Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Loser ako.Ano ba dapat gawin?

124

Comments

  • Alam m TS kaya mo yan, dapat magka self confidence ka lang sa sarile mo at gawin m lahat para maovercome m mga pnproblema mo, Alam mo i have this classmate date mataba sya boyish din tapos lage syang inaasar, ngayun payat na sya ok na sya. even everyday tinutukso sya she still has a confidence sa sarile nya... GO TS
  • lady mintlady mint PEx Influencer ⭐⭐⭐
    dapat maging winner ka na....
  • hindi ka loser TS, yun kasi ang nasa isip mo kaya malamang ganun ka rin tignan ng mga tao sa paligid mo...Mas tamang sigurong isipin na insecure ka dahil at your age sabi mo nga, wala ka pang nararating.. Ano ba ang plano mo sa buhay? Di ba maswerte ka pa nga kase may work ka at kumakain ng maayos at may natitirhan. kung ang simpleng problema mo, tingin mo dapat ng mag-suicide, naiintindihan ko na kung bakit maraming nagpapakamatay..

    Mahina ka TS.. yun un. Mahalin mo muna and sarili mo bago ka mag-isip ng mamahalin, (babae man o lalake yun), pahalagahan ang trabaho mo (dahil maraming wala nun) at maging thankful sa mga simpleng blessings na meron ka.(dahil yung iba mas marami at malamim ang pinagdadaanan sayo ngayon):bashful:

    Be positive, may magandang balik sayo yan.
  • smileemilesmileemile PEx Rookie ⭐
    TS, too bad for you kasi you admit these things to yourself. It appears na mahihirapan ka magbago kasi wala ka mismo bilib sa sarili mo. You focus on these things. Wag mo sayangin buhay mo TS. Move on and do the things that you want for yourself. YOu're actually killing yourself slowly. :mecry:
  • QubethaQubetha PEx Veteran ⭐⭐
    kamusta ka na TS kahit anong mangyari hawak lang ng husto at tiwala sa sarili ang kailangan, lumayo ka sa mga taong alam mong di makakapg bigay sa iyo ng development remember ts di ka nagiisa !!
  • sisay_akosisay_ako PEx Rookie ⭐
    nakakarelate ako sayo, wala rin akong love life, hindi pala kaibigan, konti lang kaibigan ko pero madalang ko na nga makausap at makasama , busy sila sa trabaho at love life..im in my lowest point in my life, wala nang nangyayaring maganda
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sisay_ako wrote: »
    nakakarelate ako sayo, wala rin akong love life, hindi pala kaibigan, konti lang kaibigan ko pero madalang ko na nga makausap at makasama , busy sila sa trabaho at love life..im in my lowest point in my life, wala nang nangyayaring maganda

    bakla ka ba? :lol:
  • peasantpeasant PEx Veteran ⭐⭐
    sisay_ako wrote: »
    nakakarelate ako sayo, wala rin akong love life, hindi pala kaibigan, konti lang kaibigan ko pero madalang ko na nga makausap at makasama , busy sila sa trabaho at love life..im in my lowest point in my life, wala nang nangyayaring maganda
    balbolski wrote: »
    bakla ka ba? :lol:

    bakit karamihan ng depressed na nagpopost tinatanong mo kung bading? :lol:
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • sexyjoyce01sexyjoyce01 PEx Veteran ⭐⭐
    try and try until you suceed :)
  • GeneralBloodsGeneralBloods PEx Rookie ⭐
    I am a firm believer that everything you want would be achieve with a correct mindset. Even in money, work or LOVELIFE. Take for example, if you think you are loser then you get what you think of yourself. The world is made up of different energies that when you learn to harness it it will become a positive synergy. Girls and boys by default do not like partners with negative energies. They repel those people. So if you want to have a better relationship, then think as positive as you are. Believe me. I've through that too in my life.
  • Reinvent yourself and feel good about yourself, remember, Love yourself first and others will love you too ;)
  • pink_cottoncandypink_cottoncandy PEx Influencer ⭐⭐⭐
    at ako ay di pala nag-iisa ... marami pala tayong ganito :)

    Loser ako. Ano ba dapat gawin?
    Ang loser lang ng life ko.
    Hindi ako good looking.
    Hindi ako matalino at magaling. Im in my 30's wala nangyayari sa career ko. wala akong ibang skills.
    Hirap ako makipagkaibigan. Konti nga lang friends ko.
    Wala akong love life. Kasi nga di ako good looking at pala kaibigan.
    Hindi ako mayaman para suportahan ang hobbies, luho at kung ano ano pa.
    Sine set up ko na nga ang isip ko na forever alone ako.
    Ano ba pwedeng gawin pag ganito ang buhay nyo? Maliban sa suicide.

    Loser ako pero di ko ni-mi-mind set ko na ganuon ako talaga, hhhmmmm iniisip ko na lang na hindi talaga ako pinalad :)
    hindi ako good looking? tsek ... pero pag tumitingin naman ako sa salamin, sabi ko sa sarili,

    "ke ganda naman ng babae na eto!"

    kami na lang ng reflection ko sa salamin ang nagbobolahan :lol:
    at kung yan at yan lang ang dahilan kung bakit wala akong lovelife ay di ko lang talaga maintindihan, cold "daw" kasi ako, shy and timid ... kailangan lang na lagyan ko "daw" ng spunk ang attitude ko na ewan ko ba at di ko magawa ... hindi ako sanay sa pa-cute, sa panliligaw at nililigawan, true! ang awkward lang siguro nun ... si ate! hindi pa totoong naliligawan! :rotflmao:... I'm still a little bit old-fashioned i guess ... :)

    sa career? di ko nga alam kung bakit na stuck-up na ako sa career ko na eto. True! dapat pasalamat at may work tayo in this time, ang hirap kaya maghanap ng work ... pero yung feeling na "I can do more!" hindi ko ma apply ... naalala ko tuloy yung isang kwento sa akin ng 1 friend ko regarding sa palaka na nilagay sa mainit na tubig, tatalon yun, mapapaso ... pero try mo ilagay yun sa tubig na maligamgam palang tapos yung unti-unting papainitin, hindi nya yun mararamdaman until namalayan nya na lang na natusta sya ... gets the gist of the story?

    friends? i have some ... pero feeling ko hindi naman sila ganuon ka close, napaka passive ko kasi, walang ka warmth-warmth sa katawan, walang ka exci-excitement! ako daw kasi yung tipo na more of a listener than a talker ... ako yung tipo na friend na kung maisipan nilang isama, isasama nila pero pag hindi, hindi na , iwan na lang yan! my absence will not make any difference ... bitter! :lol::lol:

    yaman? definitely don't have! ... ang sweldo, dumadaan lang ... padala agad, daig pa ang may pinapa aral! susme! ewan ko ba? ang hirap mag explain, pero sumatotal ay budget-na-budget lang talaga, buti nga at di pa umaabot sa kinakapos, at ako ang tipo ng tao na takot sa utang! ... buti naman! in my 10 years of work, wala pa naman akong major major na pagkakautang! sabi nung isang classmate ko dati, hindi daw ako tunay na empleyado pag wala akong utang ... well nakukuha ko lang sa tamang pang iipit ng finances :lol: pero ayun nga eto, resulta wala akong kaluho-luho sa katawan, i dont know if that is good or bad ... luho ko ng maituturing ang mga toiletries ko. pero i dont have any make-up kits and i dont know how to apply!

    sine-set up ko na din na parang i am forever-alone, pero sometimes i am dreaming na sana makita ko yung kababata ko, yung una na nagkagusto sa akin nung kami ay mga munting musmos pa lamang, na sana magkita kami ulit, na sana free pa sya, at sana pwede pa kami :) ang daming sana, pero the bottomline is, iniisip ko pa din na sana I end up with someone :)

    suicide!?
    di naman nasagi sa isip ko yan, although most of the time, malungkot at nakakiyak ang buhay depression ng pagtanda (middle-life crisis na kasi toh!) ... iniisip ko lang yung family ko ... may nanay at tatay pa ako, mga kapatid, mga pamangkin ko, ibang kamag anak at kakilala at mga friendship na nag ke-care sa akin and suddenly its not a empty meaningless life afterall! :)
    kasi sa isip ko lang pala yun, and basta DONT LOSE your FAITH in HIM and everything will be alright ...
  • peasantpeasant PEx Veteran ⭐⭐

    hindi ako good looking? tsek ... pero pag tumitingin naman ako sa salamin, sabi ko sa sarili,

    "ke ganda naman ng babae na eto!"

    kami na lang ng reflection ko sa salamin ang nagbobolahan :lol:

    kung ikaw po yang nasa avatar mo, sinasabi ko po sayo na maganda ka :)


    marami tayong pagkakatulad actually. yung pagiging cold, passive and listener type of person.
    i admit sometimes i'm shallow. walang masabi kaya nakikinig na lang. minsan i'm not interested.
    pero most of the time tingin ko mas hindi sila interested makilala ako so hinahayaan ko na lang, di na nagpupumilit ipakilala sarili ko.


    right now, hindi na ako ganun ka depressed. di tulad nung ginawa ko ang thread ko. yung mga advise dito, somehow help me to be positive. Pero there are times bumabalik ang pagiging feeling loser.

    totoo nga siguro ang kasabihan, walang gamot sa taong insecure. :lol:

    well, i hope in time maging feeling winner na rin ako. :)
  • new_tonnew_ton PEx Rookie ⭐
    attend ka ng high school reunon
  • uminom ka ng Biguerlai tea 4 tayms a wik. lalabas din ang sama ng loub mo. pramis.
  • Dude eto lang masasabi ko sayo enjoy life minsan lang tayo mabubuhay wag mong isipin na loser ka hndi nag exist yan sa vocabulary ng tao besides tayo din **** ang gumagawa ng buhay ntin di ba?and please dont ever think about na mag suicide ka ayt?pray dude it works.:)
  • I feel you, like you, I don't have many skills, but para sa akin it's not too late to learn new skill, find something that interest you. Hirap kang makipagkaibigan? it does not mean na di ka na magkakaroon ng iba pang kaibigan. Stop thinking negative stuff like forever alone ka na, be positive, most of all, turn to God, pray, go to church, sa church ako nagkaroon ng maraming kaibigan. Hope this helps.
  • wow buti nakita ko tong thread na to. ifelt so looooser yesterday.

    ts, nothing beats a positve mind

    tomorrow is another day :D
  • what's the point of your thread? trying to generate genuine sympathy? trying to get other 'losers' to talk?

    you're pretty confused, you can't even decide whether you're a lesbian or not - do you even think about why you're like that? are you damaged goods? any traumatic family/life experience? or is that just emo stuff

    have you tried visiting a career path as a criminal? have you tried being homeless with no roof on your head and nothing to eat? what makes you think you're a loser compared to those people?
Sign In or Register to comment.