COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Anyare sa the lady boss nina marian and richard gutierrez????

temptationofwifetemptationofwife Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
anyare sa the lady boss nina marian and richard gutierrez???? Bucket di natuloy ang palabas na to sa mga sinehan????
«134

Comments

  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Intay-intay lang po tayo.

    734446_408223839265594_1547694194_n.jpg
  • cuttieangelcuttieangel Member PExer
    YanDongo wrote: »

    How soon is soon ng coming soon nila? MMFF 2014 ba? kase yung isang movie nya with Ai-ai sa MMFF 2013.
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Marian-Richard movie ‘in trouble’

    Published : Thursday, May 02, 2013
    Written by : Mario Bautista

    WHATEVER happened to GMA Films’ Richard Gutierrez-Marian Rivera movie, “My Lady Boss?” It was supposed to open in theaters on April 10 but it had to be postponed as “It Takes a Man and a Woman” proved to be a monster hit and Star Cinema wouldn’t want to give up any of the theaters assigned to them.

    We’re told GMA Films couldn’t get any other playdate after that. May 1st, a very good playdate as it’s a holiday and April 30 is payday, was given to Regal’s “The Bride and the Lover.” When we asked someone as to when it’ll be re-scheduled, we’re told they don’t know yet. “Baka sa July na.”

    We hope GMA Films will realize that the numerous postponements might hurt the movie’s chances of making it good at the box office. As it is, the publicity and the promo for the movie have already been derailed. Nadiskaril. Too bad as the feedback on it after it had its first presscon in early March was very positive. Then, nothing’s been heard of about it later. The more they delay its release, the more it’ll hurt the movie. As one writer observers: “Baka mabantilawan na ‘yan. Kawawa naman sina Richard at Marian.”
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Malabo ang dahilan…
    by Xposed/Roldan Castro May 2, 2013

    244641_BnMainPGThumb.jpg

    KUNG anu-anong version na ang naglalabasan dahil hindi detalyado ang dahilan ng paglayas ng Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera sa kanyang manager na si Popoy Caritativo .

    Kesyo tutol raw si Popoy sa desisyon nina Marian at Dingdong Dantes na magpapakasal na diumano sa December.

    May kumakalat ring tsismis sa kampo ni Popoy na nag-influence raw si Dingdong na iwanan na ni Marian ang kanyang manager. Pero nu’ng presscon ni Yan ay buong ningning niyang nilinaw na walang kinalaman si Dong sa ginawa niyang desisyon.

    Balita rin na nag-iiyak si Popoy sa Regal Producer na si Mother Lily Monteverde nu’ng mag-dinner sila dahil sa paglayas ng kanyang alaga pero gaya nu’ng iwanan ni James Blanco si Popoy, wala itong statement at nananatiling tahimik.

    Samantala, nakatsikahan din namin si Mother Lily sa pa-presscon niya sa isang politician at kagagaling lang noon sa presscon ni Marian. Tinanong siya kung kanino siya kampi – kay Marian ba o kay Popoy?

    Mukhang nakikisimpatya si Mother kay Popoy. May hinaing nga siya kay Marian dahil dalawang beses na raw itong nag-breach of contract sa kanya dahil exclusive contract star ito ng Regal Films. Una ay sa may ‘Lady Boss’ nila ni Richard Gutierrez na napilitan na lang raw siyang makipag-join sa GMA Films bilang pakikisama sa network. Pangalawa ay sa movie ngayon na ginagawa nila ni Ai Ai delas Alas na Kung Fu Diva.

    Dapat rin sigurong makipag-usap si Marian kay Mother Lily at ang Triple A ni Mr. Antonio Tuviera na humahawak sa career niya para maayos ang reklamo ni Mother.
  • cordial7cordial7 Home PEx Influencer ⭐⭐⭐
    YanDongo wrote: »

    Tama!!! hintay hintay lang tayo... pinapaganda nang husto ang movie na MY LADY BOSS. Huwag tayo mainip :)
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Oh. C’mon!
    By Gerry Ocampo
    Wednesday, May 8, 2013


    AYAW MAKISAWSAW ni Dingdong Dantes sa pagkalas ni Marian Rivera sa manager nito na si Popoy C. at wala raw katotohanan ang balitang magpapakasal na sila ni Marian sa December.

    Kung anuman daw ang isyung namagitan sa girlfriend niya at sa manager nito ay wala siyang nalalaman at labas siya sa naging desisyon ni Marian.

    Basta whatever daw na desisyon ng girlfriend ay nasa likod lang siya at nakasuporta. Kung ano raw ang ikasisiya ni Marian, nandoon siya at hindi tututol.

    Pero ang gumulat sa ilan press na nakausap ng manager ni Dingdong na si Perry Lansingan nang hingan ng reaction na ang alaga raw na si Dong ang dahilan ng pagkalas ni Marian sa manager nito na si Popoy?

    For sure daw ay walang kinalaman ang alaga niyang si Dong sa pagkalas ni Marian kay Popoy. Although may alam daw ito sa pagkalas ng actress sa manager, pero mas gugustuhin na lang daw ni Perry na tumahimik at hindi na magsalita dahil may masasaktan lang daw.

    Well, maaaring sa darating na araw ay mapilitan na ring ibulgar ng manager ni Dingdong ang isa sa dahilan ng pagkalas ni Marian kay Popoy kapag pilit na isinasangkot ang actor sa split up ng actress sa manager nito.

    Payo naman ng mataray naming kasamahan sa panulat, dapat na raw mag-move on ang manager ni Marian at tigilan na ang pag-iyak at paghingi ng suporta sa mga kasamahang manager din.

    Although hindi naman daw masisisi ang manager ni Marian na maghinagpis dahil daw diumano na malaking commission ang nawala sa manager sa pag-alis ng actress sa poder nito.

    Samantalang may payo rin ang mataray na kasamahan namin sa panulat kay Marian. Dapat daw noon pang kasikatan at medyo bata pa naisipan nitong magpalit ng manager.

    Baka raw sa paglipat nito ngayon na medyo may edad na ay tuluyan nang bumagsak ang showbiz career.

    Ang senyales daw ng pagbagsak ng actress ay kapag hindi kumita sa takilya ang movie nito sa Regal Films kapartner si Richard Gutierrez na urong-sulong kung kailan ilalabas sa mga sinehan.
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Medyo may linaw na po. :)

    Richard Gutierrez still mum on rumored network transfer
    By NR Ramos
    Published: May 8, 2013

    2013_05_08_01_33chard%20mb.jpg

    Richard Gutierrez is adamant in keeping quiet about his career plans amid persistent talk about him supposedly bolting GMA-7 soon to sign up with another network.

    Gutierrez has consistently said he is not in the position to discuss the matter though he revealed that he and his family have been talking about what's "best for me," as quoted by PEP.

    The actor explained that a big part of his continued silence is out of "respect" for the Kapuso network, which he considers home for most of his career.

    “Siyempre, right now, naka-concentrate ako (sa work) dahil nga GMA is, you know, has been there for me,” he said.

    Rumors about Gutierrez' alleged plan to leave GMA resurfaced after other Kapuso stars like real-life sweethearts Marian Rivera and Dingdong Dantes were also buzzed about to be mulling a possible transfer to another network. Rivera recently left manager Popoy Caritativo and signed with Triple A Management.

    Gutierrez would rather not comment on the matter though.

    “Siyempre nagulat ako nung nabalitaan ko na wala na siya kay Popoy. Pero ayoko na ring mag-comment kung anuman ang nangyari sa kanila kasi hindi ko rin alam, e," Gutierrez said in the same PEP article.

    Gutierrez and Rivera appear together in "My Lady Boss," which was set to screen last month but moved to a July playdate. Gutierrez refused to answer questions about the development.

    “Actually sila yata dapat ang tanungin, sina Joey Abacan (GMA Films executive)... excited na nga kami ni Marian na maipalabas yung movie, e, pero we’re just waiting for the right time.”
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    PEP ALERTS

    Sa July 3 na raw ang final playdate ng My Lady Boss, ang pelikulang pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera para sa GMA Films. Dalawang beses na-postpone ang showing ng pelikulang ito na ikalawang pagtatambal din nina Richard at Marian.
  • simpletruthsimpletruth Member PExer
    ayon malapit ng magshowing, wag kasing masyadong mainipin, patience is a virtue!:)
    kaloka kayo!
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Reyted K
    By RK VillaCorta
    Friday, May 17, 2013


    TALUNAN SI Anabelle Rama sa kanyang pakikipaglaban sa 1st District ng Cebu sa pagka-kongresista over Raul del Mar nitong nakaraang eleksyon.

    Pero as a Cebuana fighter, tuloy ang laban ng ina nina Ruffa at Richard Gutierrez sa 2016 sa pangakong babalik muli sa laragan ng politika.

    Sa muling pagpaparamdam niya sa showbiz after almost six months of absence, ano kaya ang naghihintay sa anak niyang si Raymund na natigbak na ang dalawang show (Hot TV at Party Pilipinas); kay Ruffa na until now ay inaabangan namin ang muling pagiging aktibo niya sa telebisyon at kay Richard na hindi na natuluyan ang pagpapalabas ng pelikula nila ni Marian Rivera na My Lady Boss (na nag-backout a few days prior to scheduled release) kahit may regular television show ang binata na Love and Lies sa Kapuso Network na hindi pa rin sumasampa sa rating games.

    But what I really missed is Ruffa na sana ay maging aktibo muli sa showbiz.
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Reyted K
    By RK VillaCorta
    Sunday, June 16, 2013
    Pinoy Parazzi


    Richard-Gutierrez1-300x300.jpg

    GOODBYE SA pagkabinata kung sakaling totoo ang balitang kumakalat na buntis na diumano ang girlfriend ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

    Kumalat ang balita last week sa pamamagitan ng blind items sa iba’t ibang mga social network na give away, na ang clue ay ang isang young star (take note, hindi aktor huh!) na tila inactive sa kanyang showbiz career at mas gusto ay asikasuhin ang kanyang buhay pag-ibig sa kontrobersiyal na girlfriend.

    Maging si Ruffa Gutierrez, nagulat sa balita. Wala pa raw siyang alam dahil noong nakaraang pagkikita nila ng kapatid sa kanilang family vacation, hindi nila ito napag-usapan (ang pagbubuntis ni Sarah) at happy silang magpa-pamilya.

    Yesterday (Sunday) early morning habang nage-FB kami, nag-iwan kami ng mensahe sa publicist ni Richard na si Jun Lalin and asked him about the rumoured pregnancy of Sarah. While writing this co-lumn, we got no reply from Jun Lalin.

    Kung sabagay,kung totoo mang buntis si Sarah, not bad for Richard dahil nasa marrying age na rin naman siya at doon din naman patutungo ang career niya na ngayon ay halos walang plano ang Kapuso Network sa kanya at ang nabantilawang pelikula nila ni Marian Rivera na [highlight]My Lady Boss[/highlight] na nag-urong-sulong sa pagpapalabas nito ay isi-showing na rin sa wakas.
  • Gurang RiveraGurang Rivera Baywatch 90s PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ma mu- move na naman ang movie ni marian kasi soon na ang movie ni angel with bea at toni. :bop:
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Marian, ayaw makipaglaban kay Mother Lily
    GORGY RULA
    JUNE 20, 2013 THURSDAY
    ABANTE TONITE

    NGAYONG araw ang press conference ng My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera at maraming isyu ang dapat na sagutin ng dalawang bida.

    Sa Hulyo 3 na ang showing nito at mukhang mag-iingay uli ang naturang pelikula dahil sa mga kinasangkutang intriga ng dalawa.

    Curious kami kung sasagutin ni Richard ang bakasyon sa Dwitzerland, at ang tungkol sa kalagayan ni Sarah Lahbati.

    Sana, sagutin na rin ni Richard kung ano ang plano niya sa kanyang career pagkatapos ng kontrata niya sa GMA 7.

    Totoo bang sa ABS-CBN 2 siya lilipat?

    O isang taon siyang mawawala dahil mag-aaral siya ng directing sa Switzerland?

    Inaabangan din namin ang posibleng pagkikita nina Mother Lily Monteverde at Marian Rivera na napabalitang merong tampuhan ang dalawa.

    Pagkatapos namin inilabas ang hinaing ni Mother Lily kay Marian at ang sagot ng huli, tumawag sa amin si Mother Lily para sagutin ang mga pahayag ng aktres.

    Ramdam namin ang tampo ni Mother Lily kay Marian.

    “Ang tagal ko na sa showbiz, and I don’t lie. I’m not lying,” pahayag ni Mother Lily.

    Pinanindigan nitong si Marian daw mismo ang tumanggi sa project na inalok niya na isasali dapat sa Metro Manila Film Festival, kasama si Judy Ann Santos.

    “Ako, I don’t lie,” sabi pa niya uli sa amin. “Magkaharap kami, nandiyan si Roselle (Monteverde-Theo), sa Starbucks kami. Siya mismo ang nagsabi na gusto niya, solo,” himutok ni Mother Lily.

    “Nabasa ko sulat mo. I know publicist ka ni Marian, I understand that. Pero huwag siya mag-deny.

    “Hindi si Mr. Tuviera o si Rams (David) ang nagsabi sa akin. Siya mismo,” sabi pa uli ni Mother Lily sa amin.

    marian.jpg

    Ipinaliwanag ko kay Mother na hindi ako publicist ni Marian. Wala akong natatanggap na suweldo bilang publicist ng aktres.

    Kaibigan ko si Marian at mabait siya sa akin, marunong ito makisama at hinihingi ko lang ang panig niya sa mga isyung hinaharap nito. Gusto ko ring balanse ang pagbabalita kahit paano.

    Mahal na mahal ko si Mother Lily kaya pinakinggan ko ang lahat ng mga sinabi niya at hinanakit sa aktres.

    Hindi ko na ito ipinarating kay Marian at hindi ko na siya hiningan ng sagot dito para ibigay ko muna ang moment na ito kay Mother.

    Malakas ang kutob kong hindi magtatagal ang hidwaan ng dalawa at magkakaayos din sila.

    Alam kong ayaw na ring magsalita pa ni Marian dahil ayaw niyang makipaglaban pa kay Mother Lily.

    Hindi niya puwedeng kalabanin ang producer niya siyempre.

    Kaya mas gusto niyang ang mga taga-AAA na lang ang sumagot nito dahil hindi siya lang ang nasusunod sa mga desisyon pagdating sa kanyang career.

    ***

    Kaugnay pa rin sa isyung ito, tinanong ko kay Mother Lily kung totoong pinakiusapan niya sina Marian na huwag isali sa MMFF ang Kung Fu Divas nila ni Ai Ai.

    “Yes! Because she has a contract with me. May kontrata siya sa Regal,” mabilis na sagot sa amin ni Mother Lily.

    Tinanong ko rin si Mother Lily kung totoong kahit si Juday mismo ay ayaw rin daw munang gawin ang pelikula dahil priority nito ang drama series sa ABS-CBN 2.

    “No,” pakli ni Mother Lily. “Sabi niya, basahin muna niya ang script. Wala siyang sinabing hindi niya gagawin. Basahin daw muna niya script,” dagdag pa niyang pahayag.
  • temptationofwifetemptationofwife Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nakuh ANDUN PALA SI PAPA TOM SA MY LADY BOSS... SANA ME PASSES PARA MAPANOOD KO
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Marian ayaw pagbintangang ginagamit si Judy Ann
    SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 21, 2013

    SCENE: Ang pagkabahala sa mukha ni Marian Rivera sa presscon kahapon ng My Lady Boss dahil nagsalita si Roselle Monteverde na tinanggihan niya ang Metro Manila Film Festival project na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos dahil solo movie ang kanyang gusto. Ang representative ni Marian na si Rams David ang nagparating kay Roselle tungkol sa gusto ni Marian.

    SEEN: Ang pakiusap ni Marian Rivera sa presscon ng My Lady Boss na huwag nang idamay si Judy Ann Santos sa isyu ng tampuhan nila ni Mother Lily Monteverde para hindi sila mapagbintangan na ginagamit si Judy Ann sa publicity ng pelikula nila ni Richard Gutierrez.
  • immortal_badmikeimmortal_badmike Bаnned by Admіn 🥇 Eagle Captain
    ^^

    it's too late girl ! masyadong obvious si mader :glee:
  • poison__ivypoison__ivy Member PExer
    nakuh ANDUN PALA SI PAPA TOM SA MY LADY BOSS... SANA ME PASSES PARA MAPANOOD KO


    Kaya laging flop ang mga pelikula ng mga artistang taga-GME kasi umaasa kayo sa libreng passes. Kaloka kayong taga kamuning network puro na lang kayo libre. Gumastos naman kayo ano!
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    ‘Marian magsabi ka ng totoo’- Mother Lily
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 24, 2013

    aqb.jpg

    Sumabog na si Mother Lily Monteverde. Pinakawalan na niya finally ang mga sasabihin sana niya noong presscon ng My Lady Boss.

    Sabit si Marian Rivera sa mga sinabi ni Mother Lily tungkol sa pelikulang sana ay gagawin nila para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

    Narito ang buong statement ni Mother Lily.

    “This is my message to my beloved entertainment writers who have supported Regal for so long.

    “Marian Rivera is my contract star.

    “I want you to know that I treat her like my own daughter. What she wants, she gets.

    “In fact, I always give way everytime. I always ask GMA 7 to co-produce with us just to show my support for her.

    “As an independent producer, even when I want to produce a movie myself, I go for a joint venture with GMA because Marian is a GMA star.

    “I want her to have good box-office receipts. And we can only achieve that with the network’s push.

    Marian has three film projects left with her Regal contract. Hindi matapus-tapos because she is busy with her TV shows.

    “To tell you honestly, masyado akong nasaktan sa nangyaring ito sa Metro Manila Film Fest. This is the first time in years na walang solo entry ang Regal sa MMFF.

    “Kahit ang entertainment press, they have been calling and asking me: Why? So, I thought, must I tell a lie… again? I don’t want to pretend anymore. Should I keep protecting my stars? Ano ba ang magiging kalagayan namin, ng Regal, kung ganun?

    “I am a cancer patient, so, I want to have peace of mind. I want to justify my conscience, what have I done wrong? I don’t know, but God may call me anytime, so, I want to go in peace naman.

    “And so, I might as well reveal the things that happened between me and Marian Rivera. For the record, I have nothing against her management team, Triple A, or its head, my longtime best friend Tony Tuviera. I have so much love and respect for Tony. But this is what really happened.

    “Three weeks ago, I called Triple A’s Rams David and told him we have an offer for Marian to do a MMFF entry with Judy Ann Santos.

    Matagal bago kami nakakuha ng appointment kay Rams.

    “Rams, my daughter Roselle, and I had a meeting, 9 a.m., at Starbucks in Greenhills two weeks after my first call. We talked and laid out Regal’s plans. That time, Marian was in the U.S. Rams told me he will get back to me.

    “He never did.

    “So, I called him a week after and asked what our status was. According to Rams and I quote: ‘Gusto ni Marian ng solo movie.’

    “In fairness to Juday and Tito Alfie Lorenzo, they never turned me down. Juday said she wants to read the script first. Na tama lang naman. Ready naman ang script namin.

    “But Marian didn’t want to do it. Why? Because she wants a solo movie.

    “Marian breached her Regal contract twice. First, when she shot for this movie, My Lady Boss, without Regal’s knowledge. Nakapag-first shooting day na sila nung malaman namin.

    “So, out of pakikisama, Regal decided to just co-produce this movie with GMA Films.

    “Sinasabi ni Marian na pinagbigyan pa nila ako because I requested that they don’t field Kung Fu Divas in the MMFF?

    “Hindi ako nag-request. Ipinatigil ko because she did that movie with AiAi delas Alas without Regal’s consent.

    “Maging totoo lang sana tayo. Marian, you should tell the truth. You breached your contract with Regal two times.

    “Ganito lang ba talaga ang ano? I really feel sad.

    Hindi ako galit. Ayaw ko lang na ako pa ang lumalabas na sinungaling. I just don’t want to lie and keep my star’s image clean… at Regal’s expense.

    “We must be true to ourselves and talk about truth here. ’Yun lang po. Salamat po!”

    Bukas ang pahinang ito sa anumang sasabihin ni Marian.

    Pero ’di ba kung meron mang may kasalanan sa nangyaring ito, dapat isisi sa handler ni Marian na si Rams David ang nangyari? Ano ba naman ’yung kinausap niya si Marian at pinaliwanagan?
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    Director Jade Castro on the rescheduled playdate of My Lady Boss: “Ang concern nila yung Iron Man 3, dun sila natakot.”

    by Rommel Gonzales posted on June 24, 2013

    40ca8411f.jpg

    “Well, actually po si Yan [Marian] hindi ko first time na ma-direk.

    “Nag-cameo siya sa isa kong pelikula, yung Zombadings 1. Lumabas siya dun bilang arbularyo. So alam ko na na mag-e-enjoy ako kay Yan na isang buong pelikulang kasama ko siya.

    “Si Chard [Richard] first time kong makatrabaho at nagulat ako kung gaano siya kasarap katrabaho dahil tulad ni Yan.

    “He’s a hard worker and he’s very relaxed sa set, at saka pareho kasi silang may ano e, napakaganda ng chemistry nilang dalawa kaya hindi mahirap for me.

    “Nag-enjoy talaga ako ng every day na shooting namin,” umpisang pahayag ni Direk Jade Castro tungkol sa pelikula niyang My Lady Boss na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

    Nakausap ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] si Direk Jade sa presscon ng My Lady Boss nitong nakaraang Huwebes sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

    Supposedly ay noong April sana ito ipapalabas pero na-reschedule nga sa July 3, at may lumabas na isyung iniwasan nila ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo noong Abril.

    “Yun pong paglipat ng playdate ay desisyon po ng GMA Films at ng Regal [Entertainment, Inc.].

    “Ang totoo po, ayon sa kanila, at sinusuportahan naman namin yung desisyon nila, ang paglipat ay dahil naghanap ng mas magandang playdate.

    “Pero nung April din po, kakatapos lang namin ng shooting nun, e. Nagpu-post production pa kami at gipit din talaga sa oras.

    “Pero yung tungkol po sa John Lloyd/Sarah [movie], I think hindi naman nila masyadong concern yun, ang concern nila yung Iron Man 3, dun sila natakot dahil parang ang lakas-lakas nung Iron Man 3.

    “So, hindi pa magandang playdate yung April. Dagdag na nga din po dun yung pinapaganda pa yung pelikula, talaga pong sensible na iurong yung playdate.

    “At ito na nga po, July 3 na po, at ito sigurado na ang lahat na ito na yung best playdate para sa My Lady Boss at tapus na tapos na ang pelikula.”

    Nilinaw rin ni direk Jade na…

    “Isang postponement lang ang nangyari, April 10 dapat, ayun naging July 3.

    Ang expectations niya sa pelikula nila...

    “Hindi ko mahulaan e, pero hoping na tangkilikin ng marami ang palabas dahil mag-e-enjoy sila, dahil nakakatawa siya, romantic siya and ibang Marian at Richard ang makikita ninyo sa pelikulang ito.

    “Nag-e-expect ako ng positive response. Hindi ko lang mahulaan kung ano yung sasabihin ng mga fans pero ang pakiramdam ko, mag-e-enjoy ang lahat.”

    Nag-enjoy rin daw si Direk Jade na panoorin ang ilang ulit na takes ng kissing scene nina Marian at Richard sa pelikula.

    “Actually po hindi ako nahirapan dun, ang chemistry talaga nila from the start, nandun na, and they really work well together, they’re very professional so hindi mahirap gawin yung kissing scene.

    “Hindi ko na sila kailangang bigyan ng maraming instructions, maganda pong lumabas yung kissing scene kasi akmang-akma po dun sa mga pangyayari dun sa kuwento and emotionally very correct and provocative yung kissing scene,” pagmamalaki niya.

    Ang bagay na nadiskubre ni Direk Jade kay Marian habang ginagawa ang kanilang pelikula…

    “Sobra siyang prepared, sa simula pa lang involved na si Marian and nakita ko kung gaano siya ka-professional talaga at gaano siya kabusisi bilang artista.

    “Hindi ko akalain na ganun siya kagaling in terms of preparation.”

    Ang mga isyu na suplada at mataray si Marian ay never nakita ni direk Jade sa aktres.

    “Iyon nga e, maraming nagsasabi tapos hindi ko naman siya, even before sa Zombadings may narinig akong ganun, e.

    “Pero hindi ko talaga nakita iyon and siguro dahil magkasundo din kami ni Yan, para kaming naglalaro pag nasa set kami so hindi ko nakita yung sinasabi nilang mataray o ano.

    “Ang nakita ko, yung sense of humor, ang nakita ko masipag at tsaka collaborative artist,” patuloy niyang paghanga kay Marian.

    Hindi rin daw niya nakitaan ng negatibong attitude si Richard kahit may mga issues tungkol sa personal na buhay ng aktor.

    “Professional din siya pero tulad ng mga ibang mga artists, nakita ko both yung introspective side ni Richard at tsaka yung kanyang growing side.

    “Hindi ko naman nakita na parang meron siyang mabigat na problema kasi hindi naman naging sagabal, parang wala namang naging hadlang sa trabaho niya.

    “Pero nakita ko minsan yung, ito palang si Richard meron din siyang mga quiet moments, meron din siyang... mapag-isip din siya so hindi ako nagugulat dun sa sinasabi na magpi-filmmaking [course] siya.

    “Nabanggit din niya sa akin yun e, na parang gusto niyang subukan. I think bagay nga sa kanya, e,” saad niya.

    Nakikialam ba si Richard sa pagdidirek niya?

    “Hindi. Ako naman kasi as a director collaborative talaga ako, e.

    “So, yung pangingialam na kung tawagin ng iba, para sa akin is collboration.

    “At wine-welcome ko yun. Ganun kaming lahat; si Richard, si Marian din may input tapos nagbabatuhan kami ng ideas.

    “Minsan nire-reject ko pag hindi ko gusto, tapos minsan maganda tapos sinasama namin sa pelikula.

    “Yung personal wala kaming masyadong napagkuwentuhan tungkol sa lovelife niya although one time nakita ko sila ni Sarah [Lahbati], magkasama sila sa ospital.

    “Pero hindi dahil... hindi ko alam... hindi dahil buntis si Sarah, may injury si Chard, naka-wheelchair si Chard, sa Medical City, noon pa yun, nung siguro mga early part of the year.”

    Ang comment ni Direk Jade na since na-delay ang showing nila, sinasabi ng iba na baka hindi na kumita ang pelikula...

    “Hindi ko alam e, hindi naman talaga ako expert pagdating sa hulaan kung kikita o hindi.

    “Parang malaking bahagi kasi dun, marketing, at saka yung tamang playdate, yung ganun. So hindi ko mahulaan.

    “Pero kung ang pagbabatayan lang ay yung quality ng pelikula, kung iyon lang, ang hula ko, tatangkilikin siya,” pangwakas niyang pahayag.
  • YanDongoYanDongo Banned by Admin PExer
    'My Lady Boss', showing on July 3!

    June 26 2013

    Kilalang terror boss, may bagong under na employee! Samahan sina Richard Gutierrez at Marian Rivera as Zach and Evelyn sa My Lady Boss, ngayong July 3 na!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file