Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Love advice. After a long distance relationship

Ayun, nanghihingi po ako ng advice ng mga experts dyan.:hmm:

Naging kami po few years ago pa. we were senior hs friends and had a bf/gf relationship for about a year and a half.

eh grumaduate po kami ng hs and we were talking about whats next? san ka mag cocollege? pano na tayo? nung after graduation. tapos ako po sa manila magaaral sya naman sa bulacan. naging long distance relationship po kami nun hanggang nung nag 2nd year college na.

texts at phone calls na lang po kami naguusap. pero every sunday na lang un. tapos one day inopen ko po sa kanya kung itutuloy pa ba namin? halos di na po talaga kami nag uusap. ang mali ko, ako po nakipagbreak. ang reason ko po eh wala na **** kaming communication parang textmates/callmates na lang kami. tapos un hanggang sa nagaggree na sya. sobra syang nasaktan. iyak ng iyak

pero nag promise po ako sa kanya na magfofocus lang ako sa school wag muna lovelife. (and im serious here) maghihintay akong makatapos kami ng kolehiyo. tapos sinabi ko rin po sa kanya na sya *** pakakasalan ko pag stable na kami. seryoso din ako dun. ganun ko sya ka mahal. wala naman kaming binago sa communication nmin. nag babatian pa din kami pag monthsary namin.

tapos, ginawa ko na lang busy *** sarili ko sa school activities. no lovelife. ang sinasabi ko nlng sa mga kaibigan ko, taken na ko. tapos kinukwento ko sa knila love story nmin.


after 7 months ng break up namin, bigla na lang sya nagtext ng parang ganito "Hi *****! tandaan mo ikaw pa rin mahal ko ha. I love you. Ikaw lang."

di ko naintindihan nun. pero naramdaman ko parang may iba. pinabayaan ko na lang. simula nun di na kami naguusap. as in wala na talaga.

ngayon, kinuha ko number nya sa kapatid nya. nagtext ako sa kanya, kinamusta. tapos tinanong ko *** last text nya. dun ko lang nalaman na may boyfriend na pala syang iba. *** childhood friend nya yata.

sinabi ko sa kanya na mahal ko pa rin sya. tinanong ko kung mahal pa nya ako. sabi nya mahal pa rin nya ako.

anong gagawin ko? itutuloy ko pa ba? pero mahal ko pa rin sya eh </3

may mga gap sa kwento, tanong nyo nlng sakin. masyado na kasing mahaba. pero pls any advice? :( salamat

may balita pa ako na nagaaway sila nung bf nya. dalhin sakin.

Comments

  • susmaryosep ang labo niyo pareho :bop:

    pinakamaganda niyan magkita kayo at magusap ng maayos and see if you could still patch things up....karamihan ng LDR na naririnig ko eh yung mga malayo talaga sila sa isa't isa at hindi kagaya niyo na yung isa nasa Manila at yung isa nasa Bulacan lang naman pala.....short distance relationship lang yan....from Manila isang fx or bus lang nasa Bulacan ka na kaya :bop:
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ pero mukhang allowance basis pa lang sila kaya hindi makalabas ng dorm o bahay.

    try doing skype .... so you could see the facial reasons of your bf. if he starts to avoid doing the skype ... may ibig sabihin na yun.
  • Dumaan din naman ako sa allowance basis pero nagagawa kong ihatid mga once a week yung gf ko noon na tiga Malolos. Siya din na on allowance basis ay nagagawang lumuwas sa Maynila kapag Sunday para dalawin ako and siyempre for some sexy time.
Sign In or Register to comment.