Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Inlove sa masbatang lalake

He's 11 yrs younger than me, hes 19 im 30 single working, he's still in college. he loves me and he doesnt want to let go, we look good together and inlove. He looks older for his age and i look younger for my age... any advice...
«1

Comments

  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nung una kong nabasa akala ko Inlove sa masturbating lalake. :lol:
  • Age doesn't matter naman diba.. Kaya ok lang yan, nasa legal age nanaman kayo pareho.
  • Age doesn't matter. That's true. Pero mahihirapan ka dyan TS. Bilang lalake, madami pa yang daraan na mga bagay na hindi mo kakayanin bilang gf. Nandyan na yung pagiging pasaway, pambababae, problem sa career nya, gimik, out of town with barkadas, madami pang makikilalang girls sa work after school... At dahil sa andyan ka, hindi nya ma-eexperience yun. Ma-frfrustrate sya at feeling nya sinasakal mo sya. Nandyan din yung issue na you're 30. Panong naging issue? Kasi sooner or later gugustuhin mo na magka-baby. Women, particularly Filipinas eh naghahabol sa age dahil may belief tayo na mahirap manganak kapag matanda na... well supported naman ito nang medical studies. So maprepressure kayo na magpakasal. Kaya ba nya responsibility? kaya ba nang maturity nya yun? Kaya ba nya financially and emotionally?

    Hindi issue ang age. Im sure of that. Pero you need to consider those things.
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pabuntis ka na.

    Yehey,

    In Lababo
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    cradle snatching ang peg mo teh?

    wala pang alam sa pakikipag relasyon yang 19... laro laro pa lang na relasyon ang nadaanan nyan... ikaw eh ready to settle down na, yung bata eh ngayon pa lang namumulat sa buhay... di ka naman siguro ganun ka desperate para ituloy yang gusto mo (just because you look good together) nantokwa!
  • yun nga talaga ang mga issues pag bata pa napakadaming isuues, madami gusto, unlike pag matanda na. problema kase ayaw mag let go e... pano mo naman ipapaliwanag ng d masasaktan... lalo kung inlove na inlove sayo? pwede pa bang maging magkaibigan nalang?
  • hahaha bata pa to college pa nga nag aaral pa..just break up with him..he doesn't need a very good excuse kasi he won't understand..unless ma-experience niya. just tell him he needs to graduate first and have a job. time will tell if kayo talaga.
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Rookie ⭐
    Swerte ni totoy. Daming makukuha kapag birthdays/xmas/monthsarries. Tapos pag new year, putukan pa!

    Okey yan TS, pagpatuloy mo lang. Wag ka lang papabuntis ha! :glee:
  • He's 11 yrs younger than me, hes 19 im 30 single working, he's still in college. he loves me and he doesnt want to let go, we look good together and inlove. He looks older for his age and i look younger for my age... any advice...

    ok lang po yan. i enjoy mo na lang kung ayaw niya makipag break. wag lang soooo serious. :) enjoy lang and have fun! sa tagal din magsasawa yan batang lalaki at hahanap naman ng iba. bata pa yan magbabago pa isip.
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    .wala pa sha maraming choices na girls kaya nag stick pa sha sayo . Baka pag practice-san ka lang , sayang ang pagod, pera at panahon . sa age nya nagsisimula pa lang mag explore sa mundo, iiyak ka lang ng marami
  • tuloy mo lang, wala naman mawawala sayo.
  • sya nga ang umiiyak pag iiwanan tinatry kong makipagbreak, naguguilty ako sa lahat ng bagay, sa age, sa mga pwedeng maexperience nya kung wala sana ko sa buhay nya, tsaka d nya ko mapakilala sa family nya at sa family ko kahit gustuhin kase im older than her sisters and yung family ko d maiintindihan kase culture natin lalake dapat ang matanda hinde ang babae.. sa case namin more than 10yrs rare.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    true.. age does not matter. kaya lang hindi ibig sabihin 'nun walang challenges.

    he's still young.. marami pa siyang mararanasan at madadaanan.

    from 19 'till he turns say, 27-28.. especially when he starts working.. magkakaroon siya ng exposures. bagong kilala na mga female office mates. ang iba sexy, attractive, kalog, etc.. hindi mo masabi kung matukso siyang lumiko. lalaki eh. kainitan.

    'yan ang risk sa part mo. observe ka ng say, 5-7 years hanggang maging mature siya at tingnan kung kayo pa rin? by then 35-37 years old ka na. abah..

    tingnan mo a few years from now kung makakita ka ng pagbabago sa kanya. ikaw lang makakasagot niyan.

    hindi namin sinabing it wont work. pero consider mo lang, dahil medyo malaki age gap ninyo. mabuti kung baliktad siya ang mas matanda.

    anyway, good luck.

    galingan mo ipitin mo siya TS hah. :hiya:
  • lol iyun nga pinagiisipan e kahit san kasing angolo walang pagpipilian kundi bitawan at humanap ng iba... kase nga lake ng age gap...
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sya nga ang umiiyak pag iiwanan tinatry kong makipagbreak, naguguilty ako sa lahat ng bagay, sa age, sa mga pwedeng maexperience nya kung wala sana ko sa buhay nya, tsaka d nya ko mapakilala sa family nya at sa family ko kahit gustuhin kase im older than her sisters and yung family ko d maiintindihan kase culture natin lalake dapat ang matanda hinde ang babae.. sa case namin more than 10yrs rare.



    Mahal na mahal mo rin sha TS, kaya hindi mo rin kaya i- give up sha ng ganun ganun na lang. Pwede naman pagpatuloy ang relasyon, malay nga natin baka maging kayo din sa huli , basta wag lang mag expect.
  • iniintay ko na nga lang makakita sya ng iba para masmagaang sa kanya mkipaghiwalay at d nmn ako makasakit... dun siguro madadalian na syang mag let go...
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Akala ko sobra inlove ka sa kanya din , dapat pala yung batang bf mo ang dapat namin pagsabihan at kaawaan :lol:
  • inlove nga ko sa kanya, pero naiisip ko parin ang tamang gawin.. masakit bitawan ang taong mahal mo pero kung kailangan para masmaging maayos ang buhay nya at maging normal bakit naman hinde... ayoko nmn maging selfish ipitin sya... at pagsisihan nya in the future yung makasama ko vs sa mga pede nyang gawin kung wala ako...
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    putulin na at sabihin mo sa kanya hanggat maaga pa na ayaw mo na , para naman hindi sha umasa pa na magtatagal kayo..

    Good luck na lang TS, kaya mo iyan... sayo pa naman ako kampi, kase babae ka :lol:


    ( parang ang gulo na ng mga sinabi ko, sising sisi ako sa pag post) :rotflmao:
  • ty sa post mo :) naguguluhan pa talaga ko lol...ang hirap gawin ng tama hahaha ^^
Sign In or Register to comment.