Home PEx Family and Society Realm of Thought
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

What is the Gospel?

145791016

Comments

  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    tonton wrote: »
    Mas lalo ka na. Punto por punto wala kang masagot kitang kita naman e. Bagay sayo sa bus o mrt lang mag turo dahil imahinasyon mo lang na alagad ka ni jeeezas. :glee:

    at sino naman po kaya naman po kaya ang maglalantad sa akin, kayo? nagpapatawa po ba kayo?

    ang laki naman ng tingin ninyo sa sarili ninyo na para bang hindi kayang supilin ni Hesus ang kanyang mga alipin na kailanaganin pa ang tulong ninyo...

    sana po ginoong tonton ay mahimasmasan na kayo --- hindi po kailangan ng tulong ninyo pagdating sa paglalantad na sinasabi ninyo... hindi po kasi kayo kabilang sa mga alipin ni Hesus, ipaubaya na ninyo sa aming panginoon kung paano kami kakastiguhin --- huwag po ninyong iaangat ang inyong sarili...
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    Dis is not the Gospel of Jesus. This is the gospel of the ANTI-CHRIST!

    Quote Originally Posted by brother_caloy
    deeds do not matter is true --- only faith does, but not the faith exercised by the man who will himself to be under Christ's contract but what matters is the faith of second party that is Jesus Christ; for by grace man is saved through faith but not by his own faith but by the faith of Jesus Christ...
    Sabi ni Jesus!!

    Matthew 16:27
    For the Son of man shall come in the glory of his Father with his angels; and then shall he render unto every man according to his deeds.

    gaining eternal life is not by what man needs to do --- it is given freely; you do not even need to exercise your faith to believe that you have eternal life; you already have this with you... just think about it, who do you think needs life? it is the one who is dead, and being dead you cannot do anything on your own... literally, have you seen a dead person embalms himself and arrange his own funeral? a dead man cannot do anything... so man cannot do anything to gain eternal life, it is God who gives it to you --- you cannot have this on your own...

    Matthew 19:29
    And every one that hath left houses, or brethren, or sisters, or father, or mother, or children, or lands, for my name's sake, shall receive a hundredfold, and shall inherit eternal life.

    Matthew 19:21
    21 Jesus said unto him, If thou wouldest be perfect, go, sell that which thou hast, and give to the poor, and thou shalt have treasure in heaven: and come, follow me.

    Free ba yan??

    exercising or having faith in the faith of Jesus is subjecting oneself under the benevolent authority of Jesus Christ...

    Ikaw may faith ka ba? Kaya mo 'to?? Hinde!! Wala kang faith!

    Matthew 21:21
    And Jesus answered and said unto them, Verily I say unto you, If ye have faith, and doubt not, ye shall not only do what is done to the fig tree, but even if ye shall say unto this mountain, Be thou taken up and cast into the sea, it shall be done.

    Mag pepreach ka lang mali mali pa!

    Para po sa benipisyo ng ilang mga nagbabasa na mga PEXers at mga nagsusuri tunghayan po natin ang sinabi ni Ginoong tonton...

    para po kasi kay ginoong tonton kailangan ay maski papaano meron pa rin siyang ginawa dahil hindi naman daw kasi lahat ng kredito eh kailangan na ibigay kay Kristo --- ang gusto mangyari nitong si ginoong tonton ay dapat may value yung faith niya... eh ang sinasabi ko ay papaano ka mage-exercise ng faith kung by deafult eh patay ka sa harapan ng Diyos? may magagawa ba ang isang patay?

    at ang isa pang dapat na mapansin ay buhay ang ibinibigay ni Jesus dahil ang nangangailangan ng buhay ay walang iba kundi ang isang patay...

    sa tagal ko nang nangangaral ay palagi ko sinasabi na ang kaligtasan na biyayang kaloob ng Diyos ay naibigay na dahil sa pananampalataya ng isang tao lamang at ito po ay walang iba kundi si Jesus --- ang pananampalataya ni Hesus at hindi ang ating mismong pananampalataya ang naglagay sa atin sa tamang estado sa mata ng Diyos...

    at uulitin ko sabihin na kaya tayo nakakapag-exercise ng sarili nating faith ay dahil nagkaroon na tayo ng buhay na nung patay pa tayo dati ay hindi o wala tayong magagawa... buhay muna bago mag-exercise ng faith...

    kaya mahalaga na malaman po ninyo ang talagang punto ng ebanghelyo --- kung ano ito at bakit ito ipinangangaral... ang lahat po dapat ng kredito ay kay Hesus lamang...
  • PyrosPyros Faith Under Fire PExer
    Catchy phrase: "alipin ni hesus"
    Jesus is eerily silent when you ask him who the hell are his alipin...try to post that question here and lots of Holier than Thou will answer.
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    for those who are truth-seekers and studying Scriptures, here are the verses for you to consider about the faith of Jesus, if you find other Bible versions that altered the verses that reads faith in Jesus, better think twice --- it is Jesus' credit not ours:

    Romans 3:22 and the righteousness of God is through the faith of Jesus Christ to all, and upon all those believing,--for there is no difference,

    Galatians 2:16 having known also that a man is not declared righteous by works of law, if not through the faith of Jesus Christ, also we in Christ Jesus did believe, that we might be declared righteous by the faith of Christ, and not by works of law, wherefore declared righteous by works of law shall be no flesh.'

    Galatians 2:20 I am crucified with Christ: nevertheless I live; yet not I, but Christ liveth in me: and the life which I now live in the flesh I live by the faith of the Son of God, who loved me, and gave himself for me.

    Galatians 3:22 But the scripture hath concluded all under sin, that the promise by faith of Jesus Christ might be given to them that believe.

    Ephisians 3:12 In whom we have boldness and access with confidence by the faith of him.

    Philippians 3:9 . And be found in him, not having mine own righteousness, which is of the law, but that which is through the faith of Christ, the righteousness which is of God by faith:

    Revelations 14:12 Here is the patience of the saints: here [are] they that keep the commandments of God, and the faith of Jesus.
  • tontontonton Let's stop and talk awhile. PExer
    at sino naman po kaya naman po kaya ang maglalantad sa akin, kayo? nagpapatawa po ba kayo?

    Ako ay simpleng tao na MARUNONG MAGBASA at marunong makahalata kung nambobola lang ang isang tao at kayabangan lang ang lumalabas sa bibig.
    ang laki naman ng tingin ninyo sa sarili ninyo na para bang hindi kayang supilin ni Hesus ang kanyang mga alipin na kailanaganin pa ang tulong ninyo...

    sana po ginoong tonton ay mahimasmasan na kayo --- hindi po kailangan ng tulong ninyo pagdating sa paglalantad na sinasabi ninyo... hindi po kasi kayo kabilang sa mga alipin ni Hesus, ipaubaya na ninyo sa aming panginoon kung paano kami kakastiguhin --- huwag po ninyong iaangat ang inyong sarili...

    Ikaw ang malaki ang tingin sa sarili dahil pakiramdam mo alagad ka ni Kristo, pero hindi naman pinapansin ang mga sinasabi ni Kristo! Dinadaan mo lang sa dami ng satsat..

    Pero ang mga verses na inilantad ko, iniwasan lang na parang multo lang na nagdaan.. pero ang haba haba ng sinulat. :lol:

    Caloy : Deeds do not matter
    Jesus: Deeds matter

    Caloy: Can't move a small rock by his faith alone
    Jesus: Faith can move mountains

    Caloy: Salvation is freely given
    Jesus: Salvation has a cost.

    Talagang dapat may gawin ka dahil mahalaga ang deeds, ayon kay Jesus mismo. Hindi ka agree kay Jesus.

    Puro labag sa turo ni Jesus ang pinipreach mo kaya ikaw ay ANTI-CHRIST.

    Masasabi ko pa na Alagad ka ni Pablo. Si Pablo ang iniidolo mo. Puro siya ang kinoquote mo. Ikaw ay isang Paulinian.

    Dami mong sinabi na puro ampao pero yung solid na issue, walang wala. Sa tinagal tagal mong nagpepreach ang natutunan mo lang ay kung paano magsalita ng maraming salita para umiwas sa issue.

    Sa totoo lang, allergic ka kay Jesus. Amen? :glee:
  • PyrosPyros Faith Under Fire PExer
    c aloy thought 'studying scriptures' is the same as cherry picking :lol:
  • tontontonton Let's stop and talk awhile. PExer
    Puro ka faith of Jesus.. pano nalang yung sinabi mismo ni Jesus?

    Luke 8:25
    “Where is your faith?” he asked his disciples. In fear and amazement they asked one another, “Who is this? He commands even the winds and the water, and they obey him.”

    Luke 8:48
    Then he said to her, “Daughter, your faith has healed you. Go in peace.”

    Luke 17:6
    He replied, “If you have faith as small as a mustard seed, you can say to this mulberry tree, ‘Be uprooted and planted in the sea,’ and it will obey you.

    Faith of Jesus ka dyan. Kailan tinuro ni Jesus yan? Imbento lang ng idolo mong si Pablo yan.
  • tontontonton Let's stop and talk awhile. PExer
    Pyros wrote: »
    c aloy thought 'studying scriptures' is the same as cherry picking :lol:

    Cherry picker talaga yan.
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    tonton wrote: »
    Ako ay simpleng tao na MARUNONG MAGBASA at marunong makahalata kung nambobola lang ang isang tao at kayabangan lang ang lumalabas sa bibig.

    Ikaw ang malaki ang tingin sa sarili dahil pakiramdam mo alagad ka ni Kristo, pero hindi naman pinapansin ang mga sinasabi ni Kristo! Dinadaan mo lang sa dami ng satsat..

    Pero ang mga verses na inilantad ko, iniwasan lang na parang multo lang na nagdaan.. pero ang haba haba ng sinulat. :lol:

    Caloy : Deeds do not matter
    Jesus: Deeds matter

    Caloy: Can't move a small rock by his faith alone
    Jesus: Faith can move mountains

    Caloy: Salvation is freely given
    Jesus: Salvation has a cost.

    Talagang dapat may gawin ka dahil mahalaga ang deeds, ayon kay Jesus mismo. Hindi ka agree kay Jesus.

    Puro labag sa turo ni Jesus ang pinipreach mo kaya ikaw ay ANTI-CHRIST.

    Masasabi ko pa na Alagad ka ni Pablo. Si Pablo ang iniidolo mo. Puro siya ang kinoquote mo. Ikaw ay isang Paulinian.

    Dami mong sinabi na puro ampao pero yung solid na issue, walang wala. Sa tinagal tagal mong nagpepreach ang natutunan mo lang ay kung paano magsalita ng maraming salita para umiwas sa issue.

    Sa totoo lang, allergic ka kay Jesus. Amen? :glee:

    sa totoo lang po ay kayo yung tipo ng tao na pinabili lang ng suka sa tindahan ay nagdunung-dunungan na sa Bibliya...

    ni hindi nga kayo nagpapakilalang mangangaral at alipin ni Hesus eh ang lakas na ng loob ninyong magsalita laban sa kanyang mga lingkod... huwag po kayong pauto sa inyong sarili dahil hindi po ninyo naiintindihan ang inyong sinasabi...

    hindi kayo sang-ayon kay pablo dahil hindi naman talaga ninyo maunawaan si Pablo at higit pa rito ay hindi ninyo siguro mai-reconcile ang turo ni Santiago at Pablo at ang ibang mga apostol kaya kayo ganyan...

    huwag na po kayo kasing magmagaling, maaaring magaling kayo sa ibang bagay pero hindi sa ganitong bagay --- pinangangahasan lang ninyong sabihin na may alam kayo pero ang totoo ay wala dahil kung meron ay naunawaan na ninyo ang mga sinabi ko pero hindi pa pala ninyo nakuha ang punto ko, ang gusto lang ninyo ay ipilit ang sinasabi ninyo na lihis naman...

    just sit back at makinig na lang po sa aral o kaya ay magtanong na lang kayo sa bagay na aminin ninyo sa hindi ay ignorante po kayo... matuto pa sana kayong magpakumbaba --- magsimula po ninyong pag-aralan ang magpakumbaba dahil mas malapit ito sa turo ni Hesus kaysa pinangangalandakan ninyong mga "aral" ninyo na nagmula sa pinagtagpi-tagping pagkaunawa ninyo sa Bibliya...

    amen po ba?
  • tontontonton Let's stop and talk awhile. PExer
    sa totoo lang po ay kayo yung tipo ng tao na pinabili lang ng suka sa tindahan ay nagdunung-dunungan na sa Bibliya...

    ni hindi nga kayo nagpapakilalang mangangaral at alipin ni Hesus eh ang lakas na ng loob ninyong magsalita laban sa kanyang mga lingkod... huwag po kayong pauto sa inyong sarili dahil hindi po ninyo naiintindihan ang inyong sinasabi...

    hindi kayo sang-ayon kay pablo dahil hindi naman talaga ninyo maunawaan si Pablo at higit pa rito ay hindi ninyo siguro mai-reconcile ang turo ni Santiago at Pablo at ang ibang mga apostol kaya kayo ganyan...

    huwag na po kayo kasing magmagaling... sit back at makinig na lang po sa aral o kaya ay magtanong na lang kayo sa bagay na aminin ninyo sa hindi ay ignorante po kayo... matuto pa sana kayong magpakumbaba --- magsimula po ninyong pag-aralan ang magpakumbaba dahil mas malapit ito sa turo ni Hesus kaysa pinangangalandakan ninyong mga "aral" ninyo na nagmula sa pinagtagpi-tagping pagkaunawa ninyo sa Bibliya... amen po ba?

    Alagad ka man o hinde, alagad man ako o hinde, baliktad talaga turo mo eh! Wala ka namang maikatwiran. Bakit ganon? Nabasa ko nga ang pinagsusulat mo, puro salitang mabulaklak lang pero walang laman! Labag na labag sa turo ni Kristo! :lol:

    Hindi ka ba kinikilabutang tawagin ang sarili mong alagad ni Kristo? Ewww!!!!

    Caloy : Deeds do not matter
    Jesus: Deeds matter

    Caloy: Can't move a small rock by his faith alone
    Jesus: Faith can move mountains

    Caloy: Salvation is freely given
    Jesus: Salvation has a cost.

    Kung gusto mong ma-save, KUMILOS KA PASTOR CALOY!! Yan ang sabi ni Jeeeezas!! Wala nang libre sa mundo! :lol:

    huwag po kayong pikon ginoong tonton, kailangan alagad nga po dapat kayo, kailangan may authority kayo... bakit ayaw ninyong ipakilalang alagad kayo ni Hesus?

    kung hindi kayo alagad eh papaanong magiging tama ang turo ninyo tungkol kay Hesus --- hindi ho pwede mag-claim na tama ang turo niya kung hindi siya magpapakilala ng alagad ni Hesus... hindi pwede yung sinasabi ninyo na kayo ay "simpleng tao na MARUNONG MAGBASA" dahil may marunong magbasa pero hindi nakakaunawa...

    Wala akong pakialam sa mga pamahiin mo. Authority ka man o hindi, anti-kristo ka, at iyon ay lantad.

    Caloy : Deeds do not matter
    Jesus: Deeds matter

    Caloy: Can't move a small rock by his faith alone
    Jesus: Faith can move mountains

    Caloy: Salvation is freely given
    Jesus: Salvation has a cost.
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    para sa mga nagsusuri at mga PEXers na ating tagasubaybay ay atin pong tingnan ang mga punto ni ginoong tonton kung tama ang kanying mga turo o sablay na naman tulad nung dati...

    Caloy : Deeds do not matter
    Jesus: Deeds matter

    ang pansinin po natin ay kailan ba na ang gawa ay relevant... at gaya ng sinabi ko na, by default ang tao ay patay sa harapan ng Diyos, paano susukatin ang deeds ng isang tao kung patay siya? hindi makagagawa ang taong patay 'di po ba? ang kailangan ay buhayin muna siya ng Diyos bago siya makagawa... sa ibang unawa ay bulag ang tao at kailangan muna niyang tanggapin ang kanyang paningin bago siya makakita dahil wala talaga siyang makikita kung mananatili siyang bulag... at ano ang ultimong dapat na gawin ng tao? wala naman pong pinakamahalaga gawain ang tao kundi ang mapanatili natin ang ating buhay --- sa makamundong unawa ay kailangan natin ng sustena o pagkain ngunit sa kabila nito ay papalya pa rin ang tayo upang mapanatili natin ang ating buhay... ngunit ang pagkain na ibinibigay ng Diyos ang siyang nagpapanatili sa buhay ng tao... ang unang gawain ng tao ay dapat gawain niya ang gawain ng Diyos; isipin po ninyo ito: kung ang tao ang magtanim, ang kanyang aanihin ay bunga ng kasiraan, ngunit kapag ang Diyos ang nagtanim ang ani nito ay mga bunga ng walang kasiraan --- ang ani ng tao na kanyang pagkain ay nagdadala sa kanya sa kasiraan, samantalang ang ani ng Diyos ay pagkain na nagdadala sa walang kasiraan, kaya't ang katanungan ay ito, papaanong magagawa ng tao ang gawaing ito ng pagtatanim na tulad ng sa Diyos upang umani ang tao ng mga bunga na walang kasiraan? ano ba itong gawain ng "pagtatanim" na tulad ng sa Diyos?

    ang gawa po kasi na tinutukoy dito ay gawa ng pananampalataya o deeds of faith, ang sabi ni Hesus:

    Jn 6:29 Jesus answered and said unto them, This is the work of God, that ye believe on him whom God hath sent.

    si Hesus po ang kailangan ng mananampalataya para may magawa siya, dahil kung wala si Hesus ay wala pong magagawa ang isang mananampalataya...

    Jn 15:5 "I am the Grapevine. You are the branches. He who is remaining in Me, and I in him, this one is bringing forth much fruit, for apart from Me you can do nothing.

    muli uulitin ko, kailangan magkaroon muna kayo ng buhay bago kayo makakilos; tanggapin muna ninyo ang paningin bago makakita... walang saysay ang anumang bagay kung hindi muna kayo dadaan sa unang hakbang na ito...

    Caloy: Can't move a small rock by his faith alone
    Jesus: Faith can move mountains

    ano nga ba ang pananampalataya ni brother caloy kung ikukumpara sa pananampalataya ni Hesus... kailangan kasi na may pagsandalan ako ng aking pananalig na kung ako lang ay tiyak bubuwal ako... kung lalanguyin ko ang buong mundo ay matatawid ko ito kung gagamit ako ng sasakyang pandagat; kung nais kong liparin ang himpapawid ay kailangan kong sumakay ng eroplano --- may mga bagay ako na kakailanganin kung nais kong magawa ang mga bagay na ito na alam kong hindi ko magagawa kung ako lang sa aking sariling lakas... gayun din naman ay dapat may "gamitin" ako para ang gagawin ko ay aking magawa tulad ng "paglilipat ng bundok"... dapat ko pong tanggapin na kailangan ay mayroong manampalataya para sa akin upang maging ganap o lubos ang aking sariling pananampalataya...

    Caloy: Salvation is freely given
    Jesus: Salvation has a cost.

    tulad ng nilatag ni Hesus, mayroong halaga ang kaligtasan, pero ang tanong ay kaya po ba natin itong bayaran? kung nagkayayaan ang magkakaibigan sa isang kainan ay bakit pa kailangan na magbayad pa kung sinagot na ng isa ang bayarin ng lahat? ang isang alipin ay walang kakayanang bilhin ang kayang sarili --- oo, meron halaga ang kanyang pagka-alipin na dapat niyang tumbasan kung gusto niyang lumaya... ang kaligtasan ay hindi kailanman magagawa ng tao sa kanyang sarili na walang ayuda na manggagaling sa labas niya... tulad ng isang patay na wala na pong pagasa pa na buhayin ang kanyang sarili --- ano nga ba ang halaga para mabuhay ng isang bangkay ang kanyang sarili? kaya ba ng tao na buhayin ang kayang sarili pagkatapos niyang mamatay? anong halaga ba ang pwede niyang itumbas sa kayang buhay? at kung meron man itong halaga ay kaya ba niyang bayaran ito?

    dapat po ninyong pagnilaynilayan ang mga bagay-bagay na ito mga mahal kong mambabasa upang tumibay ang inyong pananampalataya at upang maiwasto ang inyong pagiisip kung kayo man ay naililigaw...
  • sophionsophion Member PEx Veteran ⭐⭐
    by default ang tao ay patay sa harapan ng Diyos, paano susukatin ang deeds ng isang tao kung patay siya? hindi makagagawa ang taong patay 'di po ba? ang kailangan ay buhayin muna siya ng Diyos bago siya makagawa...

    nung inutusan po ba si Moises na gumawa eh patay po ba sya nun o buhay? :hmm:
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    sophion wrote: »
    nung inutusan po ba si Moises na gumawa eh patay po ba sya nun o buhay? :hmm:

    inutusan na nga po siya 'di po ba?
  • sophionsophion Member PEx Veteran ⭐⭐
    inutusan na nga po siya 'di po ba?

    kayat buhay si moises?

    ano po ba ang kondisyon para buhayin ng dios ang isang tao?
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    sophion wrote: »
    kayat buhay si moises?

    ano po ba ang kondisyon para buhayin ng dios ang isang tao?

    mabuti mabilis ka, sophion --- tama po iyon...

    ano ba ang kondisyon para mamatay ang tao?

    kung papaanong walang kondisyon ang kamatayan ng tao gayundin naman ang buhay...
  • sophionsophion Member PEx Veteran ⭐⭐
    kung papaanong walang kondisyon ang kamatayan ng tao gayundin naman ang buhay...
    eh paano po ba malalaman kung buhay o patay ang isang tao sa mata ng dios?
  • brother_caloybrother_caloy Member PExer
    sophion wrote: »
    eh paano po ba malalaman kung buhay o patay ang isang tao sa mata ng dios?

    patay ang isang tao sa mata ng Diyos kung kaya tinatawag siya para ilapit kay Kristo... at buhay naman siya kung nananatili siya kay Kristo...
  • sophionsophion Member PEx Veteran ⭐⭐
    buhay naman siya kung nananatili siya kay Kristo...

    papaano po ba manatili kay kristo?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file