[HELP] Skin Problem

Hi, Bali Ganito po kasi, halos hindi na po kasi ko natutulog dahil sa ginagawa kong Project para sa school Computer Science Student po pala ko, so yun nga almost 3 days sunod sunod na halos di nako natutulog mag de-defense po kasi ko.

Tapos po napapansin ko nalang na parang may mga rashes ba to o pantal nung una hindi makati pero habang tumatagal dumadami rin po meron po ngayon rashes sa parahong braso at parehong binti at hita ko po mejo hindi na po sya namumula pero parang mejo natutuyo yung balat at namamalat (senyales po ba na nawawala na o gumagrabe pa?).

nung una akala namin tigdas hangin, pero hindi naman ako nilalagnat.. ano po ba dapat gawin? di papala ko nagpapa consult sa doctor bali tinatry ko po muna obserbahan kung mawawala sa pahinga at tubig hehe.

Thanks in advance po!
sana may pumansin sakin dito :(

Comments

  • dreamON23dreamON23 Somewhere only we know PExer
    Hi! Hindi ako doctor ah Pero parang parehas tayo noong nag the-thesis ako last June 2012. Almost the same course tayo business with IT ako. Programming chu-chu. May butlig ba yung sayo? Lalong makati sa gabi? Nag start din sakin sa legs eh. Tapos pag kinamot mo ayaw mo nang tigilan? Parang nag susugat na? Atska parang nag tutubig yung sugat? Yun akin kasi Nummular Eczema. Stress related siya. Mag patingin ka sa dermatologist to be sure. :)
  • tabs5894tabs5894 Member PExer
    Salamat po sa pag reply,

    Sa akin naman mejo napansin ko nag start sa may braso ko nung una konti lang kaya di ganung pansin tas nung habang tumatagal at nagiging straight yung overnight para sa thesis project namin parang lalong dumadami :( . tapos yun nga din pag kinamot ko parang ayoko ng tigilan kaya hanggat maari wag kakamutin kasi parang nag susugat :( kaya lang hindi naman nag tutubig mejo namamalat lang.

    siguro pa check-up nalang muna.

    salamat po.
  • rasshellrasshell God is Great..all the time PExer
    guys . . I think Eczema yan.. meron din kasi ako nyan.. i think 3years ko na syang problema.. dati naman wala ako nyan.. sabi ng derma, pag super stress daw kasi sumusulpot talaga sa balat natin yan.. dapat magpa check up kayo para me ireseta na ointment tsaka gamot para sa pangangati.. yung sakin kasi noon.. di ko naman naisip na eczema na sya.. twing makati pinapatakan ko talaga ng kandila sa sobrang kati. kesa kamutin ko na pwedeng magkasugat pa kaya patak nalang ng kandila..minsan binababad ko sa mainit na tubig. e di ko agad napachek up. busy sa work tsaka kala ko simpleng kagat ng matinding lamok.. kaya lang pansin ko parang nagtutubig na tapos nagkaron na sila ng nana.. nag start sakin sa likod ng kamay e.. nung nagka nana na..dun nako nagpa chek up talaga sa derma.. yun nga sabi nila eczema daw.. ask ko doktor san nakukuha yun.. sabi ng doktor, nakukuha daw ang eczema pag super stress araw araw, gumagamit ng matapang sa sabon na iritate yung skin, pwedeng nasa lahi din.. tsaka pag daw meron sa family nyo na me hika..isa sa pamilya magkakaron ng eczema..kapatid daw kasi ng hika ang eczema.. pag nasimulan kanang magkaron ng eczema.. for life na sya.. bale prevention nalang ang gagawin.. kaya gaya ng nasabi ko.. 3yrs ko na syang dinadaing.. inaagapan ko nalang ng ointment na nireseta sakin.. hay..
  • jeric92002jeric92002 Member PEx Rookie ⭐
    dermovate po ang solusyon sa pngangati mga pafs around Php 150-200 lang sya. Medyo mahal pero nakakawala ng kati. Ako naman sa leeg, di ko alam kung bat ganun kakati hanggang sa nag susugat na sya, sabi ko di normal ito kaya nagtanung ako sa mercury kung ano gamot sa pangangati yan ang binigay sakin :)

    Dermovate%20cream%20500%20mcg_g1401.GIF

    HOW DOES IT WORK?

    Dermovate cream and ointment both contain the active ingredient clobetasol propionate, which is a type of medicine called a topical corticosteroid.
    Corticosteroids are medicines used for reducing inflammation. Inflammation of the skin happens due to irritation of the skin, and is caused by the release of various substances that are important in the immune system. These substances cause blood vessels to widen, resulting in the irritated area becoming red, swollen, itchy and painful, such as is seen in dermatitis or ECZEMA.

    http://www.netdoctor.co.uk/skin-and-hair/medicines/dermovate-cream-and-ointment.html

    i hope it helps to TS :)
  • tedboydboytedboydboy Member PExer
    hi tabs,

    i happen to browse your thread. if you haven't talked to a derma yet, i suggest that you try using a soap that is "soap free"..i know of a certain body bar or it can also come in liquid form that you can try. i personally use it. then, i also suggest that you take a supplement that is rich in fish and krill oil. i can also help you on that. just send me a message and i am more than willing to help. :)
  • ReysonReyson Member PExer
    *spam post removed*
  • Al01Al01 Member PEx Rookie ⭐
    Ask ko lang po kung paano po matanggal yung scar ko sa face due to severe acne?, Parecommend po ng effective na gamot kung merun.Salamat po.
  • grassjellygrassjelly Member PExer
    Head-to-toe moisturizer

    Thanks to vitamins A and D, and lactic acid, milk softens even the driest wintertime skin. Try this bath mixture from Bermuda's Spa at Elbow Beach: Drizzle 1/2 cup honey into running water as you fill the tub; add 2 cups of warm whole milk.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file