Home PEx Family and Society Parenting 101
Ho-Ho-Hope you have a holly jolly holidays, PExers! 🎅

Namamalo ba kayo ng anak/pamangkin?

Sorry if this has been discussed pero namamalo ba kayo ng anak/pamangkin?

The reason I asked is because my 8 year old nephew is becoming a bit of a challenge in terms of discipline. Since lumaki kaming magkakapatid sa palo (I'm proud to say that we are disciplined and respectful to our parents because of that upbringing), my sister (her mom) and my mom thought of not spanking the kid, mas gusto pa nila daanin sa salita. You know, the American way, thinking madadaan sa salita or pagiging grounded, bleh if you ask me. So long story short, hindi siya lumaki sa palo, so parang walang kinakatakutan kaya grabe mag demand or sumaway. Personally, the kid needs to be spanked (for discipline and show sense of authority) and afterwards explain the reason why para maintindihan ng bata, walang samaan ng loob afterwards and para hindi na ulitin.

So what do you say guys, to palo or not to palo?

To those who don't spank their kids, how do you enforce discipline?

Comments

  • SPANKING IS WRONG because it leads to emotional scarring. There are more effective ways of discipline and inflicting punishment.

    Magbigay ka ng concrete example ukol sa pagiging pasaway ng pamangkin at pag-usapan natin ang mainam na hakbang.

    --
    my_2_cents
  • Ok, wala siyang kinakatakutan like sinisigawan niya ate and mom ko pag may gusto siyang hindi nasusunod. Yesterday lang, pinagbigyan siya maglaro ng PSP for 1 hour and then mag-aaral na dapat. After 1 hour, hindi siya tumupad sa usapan so ayun, dinaan sa sigaw at iyak, how do you resolve that?

    Pagnasa mall, ayaw humawak, gusto lang kumalas tapos magtatakbo kung saan-saan, muntik na nga makabasag ng baso sa dept. store. Pag hinawakan mo naman at wag mo pakawalan, sigaw at iyak to the max na parang kami na ang pinakamasama.

    Lastly, hindi mo mapakiusapan ng maayos. Bigla nalang aalisin yung sapatos, hindi man lang ilalagay sa shoe box. Bigla nalang magaalis ng damit at tatapon lang sa tabi instaed sa laundry basket.

    *sign*

    EDIT: What do you mean by emotional scarring?
  • Kaboomskie wrote: »
    Ok, wala siyang kinakatakutan like sinisigawan niya ate and mom ko pag may gusto siyang hindi nasusunod. Yesterday lang, pinagbigyan siya maglaro ng PSP for 1 hour and then mag-aaral na dapat. After 1 hour, hindi siya tumupad sa usapan so ayun, dinaan sa sigaw at iyak, how do you resolve that?

    Una sa lahat, kailangan patingnan sa dalubhasa kung walang Attention Deficit Disorder (ADD) o Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) iyong bata. Kung mayroon, iba ang pagdisiplina kaysa sa batang normal. Wala akong alam sa pagdisiplina sa mga ganitong batang may kapansanan.

    Kung wala namang sakit ang bata, simpleng disiplina lang. Sinabi mo na ang dahilan ng problema - KINUKUHA SA SIGAW AT IYAK. Hindi dapat tinutularan ang pagsigaw at iyak. Kung ako ang magulang, pagsasabihan ko na hindi puede ang sigaw at iyak. Kung ayaw makinig at sigaw/iyak pa rin, ikukulong ko sa kanyang silid hanggang tumigil siya. Kung wala siyang sariling silid, ikukulong ko siya sa banyo hanggang tumigil siya. Karamihan sa mga bata, susuko na iyan pagkatapos ng ilang oras.

    Kapag hindi na umiiyak at sumisigaw, kakausapin ko na WEEKEND LANG puede maglaro ng PSP. Itatago ang PSP na iyan at hindi makakagamit nang wala kong pahintulot.

    Mahalaga ipakita ng mga magulang na sila ang IN CONTROL at hindi iyong bata.
    Kaboomskie wrote: »
    Pagnasa mall, ayaw humawak, gusto lang kumalas tapos magtatakbo kung saan-saan, muntik na nga makabasag ng baso sa dept. store. Pag hinawakan mo naman at wag mo pakawalan, sigaw at iyak to the max na parang kami na ang pinakamasama.

    Ganoon din ang disiplina. Kakausapin ko na hindi puede ang sigaw at iyak sa mall. Kapag sumigaw at iyak siya uli, hindi na siya makasasama sa mall.
    Kaboomskie wrote: »
    Lastly, hindi mo mapakiusapan ng maayos. Bigla nalang aalisin yung sapatos, hindi man lang ilalagay sa shoe box. Bigla nalang magaalis ng damit at tatapon lang sa tabi instaed sa laundry basket.

    *sign*

    Madali lang iyan. Itatago ko lahat ng damit at sapatos. Hindi siya makakapagbihis kundi niya aayusin ang mga gamit niya.

    Patirahin ng isang linggo ang batang iyan sa tahanan ko, titino iyan nang hindi nakakatikim ng palo o sigaw o pananakot.

    Mga anak ko na nasa tamang gulang na ngayon, hindi ko pinalo ang mga iyan noong mga bata pa. Pero consistent kaming mag-asawa sa pagdisiplina kaya ngayon mababait at mabubuting tao sila.
    Kaboomskie wrote: »
    EDIT: What do you mean by emotional scarring?

    Emotional scarring - magkakaroon ng traumatic experience ang bata at magkakaroon ng resentment ang mga bata.

    --
    my_2_cents
  • Thanks dude, I'll give it a shot and share it with my sis and mom.

    BTW, hindi ba mas traumatic yung ikukulong sa room or banyo hanggang tumigil umiyak?
  • Kaboomskie wrote: »
    Thanks dude, I'll give it a shot and share it with my sis and mom.

    BTW, hindi ba mas traumatic yung ikukulong sa room or banyo hanggang tumigil umiyak?

    Hindi dapat maging traumatic iyong sariling silid o banyo dahil dapat familiar sa kanya iyon. Huwag sa madilim na silid na unfamiliar sa kanya - traumatic iyon.

    Pansamantalang hakbang lang itong pagkulong - TIMEOUT TECHNIQUE ito. Sa mga susunod na araw, kapag na-realise ng bata na hindi siya pinapansin sa kanyang mga tantrum, ititigil na niya iyon. MANIPULATING TECHNIQUE niya iyon. Ang mali kumakagat iyong magulang ni sa tantrum niya. Kapag wala nang tantrum ang bata, mas madali nang kausapin at paliwanagan.

    Ang susi sa pagdisiplina ng bata ay CONSISTENCY at FIRMNESS. Hindi pamamalo, hindi paninigaw, hindi pananakot.

    Disclaimer: assumptions dito walang ADD o ADHD iyong bata.

    --
    my_2_cents
  • Thanks brod, this really helps.
  • ^^Balitaan mo naman kami sa magiging resulta ng ugali ng bata makalipas ang ilang linggo. Consuelo del bobo man lang namin.... :glee:

    --
    my_2_cents
  • Huwag ka dapat namamalo ng hindi mo anak, let the parents handle their kids.

    Namamalo ako ng anak, pinalo din ako ng parents ko nung bata ako, lumaki naman akong matino, may takot sa kanila, pero nandun yung pagmamahal at pang unawa kung bakit nila ako napalo noon. Dapat kasi kung mamamalo ka, never use your hands. Gamit ka ng tsinelas, tapos dapat sa pw et lang, huwag sa ibang parte, kasi hands is for caring.

    After mo paluin, i explain mo sa bata kung bakit mo siya pinalo, at i explain mo sa kanya, na ayaw mo lang siyang lumaking pasaway. Dapat nauunawaan ng bata kung bakit siya pinalo, at hindi dahil trip mo lang.

    Very rare ko na napapalo ang anak ko ngayon, kasi isang tingin ko lang tigil na siya kung ano man ang masamang ginagawa niya, so happy naman ako, we're like bestfriends, pero nandun pa din yung authority ko when she does something wrong, same relationship I have with my mom, I know how much she loves me, pero pag sumobra ako, alam ko ang kalalagyan ko haha.
  • Borjok wrote: »
    After mo paluin, i explain mo sa bata kung bakit mo siya pinalo, at i explain mo sa kanya, na ayaw mo lang siyang lumaking pasaway. Dapat nauunawaan ng bata kung bakit siya pinalo, at hindi dahil trip mo lang.

    Hindi ba maaaring paliwanag na lang at wala nang palo?

    --
    my_2_cents
  • my_2_cents wrote: »
    Hindi ba maaaring paliwanag na lang at wala nang palo?

    --
    my_2_cents

    depende kasi eh, like ako hindi ako namamalo without three warnings, minsan nga sobra sobrang warning talaga bago ako mamalo. Hindi naman dapat paluin ang bata agad agad, depende yan kung nakuha sa magandang usapan or not.

    Sa experience ko, kids.. they will test you. Kung mag bend ka sa gusto nila, o kung hanggang saan ka, kung kakayanin ka nila.

    I have a nephew, sobrang masama ang ugali ng batang yun, five years old pa lang. Dahil hindi naniniwala sa palo ang parents niya, ang ginawa sa kanya stand in one corner, or inalisan ng privilege, pero balewala sa kanya yun.

    Face the wall? tawa tawa pa yang bata na yan.

    Kinulong nung ama sa basement, ayun kumanta pa ng rock.

    bottomline, iba iba ang bata, iba iba ang approach. Pwedeng nag work sa mga anak mo na hindi ka namamalo, pero hindi ibig sabihin na mag work yan sa ibang bata.

    So for me, ikaw bilang isang magulang, kilala mo ang anak mo, so ikaw dapat ang mag isip ng approach at best method on how to handle your kid.
  • Borjok wrote: »
    I have a nephew, sobrang masama ang ugali ng batang yun, five years old pa lang. Dahil hindi naniniwala sa palo ang parents niya, ang ginawa sa kanya stand in one corner, or inalisan ng privilege, pero balewala sa kanya yun.

    Face the wall? tawa tawa pa yang bata na yan.

    Kinulong nung ama sa basement, ayun kumanta pa ng rock.

    Walang ADHD/ADD iyong bata? Hindi rin uubra ang pamamalo sa batang may ADHD/ADD.

    --
    my_2_cents
  • ^ he's normal, akala nga namin may diperensiya, pinatignan na sa especialista, normal naman. sadyang matigas lang ang ulo, na baby kasi nung mga grandparents. Medyo matino tino na ngayon, natutong namalo yung mommy niya, medyo behaved na din, sana nga.
  • Borjok wrote: »
    ^ he's normal, akala nga namin may diperensiya, pinatignan na sa especialista, normal naman. sadyang matigas lang ang ulo, na baby kasi nung mga grandparents. Medyo matino tino na ngayon, natutong namalo yung mommy niya, medyo behaved na din, sana nga.

    Kaya naging matigas ang ulo kasi nagkaroon ng CONFLICT IN DISCIPLINE. Iba ang disiplina ng mga grandparents at iba ang parents. Naging confused tuloy iyong bata.

    Tulad ng sabi ko kay TS, CONSISTENCY at FIRMNESS ang susi sa pagdisiplina sa bata. Iyong palo, hindi talaga kailangan. May risk pa magkaroon ng emotional scarring ang bata kapag pinalo. Risk lang naman - hindi lahat nagkakaroon ng ganoon.

    --
    my_2_cents
  • jeric92002jeric92002 PEx Rookie ⭐
    my_2_cents wrote: »
    Kung wala namang sakit ang bata, simpleng disiplina lang. Sinabi mo na ang dahilan ng problema - KINUKUHA SA SIGAW AT IYAK. Hindi dapat tinutularan ang pagsigaw at iyak. Kung ako ang magulang, pagsasabihan ko na hindi puede ang sigaw at iyak. Kung ayaw makinig at sigaw/iyak pa rin, ikukulong ko sa kanyang silid hanggang tumigil siya. Kung wala siyang sariling silid, ikukulong ko siya sa banyo hanggang tumigil siya. Karamihan sa mga bata, susuko na iyan pagkatapos ng ilang oras.--
    my_2_cents

    Feeling ko habang humahagulgol sa iyak ang bata at sinabayan ng kulong mas lalong magwawala eh. Ganyan kasi ginawa ng lola ko sakin nung bata ako, mas nagwala ako sa iyak at pinagkakabog ko yung pinto hindi dahil sa nag tatantrum ako nung time na yon, kundi sa sobrang takot ko. Siguro mga 5 years old ako nun :(
  • jeric92002 wrote: »

    Kaya mahalaga FAMILIAR sa bata iyong TIMEOUT AREA para hindi matakot. Hindi dapat matakot iyong bata sa sarili niyang silid dahil doon siya natutulog. Ang layunin ng TIMEOUT ay i-ISOLATE ang bata at hindi TAKUTIN.

    --
    my_2_cents
  • jeric92002jeric92002 PEx Rookie ⭐
    my_2_cents wrote: »
    Kaya mahalaga FAMILIAR sa bata iyong TIMEOUT AREA para hindi matakot. Hindi dapat matakot iyong bata sa sarili niyang silid dahil doon siya natutulog. Ang layunin ng TIMEOUT ay i-ISOLATE ang bata at hindi TAKUTIN.

    --
    my_2_cents

    awts di ko pala nasabi, hindi ako kinulong sa kwarto ko, kinulong ako sa bodega namin :(. Grabe mas iyak ako nun kasi nakakatakot sa bodega huhu baho pa.

    any how, may anak narin ako. Ok sakin ang palo ang bata, pero hindi naman talagang gulpi at may kasamang pagsasabihan. Lalo't nagpapaalaga lang kami ni wifey ko, yung mga nag aalaga mga konsintidor. Kapag pinapagalitan namin yung bata eh ayaw nila. :(
  • jeric92002 wrote: »
    awts di ko pala nasabi, hindi ako kinulong sa kwarto ko, kinulong ako sa bodega namin :(. Grabe mas iyak ako nun kasi nakakatakot sa bodega huhu baho pa.

    Maghigante ka na lang sa lola mo: itapon mo sa BULOK na SENIOR HOME tapos huwag mo nang dalawin magpakailan man! He who laughs last, laughs the hardest! :bungi:

    --
    my_2_cents
  • jeric92002jeric92002 PEx Rookie ⭐
    ^hay nako! kung pwede lang eh :glee: chos hahaha love ko naman si lola kow :)
    kaya lang kinuha na nila Lord si lola
  • rubberr_duckyrubberr_ducky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kaboomskie wrote: »
    Sorry if this has been discussed pero namamalo ba kayo ng anak/pamangkin?

    The reason I asked is because my 8 year old nephew is becoming a bit of a challenge in terms of discipline. Since lumaki kaming magkakapatid sa palo (I'm proud to say that we are disciplined and respectful to our parents because of that upbringing), my sister (her mom) and my mom thought of not spanking the kid, mas gusto pa nila daanin sa salita. You know, the American way, thinking madadaan sa salita or pagiging grounded, bleh if you ask me. So long story short, hindi siya lumaki sa palo, so parang walang kinakatakutan kaya grabe mag demand or sumaway. Personally, the kid needs to be spanked (for discipline and show sense of authority) and afterwards explain the reason why para maintindihan ng bata, walang samaan ng loob afterwards and para hindi na ulitin.

    So what do you say guys, to palo or not to palo?

    To those who don't spank their kids, how do you enforce discipline?

    This might also help...

    Spanking Kids

    Spanking [Merged]

    ***

    Para di OT ay di ko pinapalo anak ko. Yung mom niya gusto mamalo lalo na pag galing siya sa work (kasi raw ang kulit ng bata at stressed na siya). Gusto kasi idaan sa sindak at takot ang pag-disiplina sa bata. Sabi ko ay mas maganda na kausapin ang bata and do it like a heart to heart session.
Sign In or Register to comment.