Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

ALEX GONZAGA: Balik Kapamilya!

xtian1224xtian1224 PEx Influencer ⭐⭐⭐
Alex, ‘di nahabol ng TV5 sa pagbabalik sa ABS-CBN

Ni Reggee Bonoan
FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa pagbabalik ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN.
Nakasalubong namin ang ina ng TV host/actress na si Mommy Pinty Gonzaga kasama ang talent coordinator na si Tita Angge sa hallway ng ELJ Building kaya’t ang bati namin ay, “Welcome back, at kailan kayo pipirma ng kontrata?”

“Paano mo nalaman?” mabilis na tanong ni Mommy Pinty, na sinagot namin ng, ‘kalat na po na wala na kayo sa TV5 at balik-Dos na kayo’.
Napangiti si Mommy Pinty at parang tinatantiya kung hinuhuli lang namin siya, pero nagkuwento na rin sa wakas.
“Hindi naman namin gustong umalis sa TV5, ‘kaso wala naman silang maibigay na show kay Alex, last December pa expired ang kontrata niya. Nu’ng tinanong ko kung ano na ang mangyayari sa kanya, sinabi nga nila, may project na kasunod, ‘kaso hinaharang daw. Siyempre, nagulat ako bilang ina, bakit hinaharang? Sino ang humaharang?Ano ang naging kasalanan namin sa taong ‘yun para harangin niya? Bakit?”
Pero hindi raw nagagalit si mommy Pinty sa taong humarang kay Alex, bagkus ay nagpasalamat pa siya.
“Actually, hindi ako galit sa kanya (lady TV executive), nagpapasalamat ako ng husto kasi baka siya lang ang ginamit ni Lord para bumalik kami ng ABS-CBN,” malumanay na sabi ng mommy ni Alex.
Wala naman daw masasabi si Mommy Pinty sa TV5 management dahil sa loob nang limang taong pananatili ni Alex doon ay inalagaan naman ng husto ang bunso niya at pawang magagandang proyekto ang ibinigay.
Pero may twist. Nang mabalitaan daw ni TV5 Chairman and CEO Manny V. Pangilinan (MVP) ang pagbalik ni Alex sa ABS-CBN ay bigla raw itong pinahabol.
“Heto, nakatanggap ako ng tawag na kung puwede ay mag-usap kami ulit ng management at huwag daw kaming umalis at marami raw projects na nakalaan kay Alex, isa na nga ‘yung seryeng pagsasamahan daw nila ni Sharon (Cuneta). Maganda sana ‘yun, ‘kaso bakit huli na. Nu’ng nakipag-meeting kami, puro sila wala, ngayong nakapag-decide na kaming aalis, saka naman maghahabol,” kuwento pa ni Mommy Pinty.
Hindi kasi alam ni MVP ang ibang mga nangyayari sa TV5 dahil nga ipinapaubaya niya sa ‘trusted staff’ niya na may mga ginagawang palpak na desisyon na ikinagugulat na lang ng big boss kapag nangyari na.
Oo nga, huli na ang lahat dahil tapos na ang negosasyon ng Dos at ng kampo ni Alex. Katunayan, nakatakda nang pumirma ang mag-inang Pinty at Alex sa ABS-CBN sa Abril 15 pagdating ng bosses na kasalukuyang nasa ibang bansa.
So, ang balik-tanong namin kay Mommy Pinty, bakit nga ba kasi sila umalis noon sa ABS-CBN, e, maganda naman ang takbo ng karera ni Alex?
“Eh, kasi nga gusto kong paghiwalayin sila ni Toni (Gonzaga) para naman hindi mapagkumpara, eh, malay ko ba naman na mangyayari ito,” natawang sagot sa amin.
At bongga ang pagbabalik ni Alex sa ABS-CBN, Bossing DMB dahil bukod sa light drama/comedy serye na naisulat namin kahapon ay kasama na rin siya sa ASAP 2013 at sa gagawing pelikula sa Star Cinema.
Ang tanong, hindi kaya si Toni naman ang ma-insecure sa kapatid na obviously ay magkapareho sila ng estilo? O senyales na rin kaya ito na malapit nang lumagay sa tahimik ang panganay ni Mommy Pinty?

Comments

  • xtian1224xtian1224 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Good luck Alex!
  • irresistiblestarirresistiblestar PEx Influencer ⭐⭐⭐
    talagang naka bold lahat! :bop:


    kikinang ang bituin niya sa ABSCBN, dapat matagal na siya andito. Puno siya ng charisma and very talented pa :)

    Mas likeable siya sa ate niya and mas maganda pa :) feeling ko ilalagay siya sa teleserye since ate niya hindi gumagawa ng soap opera.
  • she's talented. the problem is para lang syang clone ng kanyang sister. her drama series sa tv5 ay walang impact at nagpatunay lang na di sya pang drama. so pupunta talaga sya sa hosting at comedy type na roles, kung saan magaling din ang ate nya...therefore, magiging clone nga talaga sya ni toni
  • seren140seren140 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    parang clone nga ni toni si alex.. kaya tama lang na pinaghiwalay sila ng station. pero secured naman na si toni sa position niya sa dos. kay toni ang pbb, wala ng makaka-agaw nun sa kanya, plus may the voice pa. queen of romantic movies ba ang tawag kay toni? nakapag-the buzz na rin pero mas bagay kay toni ang game show. game show na lang kulang kay toni.
  • purpl3_empurpl3_em PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nabasa ko noon na si wilma galvante daw ang humaharang ng mga projects niya
  • MarionRiveroMarionRivero PEx Influencer ⭐⭐⭐
    purpl3_em wrote: »
    nabasa ko noon na si wilma galvante daw ang humaharang ng mga projects niya

    Sunday , 31 March 2013
    Wilma Galvante, hinarang ang mga project ni Alex Gonzaga para sa mga alaga sa TV 5 (May sarili kasing manok sa estasyon! )

    032513-Wilma_Galvante-alex-gonzaga.jpg

    How True? May bagong big project sana si Alex Gonzaga sa TV 5. Kaso hinarang raw talaga ni Wilma Galvante si Alex, para tuluyan nang ma-freeze ang career nito sa Kapatid network. We heard, na noong parehong nasa GMA 7 pa sina Wilma at elder sister ni Alex na si Toni Gonzaga. Naging problema rin before ni Toni at dating tumatayong manager na si daddy Carlito Gonzaga na tumatakbong Vice Mayor ngayon sa Taytay Rizal si Madam Galvante. Supposedly ay may magagandang project sana ang Kapuso network for Toni pero hindi ‘yun natutuloy dahil nga sa pagkokontrabida ng nabanggit na lady executive. Ngayon, sila naman ni Alex ang magkasama sa pag-aaring estasyon ni Mr. Manny Pangilinan, ang young actress naman ang kanyang pinag-iinitan. Takang-taka nga raw ‘yung fellow executives at bakit ayaw niyang bigyan ng bagong show si Alex samantala maganda naman ang ratings ng huling fantaserye ng dalaga na Enchanted Garden at nag-extend pa nga ng isang buwan sa ere. Tapos, lahat ng project ni Alex sa Singko pawang naging successful. So, she deserve another project ‘di ba?
    Pero, ayaw nga ni Wilma Galvante dahil, ang gusto yata niyang iangat ay ang mga manok niya sa network na sina Sophie Alberto, Eula Caballero, Ritz Azul, Nadine Samonte at Jasmine Curtis. At kung true ito? Belattt niya! Dahil pinabalik na ng ABS-CBN si Alex sa kanila. At isang bagong teleserye ang niluluto para sa kanya katambal ng sikat at mahusay na young actor. For sure, like her Ate Toni ay magiging big star rin si Alex sa Kapamilya network. ‘Yun na gyud!

    Peter Ledesma


    http://www.hatawtabloid.com/2013/03/25/wilma-galvante-hinarang-ang-mga-project-ni-alex-gonzaga-para-sa-mga-alaga-sa-tv-5-may-sarili-kasing-manok-sa-estasyon/
  • SimpleOne03SimpleOne03 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dapat ibigay kay Alex yung Gameshow ni Toni dapat. Yung shelved na "Eto Na" :lol:
  • MarionRiveroMarionRivero PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Alex Gonzaga Transfers to ABS-CBN, Returns to Her Kapamilya
    Posted on March 30, 2013

    Kapatid primetime princess Alex Gonzaga will leave TV-5 to return to ABS-CBN, several reports have confirmed. Alex, who is the sister of multimedia star Toni Gonzaga is originally a Kapamilya before transferring to the country's number 3 network in 2008.

    Alex-Gonzaga.jpg

    Alex (born Catherine Gonzaga) is introduced in the defunct ABS-CBN teen sitcom Let's Go and Gokada Go, where her current screen name came from. She also went on to be a part of the Philippine remake of My Girl starring Kim and Gerald before becoming one of TV-5's prime star on its revamp. While a Kapatid, she was given huge projects such as Babaeng Hampaslupa and P.S. I Love Yove You.

    Alex was last seen in the eco-fantaserye Enchanted Garden. According to reports, a Kapatid executive is blocking Alex's next project in the network. Since her contract expired last December 2012 and TV-5 has no offer at the moment, Alex and her manager, Mommy Pinty Gonzaga decided to accept the offer of ABS-CBN.

    There were reports that TV-5 big boss Manny Pangilinan, upon learning Alex's jumping to ABS-CBN, asked for a meeting with her camp for possible projects, one of which is a teleserye with Sharon Cuneta. However, it was too late since Alex has already negotiated a deal with ABS-CBN.

    Alex Gonzaga is set to sign a contract with ABS-CBN on April 15. Her upcoming projects in the Kapamilya network include a light drama series (rumored to be a musical-serye opposite Jericho Rosales) and a movie with Star Cinema. Alex will also be part of the ABS-CBN Sunday musical variety show, ASAP 18.


    http://bidakapamilya.blogspot.com/2013/03/alex-gonzaga-transfers-to-abs-cbn.html
  • ChiKATHChiKATH PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nyetang Wilma!!! Di parin pala nagbabago ang bruha!!!! :glee::bop:
  • starczamorastarczamora Sissie DaToic PEx Moderator
    TV5 has gone the sh!tter when Wilma Galvante dipped her durtty hands in that station. :rolleyes:
  • irresistiblestarirresistiblestar PEx Influencer ⭐⭐⭐
    anong problema ni wilma sa gonzaga sisters? kahit saan siya dalhin umiiral ang favoritism at pagiging biased niya


    hello siya kaya nagpanalo sa kapatid ni aljur sa artista search. artista search pero hindi mukang artista iyong pinanalo niya


    at talagang Eula, Nadine, Ritz and Jasmine? eh sa charisma pa lang wala na kay Alex iyan, at dapat malaki ang utang na loob nila kay Alex ilang shows kaya ang hinawakan ni Alex at puro nagrarate lahat Juicy to My BFGF kaloka ahhh


    siguro galit na galit si MVP ngayon, fave niya kasi si Alex eh.
  • Queen_BlairQueen_Blair PEx Veteran ⭐⭐
    madami daw siyang projects paglipat?
  • Hurting ang mga fans ni Ms. Alex Gonzaga dahil sa mga nakaririmarim na talkies nitong si Crispy Pata
    sa kanilang pipito lang yata ang nakikinig na radio program. (Harharharharhar! how so very true!).
    Anyway, now that Alex is no longer a part of TV5, Bubonika is starting to badmouth her. :rolleyes:

    Naroong sabihing kulang raw sa PR ang magkapatid na Gonzaga at dapat raw silang magpasalamat sa pag- kakaroon ng mabait at PR personified na ina in Mommy Pinty.
    Tapos bumibirada pang hindi raw naman pangdrama ang mukha ni Alex at pang-comedy lang! :p

    Harharharharhar!
    What about your face, mudra? Hayan at report ng ating mga deep penetrating agents na namamaga na raw to-its dahil sa iyong katabaan (Harharharharhar! how gross!) at marami ka raw Patsy Cline (patse-patse vagah! Hakhakhakhak!) manifestations all over your ugly and aging face. Hakhakhakhakhak!
    Anyway, bago raw mamintas si Lola Fermi ay pakatitigan mo muna ang kamuks mo sa salamin at baka pati ikaw asy mahadlok talaga. Hahahahahahahahahaha! :rotflmao:
    Bukod sa manas ka na raw, lola, kiratsina pa raw ang iyong mga mata (true ba itecth, mudra? (Hahaha- hahaha!).
    Hay, naku, I don’t want to give some lacerating commentaries anymore, lest I offend the sensibilities of some people. Hahahahahahahahahaha!
    Sa true, doble cara kang talaga at ang sama-sama di lang ng hilatsa ng iyong pagmumukha (aging and bloated like a pig! Hahahahahahaha!) kundi pati ang iyong pag-uugali.
    Yuck!yuck!yuck!

    http://www.hatawtabloid.com/2013/04/06/na-shock-sa-mga-pagbabago-sa-katawan-ng-aktres/
  • immortal_badmikeimmortal_badmike 🥇 Eagle Captain
    napakasama talaga ng Wilma Galvante na to !! :bop:
  • Archie_AtembangArchie_Atembang PEx Veteran ⭐⭐
    Alex Gonzaga Transfers to ABS-CBN, Returns to Her Kapamilya
    Posted on March 30, 2013

    Kapatid primetime princess Alex Gonzaga will leave TV-5 to return to ABS-CBN, several reports have confirmed. Alex, who is the sister of multimedia star Toni Gonzaga is originally a Kapamilya before transferring to the country's number 3 network in 2008.

    Alex-Gonzaga.jpg

    Alex (born Catherine Gonzaga) is introduced in the defunct ABS-CBN teen sitcom Let's Go and Gokada Go, where her current screen name came from. She also went on to be a part of the Philippine remake of My Girl starring Kim and Gerald before becoming one of TV-5's prime star on its revamp. While a Kapatid, she was given huge projects such as Babaeng Hampaslupa and P.S. I Love Yove You.

    Alex was last seen in the eco-fantaserye Enchanted Garden. According to reports, a Kapatid executive is blocking Alex's next project in the network. Since her contract expired last December 2012 and TV-5 has no offer at the moment, Alex and her manager, Mommy Pinty Gonzaga decided to accept the offer of ABS-CBN.

    There were reports that TV-5 big boss Manny Pangilinan, upon learning Alex's jumping to ABS-CBN, asked for a meeting with her camp for possible projects, one of which is a teleserye with Sharon Cuneta. However, it was too late since Alex has already negotiated a deal with ABS-CBN.

    Alex Gonzaga is set to sign a contract with ABS-CBN on April 15. Her upcoming projects in the Kapamilya network include a light drama series (rumored to be a musical-serye opposite Jericho Rosales) and [highlight]a movie with Star Cinema[/highlight]. Alex will also be part of the ABS-CBN Sunday musical variety show, ASAP 18.


    http://bidakapamilya.blogspot.com/2013/03/alex-gonzaga-transfers-to-abs-cbn.html

    Uy, egzoyted ang beauty ketch sa movie ni ateng Alex. For sure, walang urungan ng playdate yan. Hindi to be announced, not once but twice. Star Cinema kasi. *okay*




    :beauty: Go, girl!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file