, wala atang jeep na dumadaan dun


    Sa iyong pagbaba sa istasyon ng Santolan-LRT, may matatanaw kang isang pulis na matangkad at mataba na nakatayo lamang at hindi halos gumagalaw dahil wala namang dapat asikasuhin sa kalsada.

    Lapitan mo at ito ang iyong wikain:

    Ginoong Pulis-patola na ang buwanang suweldo ay nanggagaling sa aming mga buwis, ako bilang isang masunuring mamamayan ng Republika ng Pilipinas ay kusang-loob na lumapit sa iyo upang humingi ng tamang paraan ng pagpunta sa kalye Maginhawa sa Lungsod ng Quezon.

    Ikaw naman bilang isang kasapi sa Pambansang Kapulisan na wala naman halos nagagawa sa ikabubuti ng ating bansa ay inaasahan kong hindi ako ililigaw, bagkus ay matimyas mong ipagkakaloob sa akin ang aking mithiin. Sa ngayon, ang nalalabi ko na lamang salapi ay labinlimang piso. Kung sa iyong maigsi at hindi maaasahang pananaw ay kakapusin ito, harinawang punuan mo ito kahit isandaang piso man lamang upang makarating ako sa aking paroroonan.

    Ano mang tulong na maipagkakaloob mo sa akin ay tatanawin kong malaking utang na loob. Pagbalik ko sa aking nayon, kagya’t kong pupulungin ang aking Barangay upang bigyan ka ng papuri. Ibibilin ko rin sa aking mga kamag-anakan na alalahanin ka sa kanilang mga anak ng sa gayon, ang iyong pangalan ay mapabilang na sa kasaysayan ng naghihikahos na Pilipinas.

    Maraming Salamat sa iyo Ginoong Pulis-patola!
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    gusto ko sana magpa tatu kaso wala pa akong budget...,bibili lang ako ng damit...!diba pag galing akong imus sakay lang ng bus pa pasay tapos sakay ako ng MRT tapos baba ako ng cubao pagkatapos non sakay na ang sakay ko.......?salamat sa mga sumagot :)

    sumakay ng bus na may rutang sm fairview at magpababa sa philcoa, sa philcoa, magtanong kung anong tricycle ang sasakyan papunta dun

    anlayo naman ng santolan sa philcoa :bop:
Sign In or Register to comment.