Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

GERALDINE TAN ~ Lead star of the hit movie THE PATTERN

Geraldine Tan mababa ang tingin sa mga Pinoy full article

MANILA – Hit na hit ngayon ang pelikulang The Pattern sa Youtube. Malapit nang maging 3 million views kaya naman ang mga ayaw panoorin ang movie sa internet, inaantay nila ang official playdate nito sa mga sinehan.

At dahil sikat na sikat ang movie na ito, tila iniintriga ang buong cast. Isa na rito ang kanilang lead star na si Ms. Geraldine Tan.

Noong nakaraang linggo lamang ay may nakarating na cheesemacs sa amin. May mga audition groups kasi sa facebook ang nagsabi na isang racist ang magaling na aktres. Mababa daw ang tingin nito sa kanyang kapwa Pinoy; particularly, Filipino men.

Sa isang casting call at audition group sa facebook, nai-post daw ang interview ni Geraldine para sa kanyang pelikula. Marami daw ang bumati sa kanya at natutuwa dahil sa trailer pa lang, mukhang maganda nga. At may isang lalake na biglang nagkomento sa kanyang interview clip na sabi pa nito na ang maganda lang sa video ay ang background.

Ang cheesemacs ay sinabihan raw ng The Pattern lead star ang lalake na nagkomentaryo:

‘Excuse me. Mukha kang unggoy. Walang sinabi ang lahi mo sa mga Caucasians.’

Naloka daw ang lalake matapos mabasa ang reply ni Geraldine. Agad agad daw itong nagdahilan na wala naman daw siyang masamang ibig sabihin. Nagandahan lang daw talaga siya sa background ng interview clip.

Matapos ang nangyari na yun, pinagkakalat ng lalake sa iba’t ibang groups na ang lead star ng The Pattern na si Geraldine Tan ay isang racist at mababa ang tingin sa kapwa Pilipino.

Sa ngayon ay sinusubukan pa namin makuha ang panig ng aktres para mabigyan ng linaw ang lahat lahat.

Si Geraldine Tan ay isang magaling na aktres sa telebisyon, teatro at pelikula. Nagkaroon siya ng multiple nominations noong 2009 sa Cinemanila. Isa rin siyang Brillante Mendoza baby dahil nakagawa na siya ng pelikula mula sa direksiyon ng nasabing award-winning director. Marami na rin siyang mga drama series na ginawa sa ABS CBN Channel 2 Kapamilya at GMA 7 Kapuso. Sa teatro naman, kilalang kilala siya ng mga magagaling na aktor at direktor.

Ang kanyang hit na hit na movie na The Pattern ay balita ring magkakaroon ng international release sa taong 2013.

Comments

  • http://m.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=544396 Si Geraldine Tan po ito, ang sinisiraan niya sa itaas. Negative publicity lang po ito ni Julius Roden. Desperado po kasi siyang tumawag ng pansin sa kanyang sineng "The Pattern," ma hindi pa rin matuluy-tuloy ang showing, dahil sa mga pagkukulang niya. (Paki search po ang "The Pattern Premiere" o "The Pattern Fillm" makikita niyo po ang iba't ibang mga petsa sana ng showing. Meron daw po sa June 8, pero nawala na ang FB events page nito.)Pinalaki lang po ni Julius Roden ang isang maliit na insidente sa pagitan ko at ng isang taong nang-insulto sa akin. Personal lang na bagay, between two people, at ginawa niyang tungkol sa race. Never ko sinabi ang mga naka quote kuno sa itaas, at never naman ito kinalat ng lalaking kinainisan ko. Natapos po doon mismo ang pangyayari. Si Roden lang ang nang-iimbento ng mga ito. Pinay din nga naman po ako, bakit ko naman po iinsultuhin ang sarili ko? Pakitingnan din po ang link na pin-ost ko. Super desperate si Roden, na nag post siya na magkaka-film festival siya ng mga sariling film niya. Sino po bang may matinong utak ang gagawa ng ganyang ka pathetic na "film festival" kuno? At katulad ng showing ng "The Pattern," hindi din po natuloy. Di po dapat paniwalaan ang mga pinagpopost ng taong ito, na walang credibility. Maraming salamat po sa panahon ng mga nagbasa nito. Salamat po. P.S. Pin-ost ko po ang link uli ng "Julius Roden Film Festival" isa pang post sa ibaba, para sa mga hindi nakaka-copy-paste. Salamat po.
  • http://m.youtube.com/watch?v=0pFjIJWa5Q0 Si Geraldine Tan po ito. Ito po ang link sa aming "World Con" kuno, sa AFS Hall daw ginanap...eh sa maliit lang na studio po ito ginanap, sa QC. Wala nga pong mga press nung araw na yun. Ang kaibigan niya lang at ang kasama ko ang pinapanggap na press. Bago ng interview, sinabi ko kay Roden na wag na siyang magpanggap na kung saan pa nangyari ang press con.Kaya nga never ko shin-are ang interview na ito. Nakakahiya kasi. Kasi ganyan po siya, di nakikinig sa payo o common sense. Gagawin ang gusto niya. Ito nga, niloloko niya ang mga manonood niya sana. Hindi niya kayo nirerespeto. Salamat po sa inyong panahon.
  • http://cheesemacs.biz/2013/05/25/geraldine-tan-says-she-is-not-a-racist-says-julius-roden-is-a-rumor-mongerer/ Si Geraldine Tan po ito uli. Pakitingnan po ang link na ito. Si Roden po ang may-ari ng site na ito, na kunwari ay legit na showbiz page. Nung pin-ost ko ang pagtatanggol ko ng sarili ko sa ICAP na FB group, kung saan ko unang nakita ang isa pang link sa paninira sa akin, pin-ost ni Roden ang mga post ko. Mabuti alam ng mga nag-comment na publicity stunt lang itong pangalawang article kuno. Eh kaso, ang unang article, na naninira, pinaniwalaan na ng iba. Hindi nila alam na stunt lang yun. Eh pano na ang mga taong naniwala na, at galit na sa akin?Wala siyang pakialam sa mga consequences ng mga gawain niya, kahit masaktan ang ibang tao. Salamat po sa panahon ninyo.
  • http://m.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=544396 Ito po ang link tungkol sa "Julius Roden Film Festival." Hindi po nag mukhang link kasi po sa itaas. Salamat po. Geraldine Tan
  • Si Geraldine Tan po uli ito. May maling impormasyon pa nga po tungkol sa akin sa itaas. Never po ako na involve sa Cinemanila, at mas lalo pa pong hindi ako na nominate doon. Ito po ang aking filmography sa official imdb.com page ko, bilang patunay: http://m.imdb.com/name/nm3206153/filmotype/actress Imdb lang po mismo ang nakakapagpost o edit ng mga filmography. Ang lakas ng loob pong manira sa akin...eh kung pagdating pa nga lang sa basic info ko, mali na po. Inaccurate po talaga. Maraming salamat po sa panahon ninyo. P.S. Pin-ost ko po uli ang link sa ibaba, para sa mga hindi nakaka copy-paste.
Sign In or Register to comment.