Pag nabangga ka, tama bang kunin mo ang license nung nakabangga sayo?

jazzmine22
Non-Member
Nabasa ko kasi sa do's and don'ts sa kabilang thread during an accident, huwag mo daw ibibigay ang license mo sa kabilang party.
Eh paano kung ikaw ang binangga out of nowhere? Then, nagpirmahan kayo ng settlement kaharap yung pulis, kasi aminado yung nakabangga sayo na siya may kasalanan, at sasagutin niya lahat ng gastos sa pagpapa repair nung sasakyan mo. Para maka sigurado ka, kinuha mo yung license niya, tama ba yun?
Kung hindi kasi tamang hindi kukunin ang license niya, ano ang assurance mo na hindi ka tatakbuhan nung nakabangga sayo?
malaki yung sira ng sasakyan, siguro about 20-50k ang repair. Wala na ring comprehensive insurance, since it's a 2002 model, pero very nice pa, hindi siya talaga laspag na car.
Yung nakabangga old model na eh, I think it's 1995 mga ganun.
need your inputs TIA.

0
Comments
-
thanks Kelunji, actually mabait naman yung nakabangga ng sasakyan, maayos kausap, kaya sinoli ko na yung license niya kahapon, ni scan ko lang before ko isoli, kasi binigay naman niya ng kusa.
sa sobrang bait nga nung nakabangga, pati sasakyan niya iniwan dito sa amin, ayaw na kasing umandar, at nasira radiator
Naisip ko na lang din itanong for reference, pero huwag naman sana maulit.
thanks ulit ha.0 -
Kunin ang detalya ng kanyang licencia pero wala kang karapatang i-CONFISCATE ang kanyang licencia. Maski MMDA walang karapatang mag-CONFISCATE ng licencia!!
Kung fully insured ka, detalya lang ng licencia ang kailangan mo. Bahala na ang insurance mo maghabol sa nakabangga sa iyo na umamin ng pagkakamali
--sent from my Samsung Galaxy S40 -
0
-
Thank you sa inyo JT and Nietono, thanks for your feedback.
Yung bumper nung car, walang tama yun ng bangga, as in smooth bago niya banggain, eh ngayon yupi na, naaawa naman ako dun sa nakabangga, na papalitan namin ng bago, kaya pina repair ko na lang, tutal old model naman na.
Basag din ang ilaw sa left side, yupi yung tagiliran.. naawa nga ako bigla kay nissan, kasi first time niyang mabangga in 11 years of existence.
Aksidente eh, hindi din naman niya ginusto, basta sana lang, bayaran na lang niya in full yung pagpapa repair, para mag serve na rin na lesson sa kanya, maging maingat na siya sa susunod.
Lucky for us na nga lang din, na maayos kausap tong naka aksidente sa amin, kasi kung iba iba to, it's either kamot ulo ang isasagot sayo, o uunahan ka ng galit para mabaligtad ka.
Thank you ulit sa inyo.0 -
Nga pala guys, tama ba yung nasagap ko sa ibang forum, na in case yung nakabangga sayo eh takbuhan ka, pwede mong isubmit sa LTO yung plate no. niya, at i report mo na "hit and run", para hindi sila makapag pa renew ng rehistro, ngayon mapipilitan silang bayaran ka, para lang ma clear yung plate no.
is that true?0 -
jazzmine22 wrote: »Nga pala guys, tama ba yung nasagap ko sa ibang forum, na in case yung nakabangga sayo eh takbuhan ka, pwede mong isubmit sa LTO yung plate no. niya, at i report mo na "hit and run", para hindi sila makapag pa renew ng rehistro, ngayon mapipilitan silang bayaran ka, para lang ma clear yung plate no.
is that true?
Not sure about the non-renewal, but if you got the plate number, you can give it to the police, have them find the address of the owner and at least get them to pay up. At worst you can file a criminal case and the police and the courts could impound the car as evidence.0 -
^ kaya malaking tulong din ang mga cam phones, at least in a snap you can take pictures as evidence.
Thanks once again Kelunji.
Huwag naman sana namin magamit.0 -
deleted deleted0
-
jazzmine22 wrote: »Nga pala guys, tama ba yung nasagap ko sa ibang forum, na in case yung nakabangga sayo eh takbuhan ka, pwede mong isubmit sa LTO yung plate no. niya, at i report mo na "hit and run", para hindi sila makapag pa renew ng rehistro, ngayon mapipilitan silang bayaran ka, para lang ma clear yung plate no.
is that true?
according to a relative (retired LTO regional director) pwede mo gawin yan, pero sa sobrang inefficient ng data keeping at follow up ng mga empleyado, hit and miss din, kung masipag ka mag follow up at kung may kilala ka sa loob mahirapan nga mag renew ng reg. ng sasakyan and lisensya yung driver( kung marami na siyang kaso) kung aasa ka lang sa galaw ng LTO, olats!0 -
Late reply but what the hell.. Nobody has the right to take the driver's license unless police sya.
What you can do is get the details of the person which is indicated in the license.
Ang mentality kasi ng tao kapag meron banggaan eh hanapan ng clearcut reason para masisi yung nakabangga. More often than not ang unang hinahanap eh license and registration kasi kung wala or expired yung mga yan eh hindi na makakapalag yung tao regardless kung kasalanan nya yung incident or not.0 -
jazzmine22 wrote: »Nga pala guys, tama ba yung nasagap ko sa ibang forum, na in case yung nakabangga sayo eh takbuhan ka, pwede mong isubmit sa LTO yung plate no. niya, at i report mo na "hit and run", para hindi sila makapag pa renew ng rehistro, ngayon mapipilitan silang bayaran ka, para lang ma clear yung plate no.
is that true?
What if yung plate ay fake pala? Tapos nung hinanap sa LTO ibang car at address pala?0 -
you shouldnt give your license to the other driver. do not move your vehicle. wait for a traffic enforcer and report the traffic incident. it would be better to take picture of the incident.0
-
Thank you so much Cuch, Majorpain and Gotta lick it for the tips.
Rouge, hmm, oo nga, you have a point.
Naswerte lang talaga kami kasi mabait yung nakabangga sa amin, dinala pa niya yung money sa bahay, samantalang yung tito ko, yung bumangga sa kanya, pinahirapan pa siyang kunin yung money sa alabang, tapos twice pa niya binalikan.
Okay na ulit yung Nissan frontier namin, wala ng bakas ng pagkakabunggo, ganun pala yun noh, naayos ulit na parang walang nangyari LOL, gumastos din ng 30K.
Ingat ingat sa lahat, malamang yung naka bunggo sa amin, nakatulog.0 -
^ si nissan frontier namin kahit 2002 pa siya, hindi siya bulok na car. Very shiny pa ang paint niya like new, ganun kami ka ingat sa sasakyan, maalaga kami sa maintenance.
Once a month lang siya magamit, or kapag may mga out of town lang ang family.
ang odo reading niya ay 30,000 lang.
Binibili pa siya ng kakilala namin for 530,000 kasi nga alam niya kung gaano kami kaingat sa mga sasakyan. Ayaw ko lang ibenta kasi may sentimental value na.
Anyhow, this thread naman eh hindi lang sa "bulok na sasakyan", perse pero maibahagi ang karanasan mo at kung ano ang gagawin mo kung nabangga ka. Hindi naman lahat ng may sasakyan eh bulok ang minamaneho0 -
-
0
-
^ 50/M Recto, asl pls? Hi pogi, wanna have some fun?.0
Welcome to PinoyExchange!
Forums
- 4.5K All Categories
- 27K PEx Sports
- 56.7K PEx Local Entertainment
- 30.4K PEx International Entertainment
- 41.7K PEx Lifestyle
- 26.8K PEx Hobbies
- 64.1K PEx News and Tech
- PEx Business and Careers
- 44.5K PEx Family and Society
- 25.3K PEx Relationships
- 13.1K PEx Chat
- 29.5K PEx Campus
- 32.3K PEx Classifieds
- 703 PEx Community
In this Discussion
- jazzmine22 8 posts
- parrot13 4 posts
- kelunji 2 posts
- cuch 1 post
- TheUninvited 1 post
- Nietono_no_Shana 1 post
- djaynitor 1 post
- gotta lick it 1 post
- RougePercer 1 post
- MajorPain 1 post