Home PEx Campus Mapua Institute of Technology

Mapua Engineering course suggestion.

Ako po ay humihingi ng inyong payo para sa aking kukuning kurso. Ako po ay namimili kung ako po ay mag-memechanical engineering o civil engineering.
Ano po sa dalawang nabanggit ang magbibigay saakin ng mas mataas na kasiguraduhan kapag ako ay nagtapos na? Ano po ang mas madalo? Mahilig po ako sa matematika.

Comments

  • parehong kurso ay okey, kung sa padalian naman ay parehong mahirap and dalawang kursong yan kahit saan school ka pumunta. Sa mathematics naman, kahit anong engineering ay may maraming math. sa katunayan ay nagaaral ako ng ME sa mapua ngayon, at kung hindi ako nagkakamali sa aking bilang ay mayroon kaming 11-12 na math, lahat ng students na nagtatake ng engineering meron yan.

    At the end of the day, kahit ano sa dalawa ang piliin ay maganda, nasa sa iyo kung magproprosper ka. Sa engineering kailangan matiyaga ka at masipag ka, dahil kung hindi ay tiyak na aayawan mo ang kursong ito.
  • Ayos po ba ang Electrical Engineering?

    In demand po ba ito?
  • Ayos din yang electrical engineering, ang pagkakaalam ko ay indemand yan, pero suggestion ko sa iyo ay wag mong masyadong habulin and kursong in demand. kunin mo yung talagang gusto mo dahil mahihirapan kang magsurvive sa kahit anong kurso basta hindi mo gusto yung kinukuha mo. Sabi nga ng isa sa mga professors sa department ng ME ay kunin mo yung gusto mo at susunod na lang bigla ang pera.
  • di ko lang alam kung ABET Accredited na CE, pero kung totoo mas may advantage ka sa CE na makapagpractice sa US.
  • di ko lang alam kung ABET Accredited na CE, pero kung totoo mas may advantage ka sa CE na makapagpractice sa US.

    Yup. ABET accredited na ang CE. :)
  • @TS
    Kung ano ang gusto mo, yun ang kunin mo. bale wala kung kukunin mo lang kung ano ang uso, kung hindi ka naman mag eenjoy. Baka maistock ka lang sa mapua :))
  • @TS
    Kung ano ang gusto mo, yun ang kunin mo. bale wala kung kukunin mo lang kung ano ang uso, kung hindi ka naman mag eenjoy. Baka maistock ka lang sa mapua :))
    Just my two cents
  • brucelold wrote: »
    Ako po ay humihingi ng inyong payo para sa aking kukuning kurso. Ako po ay namimili kung ako po ay mag-memechanical engineering o civil engineering.
    Ano po sa dalawang nabanggit ang magbibigay saakin ng mas mataas na kasiguraduhan kapag ako ay nagtapos na? Ano po ang mas madalo? Mahilig po ako sa matematika.

    1. You need to like what your doing.. kung mahilig ka pala mag disect ng frog baka hindi ka pwede sa engineering :lol:
    2. know the industry.. know what is in demand.. sa pinas or to other countries if you're planning to migrate ;)
  • moxy4moxy4 PEx Veteran ⭐⭐
    mag CE ka tapos pasok ka sa DPWH :D
  • ^me kasama png extra income ata yun :D
  • moxy4moxy4 PEx Veteran ⭐⭐
    haha wag lang sobra mananapoles ka :lol:
  • ^^ hahaha oo nga bawal ang sobra sa pork... tingi tingi lang :bop:
  • Hi po! Ano po masasabi nyo sa Construction engineering and management? Mahihirapan po kaya ako maghanap ng trabaho since *** pong board exam tong program na to?
Sign In or Register to comment.