Home PEx News and Tech Local and Foreign Issues
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Senador Tito Sotto, bakit kaya hindi nagsasalita...

makailang ulit na ring nabanggit ang pangalang vicente sotto iii sa kasalukuyang pagdinig na ginagawa ng senado sa akusasyong drug trafficking at paglustay ng salapi ng bayan. kamakailan ay muli na namang nadawit ang pangalan ng senador na unang sumikat bilang artista at host ng eat bulaga, sa pagharap ni dating narcotics chief reynaldo acop na nagsabing bahagi ng salaping ipinautang niya kay rosebud (dating ahente ng narcom) ay ang cdf ni sotto.

bagama't walang pormal na paanyaya upang humarap si sotto sa senado at sabihin ang kaniyang panig, nagtatanong ang taong bayan, bakit nananatiling tahimik si sotto? hindi kaya kailangan ng mga mamamayang nagluklok sa kaniya ang isang maliwanag na pagpapahayag na mismong sa kaniya magmumula?

teka, hindi ba't nasabit na rin ang kaniyang pangalan noong una sa ilegal na droga?

Comments

  • Originally posted by krugger

    ibig sabihin totoong galing sa cdf niya yung milyong pisong ibinigay ni acop kay rosebud... mabuti nang manahimik na lang... hmmm, gov't money yun meron kayang accounting ito?
  • Hindi ako naninawala kay sotto na wala daw syang alam na sa private purpose ginamit ang cdf nya.

    Kaya nga gusto na nyang matapos ang hearing at kaya di sya umaatend sa mga hearing ay dahil baka mabuko sya.

  • fossil7fossil7 PEx Veteran ⭐⭐
    ang artista natin, umiiwas sa limelight!!!! hhhmmm.. mukhang guilty... :D
  • Originally posted by fossil7
    ang artista natin, umiiwas sa limelight!!!! hhhmmm.. mukhang guilty... :D

    :lol:

    Baka my phobiang humarap sa kamera pag di kasama sina vic at joey. :lol:
  • Ang mga katulad ni Tito Sotto ay pwede lamang makapagsalita pa may "script" na dumaan sa 'sang katutak na "editing" at "revisions". Pag walang "script", na-pipipi!
  • one can only imagine his thoughts every morning as he wakes up in front of a mirror----malamang ako na ang susunod! :depressed:
  • ano na naman kaya ang ipapalusot nya ?

    remember during the impeachment nung binibigyan nya ng ibang meaning yung hand signal na ang ibig sabihin ay "lagay" ? ang ibig sabihin daw nun ay "ok".
  • Originally posted by golfbravo
    Hindi ako naninawala kay sotto na wala daw syang alam na sa private purpose ginamit ang cdf nya.

    Kaya nga gusto na nyang matapos ang hearing at kaya di sya umaatend sa mga hearing ay dahil baka mabuko sya.

    TAMA KA!!!

    Besides, di ba trabaho rin ng senador na alamin kung saan pumupunta yung CDF na nilalabas niya! ang nakakatawa pa rito, di man lang sya nagreact ng masama tungkol sa paggamit ni Acop ng CDF nya sa personal nyang interest!

    At eto namang G*gong Acop, sino papaniwalain nya na personal favor yung pagbigay nya ng 2M kay Rosebud! At saka, ganon ba talaga ang paggamit ng CDF, ipapasok mo sa personal account mo yung CDF ng Senador?!!! Eh kung di ba naman sya isang katerbang tan*a eh! Ano tingin nya sa atin? mga Hunghang?!!!

    Duduraan ko sila sa mukha pa nakita ko sila (pag walang baril at saka bodyguard)!:)
  • Originally posted by krauser
    Besides, di ba trabaho rin ng senador na alamin kung saan pumupunta yung CDF na nilalabas niya! ang nakakatawa pa rito, di man lang sya nagreact ng masama tungkol sa paggamit ni Acop ng CDF nya sa personal nyang interest!

    gov't money ang cdf ni sotto. dapat hingan ng accounting si sotto kukng saan ba niya pinaggagamit ang pork barrel niya. ano kayang item ang ilalagay doon dalawang milyong pisong iyon na ibinigay niya kay acop?
  • Isa pang nakakatuwa sa ugok na acop na to na ang yabang-yabang pang magsabi na wala daw syang kasalanan at papatunayan nya sa senate hearing.:lol: Pero nung hearing last week na sinabihan sya nina biazon na magbigay ng pilipinong pangalan na involved ay wala namang syang maibigay tapos nung sinabihan naman sya ni pimentel na kung pwedeng tingnan ang bank records nya lalo na yung sa pinangalingan ng 2.1 million check ay biglang kabig naman sya kinabukasan na sa ombudsman na lang daw nya itutuloy ang reklamo nya at saka hinding-hindi nya raw pabubuksan ang bank records nya dahil invasion of his privacy na raw yon. Hehehe... wala daw kasalanan pero natatakot makita yung bank records nya. Manang-mana talaga sa boss nyang si kidnapPING pagdating sa mga tactics.
  • hay naku kahit na magpalusot pa si sotto na ala siyang alam at ipasa niya kay acop ang lahat ng sisi, lalo lang na lalabas ang kaniyang kabo.... kahinaan ng ulo. siyempre dapat alam niya kung saan napupunta yung perang dapat sana ay para sa bayan..

    o baka naman alam niya naman talaga?

    nagtatanong lang po
  • imposibleng hindi yan alam ni sotto. cdf niya yan. pero maski cdf niya, pera pa rin ng gibyerno, pera ng bayan, pera ng mga taxpayers kaya dapat lang ipaalam ni sotto kung saan niya ginagamit ang kanyang cdf.
  • Dapat pabuksan ang bank records ni acop kasi masyadong defensive nung tinanong kung pwedeng tingnan. Palagay ko may tinatago si loko dahil ayaw nya pabuksan. Hmmm... Mukahang guilty.
  • Originally posted by golfbravo
    Hindi ako naninawala kay sotto na wala daw syang alam na sa private purpose ginamit ang cdf nya.

    ako naniniwalang walang alam si sotto dito...... kasi para sa inyong kaalaman talaga namang WALANG ALAM ITONG TAONG ITO!!!! opppppsss... meron nga pala... magaling siya at maalam siyang magpatawa
  • Isa pa sa mga classic na patawa ni sotto ay ang pagsabi nyang dati pa raw syang may naririnig na balita na sangkot si lloyd sa drugs pero wala naman syang ebidensya at wala naman syang ginawa tungkol dito. Kaya ito ay para lang mawala ang limelight sa kanya at mapunta sa iba.
  • kung ako si sotto, mag-aala Ping na ako. ia-accuse ko na rin mga accusers ko.

    kasi hindi si ping si sotto eh.

    talagang pang-eat bulaga lang siya.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file