TRAFFIC BLUES .... post your daily traffic shoutouts here!!!! — PinoyExchange

TRAFFIC BLUES .... post your daily traffic shoutouts here!!!!

:grrr::grrr: super late ako kanina!!! almost 2hrs late!!! ... it broke my record of no lates and being the earliest at the office.

there was a traffic incident involving a 10 wheeler truck trying to use the UTURN slot after examiner street. it nearly closed of the entire stretch of q.ave except for a single lane.

tapos isa lang yun MMDA na nagmamando ng intersection!!!

it was bumper to bumper from commonwealth up to examiner street!!!








atleast, we got to use TIMES street as an alternate route. PSG/PNP checkpoint or not .... walang pipigil sa amin.

Comments

  • einhander
    einhander thank god for the atheist
    aguinaldo highway corner molino blvd, my daily frustration sa driving. pinalala pa ng mabagal na road repair.

    nakakafrustrate lang dahil sa araw-araw na daan ko dyan, wala akong nakikitang improvement sa construction, parang di gumagalaw ang prject na yun. dinurog at ginawang lupa at bato yung main intersection, mahigit 2 months na lupa at bato pa rin, nakatiwangwang. sino ba nagpaplano nyan? palpak talaga bacoor
  • C5 bagong ilog flyover ewan ko ba. wala na talaga pagasa especially with the total truck ban on edsa still in effect. :grrr:
  • hello ... bosing. alam ko malaki puweeet mo so please get it off my shoulder.

    sumadal ka sa upuan at huwad sa barso't balikat ko!!!






    he is not gay but the jerk wanted to learn some CQC defensive tactics on how not to get punched and elbowed inside a bus.
  • Ortigas ave. infront of la salle greenhills naku po grabe 1 lane na lang ang umuusad... Ang daming MMDA na nakapwesto wala na din magawa... Ganyan ba talaga kapag mayayaman pwede gawin lahat.. hays...
  • gosh_abelgosh
    gosh_abelgosh erkon ko eto
    Langya! bakit ba biglang nilagyan ng traffic lights ang bawat kanto ng BGC especially dun sa area na kokonti lang naman dumadaan? naipon tuloy ang mga sasakyan and will soon create heavy traffic
  • JobyBryant24
    JobyBryant24 Jovitus Primus
    Langya! bakit ba biglang nilagyan ng traffic lights ang bawat kanto ng BGC especially dun sa area na kokonti lang naman dumadaan? naipon tuloy ang mga sasakyan and will soon create heavy traffic
    Nagsusulputan na daw kasi kaliwa-kanan mga construction sites. Hassle na talaga dito sa BGC now. Soon trapik everywhere na din!!! :bop:
  • cotton_on
    cotton_on strive for greatness
    sa intersection ng Shaw at Kalentong, going to EDSA and Pasig (especially sa Gabi, where trucks are plying at that time)

    ang dali ng green light, kaya naiipon ang mga sasakyan. add to those jeeps na nagtatawag ng pasahero sa may jollibee
  • Merida
    Merida Redhead
    Got stuck in traffic for 2 hours yesterday. It would have taken me about 30-40 minutes from A to B if I just got out of the car and walked.
  • virtuoso
    virtuoso sometimes u see me
    Nagsusulputan na daw kasi kaliwa-kanan mga construction sites. Hassle na talaga dito sa BGC now. Soon trapik everywhere na din!!! :bop:

    wait till the new SM opens. pati C5 lalalala. ngayon palang traffic na, what more kung magbukas na 'yun. ang malala pa nito, malapit sa exit ng BGC 'yung SM, kaya traffic in and out ng area for sure.

    bakit ba kasi pinapayagan pa magtayo ng mga malalaking establishments and buildings katabi ng major arteries! sa ibang bansa bawal 'yan eh.
  • can't wait for the post easter traffic blues.
  • Valorian
    Valorian Do no harm
    yung sa p. tuazon, sa tapat ng daily supermarket, ang tagal na nung construction nung kanal, kaya laging trapik..wala man lang mmda, gabi-gabi na lang trapik..

    sa lunes, ganun nanaman ulit
  • ang init .... dad's car needs an aircon check up.
Sign In or Register to comment.