Home PEx Relationships The Singles Scene
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

My story why I'm single till now and I think baliw na ako?

I think I have a mental problem?
First of all I'm Mark 20 years old and had been single for almost 6 years...
I would like to share my story..
Nagsimula ito pagkatapos namin mag break ng first gf ko in high school we are third year that time, and I love her so much but hindi ko maipakita sakanya nung kami pa dahil masakit man aminin torpe ako. Naging kami dahil sa mga friend ko sinabi ko sakanila na may gusto ako sakanya at sinabi naman nila sakanya. Kaya nagmalakas na ako ng loob alam nyo ba yung pakiramdam na yung parang sasabog na yung puso mo dahil hindi mo mailabas ang gusto nitong sabihin. And dumating ang time na hindi ko na talaga kaya gusto ko na sumabog lalo na pag katabi ko siya, Namamasyal kasi kami kada gabi kasama ng mga classmate namin. At duon ako naka kuha ng tsempo tumabi ako sakanya, at tinatanong ko siya hi kamusta ka na? (first time ko palang siyang nakausap ever since nang naging mag classmate kami.) nakalimutan ko na ang lahat ng sinabi namin ng araw na yun pero ang mga pangyayari para itong nakalitrato sa isipan ko na hindi na nabubura. Yun ang pinakamasayang araw ko sinagot nya ako sa araw din na yun bago kami umuwi. Naging masaya ako sa relasyon namin kahit na hindi ko siya mahawakan ewan ko ba parang pag ilalapit ko yung kamay ko sakanya nanginginig ako at nagdadalawang isip baka di nya naman gusto ayun ang nasa isip ko. And tumagal kami ng almost 5 months, bumagsak pa nga kami parehas ng 3rd year dahil panay lakwatsa lang kami, and ang pinakamalala never ko pa siyang nahawakan, di ko pa siya nahalikan kahit na hawakan lang ang kanyang kamay di ko pa nagawa. at kung tatanungin nyo ko kung bakit ewan ko alam ko torpe ako pero parang napakalala nmn ng pagka torpe ko sa tingin ko. At dumating na yung time na nagkahiwalay kami masakit talaga sakin yun mangiyak ngiyak ako that time, di kami nag hiwalay ng pormal wala bigla nalang di na kami nag pansinan ewan ko kung anong nangyari saamin ganun nalang wala ng pansinan. Wala naman nangyaring pagtatalo saamin, at pag ka graduate namin ng high school dun 4 years ago dun na nagsimula yung pinaka mahirap na parte. Naranasan nyo na ba na kahit wala kayong magustuhan na babae bukod sakanya? simula ng maghiwalay kami wala akong nagustuhan bukod sakanya, para akong binabangungot sa buong buhay ko hanggang ngayon. Kanina bago ko naisipan isulat ito Napanaginipan ko nanaman siya, simula ng maghiwalay kami nagsimula na yan panaginip ko sakanya... Sinubukan ko tanggalin siya sa isipan ko kasi sabi ko parang di na tama pinahihirapan ko lang yung sarili ko, at sinubukan ko man ligaw ito lang last year pero di talaga e siya yung gusto ko, walang nangyari sa panliligaw ko na yun hininto ko nalang. hinanap ko siya kung saan man na pwede, nagsimula ito pag ka graduate namin ng highschool. sinubukan ko siya hanapin sa Friendster, Facebook, google, and other social websites. (pero wala siya) Ang ginawa ko nlang hinanap ko ang mga kilala kong pinsan nya at nakausap ko nga ang isa dito tinanong ko kung nasaan na ang babaeng hinahanap ko, sabi nya ay nasa province na ito at may asawa at anak na. Sobrang nadismaya ako nang malaman ko yun, pero ewan ko ba at hindi parin umalis sa isip ko na tumigil sa paghahanap sakanya mahal ko parin siya yung tipong kahit may anak na siya gusto ko parin siya makasama. Hanggang dumating ang araw na may nag iisang friend request ako sa facebook, at pag open ko ng friend request nagulat ako siya pala yun! malayong wala talaga sa isip ko na siya ang mag add saakin. Ang babaeng hinahanap ko siya pa ang lumapit saakin, and nagkaroon na kami ng contact sinabi ko sakanya lahat ng gusto kong sabihin, sabi ko mahal talaga kita hinantay kita ng napakatagal, araw araw mag ka chat kami nag kekwentuhan lahat ng masasayang pangyayari saamin buo pa sa isipan ko at nai kwento ko sakanya at naging madalas na ang pag chachat nmin. at nalaman kong sinaktan pala siya ng asawa nya at gusto nya hiwalayan ito, pero nasabi nya rin naman na mahal nya talaga ito nabawasan nga lang dahil sa nagawa sakanya ng asawa nya na yun. Diba napaka laking advantage na ito saakin para makuha ko siya? pero ang ginawa ko pinayuhan ko pa siya! baliw na ata talaga ako, ang hinanap ko nang napakatagal ay papayuhan ko pa na wag sila maghiwalay ng asawa niya para nalang sa anak nila. hay buhay.. nahuli narin ako ng asawa niya na nakikipag chat sakanya at meron akong linyang nabanggit sa babaeng mahal ko na hindi niya talaga nagustuhan at nakita ito ng asawa nya sakanyang facebook account. Nagalit ang asawa nya saakin nagbanta na huwag daw ako magpakita sakanya, hindi nya lang alam na wala na kong takot kahit sa kamatayan sa dami ng pagsubok saakin na dumating bukod pa dito sa istorya na to. Kaya ko kunin ang babaeng mahal ko sakanya kung gugustuhin ko pero naawa ako sa bata sa anak nila dahil nangyari narin sa buhay ko na muntik nang maghiwalay ang mga magulang ko, napakahirap nang pagsubok na yun para sa isang anak, pero dahil saamin hindi nila ito ginawa. hanggang nai block na ako ng asawa nya sa kanyang facebook account pero gumawa parin ng paraan ang babaeng pinakamamahal ko na ma i add ako sa facebook at mag karoon muli kami ng contact pero wala na kong nagawa dahil nangako ako sa asawa nya na hindi na ako mangugulo sa kondisyon na wag nya na muli sasaktan ang babaeng pinaka mamahal ko at mahalin nya ang mga magiging anak nila. Sinabihan ko siyang napaka swerte mo ang babaeng pinaka gusto ko sayo napunta kaya wag mo na siyang papakawalan tandaan mo hindi lang ikaw ang taong nagmamahal sakanya. At ayun kaya hanggang ngayon single ako wala na talaga akong magustuhan bukod sakanya kaya siguro ang kalalabasan ko nito ay hintayin parin siya at maging kami o kaya ay maging matandang binata. Wala na kong magagawa siya lang talaga ang mahal ko wala ng iba...

Sa tingin nyo baliw ba ako?

Comments

  • Meanie!!Meanie!! PEx Veteran ⭐⭐
    tl;dr

    Wala bang summary? :lol:
  • Pasensiya yan na ang summary, if bawasan ko pa mawawala na yung ibang detalye :P
  • katze_schmusekatze_schmuse PEx Influencer ⭐⭐⭐
    at 20 you consider yourself matandang binata? are you nuts TS?:lol:

    no hindi ka baliw TS..you did the right thing..sabi na nga eh..iyang FB na iyan salot sa buhay relationship(bitter ampapapaitan ako :lol:)

    i suggest since the woman is married na pala, stay away from her..lagi mo kasi kinukundisyon sa isip mo na mahal mo pa siya kaya ka nagkakaganyan..try to meet new people instead and go out more..

    and at 20, mas maganda kung mag focus ka nalang sa career mo kesa iniintindi ang isang bagay that a normal "30 yo" guy should..wag masyadong advance..enjoy mo muna ang pagiging single, ayt ayt?:lol:
  • Inaadvance ko lang ang maaring mangyari :lol: kaya ko nasabing maging matandang bianta and salamat sa suggestion mo sana it will work for me. I think you'r right i just need to focus on my career dadating din ang tamang panahon para saakin mahirap nmn pag di na nga ko naging successful sa career pati sa love life siguro mag suicide na ko nun. :lol:
  • ts si katze single and ready to mingle, kahit di mo na ligawan :)
  • soltera81soltera81 PEx Veteran ⭐⭐
    Hijo, first, you need to learn to develop and form paragraphs. Organize your writing! :)
  • spooktwo wrote: »
    ts si katze single and ready to mingle, kahit di mo na ligawan :)

    Ganun ba bro? :lol: siguro gaya ng sabi nya need ko muna focus sa career ko yun nalang muna :p
  • soltera81 wrote: »
    Hijo, first, you need to learn to develop and form paragraphs. Organize your writing! :)

    yeah I think you'r right :lol:
  • :lol:

    sa haba ng story, ang masasabi ko na lang eh "i'll pray for you, malalampasan mo din yang pinagdadaanan mo" :glee:
  • curly tops wrote: »
    :lol:

    sa haba ng story, ang masasabi ko na lang eh "i'll pray for you, malalampasan mo din yang pinagdadaanan mo" :glee:

    mukang di mo na binasa :lol: yes please pray for me thanks :)
  • si TS naman ang haba ng kwento pero sa huli hindi rin pala naging kayo. hehehe

    Hindi ka baliw, nagmahal ka lang ng totoo :D
  • magales wrote: »
    si TS naman ang haba ng kwento pero sa huli hindi rin pala naging kayo. hehehe

    Hindi ka baliw, nagmahal ka lang ng totoo :D

    oo nga e, ang habang walang nangyari :lol: may kadugtong pa yan di na talaga ako magmamahal ng iba. Hantayin ko nalang mag hiwalay sila ng asawa nya. :rotflmao:
  • hahaha.yown eh.nag aantay lang *** ng pagkakataon si ts.hehe.pero ang bata mo pa ha to have that thought na xia lang forever.tapos aantayin mo pa.such a waste of time.try to open urself to others.especially girls.hehe.chos lang.so many possibilities.who knows mkhanap ka bigla ng kapalit nya.tas better in all aspect pa.ide everybody happy na..

    gud luck ts!!! ;)
  • hahaha.yown eh.nag aantay lang *** ng pagkakataon si ts.hehe.pero ang bata mo pa ha to have that thought na xia lang forever.tapos aantayin mo pa.such a waste of time.try to open urself to others.especially girls.hehe.chos lang.so many possibilities.who knows mkhanap ka bigla ng kapalit nya.tas better in all aspect pa.ide everybody happy na..

    gud luck ts!!! ;)

    @akoyiyoikayakin of course naman sa girls lang ikaw naman oh, di ako ganun ha! :rotflmao: sinubukan ko talaga humanap ng ibang babae pero no effect hindi talaga kaya. Kahit yung may gusto sakin di ko pinatulan kasi alam ko naman na hindi ko talaga siya mamahalin masasaktan lang siya.
  • arowenarowen PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS more. Bitin pa ako sa kwento. Kelangan ko mas exact na nangyare. detalyado dapat. pati ang time frame ng pangyayari at kung nasaan ka sa pangyayari. maaari natin tong gamiting ibidensya. Maghahanap tayo ng magaling na abogado. Mananalo tayo nito. for sure yan!!! :rotflmao:
Sign In or Register to comment.