Proposal stage: No more mandatory drug tests — PinoyExchange

Proposal stage: No more mandatory drug tests

saw this link from another forum site:

http://www.philstar.com/bansa/2013/06/20/955936/p300-p400-mandatory-drug-test-tanggal-na

and the link states thus:

P300-P400 mandatory drug test tanggal na
Ni Malou Escudero

MANILA, Philippines - Tinanggal na sa batas ang mandatory drug test na nagkakahalaga ng nasa P300 hanggang P400 para sa mga kukuha o magre-renew ng driver’s license.

Ito ang paalala ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III alinsunod sa nakapaloob sa Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Ayon kay Sotto, hindi maaring igiit ng Land Transportation Office (LTO) na hindi nila susundin ang batas at itutuloy pa rin ang mandatory drug testing dahil tinanggal na ito.

Sa bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Aquino kamakailan, ang sasailalim na lamang sa drug test ay ang mga drivers na nasangkot sa aksidente o pinaghihinalaang lasing o nakagamit ng ilegal na droga.

Sabi pa ni Sotto na ng ipasa nila ang batas tungkol sa dangerous drugs kinontra niya ang probisyon tungkol sa mandatory drug testing bago makakuha ng lisensiya dahil hindi naman ito makakatulong sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot at posibleng magamit pa para pagkakitaan ang mga drivers.

Ipinaliwanag pa niya na hindi naman “conclusive” pag nagpositibo sa droga ang isang nagpa-drug test dahil posibleng nagpositibo lamang ito matapos ang ilang araw na pag-inom ng gamot para sa ubo o sipon.

Napatunayan na rin umano na hindi epektibo ang mandatory drug testing sa mga kumukuha ng lisensiya dahil mula 2002 hanggang 2007 o limang taon lumabas na 0.06 porsiyento lamang ang nag-positibo sa droga.


yehey!

pero hindi pa raw implemented. meron pa rin drug testing, hinihintay pa raw ang IRR or kasulatan.
Sign In or Register to comment.