Home PEx Chat Small Talk

Nega friend

Nakabase ako dito sa US managing my little Japanse restaurant. Meron akong close friend sa Pinas na nuon pa man ay nanghihingi ng advise sa akin on how to migrate sa ibang bansa -USA, Canada at Singapore to be exact. Binibigyan ko naman sha ng tips kasi medyo may alam ako kahit papano. Nagaral kasi ako sa Canada for several years bago ako lumipat dito sa US on an investor's visa nung simula. Ako din naman ang tumulong sa mga pinsan ko para makapagmigrate sa Canada at yung iba para makapagwork sa SIngapore.

Yung friend ko ay walang kamaganak sa dalawang bansang ito, walang job experience na matindi sa Pinas (papalitpalit ng work hanggang ngayon ay call center employee na bagito at late 30's na siya..) and ang pinakamahirap, wala shang college degree. Sinasabi ko sa kanya ang options nya. Hindi ko din kasi siya ma-sponsor at that time kasi bagong tayo lang yung restaurant ko. Mahirap kasi iniisip nya na makakakworking visa sha as IT practitioner gayung wala naman shang college degree or work experience.. So ilang taong tinatrabaho niya makawork sa ibang bansa at walang nangyari. I feel bad for her pero kung Canada at Singapore ang gusto mong pasukan at magkaron ng working visa, unang unang requirement e yung educational background mo. So inencourage ko siya na tapusin yung pagaaral nya kahit na matanda na siya. Kaso matatanda na din yung parents nya kaya hindi na siya makapagral.. wala silang sapat na money para pagback to school siya. Namention nya na baka pedeng ipaREcto nya ang school papers nya tas isponsor ko siya, which I won't do. Ayoko kaya ng mga ganyang usapan no! ANg linis ng pagtatayo ko ng restaurant sabay masisira para lang sa pagtulong na mali?

Anyway, ilang taon na rin ang lumipas at araw araw palagi pa din kame naguusap sa phone ng friend ko. Almost a year ng mapansin ko na palagi niyang binabadmouth ang USA. Na "patapon ang USA" na "magiging ka-economy ng PInas ang USA", na lahat ng tao nagsisialisan sa USA kasi bagsak na ang ekonomiya nito. Okay lang, kasi may katotoohanan naman sa sinasabi nya. Although, hindi sha nagaapply sa akin dahil okay naman ang business ko dito. Ang mga kamaganak at asawa ko naman, okay ang mga trabaho nila..stable. So hinahayaan ko lang siya sa mga unsolicited opinions nya.. Hanggang recently, nakakayamot na shang kausap kasi ba naman, sabihan ba naman ako araw araw ng ganito "lipad ka na ulit sa Canada or balik ka dito sa PInas, babaksak na Amerika, wala ng cuenta pera nyo!" "hindi talaga maganda ang pamumuhay sa Amerika, basahin mo yung nasa yahoo news etc etc.." as in may week na araw araw shang may message sa akin stating na ganito dyan sa Amerika, blahblahblah. SInce kaibigan ko siya, ayoko naman shang sagutin ng pabalang, kasi ayaw ko shang masaktan. SO either tumatahimik ako or sinabi ko na, okay lang naman ako dito, wag kang magalala.
Pero salita pa din sha ng salita ng masasama tungkol sa pamumuhay dito sa USA.

Ito ang gusto kong sabihin:
bakit ba mas marunong ka pa sa mga nakatira dito, nakarating ka man lang ba dito para MALAMAN mo ang talagang sitwasyon ng pamumuhay dito?

hindi lahat ng nasa news e totoo. talagang maraming tumbang businesses dito dahil sa recession, pero ang recession naman ay worldwide, hindi nga lang ramdam sa Pinas kasi sanay na tayo sa hirap. Maraming mga tumbang businesses dito sa totoo lang, pero yun naman ay mga businesses na talagang dapat lang magsarado na,like Radioshack hello!?! Sa mga pinapagbuti naman ang serbisyo at produkto, hindi naman kame adversely affected ng recession.. In fact nagtayo nga ako ng business nung kasagsagan ng recession. In fairness, marami akong natulungang mga kamaganak sa Pinas dahil sa kinikita ko sa maliit na restaurant na ito.

Kahit naman bumaba ang US dollar to php, ano ba ang magandang naidudulot nito? HIndi ba't bumababa lang naman ang remittance na natatanggap ng mga taga PInas? Bumababa ba ang presyo ng mga bilihin sa pInas dahil dito? GUmaganda ba ang pamumuhay sa Pinas dahil sa bumaba ang US dollar? HIndi naman diba?

Isa pa, hindi naman pera lang ang batayan kaya yung ibang tao ay gusto manirahan dito. Tulad ko. Yung mga sasakyan namin, iniiwan namin sa driveway namin overnight, hindi kailangan i-lock. Wala kaming gate at hindi naman affluent neighboorhood itong tinitirahan namin, pero may peace of mind na hindi bastabasta may magssnatch, mangloloob ng bahay, etc.

HIndi ko sinasabi na mas maganda o mas TAMA na manirahan dito sa USA, ang sinasabi ko lang ay personal choice ko ang pagtira dito and sana, irespeto. Gayunpaman, hanggang vent lang ang magagawa ko dahil
kahit na yamot ako sa friend ko, alam ko naman ang pinanggagalingan ng pagkanega nya..
feeling ko kasi tumatanda na siya at wala siyang ipon (late 30s na siya), walang sariling bahay (nakikitira pa din sa magulang at nagrerent sila), wala shang career. Ni washing machine ata hindi sha nakapagpundar. Pano walang ginawa kundi magtambay. IN short, walang narating.

Sana mabasa to ng friend ko kasi sha ang nagintroduce ng website na ito sa akin eh.:bashful:
Friend, kung feeling mo ay wala kang narating, choice mo kasi na walang gawin. Sana phase lang yang pagkanega mo at hindi mo ugaliing mangdown.. kasi sa bawat pangddown mo, mas malulungkot ka lang.
Dahil alam mo deep inside na naiingit ka. HIndi naman sukatan ng pagkatao kung ano ang bihis at narating mo.
Nagkataon lang, may mga taong naachieve yung dreams nila, merong hindi. Pero sa mata ng Dyos, pantay pantay tayo. Kung hindi mo nagawa ang goals in life mo, wag kang nega. Kasi nakakarindi. AYan, hindi ko na tuloy sinasagot ang Skype calls mo. Kasi nakakarindi kang kausap.

Ang magsuggest is one thing. Pero ang paulit ulit na pagsabing lipat ka nalang ng ibang bansa o balik ka ng Pinas, nakakarindi. HIndi ka ba happy na maganda ang buhay ko dito? Wag kasing inggit.

Sorry vent lang po.

Comments

  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Tahan na. I'm with you. Oki? :)
  • Carlos_BCarlos_B PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I can relate. Tahan na, we're with you.
  • you don't have to rub your success on their faces. just be happy that you are living the life that you do because it is the life that you must have chosen.
  • THank you. Carlos_B. Thank you din to Jameaux
  • whiplash wrote: »
    you don't have to rub your success on their faces. just be happy that you are living the life that you do because it is the life that you must have chosen.
    ===
    Before you post a response, I suggest that you try to digest the context of what you're referring to. Para naman hindi halata na hindi ka marunong.
  • kimtushiki wrote: »
    THank you. Carlos_B. Thank you din to Jameaux

    lol. if everybody is thinking alike, then somebody isn't thinking. classic.

    or make your own forum where only people that agree with you can post. :glee:
  • kimtushiki wrote: »
    ===
    Before you post a response, I suggest that you try to digest the context of what you're referring to. Para naman hindi halata na hindi ka marunong.

    LOL

    this:
    feeling ko kasi tumatanda na siya at wala siyang ipon (late 30s na siya), walang sariling bahay (nakikitira pa din sa magulang at nagrerent sila), wala shang career. Ni washing machine ata hindi sha nakapagpundar. Pano walang ginawa kundi magtambay. IN short, walang narating.

    and this.....
    Sana mabasa to ng friend ko kasi sha ang nagintroduce ng website na ito sa akin eh.


    ang sinasabi ko lang naman - just be happy with your life. you already made it, why get so affected? just continue with what you are doing, baka inspire pa sila sa'yo instead of badmouthing them and telling them how you are well and how they suck. they say success is the best revenge for anything.
  • Carlos_BCarlos_B PEx Influencer ⭐⭐⭐
    whiplash wrote: »
    lol. if everybody is thinking alike, then somebody isn't thinking. classic.

    or make your own forum where only people that agree with you can post. :glee:
    hmm...antalino mo whip, hehe....isama ko nga sa rules ng toopanget yan, kailangan agree lahat na panget sila hahahhhaa
  • E talaga naman palang hindi ka nakakaintindi e. Di ba't isinulat ko na nagvent out ako dahil ayoko naman patulan ang kaibigan ko at maprangka ko sha't masaktan sha? saan mo nakuha na "and telling them"? Ikaw ang dapat dinedeadma. Sorry hindi ako nakikinig sa payo at suggestions ng mga mangmang.

    [/B]
    whiplash wrote: »
    LOL

    this:


    and this.....



    ang sinasabi ko lang naman - just be happy with your life. you already made it, why get so affected? just continue with what you are doing, baka inspire pa sila sa'yo instead of badmouthing them and telling them how you are well and how they suck. they say success is the best revenge for anything.
Sign In or Register to comment.