Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Karelasyon kong BI, Pa-crush!!

WadoinksWadoinks PEx Influencer ⭐⭐⭐
Tatlong taon na kami ng partner ko. Bi-couple kaming dalawa. Sa loob ng tatlong taon, ok naman kami. Masaya, minsan talaga di maiiwasan ang pagtatalo at away. Minsan, puro lambingan, minsan wala lang. Sa loob din ng tatlong taon mas nakikilala ko na ang partner ko. Ugali nya, pananaw nya, daily routines nya, yong gusto at ayaw nya. Kami yong tipo ng bi-couple na hindi mo mahahalata unless umamin or nakikitang madalas magkasama at magkaakbay. Para lang kaming mag tropa. Mahilig kaming uminum ng alak sa mga bars. Pero never sa mga gay bars. Mga videoke bars lang kasi trip namin kumanta pag medyo lasing na kami. Hehehe. Pag nasa bar kami, napapansin ko na pag may mga gays or Bi sa ibang table panay na ang tingen ng partner ko sa kanilang table tila nagpapakita ng motibo or sabihing nagpapapansin kasi syempre makikita siya ng mga tao o ilang tao sa table na tinitingnan nya na nakatingin sa kanila o kanya. Nung una, ok lang sa akin. Parang wala lang yon kasi well, partner ko naman siya eh. Tumagal na ng tumagal naging ganun na habit nya. Hanggang sa kinonfront ko na siya sa habit nyang iyon. HINDI RAW SIYA NAGPAPA CRUSH!! Tamang hinala lang daw ako. Minsan, naiinis nalang ako sa sarili ko at nag built ng insecurities sa sarili kasi pakiramdam ko, hindi na siya satisfied or masaya sa akin. Iyong ganun kasing habit parang harap-harapan ka na ring niloloko eh. Pa-fall, paasa, pa-crush kahit taken na yan ang tawag sa mga taong ganyan. Ano ba dapat gawin ng isang partner para maiwasan na ang ganyan at para di na mauwi sa kung ano man? Napapagod narin ako. Hindi naman ako panget at lalong hindi boring kausap at lalong hindi boring sa sex. Hays!

Comments

  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nag-post ako dito para ma-feel mo na may pumapansin sa post mo. Pero sa palagay ko kung pi-nost mo to sa Alternative Preferences, mas marami mag-ko-comment.

    Pa-crush ang peg. :lol:
  • katze_schmusekatze_schmuse PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS: lalake pa rin naman iyan so, ganyan talaga ang mga lalaki:

    *pa fall
    *pa crrush
    *paasa

    ano gagawin mo?kung sa tingin mo harapharapan ka ng niloloko...it's either gantihan mo lang or hiwalayan mo..
    second option is the safe way to go..at least may chance ka narin magpacute sa iba :rotfl:

    seriously?:lol:
  • WadoinksWadoinks PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hehehe. Medyo bago lang ako sa PEX kaya *** pa masyado alam. Thanks
  • Akala ko BI as in BAD INFLUENCE.
  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    threesome kayo,try mo kung bias siya. Kung faithful kayo sa isat-isa, try niyo muna sa dog.
  • WadoinksWadoinks PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Talaga? Na-try mo na ba yan? Anyway, magandang idea yan. Lol
  • To the TS:

    That's already a SIGN that he is actually very promiscuous... in other words "malandi"... madaling bibigay yan sa iba - i am kidding you NOT!
  • hindi naman problema yan.mag pa-fall,paasa,pa-crush ka din.tamang landi lang sa iba.haha.yan na kaya ang trend ngayon :lol::lol:


    Paalala: Huwag dumagdag sa stats ng may churva eklavu ngayon.kaya wag kalimutan magproteksyon.chos! :lol:
  • sana kayu pa din hanggang ngayun...

    halos pareho tayu ng situation, kung kayu almost 4 years na or more than 4 years, kami nmn ng partner ko ay more than 10 years na. 8 years live-in..

    nung unang mga taon, yan din ang problem ko kc mahal ko at ayoko na may ibang kahati **** pa cute-cute lang ang eksena. Lumipas ang panahon, naging okay nmn. kung talagang mahal ka ng mahal mo, ikaw, at ikaw pa din ang pipiliin nya. kelangan mo lang talagang magsakripisyo na I-save lagi ang relasyon ninyo.

    maaaring ***** ang idea na ito para sa iba pero para sa akin ito na yung best para ma save lagi yung realationship - yung sakripisyo at pagtitiis.

    bakit? simple lang. ang ganitong relasyon ay hindi pang habang buhay. hindi pang matagalan at hindi sagrado sa kaisipan ng bawat tao. Maraming tao ang magtatangkang sirain ang relasyon ninyo, sadya man of hindi sinasadya. Mga one night stand, mga trippers at marami pang iba.

    ang imposrtante, ibigay mo kung ano ang dapat mong ibigay, pato't panabala, buhay at kaluluwa.

    Ito lang ang magpapasaya sa atin. Oo nga't marami dyang iba na maaring pumalit sa mahal mo ngayun, pero isipin mo din na Napaka rami dyang iba na maaari kang palitan sa pamamagitan ng simpleng bagay.
  • egumayanegumayan PEx Rookie ⭐
    i get ur point. but can i ask something? do both of u act as a real men in public? malamya ba kayung kumilos pag kayung dalawa na lang? or have u ever had a gf before him same as to him? kasi dun ako makakajudge ng kanyang behavior once alam ko ang gestures ninyo.

    PS: describe yourself at sya rin
Sign In or Register to comment.